Kasalukuyan nandito kami ngayon sa may labas ng bahay isang beses pa lang ng pagdoorbell ko ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Ilang sandali ay nakita ko ang pagmumukha ni Annalyn.
"Akala naman namin babae kasama mo, lalaki pala." Sabi pa niya
"Suprise kasi yan friend, pasok na tayo." Sabi ko
"Sige, pasok na kayo sa aming bahay." Sabi ni Annalyn
"Ang bait mo naman sana lahat." Sabi ni Mike
Hindi na siya pinansin pa ni Annalyn ngumiti na lang siya rito at nauna na pumasok sa loob habang nakasunod kami na pumasok na lima.
Pagpasok sa loob ay pinaupo ko sila sa may sofa kasi nagbabalak ako na mag ayos ng sarili ko.
"Dito lang kayo magbibihis lang ako kapag hinanap ako nung tatlong kaibigan ko sabihin niyo nagbibihis ako mga pre." Sabi ko
"Sige kami na bahala bilisan mo lang baka sabunin kami ng tanong e." Sabi pa ni Mike
"Wag kayo mag alala hindi naman sila ganoon ka OA e." Sagot ko
Nagpaalam na ako at naglakad na paakyat sa may taas pagpasok ko ay nag umpisa na akong sa pagbibihis mahirap na baka mamaya talagang magmaktol yung apat sa akin kasi na bully sila. Pagkatapos ko magbihis ay nagmadali na ako bumaba at naabutan ko yung apat na nag uusap.
"Infainess seb mababait sila, lalo na si Annalyn nakaka inlove." Sabi ni Gladymier
"Ligawan mo na kaya siya para medyo tumahimik na siya." Sabi ko
"May babae na akong mamahalin e." Sagot ni Gladymier
Nakatanggap ng paltok si Gladymier sa tatlong kaibigan niya.
"Walang pagsabi malihim talaga." Sabi ni Mike
"Mag uusap tayo mamaya." Sabi naman ni Vince natatawa na lang ako sa kanilang apat natigil na lang ako sa pagtawa ng makita ko si Ange.
"Kakain na raw tayo sumunod na lang kayo." Sabi niya tapos alis
"Ganoon talaga yun." Tanong ni Vince
"Oo ilap sa mga tao yun e." Sagot ko
"Pero infairness maganda siya." Sabi naman ni Gladymier
"Wala naman pangit sa amin e, tara na kain na tayo." Sabi ko nauna na ako sa kanila sa hapag kainan nagulat pa ako kasi walo na yung kasya sa may lamesa siguro inayos nila.
"Sarap siguro niyan." Biglang sabi ni Mike
"Yes of course" Sabi ni Ange
Natatawa talaga ako kay Angelica nagtataray na naman kasi siya ganyan din naman siya sa amin kaya sanay na talaga kami sa kaniya.
Habang kumakain ay hindi nagsasalita yung apat at sobrang tahimik namin kaya naman nagsalita na ako para hindi ganoon katahimik.
"Okay na yung assignment niyo Ange at Anna." Tanong ko
"Not yet pa, mamaya na namin tatapusin yun." Sagot ni Ange
"By the way meet my bisita, Mike, Gladymier, Mark and Vince." Sabi ko tapos ay nakipag handshake sila.
"Meet Angelica, Annalyn and Jasmin." Pakilala ko naman sa mga kaibigan ko.
"I already know Mike and Mark last time si Jm pa ang nagpakilala sa akin and then si Mark, naka usap ko na rin siya." Sabi pa ni Jaja
"Yup a co incedence." Sabi pa ni Mark
"Destiny ang tawag doon." Sabi ni Gladymier katabi ko siya kaya naman nakatikim siya ng kurot.
"Anyway, maiba tayo paano niyo nakilala yan si Larryl first day pa naman ngayon?" Sabi ni Ange
"Dahil sa akin, nakasama ko sila kanina kasama ko rin si Larryl kaya pinakilala ko na rin hindi ko alam na kilala rin pala ni Jasmin si Mark at Mike small word talaga." Sabi pa ni Gladymier
"Siguro, ang galing nga naman talaga hope na sana mas maging close pa tayong apat, kung ayos lang naman sa inyo." Sabi naman ni Annalyn kaya naman nakatanggap siya ng sabunot kay Jaja.
"Ang brutal sis, bakit masama ba makipagclose as if naman bawal choosy pa ba ako sa close." Sabi niya pa kaya naman natawa yung apat na lalaki.
"Okay lang naman atsaka naghahanap din kami ng mga kaibigan na babae hirap din talaga makahanap e." Sabi ni Mike
"Pag iisipan pa namin ang about sa bagay na yan." Sabi naman ni Ange
"Maiba tayo ano course niyo boys?" Tanong ko
"Engineering ako kasama si Mike, kaklase ko sa isang subject si Jaja tapos sa photographer naman si Vince tapos culinary si Gladymier kayo ba?" Sabi ni Mark
"Ako fashion designer, Samantalang si Annalyn at Angelica naman journalist and then culinary si Larryl." Sabi naman ni Jasmin
"Ang cool naman, pero kayo lang talaga rito nakatira." Tanong naman ni Vince
"Yup, mas masarap ang independent." Sagot ni Angelica tapos ay tumayo para mag ayos.
"Seryoso, paano ang sa bayarin?." Tanong naman ni Mark
"Sa mga parents na namin yun, nagpapadala tapos hati hati kami." Sagot ko
"Ikaw ang toka sa paghuhugas Larryl." Sabi ni Angelica
"Kami na maghuhugas." Prisinta ni Mark
"No, kaya na namin ito balik na ulit kayo sa may sala maglilinis na muna kami." Sabi ko
Wala na silang choice buti na lang nalagay na sa freezer yung ice cream at chocolate hindi ko na mention kanina sa inyo e.
Naiwan kami ni Annalyn ngayon dito sa hapag kainan siya ang nagpupunas samantalang ako naman ang nagdadala ng hugasin sa may lababo kung nagtatanong kayo about sa katulong ayaw namin kasi kaya independent may tao ba na malaya na may katulong edi hindi independent tawag doon umaasa yun.
Pagtapos ni Annalyn maglinis nag umpisa naman ako na maghugas katulad ng sinabi ko habang naghuhugas ako ay inaalala ko yung mga nangyari sa akin ngayong araw parang andami agad ganap imagine mga katulad namin na transferee nakatagpo agad ng mga kaibigan sa paaralan na hindi namin alam ang kabuan na detalye is this what you call co incidence o talagang nakatadhana na talaga mali hindi tadhana yun kasi desisyon ko naman/namin yun e.
Naghugas na lang ako at hindi nag isip ng kung ano ano sa buhay ko kakaloka naman kasi e. Hindi ko maiwasan mag isip isip.
Kakatapos ko lang maghugas ng makita ko si Jaja na may kinukuha sa ref yun pala iinom siya.
"Ano na ganap?" Tanong ko
"Wala naman balak namin mag truth or dare e." Sagot niya
"Sali ako paano ba ang mangyayari." Sabi ko
"Spin the battle."
"Gabi na kaya next time na kaya mga be." Sabi ko
"Ikaw magsabi sa mga bisita mo mapilit sila e." Sabi niya pa tapos ay balik sa pitsel sa ref at naglakad na palabas sumunod naman ako sa kaniya nakita ko na nakaupo na yung anim sa may sahig kaya lumapit ako sa kanila at tumabi kay Mike.
"Maglalaro kayo gabi na baka hanapin na kayo sa inyo mga pre." Sabi ko
"Nagtext na kami sa kanila, basta wag lang daw abutin ng 10pm." Sagot ni Vince
Tiningnan ko yung orasan namin 8:03 pa naman may 1 hour pa mahigit.
"Sige isa lang tapos kainin natin yung ice cream at chocolate." Sabi ko bigla na lang napangiti si Ange.
"Yes may ice cream, yiee kakilig." Sabi pa niya kaya naman natawa yung boys.
"Sa ice cream yan kinikilig." Sabi ni Jasmin sabay upo sa tabi ni Ange
"Syempre comfort food e." Sagot naman ni Ange
"Simulan na natin para makakain na tayo." Sabi rin ni Jasmin
Ang puwesto namin is paikot ako, si mike, gladymier, vince, tapos si mark, sa tabi niya si jaja, si ange, annalyn tapos ako sa tabi ni annalyn.
Ang unang nagspin ay ako since sa puwesto ko na yung battle pagspin ko napunta kay Jasmin.
"Truth." Sagot niya matapang kaya siya kapag naglalaro kami.
"Sino sa mga taong nakakasama mo o kahit hindi mo nakakasama ang naiinis ka talaga." Sabi niya pa napaisip siya bigla.
"Yung Mr.Stranger caller ko." Sabi niya pa kaya naman napatingin ako kay Mark na mukhang deadma lang.
Si Jasmin ang nagspin at kay Vince naturo.
"Dare sa 'kin." Sabi naman ni Vince
Nag isip na muna si Jasmin grabe rin mag pa dare yan e, nakakawala ng dignidad lalo na kapag public places na siya.
"Since hindi pa tayo close, kanta ka na lang kahit chorus lang ng tadhana." Sabi pa niya
Akala ko aangal siya kaso nag umpisa na siya kumanta.
"Ba't di papatulan ang pagsuyong nagkulang tayo'y umaasang hilaga't kanluran ikaw ang hantungan at di lang kanlungan mo ako ang sasagip sayo~" Kanta ni Vince
(Please correct me if mali guys, hindi po ako nag search ng lyrics kasi kinanta ko lang at base on my own understanding po yan lol.)
Kanta niya hindi namin maiwasan na humanga sa ganda ng boses niya kaya todo palakpak kami.
"Next na juskoo." Sabi ni Ange
Pagspin naman ni Vince kay Annalyn naturo ang battle.
"Truth." Sabi pa niya
"Ideal guy." Tanong ni Vince
"I don't have ideal, basta kung kanino tumibok ang puso ko roon ako at yun ang ideal guy ko." Walang kahirap hirap na sagot niya
Since naghiwalay sila ni Aljon naloka siya kaya sinabi niya at pinangako niya na kung saan titibok ang puso niya roon siya.
Pagspin naman ni Annalyn sa battle ay kay Gladymier naturo.
"Truth." Sabi ni Gladymier
"Saan ka mas na iinlove sa taong maganda o sa taong mabait?" Sabi ni Annalyn
"Sa mabait." Sabi naman ni Gladymier
Spin ulit kay Angelica naman naturo.
"Truth." Sabi niya
Binulungan ko si Gladymier na ang itanong ay about sa past niya.
"Mahal mo pa ba si ex?" Tanong niya
"Hindi." Sagot lang ni Ange
Pagkaspin ni Ange kay Mike tumutok.
"Dare." Sabi niya
"Pakuha ako ng tubig, nauuhaw na talaga ako e." Sabi ni Ange
"Alam mo ba saan ka kukuha?" Tanong ko
"Oo naman wait kuha lang muna ako magspin na kayo riyan." Sabi pa niya sabay tayo niya kaso hinintay pa namin siya ilang sandali ng paghihintay nakarating siya dala ang tubig.
"Thankyouu." Sabi ni Angelica
Nagspin na si Mike at kay Mark naturo ang battle.
"Truth." Seryosong sagot niya
"Mahal mo ba yung taong iniinis mo?" Tanong ni Mike
"Nope gusto ko lang siya hindi mahal tskk." Seryosong sagot niya pa
Since ako na ang last ay ako na ang tatanungin ni Mark.
"Dare sa 'kin." Sabi ko
"Makipag holding hands ka ng 10 seconds kay Gladymier." Sabi ni Mark
"Sige wala naman malisya e, basta walang dayaan ng bilang." Sabi ko
Lumapit ako kay Gladymier at nakipag holding hands tapos sabay sabay sila na nagbilang. Pagtapos ng 10 second ay nagsalita si Angelica
"Kain na tayo ng ice cream." Sabi pa niya tapos tatayo na siya ng bigla na lang siya madapa kaso mabilis si Vince kaya nahawakan siya nito sa kamay kaya hindi siya nadapa.
"Thank you Vince." Nakangiting sabi pa ni Ange
"Welcome, take care minsan kasi hindi sa lahat ng pagkakataon na mahulog ka may sasalo sa'yo." Seryosong sabi ni Vince samantalang deadma na lang si Angelica na naglakad papunta sa may kusina.
Sinundan na namin si Angelica at hinayahan na namin yung apat na lalaki rito sa may sala, kami na ang nag assist sila naman din ang bumili e.
"Kayo na lang kumuha kung gaano karami." Sabi ni Jasmin sabay lapag sa ice cream at baso.
"Thank you rito, nakakatuwa talaga e." Sabi ni Ange tapos upo sa may sofa katabi kay Mike.
"Kaya nga e, next time treat namin kayo." Sabi ni Jasmin
"Sana lang talaga." Sagot ni Mike
Tatlo ang sofa namin kaya kasya kami sa isang sofa ang katabi ko si Jaja, sa may isa naman ay si Gladymier, Mike at Ange tapos sa isa ay si Mark, Vince at Annalyn. Habang kumakain kami ay kinikilala namin ang isa't isa at ng mga kuwento ng buhay namin.
"Yung pamilya ko ay hiwalay lumaki ako na broken family mahirap pero kinakaya kailangan maging matatag e." Sabi ni Jaja
"Hindi halata sa personality mo." Sabat ni Vince.
"Syempre ayoko magmukhang kaawa awa sa harap ng mga tao." Sagot naman ni Jaja.
"Proud kami sa'yo." Sabi ni Mike
"Thank you." Sabi ni Jaja
"Si papa maliit pa lang ako namatay na siya si mama nasa ibang bansa kaya naman nagkaroon ako ng mga magulang na nag ampon sa akin ampon lang ako pasalamat ako kasi mababait sila." Sabi ko naman sa kanila.
"My mom and my dad is very supportive sa lahat ng gagawin ko pero si Mama ay strict gusto niya ako yung best sa lahat ayaw niya na kulelat ako while Daddy is proud of what I have." Sabi ni Ange
"You mean supportive sila sa mga bagay na pinagsisikapan mo at proud lang sila kapag ikaw ang the best sa mga bagay tama ba?" Sabi ni Vince
"Yes tama ka." Sabi ni Ange
"Ako natural na family katulad sa mga family yun lang kami ganoon ang klase ng family namin pero marami rin problema." Sabi naman ni Annalyn
Sunod naman na nagbahagi ang mga lalaki ng kuwento nila sa buhay.