Tumayo na ako at naglakad papunta sa may harapan nakita ko na tinarayan ako ni Trisha narinig ko kanina nung sinabi ni Mier ang name niya.
"Good morning, My name is Larryl Ann Lopez, 19 years old, wala na akong pamilya na tinutuluyan magkakasama kami ngayon ng mga kaibigan ko, independent na ako may mga umampon sa akin pero hindi ko rin inabala kaya nagsolo ako kasama sila bess, matapang ako at iba magalit." Thank you.
Tapos ay naglakad na lang pabalik sa upuan ko nakita ko yung mukha ni Mier na natatawa hindi ko alam kung saan banda sa sinabi ko siya natatawa wala naman kasing nakakatawa e.
"Tuwang tuwa ka." Sabi ko
"Kasi naman hindi ko alam na ganyan ang personalities mayroon ka tapos adapted ka pala at wala ng parents. Nakaka amaze ka." Sabi pa niya
"Tsee, kailangan sa buhay e." Sagot ko.
Nagulat ako kasi nakatingin ang mga kaklase ko pati rin yung prof namin ewan ko bakit .
"Mr. Merced, your turn to introduce yourself." Sabi pa ni Ms. Escaño
"Okay." Sagot ni Mier
Tumayo na siya at pumunta sa harapan natatawa pa ako kasi nakabusangot siya moody rin pala ang isang 'to.
"I'm Gladimier Merced I don't want to call me Mier because special someone lang ang tatawag sa akin ng ganoon just call me my whole name, 19 years old about myself moody, nasaktan at iniwan pero pakiramdam ko magmamahal ulit ako sa pagkakataon na ito, nahanap ko na ang babaeng mamahalin ko pero hindi pa ito ang tamang panahon, mabait ako pero iba ako magalit." Sabi niya tapos ay naglakad pabalik.
Nagulat pa ako kasi ako lang ang pinapatawag niya na Mier kikiligin na ba ako dahil doon bawal maging assuming mahirap masaktan oo nga naman self alam ko naman yun e. Pagkaupo niya ay tumingin na siya sa may harapan samantalang ako nakatingin lang sa mga kaklase ko na nagpapakilala isa isa.
Makalipas ang kalahating oras ay nagpaalam yung prof namin dahil tapos na ang klase niya sa amin kaya naman nagmadali na ako mag ayos ng mga gamit ko akala ko kasi may isusulat kami kaya naglabas ako ng notes wala pala isusulat kainis kaya habang nag aayos ako ay nakasimangot ako sayang effort.
"Bakit ba nakasimangot ka, nagmana ka siguro sa akin na moody." Natatawang sabi niya hindi ko siya pinansin at naglakad na palabas sa room, naramdam ko na nakasunod siya sa akin.
"Kinakausap kita Larryl, bakit ba ang bipolar mo mayroon ka ba ngayon?" Tanong pa niya nasa tabi ko na siya ngayon.
"Wala." Sagot ko
"Anong problema mo?" Tanong pa niya
"Wala, nevermind." Sabi ko
"Ewan ko ba sa'yo, ang hirap niyo intindihin." Sabi niya pa na akala mo nilalambing ako.
Tiningnan ko ang schedule 1 hour vacant ko pala ngayon kakain na lang muna ako hindi pa naman ako nabusog kanina HAHAHA.
"Punta muna tayo sa canteen baka gutom ka lang kaya ka naiinis." Sabi niya pa tapos ay inakbayan ako kaya naman kinurot ko sa tagiliran.
"Wala naman akong sinabi na akbayan mo ako tanggalin mo yan." Sabi ko
"Heto naman para iwas sa mga girls kung hindi mo kasi natatanong habulin ako ng babae kaya iiwas ko na si self nakakapagod rin kasi habulin." Sabi niya pa
"Ano connect sa pag akbay mo?" Sabi ko
"Syempre iisipin nila kapag umakbay ako sa'yo tayo, pero palabas lang naman 'to." Sabi niya pa
Napailing na lang gagamitin pa ako sa kalokohan ayoko magkaroon ng haters.
"Basta ayoko, baka awayin pa ako lalo dahil sa'yo e. Bahala ka na sa buhay atsaka lalaki ka naman at hindi ka bakla kaya malamang sa malamang kaya mo na yung sinasabi mo na mga fan girls mo." Sabi ko
Hindi na siya nakapagsalita pa tinanggal na lang niya 'to at sumabay na lang sa paglalakad ko ilang sandali lang ay nakarating na kami sa canteen dumeretsyo na agad ako sa pilahan bahala na si Mier sa buhay niya kasunod ko siya sa pila balak pa sana niya sa may bungad kaso pinigilan ko kasi nakakahiya naman sa mga nauna.
Habang nasa pila panay ang kiliti niya sa 'kin kaya panay sagi ko sa kaharap ko sa pila buti na lang mabait siya.
"Ano ba yan Mier, masasapak kita riyan e." Sabi ko.
"Kausapin mo kasi ako wala kaya ako makausap wala rin mga kaibigan ko." Sabi niya pa.
"Bahala ka, nasa pila pa tayo mamaya na kita kakausapin kapag nasa mesa na tayo puwede ba." Inis na sabi ko.
"Sige, libre kita ano ba kakainin mo?"
"Mga linyahan mo mamaya prank yan mahirap na mapahiya." Sabi ko
"Gago, totoo nga ako na mag oorder tapos upo ka na roon sa may apatan alam ko mamaya may vacant yung dalawang tropa ko." Sabi niya
"Sige ikaw bahala basta masarap atsaka unli rice, gutom na talaga 'ko." Sabi ko sabay hawak sa tiyan ko.
"Sige." Sagot niya sabay gulo sa buhok ko kaya naman hinampas ko dahilan para pagtinginan kami ng mga tao pero deadma na lang ang ginawa ko.
Naglakad na ako paalis sa pila at umupo roon sa malapit sa mga lalaki na nag uusap samantalang ako ay walang pakealam malaki ang canteen masarap din ang mga food just wow talaga sa yaman ng may ari nito kakaloka. Makalipas lang din ang ilang minuto ay nakarating na siya ang dami niyang dala naalala ko pala na may mga kaibigan siya na kakain din baka mga katulad ko na patay gutom rin sila.
"Gutom ka na ba? Kain ka na hintayin ko lang yung dalawang kaibigan ko." Sabi pa niya
"Hindi okay lang, nakakahiya naman kakain ako tapos mamaya kayo na lang kakain habang ako nakatulala lang." Sagot ko
"Sige, malapit na rin naman sila e."
Ilang minuto lang din ang nakalipas ay nakarating na silang dalawa nagulat pa ako kasi tumabi sa akin yung isang kaibigan ni Gladymier.
"Hi Miss, ang ganda mo pala isa ka ba sa mga kalandian ni Gladymier, sinasabi ko sa'yo wag ka sa kaniya hindi kayo bagay." Sabi niya pa
"Tarantado, kaklase ko yan pinagsasabi mo mamaya maniwala sa'yo yan e." Sabi ni Gladymier
"Akala ko chicks mo, sayang kung iiyak siya." Sabi naman ng katabi ni Gladymier.
"Can you please stop, mabait si Gladymier sa akin siguro dahil first encounter pa lang, walang case for me kasi hindi naman ako marupok e." Sagot ko
"Awww, grabe ka naman sa 'kin." Sabi ni Gladymier
Tinarayan ko na lang siya andami kasing alam e.
"Wala kayong balak kumain? Mauuna na ako sa inyo." Sabi ko
"Bipolar ka pala, by the way Vince, tapos Mike." Sabi pa niya ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa.
"Larryl." Sagot ko
Nag umpisa na akong kumain, nagugutom na kasi talaga ako sana pala nauna na talaga ako ang moody ko na naman lalo na kapag gutom ako kainis kasalanan nila ito eh kaya pagtiyagan nila ang ugali ko.
Makalipas lang din ang ilang minuto ay natapos na kami ako ang nahuli matapos dahil sa mabagal talaga ako kumain.
"Punta muna ako sa cr." Sabi ko sabay tayo
"Tatae ka?" Tanong ni Vince
"Gago, iihi ako sasamahan mo ba ako roon Vince." Natatawang sabi ko
"Sure." Sagot niya
"Tarantado, sige na alis na ako hintayin mo ako rito Gladymier." Sabi ko.
"Oo hihintayin kita." Sagot ni Gladymier
Hindi na ako nagsalita pa at nagmadali na akong naglakad palabas buti na lang talaga at marami ang cubicle kaya kahit naiihi na puwede na agad. Pagpasok ko agad sa loob ay umihi ako buti na lang naka survive ako yes nakaihi rin sa wakas. Lumabas ako pagkatapos nagulat ako kasi maghuhugas ako ng kamay ng makita ko si Jaja.
"Uy be, saan ang next class mo?" Tanong ni Jaja
"301 te ikaw?"
"302 sa may first floor." Sagot niya
"Wala ka vacant?" Sabi ko
"Wala mamayang luch break lang talaga." Sabi niya pa.
"Papasok pa lang ako ngayon e, 1hour vacant ako e." Sabi ko
"Buti ka pa, by the way una na ako terror si prof e." Sabi niya pa
"Sige see you later." Sabi ko tapos beso na lang pag alis niya naghugas na muna ako ng kamay tapos ay lumabas naabutan ko si Gladymier na nakatayo sa may labas ng Male kaya nilapitan ko siya.
"May hinihintay ka pa?" Tanong ko
"Ikaw." Sabi niya
"Huh? Bakit nandiyan ka sa may Male." Sabi ko
"Syempre nakakahiya naman kung diyan ako maghintay sa may female kaya rito na lang." Sagot niya pa
"Okay, sige na tara na gusto ko na magpahinga e."
"Sige." Sabi niya pa
Naglakad na kaming dalawa papunta sa next class namin siguro sa luch namin hindi na ako makakain kasi two hours na lang bago yun sobrang busog na talaga ako at tbh natatae ako nahihiya lang ako rito tumae hindi ako komportable.
Pagdating sa next class yumuko na lang ako hindi na rin ako kinausap pa ni Gladymier alam naman niya na moody ako katulad niya, buti na lang understanding siya. Habang nakayuko ay nagulat na lang ako ng hawakan niya ako sa buhok isa pa naman sa kinaiinisan ko ang hawakan ako sa buhok kaya naman napaayos ako ng upo.
"Problema mo na naman Mr. Moody." Sabi ko
"Akala mo hindi moody para sabihan ako ng moody, baka mas bipolar ka pa sa 'kin." Sabi niya
"Paanong hindi magiging bipolar, juskoo kakainis ka rin kasi yung pagiging bipolar ko depende sa mood ng kasama ko pero hindi talaga ako moody sa'yo lang talaga." Natatawang sagot ko.
"Grabe ka naman sa'kin pero sige pag ikaw kasama ko iiwasan ko maging bipolar basta payagan mo akong hawakan ka sa buhok." Sabi pa niya
Wala naman kasi talagang case ang paghawak niya sa buhok ko naiinis lang talaga ako sa hindi malaman na rason nakakainis naman kasi bakit ba hindi ko katulad ang mga nasa binabasa at napapanood ko e.
"Sige deal, hawak buhok lang walang akbay at iba pa." Sabi ko
"Kaibigan na kita." Sabi pa niya
"Boybestfriend." Sagot ko
"Sige." Sabi pa niya
"Seb gusto ko tawagan natin ayoko ng clingy e, baka isipin couple tayo no way!." Sabi ko
"Sige seb, pero pahingi muna ako ng number mo incase wala kasi akong parating kausap sawa na ako sa mga kaibigan ko." Sabi niya pa sabay abot ng cellphone niya
"Same us." Sagot ko tapos kuha ng cellphone at type sa number ko.
"May kausap na rin sa wakas." Sabi pa niya
"Pero minsan busy ako kaya hindi mo ako always makakausap." Sabi ko
"Ayos lang yun."
"Ikaw bahala." Sagot ko tapos ay balik sa pagkakayuko.
"Nandiyan na si Ma'am wag ka na yumuko." Sabi pa niya kaya naman napabangon ako at humarap na sa may harapan, kakapasok lang ng prof namin at super inaantok na talaga ako kakaloka.
"Goodmorning students." Sabi ng teacher
"Goodmorning." Sagot namin
Natatawa pa ako kasi iniisip ko yung sa high school days yung Magandang umaga tapos pangalan ng teacher taas noo Rizaleño samahan pa ng Mabuhay. Pero since college na wala ng ganoon grabe naman kasi kapag mayroon pa rin.
Habang nakatingin ako sa may harapan nagulat ako kasi nagsalita si Ma'am.
"So ayun, may bago kayong kakalase at obvious naman talaga. So... pakilala ko siya sa inyo may alam naman ako about sa kaniya e." Sabi pa niya
"Please stand up Ms. Lopez." Sabi ni Miss kaya naman naglakad na ako papunta sa may harapan.
"So ayun guys, this is Ms. Larryl Ann Lopez, 19 years old." Sabi ni Miss.
"About her I know, tell me if tama sinasabi ko." Sabi ni Miss
"Opo." Sagot ko
"Okay, Ms.Lopez is a first honor students from kinder to High school and Miss Independent woman." Sabi ni Miss sabay tango ko
"Ang kaniyang mama ay nasa ibang bansa, ang kaniyang tatay naman ay patay na kaya independent na siya sa buhay, may mga nag adapt sa kaniya." Sabi ni Miss
"She's very intellengent and also a strong woman and I admire Ms. Lopez." Sabi ni Miss
"Yes po, thank you." Nahihiyang sabi ko
"Okay, that enough sit down Ms.Lopez." Sabi ni Miss.
Naglakad na ako pabalik sa upuan ko. Habang itong katabi ko nagsasalita.
"Ang sarap niya mahalin, keep ko siya kahit hindi niya ako ikeep." Sabi ni Mier.
Pagkaupo ko ay kinalabit ko siya ang weird niya infairness.
"Anong sinasabi mo riyan, ang weird mo." Sabi ko
"May narinig ka ba?" Sabi pa niya
"Wala naman bukod sa keep mo siya." Natatawang sagot
"Walang name?" Tanong pa niya
"Nope." Sabi ko
"Good."
Hindi ko na lang siya pinansin pa nagpatuloy na lang ako sa pakikinig sa sinasabi ng teacher namin na hindi na siguro balak magpakilala kakaloka ka Miss.