Paalis na yung prof namin nung nagpakilala siya ng klase she's Ms.Rivera dalawa na sa prof ko ang single baka students ang trip nila charot lang well wala naman akong masabi kasi mga gwapo ang students dito kaso hindi nila alam ang salitang gentleman kakaloka naman talaga sila rito hindi naturuan ang bawat isa ng manners parang baliktad ang nangyari parang ang labas ay students pa rin ang nasusunod. Wala naman kaso sa 'kin as well as wag lang ako hamunin ng away kasi hindi ko sila uurungan juskoo.
"Ano na naman ba iniisip mo feeling ko isang linggo na tayong magkakakilala seb sa sobrang bipolar mo." Natatawang sabi niya
"Tse, tigilan mo ako seb wala na naman ako sa mood ewan ko ba." Sabi ko
"Okay lang yan, hayaan mo na at ilang oras na lang uwian na natin makakapagpahinga ka na rin." Sabi pa niya sabay gulo sa buhok ko.
"Kaya nga e. Buti na lang talaga." Sabi ko na lang
Papunta na kami ngayon sa may last class namin for this morning siya na lang nakakasama ko okay na rin yun atleast may kasama kahit papaano kaysa naman alone ako mukha naman akong nerd well magandang nerd subukan niyo lang kumontra sapak kayo sa akin.
Makalipas lang din ang ilang minuto ay nakarating na kami kaso nagulat ako ng dumaan si Ange at Anna kaya naman todo bilis ako sa paghawak sa braso ni Ange kaya naman nagulat siya at napatigil siya.
"Infairness nakakagulat ka te." Sabi pa niya.
"Sorry naman mga te, saan na ang next clasa niyo?" Tanong ko
"Vacant na namin pero pupunta na muna kami sa may Library, magbabasa na muna kami may activity agad e." Sagot ni Anna
"Wow, amazing agad." Sabi ko
"Walang amazing doon sis, sige na alis na kami see you na lang sa may canteen, text text na lang." Sabi ni Anna
"Sige te, aral well." Sabi ni Ange
"Oo see you later." Sabi ko
Nakipagbeso na lang ako sa kanila at naglakad na pabalik sa may room, nagulat na lang ako ng mapansin na nakatingin sa akin si Gladymier hindi ko na lang 'to pinansin pa at naglakad na palapit sa kaniya. Agad naman 'tong nagsalita.
"Mga kaibigan mo?" Tanong niya
"Yes, mga kasama ko sa bahay." Sagot ko
"Infairness magaganda naman pala kayo, bipolar ka lang talaga tapos pareho kayong mga pader." Natutuwang sabi niya.
"Sa tuwing pupuriin mo ako may kasamang lait, nakakainis ka namam e." Sabi ko sabay hampas sa kaniya
"Nagsasabi lang ng totoo, truth hurts kasi talaga seb, magpasalamat ka pinupuri kita ako napuri mo na ba." Sabi pa niya
"Ano gusto mo sabihin ko sa'yo, bipolar na gwapo kakasuka." Sabi ko tapos kunwari na nasusuka.
"Abnormal ka talaga e, pasok na tayo." Sabi pa niya
"Pasok lang walang tayo." Sagot ko tapos nauna na sa kaniya maglakad papasok sa kaniya pagpunta ko sa upuan kung saan ko trip agad na akong umupo tbh, ewan ko kung bakit ang komportable ko kapag kausap siya ewan ko ba talaga bakit ganoon ang nararamdaman ko, siguro dahil nakikita ko yung kababata ko sa kaniya. 10 years na rin naman ang nakalipas pero hindi pa rin ako ngayon nakakalimot juskoo mind wag ka sana magkaroon ng amnesia.
"Minsan iisipin ko talaga dati ka sigurong baliw, ang ingay tapos biglang tulala yung totoo nag aadik ka seb." Sabi ni Gladymier
Heto na naman kami sa mga linyahan naming dalawa.
"Ewan ko sa'yo may naiisip lang bigla. Natural lang kaya ang ganoon." Sagot ko tapos ay yumuko na lang.
Pagod na ako makipagtalo sa kaniya ilang beses na kami nagtalo wala pa 24 hours ang oras na nakasama ko siya sobrang close na namin grabehan na samantalang noon naman hindi ako nakikipagboybestfriend so.. weird na na talaga ako o nagbago na ako ewan ko basta yun na yun.
Sa wakas at natapos na rin ang morning class namin nag aayos na ako ngayon ng mga gamit kasi pinagsulat kami just like what I want buti na lang talaga nagpasulat si Ms. Cayago so weird kasi Miss na naman ulit siguro nasa age 21 pa lang sila nakaka amaze naman samantalang ako 19 first year pa lang so weird talaga e well sisihin natin ang K12 joke lang naman syempre.
"May kasama ka kapag kakain ka?" Tanong ni Gladymier
"Yup mga kaibigan ko, ikaw ba?" Tanong ko rin.
"Friends ko rin, so.. paano hiwalay na muna tayo this time." Sabi pa niya
"Yup, dadaan na muna ako ng locker ikaw deretsyo ka na ba sa canteen?" Sabi ko
"Yup, nandoon na sila e."
"Sige mauna ka na lang."
"Samahan na kita para may kasabay ka papunta sa locker." Sabi pa niya.
"No need kaya ko naman e, kabisado ko naman wag ka na mag alala." Sagot ko tapos ngumiti sa kaniya.
"Sige, magkita na lang tayo mamaya, eatwell seb." Sabi niya pa
"Ikaw rin bye."
Hindi na siya sumagot naglakad na siya palabas ng room ako na lang ang naiwan katulad ng sinabi ko sa kaniya ay naglakad na ako palabas at papunta sa locker kahit paano medyo alam ko na rin saan ang mga department thank you sa map na binigay sa amin noong enrollment malaki ang tulong para sa mga transferee sana lahat may dulot charot lang lahat naman may dulot sa mundo e yung love lang talaga walang dulot masyadong pasakit ang dala e kakasura yung love.
Ilang minuto lang din ay nakarating na ako natanaw ko na rin ang pagmumukha ng mga kaibigan ko nakita ko rin sila Mike, Vince at Gladymier na malapit sa table namin kumaway na lang ako sa kanila at naglakad na papunta sa table ng mga kaibigan ko.
"Sino kinakawayan mo te." Sabi ni Ange pagkaupo ko sa tabi niya
"Kaklase ko lang." Sagot ko
"Talaga lang, kanina nakita ko yung kasama mo lalaki, yun ba yung kinawayan mo ngayon, napansin ko rin kasi na nandito siya e." Sabi ni Anna
"Hmm, yes." Sabi ko
"Nice, soon to be future girlfriend na yan be." Natatawang sabi ni Jaja.
"Hindi siraulo maissue kayo masyado isa pa maloko kaya ang isang yun hindi siya ang ideal type ko." Sabi ko
"Pero seb mo siya boy bestfriend." Sabi pa ni Ange.
Napaisip din ako bigla ang alam ko kaya ako naging bestfriend dahil sa deal e.
"Long story, tinatamad ako magkuwento kumain na lang tayo." Sabi ko sa kanila tapos ay nag umpisa na kumain apat naman kasi binili nila e so meaning para sa akin talaga 'to.
Hindi na nila ako tinanong pa kasi nag uumpisa na akong kumain dinadahan dahan ko ang pagkain kasi busog pa ako dahil kumain din kami ni Gladymier ng marami sadyang ayoko lang din talaga magtanong pa sila mamaya issue na naman ayoko naman may isipin sila o kaya maisip nila may secret ako kahit wala naman talaga.
Habang kumakain kami at sila naman ay nag uusap habang ako ay nakikinig sa kanila habang kumakain pa rin.
"Sobrang terror ng prof namin mga sis, naloloka na nga ako e kasi hirap ako makipag usap e." Sabi ni Anna
"Madaldal ka kasi e, hindi ka matahimik kahit ilang minuto lang." Sabi ni Ange
"Grabe ka naman sis, friendly kasi ako hindi katulad mo akala mo may dalaw araw araw sobrang sungit." Pagsusungit ni Anna
"Mas malala naman si Lala at Jaja moody, buti na lang may kasundo pa kayo." Sabi ni Ange
"Wag niyo ako idamay." Sabi ko
"Totoo naman kasi talaga e, mas best naman si Jaja sa pagiging moody." Sabi ni Ange
"Grabehan kayo, kaibigan ko ba talaga kayo." Sabi ni Jaja
"Okay lang te, atleast nagsasabi kami ng totoo sa harapan mo." Sabi ko
"Ewan ko sa inyo." Sabi pa niya
"Mahal ka namin Jasmin." Sabay sabay na sabi namin
Hindi na lang niya kami pinansin pa at nagpatuloy sa pagkain natatawa na lang kami sa kaniya moody talaga siya. May mga ugali talaga kami na hindi niyo magugustuhan ang maganda lang naman talaga ang ugali sa amin ay si Annalyn bukod sa kaniya wala na may mga negative attitude kami pero nasa lugar naman kami hindi yung wala sa lugar ang ugali.
Ilang sandali lang ay nauna na tumayo si Ange at Anna.
"Mauuna kami, may tinatapos pa kasi kami e." Sabi ni Anna
"Sige mamaya mauuna na rin ako e papahinga lang ako busog e." Sabi naman ni Jaja
"Sige bye." Sabi naman ni Ange
"Wait, ano oras ang uwi niyo?" Tanong ko
"4pm sa amin, si Jaja naman 5pm ikaw anong oras?" Sabi ni Anna
"6pm pa ako juskoo, mauna na kayo magcocommute na lang siguro ako." Sabi ko
"Ayos lang hintayin ka namin, mapapagalitan kami ni tita e." Sabi pa ni Jaja
"Ako na bahala, basta mauna na kayo." Sabi ko
"Bahala ka." Sagot ni Ange tapos ay inaya na si Anna na umalis kaya naman naiwan kami ni Jaja.
"Bakit ayaw mo hintayin ka namin yung totoo may taga hatid ka?" Tanong niya pa
"Nope, bibili rin kasi ako ng mga kailangan ko kaya ko pa naman e." Sabi ko
"Akala ko naman mayroon ng taga hatid pero maiba tayo ilang months na naman ang nakalipas di ba?" Sabi pa niya
Bigla na lang ako napaisip about what happen in my past naka move on na ba ako? Handa na ba ulit ako? Kaya ko na ba ulit magmahal at masaktan? Well hindi ko alam ang sagot.
"Ewan ko pa te, hindi pa ako sure kapag kasi tinatanong ko yung puso ko handa na pero kapag yung utak ko na ang tinatanong ko hindi pa kasi nandoon yung mga rants na paano kapag masaktan ulit ako paano kapag iwan ulit ako at paano kapag madepressed ako andami sumasagi sa isip ko na mga posibilidad na 70% totoo natatakot na ako Jasmin." Sabi ko
"Natural lang yan kasi naiwan ka nasaktan ka rin, siguro kailangan mo na sanayan ang sarili mo na maiwan, masaktan at ipagpalit ito ang reality na kailangan tanggapin natin kung ano ang mangyayari yun na yun, just go with the flow." Sabi pa niya.
Handa naman ulit ako masaktan pero hindi naman sa ngayon hindi pa ako ganoon nakabangon sa past baka puwede magpahinga na muna ako kahit sandaling panahon.
"Mauuna na ako sa'yo kapag may problema ka nandito lang kami." Sabi pa niya tapos ay nakipagbeso.
Samantalang ako heto mukhang ewan na nakatulala iniisip pa rin yung mga na pag usapan namin haist lord naiistressed na naman po ako please po kailangan ko ng pahinga.
"Tara na mahuhuli na tayo seb." Nagulat na lang ako kay Gladymier
"Oo nga pala tara." Sabi ko tapos ay tumayo na ako pero nagulat na lang ako ng hawakan niya ako sa kamay kaya naman napatingin ako bigla.
"Sorry." Sabi pa niya tapos ay bitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.
"Okay lang may kailangan ka ba? O may sasabihin ka?" Sabi ko
"Mamaya ko na itatanong tara." Sabi pa niya sabay gulo sa buhok ko
Naglakad na kaming tahimik ewan ko ba pero iba yung naramdaman ko ng hawakan niya yung kamay ko may iba akong naramdaman o naiilang lang kasi kakakilala ko lang sa kaniya tapos hinawakan niya agad ako so weird. Hindi ko na pinansin pa yun at nagfocus na lang sa paglalakad habang wala talaga ako sa sarili ko.
Sa wakas nakarating na rin kami sa room feeling ko kasi sa sobrang wala ako sa sarili ay tumatagal yung pagdating namin.
"Okay lang naman magkuwento ka don't worry marunong naman ako magbigay ng advice." Sabi niya pagkaupo namin.
"Love kaya mo ba seryosohin?" Sabi ko mahirap na mamaya nito lokohin ako e.
"Yes, ako kaya ang love advicer ng mga tropa ko mga nagsama sama kami na nasaktan e." Sabi pa niya
"Maniniwala ba ako sa'yo? hindi kasi halata." Sabi ko
"Grabe walang tiwala kahit ganito ang personality namin nasaktan na kami. Alam ng panahon yan kung paano kami sinaktan." Malungkot na sabi niya bigla na lang ako nakaramdam ng lungkot halata sa mga mata niya nasaktan siya.
"Oo na naniniwala na ako seb, pero wag na muna tayo mag usap about sa past. Nasasaktan pa rin ako." Sabi ko
"Ikaw bahala, basta kapag ready ka na nandito lang ako lagi para sa'yo." Sabi pa niya sabay gulo ng buhok ko.
Ilang sandali lang din ay dumating na yung prof namin this time lalaki naman sa wakas akala ko kasi puro girls na lang nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita hindi ko alam kung naiintindihan ko mga sinasabi niya sa harapan hanggang ngayon kasi ang iniisip ko pa rin yung napag usapan namin ni Jasmin e parang ewan bahala na basta kailangan maka move on na ako ng sobrang bongga para masaya na talaga ako ng super ultra mega.