Chereads / Oblitus / Chapter 3 - Kabanata 2

Chapter 3 - Kabanata 2

Kabanata 2

Kaharian

Ceres. Ceres. Ang palasyo kung saan ako isinilang. Wala man akong matandaan sa mga taong naririto, sa tingin ko ay tanda ko naman ang mga lugar dito. Kung saan ako madalas maglaro noong bata pa. Pero malabo atang matandaan ko pa dahil mahigit siang dekada na rin simula ng umalis kami dito at siguradong marami na ang nagbago sa lugar na ito.

Sa malayo pa lang, nakita ko na ang pagbukas ng tarangkahan. Inaasahan nilang darating kami? Siguro dahil darating na ang kanilang Heneral.

Kahit nasa mundo kami ng mga tao, nakakahangang hindi pa rin napapabayaan ni Tatay ang kanyang trabaho bilang Heneral na tagapagprotekta ng kanyang mahal na kaharian at ang nasasakupan nito. Hindi ko alam kung paano nya nagagawa 'yun at iyon ang mas nagpahanga saakin. Para saakin isa ang aking Tatay sa mga hinahangaan ko at napakataas ng respeto ko para sa kanya, madalas syang magpatalo saaking nanay pero hindi nabagk noon ang pagtingala ko sa kanya.

Sinalubong kami ng mga kalalakihan na may nakayakap na mga kasootang metal sa kanilang katawan at armado sila ng mga espada na nakasukbit sa kanilang tagiliran.

"Pagbati, Heneral at Ginang Doris." pormal na saad ng isang kawal at lahat sila ay yumuko para magbigay galang sa kanilang Heneral. Yumuko rin ang aking nanay at yumoko na rin kami.

"Marcus!" maligayang saad ng aking Tatay, malayong malayo sa pagkasabi ng kawal na tinawag nyang Marcus. Niyakap sya ng aking Tata, saglit itong nagulat ngutin ng makabawi niyakap naman sya nito pabalik. "Kamusta na?" Tanong ni Tatay.

"Mabuti naman Heneral. At sana ay kayo rin." magalang na saad sagot nito. At bahagyang tumango sa aking ina.

"Hindi ka parin nagbabago, pormal ka parin kahit magkasing edad lang tayo." halakhak ng aking Tatay.  "Sya nga pala. Mga anak ko, si Dorothea at si Achelous." bahagya akong yumuko at ganoon din ang ginawa ni Achelous.

"Pagbati sa inyo, ako si Marcus. Kung may kailangan kayo pwede nyo akong lapitan kahit ano mang oras." ngiti nito saamin.

Ngumiti rin ako. "Maraming salamat, Ginoong Marcus."

"Salamat po." si Achelous.

"Hindi kataka-taka Heneral, anak mo nga sila." saad ni Ginoong Marcus.

Tumawa naman si Tatay at tumulak na kami sa loob ng mga nagtataasang pader ng kaharian. Kung susumahin siguro ay kasing taas nito ang tatlong palapag na gusali.

Kagaya sa pamilihan ay abala rin ang mga tao rito. Lahat sila ay abala sa kanilang mga mananim ngunit hinihinto naman nila ang kanilang ginagawa upang batiin ang heneral ng kanilang kaharian.

"Napakarami na talagang nagbago rito Marcus," saad ng aming Tatay. "Kamusta ang Ceres?" Dagdag pa nito.

"Malaking pasasalamat naman Heneral at mapayapa pa rin ang ito hanggang ngayon." Sagot naman ni Ginoong Marcus. Patuloy lang sila sa pagkwekwentuhan at ako naman ay tahimik lamang na nagmamatyag.

"Nanay bakit parang sa nakikita ko ay maliit lamang itong isla? Ito lang ba ang nasasakupan ng kaharian ng Ceres?" Tanong bigla ni Ache. Napahagikhik naman ang aking ina.

"Hindi anak, katulad nga ng sabi ng iyong Tatay isa lamang ito sa mga isla na sakop ng Ceres. May limang pangunahing isla ang Ceres, una ang isla kung saan nakatayo ang palasyo, ang pangalawa ay kung saan naninirahan ang mga nilalang dito ang pangatlo at pang-apat naman na isla ay para sa mga pananim na ikinabubuhay at inaangkat para sa ibang kaharian." Paliwanag ng aking nanay. Teka parang wala ata syang nabanggit na panglima.

"Eh ano naman po yung panglimang isla?" Tanong ko. Lumawak naman ang ngiti ng aking nanay.

"Ang panglimang isla ay para sa Minerva, ang paaralan kung saan kayo mag-aaral." Masayang sabi nya. Napangiti na rin ako dahil sa sinabi ni nanay. Hindi na ako makapaghintay, kahit pagod ako at alam kong ganun din ang aking pamilya ay hindi ko pa rin maiwasang hindi makapag-antay sa pagpasok sa kauna unahang paaralan na aking papasukan.

Hindi rin nagtagal ay narating na rin namin ang dulo ng unang isla at sa pampang ay may naghihintay na dalawang bangka na sigurado akong gagamitin namin para makarating sa Minerva.

"Mga anak." tawag ni Nanay. Humarap kami sa kanya at niyakap nya kami. "Hanggang dito na lamang namin kayo mahahatid, ang isang bangka ay gagamitin namin para makarating sa isang isla kung nasaan ang palasyo at ang isa naman ay gagamitin ninyo para makarating ng Minerva." saad ni nanay saamin. Nginitian ko ang si nanay dahil bakas sa kanya ang pag-aalala ito ang kauna-unahang pagkakataon na mawawalay kami sa isa't isa, kaya't hindi ko masisisi kung mag-aalala man sila saamin.

"Dorothea, Achelous." tawag naman ni Tatay. Katulad ng aking nanay, inakap nya rin kami ngunit hindi gaya nh aking nanay may ngiti sa mga labi ng aking tatay. "Ipinagmamalaki ko kayo. Lahat ng pagsubok na binigay ko ay nalagpasan ninyo, kayo rin ay ubod ng talino. Kaya't alam ko na makakasabay kayo sa mga estudyante sa Minerva. Tunay nga kayo'y mga anak ko." at tumawa pa ito, napailing nalang ako. Hinampas naman ng aking nanay si tatay kaya tuluyan na kaming tumawa. "Mahal naman, pinapagaan ko lang naman ang nararamdaman ninyo. Bibisita naman tayo kaya wag kana mag-alala. Tsaka may tiwala ako sa mga anak natin, lumaki silang responsable at may mabuting puso. Hindi sila mapapano dun." saad ng akin tatay at inalo ang aking nanay na malapit nang umiyak.

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Lumaki ako na hindi pinagdamutan ng pagmamahal. Kahit kailan hindi na ako maghahangad ng ano pa man bukod sa kaligtasan ng aking buong pamilya.

Hindi naglaon ay tinahak na namin ang daan papuntang Minerva. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid, wala akong makitang kahit na ano dahil madilim na at may makapal na hamog sa paligid. Bukod saamin ni Ache ay mayroon ding pakiwari ko'y mga estudyante ng Minerva na paparoon din. Labing apat kaming nasa bangka at ang aming mga gamit ay nasa likod ng bangka. Hampas lang ng alon at tunog ng bangka ang maririnig sa buong paligid.

Sinipat ko ang kapatid kong mahimbing na natutulog sa aking tabi, siguro ay napagod saaming paglalakbay. Inalis ko ang kumot na nasa aking binti at nilagay ito sa kanya, na nananaginip pa dahil may binubulong na kung ano. Napangiti nalang ako at napailing. Totoong nakakapagod ang paglalakbay namin, malayo layo rin ang nilakad namin ngunit parang hindi man lang ako nakaramdam ng pagod siguro ay masyado lang akong namamangha sa bagay na nakikita ko. Dahil buong buhay ko ngayon lang ako nakapaglakbay ng ganito, ang isla lang naman kasi sa mundo ng mga tao ang naiikot ko.

Magkakalahating oras na at wala pa rin akong nakikitang malapit na isla, siguro ay malayo pa kami. Nakatitig lamang ako sa dagat nang may matanaw ako na ilaw batid kong hindi ito isla dahil katulad ng bangka ay umuusad din ito. Pinaningkitan ko ito ng mata at nakitang bangka rin ito ngunit hindi lang ito nag-iisa, maraming bangka ang nakikita kong napaligid saamin.

"Akala ko ay tayo lamang ang paparoon sa Minerva." rinig kong sabi ng isa sa mga kasama namin sa bangka.

"Oo nga, marami rin pala tayo." sagot naman ng kasama nya.

Tama nga sila, kaparehong kapareho ng bangkang sinasakyan nila ang saamin.

"Magandang gabi," saad ng pakiwari ko'y ang nagmamaniobra ng bangka. "Malapit na tayo sa Minerva, siguraduhin nyong mahigpit ang inyong pagkakahawak sa inyong mga upu-"

Hindi nya na natuloy ang kanyang sasabihin dahil napuno na ang bangka ng sigawan ng mga pasahero. Maging ako ay napasigaw sa gulat nang sumulong pababa sa tubig ang aming sinasakyan. Mabuti at nahawakan ko si Ache kundi ay tuluyan na itong nahulog sa kanyang kinauupuan.

"Anong nangyari?" tanong ni Ache nang magasing. Hindi ko na kailangan magpaliwanag dahil siguradong alam nya na ang sagot.

Nababalot ng malaking bula ang mga bangka habang pumapababa pa rin. Ito ang dahilan kung makit nakakahinga pa rin kami at hindu nababasa. Sa hindi kalayuan ay nakikita ko na rin ang ibang bangka na nababalot ng bula.

Ang ingay ng sigawan kanina ay nabalot ng mga salitang namamangha. Kahit ako ay hindi maialis ang aking paningin sa paligid. Ang mga nilalang na sa libro ko lang nakikita noon ay nasa aking harapan na. Iba't ibang klaseng nilalang ang aking nakikita, hindi pangkaraniwang mga isda at lamang dagat ang mga ito.

Nagulat ako ng may bigla na lamang lumabas saaking harapan mula sa baba ng bangka, na isang serena? Nanlaki ang aking mata ng makitang isa nga itong serena at hindi lamang sya nag-iisa sobrang dami nila. Muli akong nagulat dahil ang isang serena ay kumaway saaking banda pero batid kong hindi ako ang kanyang kinakawayan. Tumingin ako saaking kapatid ko at nakitang nakangisi ito, tumingin rin ito saakin at mas nilakhan ang ngisi nito.

Yabang.

Hindi nagtagal ay lumusong naman paitaas ang bangka at mas lalo akong namangha. Tama nga ako sa imbitasyon palang na binigay nila ay makikitang malawak nga akong paaralan. Matataas na pader ang nakapalibot dito pero hindi nagpatinag ang mala tore sa taas na paaralan. Kitang kita ang ito kahit sobrang taas ng mga pader.

"Nandito na tayo. Maaari na kayong bumaba, kami na ang bahala sa inyong mga kagamitan at ipapadala nalang namin ito sa inyong mga dormitoryo." saad ng nagmamaneho ng bangka. "Sa bungad ng Minerva ay may mga naghihintay na mga guro na magtuturo sa inyo kung ano ang mga dapat gawin." dagdag nya pa.

Hindi nga sya nagkamali dahil sa bungad ay may tatlong sa tingin ko ay ang tinutukoy na guro. May mga dala silang bandila na may mga numero, tatlo ang bilang nito.

"Bagbati mga bagong mag-aaral ng Minerva. Ako si Ginang Berly, ang nasa aking kanan ay si Binibining Anna at ang nasa kabila ay Si Ginoong Pedro. Kami ang ilan sa magiging guro nyo dito sa Minerva." saad ng nasa gitnang guro. Sa tingin ko ay kasing tanda sya ng aking mga magulang.

Malaki ang ngiti ng mga nito sa mukha ng nakatingin ito saamin, maliban sa isang gurong lalaki na seryoso lamang ang tingin saamin, si Ginoong Pedro.

"At para malaman nyo kung saang hanay kayo nabibilang, kunin ninyo ang sobreng aming ipinadala at sa likod niyon ay may numero." paliwanag ng isa pang babaeng guro, na mas bata, na ipinakilala bilang, Binibining Anna.

Kinuha ko ang sobreng ipinadala nila at nakitang nasaunang hanay ako. Nilingon ko ang aking kapatid para itanong kung anong hanay sya, mukhang nakuha naman nya nang ipakita saakin ang likod ng kanyang sobre. Nasa pangalawang hanay ang aking kapatid.

Napatango ako, nilagay ko ang aking kamay sa kanyang balikad upang makuha ang buo nyang atensyon. "Mag-ingat ka." saad ko, nginisian nya lang ako at tumango.

"Ikaw din, may pagkalampa ka pa man din." lalong lumaki ang ngisi nya, inirapan ko sya at tumuloy na kami sa kanya kanya naming hanay.

Napansin kong mas marami sa ibang hanay kaysa sa amin. Muntik na akong madapa nang may tumama saaking likuran, buti ay mabilis nakabawi ang mga paa ko at hindi tuluyang nadapa. Lumingon ako sa likuran ko para makita kung ano o sino ang sumagi sa likod ko.

"Paumanhin, binibini. Hindi ako tumitingin sa nilalakaran ko. Nasaktan ka ba?" tanong ng isang lalaki na may nag-aalalang tingin.

Umiling ako, "Hindi naman." sagot ko. Tumingin ako sa baba at nakitang may libro doon, pinulot ko ito at nilahad sa kanya. "Sa'yo ba 'to?" tanong ko.

Tumango sya na may malawak na ngiti, marahil nagbabasa sya dahilan upang hindi nya ako makita. "Salamat!" masiglang saad nito. "Alistair ang ngalan ko, maaari ko bang malaman ang iyo?" tanong nya at naglahad ng kamay.

"Dorothea," tinanggap ko ang kamay nya at ngumiti rin.

Lalong lumawak ang ngiti nya. Sa ngiti nya palang alam mo na na isa syang palakaibigan na lalaki. Ang kanyang mata na kumikislap sa tuwing ngumingiti, matangos na ilong, mapupulang labi at perpektong mga ngipin. Sinungaling ako kung itatanggi kong isa syang magandang lalaki.

Tinuro nya ang likuran ko, tinignan ko ito at ako na pala ang sunod na magbibigya ng sobre. Masyado ata akong nahumaling sa kakisigan ni Alistair, napailing na lamang ako saaking sarili.

Ibinigay ko ang sobre at may ibinigay saaking dalawang susi na may nakalagay na 1002, "Iyan ang susi ng iyong dormitoryo." saad ni Binibining Anna na may malawak na ngiti, nginitian ko rin sya pabalik.

Hindi rin naman pala ganun kasama ang unang araw ko rito sa kabilang mundo. Maliban sa nangyari kanina, dahil sa masungit na lalaking may pulang mata. Baka sadyang mainit lang talaga ang ulo nya.

"Saang dormitoryo ka?" tanong ni Alistair na nasa aking likuran.

Ipinakita ko ang susi ko sa kanya, "Ikaw?" tanong ko. Ipinakita nya rin ang kanya, 20 ang nakalagay. "Bakit masyadong malayo ang bilang ng akin sa iyo?" tanong ko. Totoo naman, ang akin ay 1002 at ang kanga ay 20? Magkasabay lang naman kaming dumating.

Nagkibit balikat sya, "Ito na ang dormitory ko, mula noong nag-umpisa akong mag-aral dito." saad nya. At ako ay naliwanagan naman, ito nga pala ang unang pagkakataon na mag-aaral ako dito kaya siguro malayo ang akin sa kanya.

"Pero bakit ka mayroong imbitasyon kung nag-aaral ka naman na pala dito?" tanong ko. Hindi sya nakasagot agad, siguro ay dahil personal ang rason. "Pasensya ka na, wag mo na sagutin. Napakadaldal ko kasi." sabi ko at kinagat ang labi.

Ngumiti sya saakin at sumagot, "Tumigil ako sa pag-aaral," simpleng sagot nito. Hindi na ako nagtanong pa, baka nga personal ang dahilan.

Hindi nagtagal ay tinawag na kami ni Bnb. Anna dahil papasok na kami sa bulwagan. Bago ako pumasok ay tinignan ko muna si Ache at nakitang papasok na rin ang hanay nila, saka ako tuluyang pumasok sa bulwagan.

A/N: This is my first story na mapublish, pls do support hehez. Kung meron man kayong questions regarding the story, feel free to ask. Thank youuuuu.