Chereads / Oblitus / Chapter 5 - Kabanata 4

Chapter 5 - Kabanata 4

Kabanata 4

Ang tatlong distrito

Sa malaking papel ay Tychia lamang ang nakasulat dito. Tinignan ko ang likod nito at nagbabakasakaling may nakasulat ngunit wala.

"Ano naman ang Tychia?" tanong ko dalawa. Tinignan ko sila dahil hindi sila sumasagot. Nakatulala lang ang mga ito sa sulat na hawak ko. "May problema ba?" sa tanong kong iyon ay napaangat sila ng tingin saakin.

"Wala naman, Thea. Nakakagulat lang na sa Tychia ka pala nabibilang." ani Navi na parang hindi pa rin makapaniwala.

"Ang akala ko ay sa distrito ka namin mapupunta dahil kami ang makakasama mo dito sa dormitoryo. Ganun kasi kadalasan ang nangyayari, magkakasama sa dormitoryo kapag parehas ng distrito." paliwanag naman ni Carmella at bumalik sa pagluluto.

Hindi pa rin ako mapakali sa inaasal ng dalawa dahil hanggang sa hapunan ay tahimik sila. Hindi naman siguro dahilan ang pagkakamali ng akala nilang pareho kami ng distrito. Kaya nang matapos kaming kumain ay tinanong ko na sila.

"May problema ba? May nasabi ba akong masama? Pasensya na kung meron akong nasabi. " sabi ko at yumuko. Agad naman silang nag-angat ng tingin saakin at mabilis na umiling.

"Nako Thea, hindi sa ganun. Pasensya ka na ganyan ang naramdaman mo sa inasal namin." sabi ni Navi.

"Natatakot lang kasi kami na baka layuan mo rin kami." sagot ni Carmella. "Ang distrito ng Tychia ay ang pinakamalas sa lahat ng distrito, nagsama-sama doon lahat ng magagaling na estudyante sa Minerva. Kaya kinakatakutan sila ng halos lahat ng estudyante dahil nga malakas sila."

"Karamihan ng mga kasama sa distrito na 'yun matataas ang tingin sa sarili at kadalasan inaapi kaming mas mahihina. Hindi daw dapat kami nakikisama sa kanila dahil hindi namin sila kayang pantayan." dagdag naman ni Navi.

Ngayon alam ko na kung bakit sila nagkakaganyan. Napabuntong hininga ako sa sinabi nila. Talaga bang ganun ang mga nasa distrito ng Tychia? Nanghahamak ng mga mas mahihina sa kanila. Nakakapang-init ng dugo na may ganito palang nangyayari sa Minerva.

Si Achelous kaya anong distrito?  Tychia rin kaya sya? Iniisip ko palang na may nang-aapi sa kapatid ko umiinit na agad ang ulo ko. Pero kilala ko naman si Achelous kung sakaling may mang-api sa kanya hindi nya naman hahayaan na maapi sya.

Kumunot ang noo ko sa paliwanag nila at napailing. Lumapit ako sa kanila at inakbayan ko silang dalawa, "Magkaiba man tayo ng distrito pero kaibigan ko pa rin naman kayo." sabi ko at inakbayan ang dalawa. Lumiwanag naman ang mga mukha ng dalawa at niyakap ako. "At sino ba itong mga nang-aaway sa inyo? At nang isumbong natin sa mga guro o sa punong ministro." sabi ko. Agad namang umiling si Carmella.

"Kapag nagsumbong tayo, mas lalaki lang ang gulong ito. At isa pa iniiwasan naman namin sila, Thea. Kaya hindi na kailangan." anito.

"Tama si Carmella, Thea. Hindi na kailangan. At isa pa, napakasaya ko at may kaibigan akong galing sa distrito ng Tychia, siguro sobrang lakas mo? Hindi halata sa'yo ah, ang unang tingin ko sa'yo mahina ka at madaling apihin." sabi ni Navi at na ikinatawa ng dalawa. Napasimangot naman ako, mukha ba talaga akong mahina? At mas lalo silang natawa ng makita ang mukha kong nakasimangot.

"Maiba ako, ilang distrito ba ang meron dito sa Minerva at para saan ang mga iyon." tanong ko.

"May tatlong distrito ang Minerva ay ang Elpida, Molipi at Tychia. Hinahati-hati ang mga estudyante para mas maturuan at mas matutukan ang mga ito. Masyadong malaki ang paaralan at sobrang dami ng estudyante dito sa Minerva kaya gumawa sila ng tatlong distrito." paliwanag ni Carmella, habang humihigop ng tsaa sa kanyang tasa.

Napatango naman ako sa tinuran ni Carmella. "Kung ganun anong distrito kayo?" tanong ko.

"Nasa distrito kami ng Elpida." sagot ni Navi. "Bukas na pala ang unang araw ng klase. Maliligo na ako at matutulog ayaw kong mahuli nanaman. Sige na, sana maging mahimbing ang pagtulog nyo." at tumakbo na nga papunta sa taas si Navi. Natawa naman ako dahil muntukan na syang madapa sa hagdanan.

"Madalas kasing mahuli 'yan dahil tanghali na nagigising at makupad pa kumilos, kaya minsan pati ako nadadamay." at lalo akong natawa, "Sige na, maglinis ka na rin nakatawa bago matulog. Ako na ang bahala sa mga hugasin." sabi ni Carmella at tumayo na.

Nagising ako dahil sa init na naramdaman. Umupo ako galing sa pagkakahiga at pinunasan ang leeg kong pawis na pawis. Ano bang nangyari? Bakit ang init?

Tinignan ko ang bintana at hindi pa sumisikat ang araw. Alas singko na pala ng umaga ngunit bakit ang init na? Dali dali akong naligo upang maibsan ang init na nararamdaman. Baka naman ganito talaga dito sa kabilang mundo? Mainit sa madaling araw.

Pagkalabas ko ng kwarto ay hindi naman na mainit. Bumalik sa tamang temperatura para sa mga oras na ganito. Minulto ba ako? Pero diba dpaat nilalamig kapag minumulto? Inalis ko nalang ito sa utak ko at saglit na pinatuyo ang medyo kulot kong buhok at at saka nagsimula nang magbihis.

Pagkapos kong isuot ang sapatos ko ay lumabas na ako at bumama. Katulad nga ng inaasahan ay nagluluto na si Carmella ng agahan.

"Si Navi?" tanong ko habang nagtitimpla ng kape.

"Kinatok ko kanina-"

"Magandang umaga!" masayang bati ni Navi, napangiti ako at napailing na lamang. Binati ko rin sya at naupo na.

"Ito ang unang araw ng klase, kinakabahan kaba?" tanong ni Navi. Hindi ko sigurado kung anong nararamdaman ko dahil sa sobrang dami kong nararamdaman pero siguro may kaba na rin doon. Tumang ako sa kanya. "Hindi naman ganyan ang mukha ng kinakabahan eh." aniya at tumawa na lamang ako.

Pagkatapos kumain ay nagpasya na kaming umalis mg dormitoryo. Kalahating oras pa naman bago mag-umpisa ang klase pero tinatahak na namin ang pasilyo papuntang silid aralan.

Mas mauunang madaan ang silid aralan ng dalawa kaya ako nalamang ang mag-isang naglalakad ngayon. Pinilit pa nga nila akong ihatid ngunit hindi na ako pumayag. Siguradong malaking abala pa sa kanila iyon at isa pa may kasamang mapa naman na  ang mga librong kinuha namin kahapon. Pati kung saan ang silid aralan na papasukan ko ay nakasulat na rin doon.

Base sa papel ay nasa hilagang kanluran ako, dahil sa maliit na bilog na umiilaw sa mapa. At nasa timog kaluran naman ang silid aralan. Kaya dali dali akong naglakad papunta sa tinuturo ng mapa. Habang naglalakad ako ay gumagalaw din ang bilog sa mapa kaya magiging madali nalang para saakin ang pagpunta sa silid aralan.

Pagkarating ko sa tamang palapag ay hinanap ko na ang silid-aralan. Na nakita ko naman agad. Malaking pinto ang bumungad saakin na may nakalagay na Tychia sa taas.

Binuksan ko ang pinto kasabay na malakas na pintig ng puso ko. At bumungad saakin ang malaking silid aralan. Silid aralan nga ba talaga ito?

Ang mga lamesa ay parang hagdan dahil sa pagkakaayos nito, apat na upuan ang mayroon sa bawat mesa pero malayo ang mga ito sa isa't isa. Mataas ang kisame na binigyang ganda ng nakasabit na malaking pampailaw. Ang mga nagsisilakihan at nagtataasang bintana ang lalong nagbigay liwanag sa paligid, may nakalagay naman na kurtina kung nanaisin na ibaba ang mga ito.

Marami na rin ang tao sa loob at lahat sila nakatingin saakin. Sigurado naman akong hindi pa ako huli sa klase. Yumuko ako at nagsimulang umakyat sa hagdanan para makahanap ng bakanteng lamesa. Nasa bandang gitna ang napili ko, tamang tama ito kung gusto mong makinig ng mabuti.

"Sino sya?"

"Bago?"

"Mukha namang mahina."

"Tychia ba talaga sya?"

"Baka naligaw lang."

Tumingin ako sa babaeng nasa harapan, ako ata ang tinutukoy nila dahil saakin sila nakatingin. Tinignan ko ulit ang mapa at nandito naman ako sa tamang silid. Hindi ko nalang pinansin at hinintay na dumating ang magiging guro namin. At para hindi ako mabagot kumuha ako ng isa sa mga libro ko at nagsimulang magbasa. Ilan sa mga libro ay alam ko na dahil 'yung iba naturo na saamin ni Nanay. Buti nalang talaga at dating guro si Nanay, makakahabol kami ni Achelous sa mga pinag-aaralan dito.

"Dorothea?" tawag ng isang boses. Tumingala ako at nakita ko si Alistair na nakangiti saaking gilid. Lalong lumawak ang ngiti nito nang mapagtantong ako nga ang tinawag nya. "Tychia ka pala?"

"Oo, ikaw rin?" ako na binigay sa kanya ang buong atensyon.

"Ah hindi, sa distrito ako ng Elpida. Pumunta lang ako dito dahil may hinahanap ako." sagot nya. Sino namang hinahanap nya?

"Ganon ba? Sinong hinahanap mo?" tanong ko. Tumingin naman sya sa likuran ko at may tinuro. Nilingon ko ito at nakita ang nakatalukbong ng pulang kapa na nakasubsob sa mesa.

Nasa iisang mesa kaming dalawa, dalawang upuan ang pagitan naming dalawa pero sobrang layo nya saakin. Katulad nga ng sabi ko kanina malaki at malawak ang silid na ito, kaya hindi kataka-takang malayo ang pagitan ng mga upuan kahit iisa ang mesa.

"Gideon!" tawag ni Alistair, ngunit hindi man lang ito gunalaw. "Maiwan muna kita, Dorethea. Mukhang malalim ang pagkakatulog ng isang ito." sabi ni Alistair at dumaan sa likuran ko para makaupo katabi ng nakakapang matutulog.

Bumalik nalang ako ulit sa pagbabasa. Pero ilang saglit lang tinawag ulit ni Alistair yung Gideon.

"Ingay." sabi ng baritonong boses. Tumingin ako sa banda ni Alistair. Nakita kong dahan dahang umaangat ang ulo ng nakakapang lalaki? Inalis nya sa pagkakatalukbong sa ulo nito ang kapa. Nanlaki ang mga mata ko.

"Ang tagal nating hindi nagkita tapos iyan lang sasabihin mo sakin?" ani Alistair at umambang yayakapin 'yung lalaki pero bago nya pa magawa iyon ay natulak na sya nito.

"Istorbo. Ano bang ginagawa mo dito?" masungit na sabi nung lalaki. Ang mapupulang mata nito ay nanlilisik na nakatitig sa tumatawang si Alistair.

Hindi ako pwedeng magkamali. Sya yung lalaking tumulong saakin noong mga panahong nahuhulog ako sa ere.

At lalong nanlaki yung mga mata ko nang lumipat saakin ang mga nanlilisik nitong mga mata. Agad kong tinignan ang libro ko. Pero bakit ako umiwas ng tingin? Wala akong ginagawang masama. Siguro dahil ayaw ko lang ng away. Mga mata palang nito halata nang galit sa mundo.

"Ikaw pa rin ang kaibigan ko. Masungit ka pa rin." narinig kong sabi ni Alistair at tumawa ng malakas. "Sya nga pala Gideon, may ipapakilala ako sa'yo. Bago kong kaibigan, nakilala ko sya noong isang gabi."

Lumakas ang pintig ng puso ko namg marinig ko iyon. Hindi. Imposible namang ako iyon. At ano naman kung ako iyon? Hindi dapat ako kabahan. Wala naman akong ginawang masama.

"Dorothea," rinig kong tawag ni Alistair. Tumingin ako sa kanya at matamis na ngiti ang iginawad nya saakin. "Ito nga pala si Gideon, matalik kong kaibigan. Gideon, si Dorothea." pakilala ni Alistair saamin.

Ngumiti ako at yumuko ng bahagya. Pag-angat ko ng tingin ay nakatitig pa rin ito saakin. Nagulat ako nang iabot nya ang kamay nya. Wala sa itsura nya ang palakaibigan, may kabaitan rin pala ito kahit masungit. Nang nakabawi ako sa pagkakagulat, tumayo ako at lumapit sa kanya at inabot ko rin ang kamay nya. Malaki, matigas ang kamay nito peroang mas kapansin pansin ay mainit ang kamay nya pero hindi normal na init lang.

"Ikaw 'yung babaeng bastos na maingay diba?" anito. Binabawa ko na ang sinabi ko kaninang may kabaitan sa kanya.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Alistair.

"Hindi ako bastos." dipensa ko sa sinabi nya. Sinayang ko lang ang pagtayo ko sa kinauupuan ko kanina. Paano nya nasasabi yan sa isnag babae? Sya itong bastos eh, pasalamat sya tinulungan nya ako sa pagkakahulog kong iyon.

Nag-usap pa sila ni Alistair, ang totoo si Alistair lang talaga ang nagsasalita. Puro tango lang ang ginawa nung masungit na lalaki. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na si Alistair dahil dumating na ang propesor namin para sa unang klase namin nang umagang iyon.

Nakinig nalang ako sa mga tinuturo ng propesor namin. Ang tinuturo ni Ginang Dina ay tungkol sa mga nilalang dito sa kabilang mundo. Ang mga lagi naming nakikita sa paligid namin na nilalang. Katumbas ng sinabing nilalang ni Ginang Dina ay ang mga hayop sa mundo ng mga tao.

"Kung talagang may natutunan kayo sa pinag-aralan nyo noong isang taon. Ano ang Guda? Anong klaseng nilalang ito?" tanong nito at inayos ang kanyang salamin. Nabalot ng katahimikan ang buong silid, walang nagtangkang magtaas ng kamay.

Kahit ako ay kinakabahan dahil mukhang masungit ang ginang. Parang kapag nagsabi ka ng maling sagot ay ibabagsak ka nito agad.

"Tinagurian kayong pinakamalakas na distrito pero walang nagbabasa sa inyo ng libro?" masungit na anito. At binagsak ang patpat na panuro. Nilibot nito ang tingin sa klase at kung minamalas ka nga naman, nagtama ang tingin namin.

Tinuro nya ako at iminuwestrang tumayo. Sinunod ko sya at himinga ng malalim.

"Ang Guda ay isa sa pinakamapanganib na nilalang dito sa kabilang mundo. Matatalas na ngipin at kulo ang panlaban nila para makakuha ng makakain. Madalas silang matatagpuan sa mga tagong kweba o mga liblib na lugar. Nakakapagsalita ang mga ito at nakakapagbago ng anyo, paraan nila ito para maloko ang mabibiktima para gawing hapunan." sabi ko.

Tumingin ako sa harap para di masalubong ang mga mata ng mga kaklase ko. Ayaw ko talaga ng tinititigan. Buti nalang talaga naturo na saakin ito ni nanay, kung hindi baka napahiya na ako.

"Ano ang kinakain ng mga Guda?" tanong ng ginang.

"Tayo pong mga gumagamit ng mahika." sabi ko. Nagsinghapan naman ang iba. Kahit ako noong una kang nalaman ito napasinghap din ako.

"Magaling. Maari ka nang umupo." ani Ginang Dina.  "Magbibigay ako ng takdang aralin, ipapasa nyo ito saakin bukas bago magdilim." anito at sinulat sa pisara ang aming gagawing takdang aralin bago at umalis na rin ito.

"Matalino ka rin pala kahit maingay at bastos ka." napapikit ako nang marinig ko nanaman ang boses ng lalaking iyon. Wala na bang magandang lalabas sa bibig nya? Hindi ko nalang sya pinansin. Mas magandang umiiwas sa away kaysa nag-uubos ng lakas para sa walang kwentang bagay.

Dalawang pang klase at pinag-tanghalian na kami. Agad akong lumabas dahil mikhang di na ako makakatagal at masasagot ko na ang lalaking may pulang mata.