Chereads / Oblitus / Chapter 8 - Kabanata 7

Chapter 8 - Kabanata 7

Kabanata 7

Laro

Mabilis akong tumayo at tumingin sa bintana. Sigurado akong galing doon ang boses. Hinanap ko kung may nilalang man sa labas ng bintana pero wala akong nakita. Hindi ako pwedeng magkamali, galitlng talaga doon sa bintana.

"Dorothea? Anong problema?" tanong ni Ada, hindi ko sya pinansin at patuloy ang paghanap sa kung sino man ang tumawang iyon. "Sinong tinitignan mo sa bintana?" tanong ulit ni Ada, napabuntong hininga ako.

"Iyong tawa. Wala kabang narinig na tawa?" tanong ko sa kanya pero kinunutan nya lang ako ng noo.

"Anong tawa? Wala naman ako narinig." sabi nya at hinila nya ako paupo. "Baka guni-guni mo lang iyon, Dorothea. Malapit lang tayo sa isa't isa pero wala naman akong narinig na tumawa." sabi nya saakin at tumingin na sa harapan. Andyan na pala ang guro namin.

Baka nga. Baka nga guniguni ko lang iyon. Napatingin ako ulit sa bintana, wala talagang kung sino man ang nandoon. Umiling ako at tumingin na sa harapan dahil nag-umpisa na magturo ang guro namin.

Lumipas ang mga oras at nagliligpit na ng mga gamit sila Ada. Naramdaman kong kumulo ang tyan ko, tanghalian na rin kasi. Napagpasyahan kong dito nalang ako sa silid-aralan kakain. Wala rin naman akong pupuntahan, tsaka mas gusto ko dito kaysa sa Arkilita. Naramdaman kong tumayo na si Ada pero hindi pa ito umaalis.

"Hindi ka pa ba magliligpit ng gamit mo?" tanong ni Ada. Nilingon ko sya at nakitang saakin sya nakatingin, ako pala ang tinatanong nya.

"Ah hindi na, hindi naman ako aalis eh." sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Hindi ka ba kakain? Pananghalian na ah." sabi nya naman saakin. Nakita ko sila Gideon at Kiyo na nakatingin na rin saamin. Bigla tuloy akong nailang. Hinihintay nila si Ada at heto sya kinakausap pa ako.

"Kakain rin ako maya-maya, may dala akong baon ko dito. Sige na, pumunta kana kila Gideon, hinihintay ka nila." sabi ko sa kanya. Tumingin lang sya sa mga ito at sinabing mauna na sila, tumango naman ang dalawa. Bago sila umalis ay nagpaalam saakin si Kiyo, ngumiti lang din ako.

Muli syang humarap saakin. "Nasan 'yung mga kaibigan mo? Iyong mga kasama mo kahapon?" tanong nya saakin. Nakita nya kami kahapon?

"Sila Navi? Nauna na silang nagtanghalian, iniba na kasi iyong oras ng panghalian nila eh." sabi ko sa kanya. Tumango tango naman sya at tumayo.

"Halika, saamin kana sumabay." sabi nya saakin at nilahad ang kamay nya. Nagulat pa ako ng hilain nya ako patayo. "Hindi ako tumatanggap ng hindi. Ayusin mo na ang mga gamit mo." sabi nya saakin pero hindi ako gumalaw.

"Ada, nakakahiya. Salamat nalang, ayos lang naman ako dito eh." sabi ko sa kanya. Sinimangutan nya ako. Mapilit talaga sya.

Ang sunod ko nalang nalaman ay naglalakad na ako hatak hatak ni Ada. Sya na ang nagligpit ng gamit ko kanina, inaagaw ko pa nga sa kanya eh pero mapilit talaga sya. Wala na akong nagawa dahil kinuha nya na rin ang baon ko.

Nakarating kami sa isang malaking gusali na gawa sa salamin. Pagkapasok namin doon ay puro halaman ang nakikita ko, labis akong nasiyahan sa mga halaman. Kahit mga puno ay nagkasya sa loob, napakalaki at napakataas ba naman ng gusaling ito. Hindi  pangkariniwang halaman dahil halos lahat sa kanila ay makukulay at ang iba pa ay gumagalaw. Napag-aralan na namin ito nila nanay at nakita ko na rin ang iba sa mga libro pero mas maganda pala ito sa personal.

"Dorothea?" napatingin ako sa unahan at nakita ko si Alistair, Gideon at Kiyo na nakatingin saamin. "Dorothea!" ulit ni Alistair at kumaway saakin. Kinawayan ko rin sya.

Nakapalibot sila sa isang mesa na gawa rin sa salamin. May mga nakahain na doon na mga pagkain, sobrang daming pagkain. Ngunit hindi pa nagagalaw ang mga ito siguro ay dahil hinihintay nila si Ada.

Hinila ako papalapit ni Ada sa kanila. Mas lalo kong naramdaman ang hiya ngayong lahat sila ay nakatingin saakin at may tanong ang mga mata.

"Simula ngayon, saatin na sasabay si Dorothea." sabi ni Ada. Hinila nya ako sa bakanteng upuan katapat ni Gideon, napayuko ako dahil doon. Ayaw kong tignan ito dahil siguradong nakatingin ito saakin. "Hindi na makakasabay sa kanya ang mga kaibigan nya, kaya dito sya saatin sasabay. Tsaka malungkot kaya kumain mag-isa." dagdag ni Ada. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Talaga? May maganda ka rin nagawa sa wakas." saad ni Alistair at nginitian ako, matipid akong ngumiti sa kanya. Nasa kanan ko sya at nasa kaliwa ko naman si Ada na katabi si Kiyo.

"Kung paalisin kaya kita dito?" masungit na sabi ni Ada. Mukhang mag-aaway pa ang dalawa.

Nakarinig naman kami ng tawa galing kay Kiyo. "Tama na 'yan, kumain na tayo dahil kanina pa ako nagugutom." sabi nito, tumigil naman ang dalawa.

Nagsimula na silang kumuha ng mga pagkain nila na nakahapag. Nahihiya pa akong ilabas ang baunan ko, walang-wala ang hinanda kong pagkain sa mga nakahanda sa harapan ko. Lalo tuloy nakakahiya.

"Bakit hindi kapa kumukuha ng pagkain, Dorothea? Wag kana mahiya, kumain ka lang." sabi ni Alistair. "Ito tikman mo, masarap iyan." sabi niya at naglagay ng pagkain sa platong nasa harapan ko.

"May dala akong baon." sabi ko at nilabas ito mula saaking pagkakatago sa ilalim ng mesa.

"Talaga? Patingin." sabi ni Alistair. Kinuha nya ito at binuksan. "Ang bango, patikim ako ah?" tinikman nya ito at napangiti sya, halatang nasarapan. "Ikaw ba nagluto nito? Ang sarap, Dorothea." sabi nya. Napangiti ako at tumango.

"Napakatakaw mo talaga, Tanda." at inirapan ni Ada si Alistair. "Kumain kana Dorothea, ito masarap din ito." sabi ni Ada at nilagyan ulit ang plato ko ng pagkain.

Unti unting naging komportable ako na kasama sila. Lalo pa't maingay at pala kwento sina Alistair at Ada. Pinag-agawan pa nga nila iyong baon ko. Natawa nalang ako sa kanila.

"Patikim nga ako," sabi ni Kiyo kay Ada. Binigay naman ni Ada ang baon ko kay Kiyo. "Masarap nga. Magaling ka palang magluto, Dorothea." sabi nito saakin, ngumiti ito saakin.

"Hindi naman, marunong lang." sabi ko at nginitian din sya. Itlog lang naman iyon na nilagyan ko ng mga gulay at iba pang pampalasa, kaya sobrang dali lang nito lutuin.

"Gideon tikman mo rin." sabi ni Alistair. Nilagyan nya ang plato ni Gideon ng kanina pa nila pinag-aagawan ni Ada na ulam. "Masarap iyan."

Tinignan lang ito ni Gideon at maya maya ay kinain na rin. Napatingin ako sa pagkain ko at uminom ng tubig.

"Hindi naman." malamig na ani Gideon. Halos tumaas ang balahibo ko dahil sa sinabi nya. Ngayon lang sya nagsalita buhat kaninang dumating ako. Pakiramdam ko nga hindi sya nagsasalita dahil ayaw nya akong andito. At sa tingin ko tama ako.

Tinignan ko sya at nakatingin ito ng masama saakin. Sinamaan ko rin sya ng tingin. Wala naman akong ginagawang masama pero nagsusungit pa rin sya. Pasalamat sya tinulingan nya ako kahapon. Kung tinulungan nya nga ako, sa tingin ko ginawa nya talaga iyon para gulatin ako.

"Anong hindi masarap? Halos maubos mo nga-" hindi na tinuloy ni Alistair ang sasabihin nya dahil nilipat ni Gideon ang masama nitong tingin sa kanya.

Inirapan ko nalang si Gideon at sana nakita nya iyon.

Pagkatapos namin magpahinga ay sabay sabay na rin kaming naglakad pabalik ng silid-aralan. Ang nakakapagtaka nga lang ay lahat ng madadaanan naming mga estudyante ay napapatingin saamin. Nauuna kami ni Ada habang nakalingkis ang kamay nya saakin. Ang tatlong lalaki naman ay nasa likod namin, nahuhuli.

Sa tingin ko hindi na dapat ako magtaka dahil ang gagandang nilalang ang mga nakakasabay ko saaking paglalakad. Ang tatlong lalaki pa nga lang nakakapanghina na ng tuhod sa kakisigan tapos si Ada pa na maladyosa ang kagandahan, talagang kahit sino naman ay mapapalingon sa kanila.

"Sa wakas hindi nalang ako ang nag-iisang babae dito." sabi ni Ada, at mas lalong hinigpitan ang paglingkis sa kamay ko.

Tumingin ako sa kanya. Napakaganda nya talaga, sa tingin ko kung magiging lalaki ako liligawan ko sya. Ang maitim at mahaba nyang buhok ay parang kurtina sa kanyang likod na sumusunod sa bawat galaw nya. Ang maliit at makinis nyang mukha, ang porselana nitong kutis, at mga tsokolateng kulay na mata ay mas lalong nagpaganda sa kanya.

"Masaya naman kasama sila Alistair ah." sabi ko sa kanya at nginitian sya.

"Alam ko pero iba pa rin talaga kapag may babae kang kasama. Mas magkakaintindihan kayo kasi pareho kayong babae." sabi nya saakin.

"Sabagay." may punto sya sa sinabi nya.

Si Achelous lang ang matatawag kong kaibigan simula nagkaisip ako. At may mga bagay na hindi ko nasasabi dito dahil alam ko namang hindi nya maiintindihan.

Nagpaalam si Alistair dahil ibang pasilyo na ang tatahakin nya. Muntik ko nang makalimutan na magkaiba nga pala kami ng distrito. Natawa ako dahil nagbangayan muna sila Ada bago ito umalis.

Sa isang pasilyo may nadaanan kaming kumpol ng mga estudyante. Lahat sila ay napatingin saamin katulad ng ginawa ng iba. Lahat sila ay yumuko ng natapat kami sa kanila pero may isang lalaki na sinundan kami, mali sinundan ako ng tingin at ngumisi.

Kumunot ang noo ko dahil doon. Binalikan ko ito ng tingin pero naharangan na sya ni Gideon, nasa likuran ko pala sya. May pamilyar akong naramdaman sa lalaking iyon pero tiyak akong ngayon ko lang sya nakita. Lalo akong naguluhan. Hindi ko na nalingon ulit ang lalaki dahil nahila na ako ni Ada.

"Ayoko talaga dito." sabi ni Ada. "Maraming hindi kaaya-ayang bagay dito." at sinipat ang malaking uod na gumagapang sa isang sanga ng kahoy. Kasing laki ng braso ang uod na iyon at mukhang mapanganib.

Isang linggo na ang nakakaraan mula noong sinabay ako kumain ni Ada sa kanila. Mula noon ay lagi na nga akong sinasabay ni Ada sa kanila. Unti unti na rin akong nasasanay sa lugar na ito.

Nandito kami ngayon sa gubat sa likod ng Minerva. May isang kilometro ito mula sa paaralan pero nasa iisang isla pa rin sila. Nandito kami para sa isang asignatura. Pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit ang daming estudyante ang nandito.

"Buong Tychia ang nandito." sabi ni Kiyo saaking tabi, hindi ko sya napansin. "Siguradong may magandang mangyayari, ihanda mo na ang sarili mo." sabi nya saakin at ngumiti, saka sya lumapit kay Gideon.

"Magandang umaga!" bati ni Binibining Anna. Sya ang magiging guro namin para sa isang ito. "Alam nyo naman na siguro kung bakit kayo nandito?" tanong nya saamin. Ang iba ay tumango at ang iba naman ay napabuntong hininga. Mukhang may masayang mangyayari.

Tumawa si Binibining Anna, "Wag kayo mag-alala masaya ito, maglalaro tayo." sabi nya. Tinaas nya ang kanyang kamay at sa isang iglap lang ay may lumabas na sa harapan namin na isang malaking mapa. "Ito ang mapa ng gubat na ito. Dito kayo mamamalagi sa loob ng tatlong araw." sabi niya. Napasinghap ang lahat.

"Ano?!" sigaw ni Ada, "Sinasabi ko na nga ba, may hindi magandang mangyayari." aniya. Lahat ay nagreklamo dahil ngayon lang kami naabisuhan na meron palang magaganap na ganito.

"Tatlong araw? Saan kami matutulog sa gubat na ito?" sabi ng isang babae.

"Paano kami kakain?" sabi ng isa pa.

"Nasasainyo na iyon kung saan kayo hahagilap. Ang larong ito ay para maipakita nyo kung paano kayo mabubuhay at makakaligtas sa isang gubat na wala kahit ano." paliwanag ni Binibining Anna. "At syempre hindi lang iyon, ngayon gumawa kayo ng grupo na may apat na miyembro. Ang Tychia ay merong isang daan at dalawampung estudyante kaya lahat magkakaroon ng kagrupo." dagdag nito.

Nagulat ako nang may biglang lumingkis sa kamay ko, si Ada. "Dito kayo, mamaya may biglang umagaw sa inyo." sabi nya.

"Ada hindi mo naman na kami dapat hilain, hindi naman kami sasama sa iba." sabi ni Kiyo na nasa kabilang kamay ni Ada, nakalingkis.

Tumingin ako sa kamay ni Ada na nakalingkis saakin, dalawa ang kamay na hawak nya. Tumingin ako sa likod at nakita ko si Gideon na nandoon, halos magdikit na ang katawan namin dahil sa pagkakahila sa kanya ni Ada. Malakas si Ada at wala ata syang balak na alisin ang kamay nya saamin, halatang ayaw kami pakawalan.

Si Gideon ang unang nagtanggal ng kamay nya. Nasasanay na ako sa kasungitan ni Gideon, laging sinasabi nila Ada na ganun daw talaga sya. Minsan nagkakainitan kami at sinasagot ko sya dahil sa mga sinasabi at pagsusungit nya.

"Sungit." bulong ko. At umirap sa kawalan.

"Ingay." sabi naman nito. Diko nalang pinansin, tumingin ako sa harapan kung nasan si Binibining Ada.

"Sa tingin ko ay kumpleto na ang tatlumpong grupo. Ipapaliwanag ko na ang laro kaya makinig kayong mabuti." sabi ni binibining Anna at lumipad ito para mas makita namin sya. "May dalawampung malalaking dyamante sa loob ng masukal na gubat na ito. Nagkalat sila sa iba't ibang panig. Kailangan nyong mahanap ang mga dyamante na iyon at bumalik kayo sa Minerva nang dala ang dyamante pagkatapos ng tatlong araw." sabi nito.

"Dalampung dyamante lang? Tatlumpong grupo ang meron, Binibining Anna." sabi ni Ovel isa sa mga kaklase ko.

"Iyon ang pinakamaganda sa larong ito ng larong ito. Kailangan nyong mag-unahan na mahanap ang dyamante bago kayo maubusan. At kung sino man ang hindi makakapagdala ng dyamante sa itinakda kong oras, tanggal na sa laro at hindi mabibigyan ng pabuya." sabi niya. Ibig sabihin sampung grupo ang matatanggal. Malaking pagsubok nga ang larong ito at ano naman kayang pabuya?

"May tatlong patakaran ang larong ito. Una dumating sa tamang oras na dala ang dyamante. Pangalawa, kung sa tingin nyo ay naubusan na kayo ng dyamante, binibigyan ko kayo ng pahintulot na agawin ito sa isa pang grupo. At pangatlo, ang malalagasan na grupo, tanggal na sa laro." paliwanag ni Binibining Anna.

Nag-ingay ang lahat, karamihan sa kanila ay tutol sa nasabing laro. Kung patagalan sa gubat siguradong makakatagal ako kahit isang linggo pa ito. May ginawa nang ganitong pagsasanay saamin si Tatay, parusa iyon saamin sa paglabag sa utos nya. Halos tatlong araw kaming walang makain ni Achelous ng mga panahong iyon sa gubat. Kaya nasisiguro kong kakayanin ko ang isang ito pero ang problema walang katiyakan ang kaligtasan namin sa lugar na ito.

"At para ganahan kayo sa laro." inilabas ni Binibining Anna ang isang napakalaking dyamante sa kanyang kamay. "Ang pabuya ay may tig-iisang dyamante ang unang grupong makakabalik sa Minerva. At makakakuha kayo ng sampung punto para sa grado nyo sa asignatura ko. At kung sino man ang makakakuha ng dyamante sa gubat sa kanila na ang dyamanteng iyon." sabi nito at ngumisi. Napalunok ako, ang ganda. At sa tingin ko ay limpak limpak na salapi ang makukuha mo kapag ipinagbili mo ito.

Naalala ko si Nanay, tiyak na magugustuhan nya ang isang iyan. Natatandaan ko noong minsan kami nakahanap ng perlas ni Achelous at binigay ito kay Nanay labis ang tuwa nya noong ibinigay namin ito sa kanya. Talaga ngang gaganahan ka dahil sa dyamante at sampung puntos na grado.

"Gusto mo ba iyon?" tanong saakin ni Ada. Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Sigurado akong magugustuhan iyon ng nanay ko." sabi ko sa kanya at ngumiti. Kumunot ang noo nya.

"Ibibigay mo sa nanay mo? Hindi mo ipagbibili?" tanong nya saakin.

"Hindi naman ako mahilig sa mga ganoong bagay."

"Kung ganoon, galingan natin!" sabi nya saakin at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya. Mukhang tama si Kiyo mukhang magiging masaya nga ito.

"Ilang sandali nalang ay mag-uumpisa na ang laro. Magsihanda na kayo." sabi ni Gideon, tinapik ni Kiyo ang balikan nito.

At ilang sandali lang ay nagpasabog na si Binibining Ada sa kalangitan, hugyat na nag-umpisa na ang laro.