Chereads / Oblitus / Chapter 4 - Kabanata 3

Chapter 4 - Kabanata 3

Kabanata 3

Tychia

Tinatahak ko ang pasilyo at nililingon lingon ang bawat pintuan para hanapin ang aking dormitoryo. Bakit ba kasi halo halo ang mga numero?

1060... 1476... 1456... Paano ko hahanapin ang dormitoryo ko kug ganito? Ang sabi ni Alistair nasa palapag daw na ito ang bilang 1000-1500 na dormitoryo. Inabot ako ng labing limang minuto bago ko nahanap ang pinto na may nakalagay na 1002.

Ginamit ko ang susi na binigay saakin at binuksan ang pinto. Laking gulat ko nalang nang may nakalutang at nakabaliktad na babae ang bumungad saakin. At dahil din sa gulat nya nahulog sya mula sa taas. Malakas na kalabog ang narinig sa buong silid.

"Navi? Anong nangyari?" may isa nanamang babae na lumabas sa isang silid.

Agad ko namang dinaluhan ang babaeng nahulog kanina. Iniinda nya ang sakit sa kanyang ulo.

"Pasensya na, nagulat kita." saad ko. At tinulungan ko syang tumayo, dumalo rin ang babaeng nagtanong kanina. Inupo namin sya sa malapit na upuan.

"Ayos lang, kasalanan ko rin." sabi niya habang iniinda pa rin ang sakit.

"Inumin mo ito, Navi. Ano ba kasi ang nangyari?" sabi ng babae kanina at inabot ang boteng may laman na dilaw na likido.

Agad namang ininom ito ni Navi na muntikan na mapaduwal. "Ang pangit talaga ng lasa, kung di lang masakit ang ulo ko diko iinom 'yan." anito.

"Wag kana magreklamo," sagot naman ng isa at tumingin saakin. "Sino ka? At paano ka nakapasok?" masungit na tanong nito. At doon ko lang naalala na hindi pa nga pala ako nagpapakilala.

"Pasensya na ulit. Ako si Dorothea." sabi ko at ipinakita ang susi na ginamit ko. Napabuka ang bibig ng dalawa.

"Pasensya na, Dorothea. Wala kasi kaming inaasahan na dadating. Sa tagal kasi namin dito ni Ella ito ang unang pagkakataon na may makakasama kami." sabi ni Navi at nginitian ako.

"Walang dumating na mga gamit dito kaya hindi namin alam na may dadating, hindi rin kami nasabihan. Pasensya na, nasungitan pa kita." sabi naman ni... "Carmella," pakilala nito, nilahad nya ang kamay nya na inabot ko naman.

"Ayos lang." sabi ko.

"Halika, ituturo namin sa'yo ang kwarto mo. Sa wakas ay may mag-uukupa na dito." masayang ani Navi at kinuha ang isa ko pang kamay. Natawa ako ng pati si Carmella nahila ko na rin.

"Pagpasensyahan mo na. Sa buong pamamalagi kasi namin dito ito ang unang pagkakataon na may iba pa kaming makakasama." paliwanag ni Carmella.

"Ayos lang. Ito rin naman ang unang pagkakataon na may makakahalubilo akong iba. At masaya ako dahil maganda ang pakikitungo nyo saakin kahit na bago palang tayo magkakilala." sagot ko naman sa kanya. Tumingin ako sa unahan kung nasaan si Navi na may malawak na ngiti. 

Malawak ang dormitoryo na ito dahil may pangalawang palapag pa. Ang silid na nilabasan ni Carmella ay ang kusina, katabi nito ay ang hapagkainan na katapat naman ang sala. Sa pangalawang palapag ay may apat na pinto ang una ay ang katapat ng hagdan na isa daw banyo. Ang dalawang kwarto ay magkatapat na pagmamay-ari nina Navi At Carmella.

"Ang pinakadulo ang kwarto mo, Thea." sabi Navi, "Pwede ba kitang tawaging Thea? Masyado kasing mahaba ang Dorothea eh." tumawa ito at ganun din si Carmella. Ngumiti ako at tumango.

"Kahit kailan ka talaga," saad ni Carmella at mas lalo namang tumawa si Navi kaya natawa na rin ako.

Ngayon alam ko na kung bakit dalawang susi ang ibinigay saakin. Ang isa ay para sa dormitoryo at ang isa naman ay para sa kwarto ko. Ginamit ko ang isang susi at binuksan ang pinto. Napaubo kami sa sobrang kapag na alikabok na nasa loob.

"Hindi namin mabuksan ang kwarto mo dahil wala kaming susi kaya hindi namin malinisin." sabi ni Navi.

"Ayos lang. Mabilis lang naman, malinisan ito eh." saad ko at hinubad ang suot na jacket at nag-umpisa paangatin ang kama, na sa sobrang kapal na alikabok ay hindi na masasabing kama.

"Sandali at kukunin ko ang mga panlinis." sabi ni Carmella. Hindi rin sya nagtagal sa pagkuha ng mga panlinis at nag-umpisa na rin sila maglinis.

Ang sabi ko ay kaya ko naman ngunit mapilit ang dalawa t talagang gusto akong tulungan.

Malawak ang kwarto na ito at may sarili pang banyo, kumpleto rin ang mga gamit dito sa loob. Ang problema lang talaga ay madumi ito at makalat. Habang nag-aalis ng mga agiw si Navi, ginigilid naman ni Carmella ang mga gamit upang hindi maging sagabal sa paglilinis.

Inabot kami ng dalawang oras para malinis at maayos ang kwarto ko. Maraming salamat sa dalawa at napadali ang trabaho ko.

"Salamat, sa inyo ah." sabi ko habang pababa kami mula sa pangalawang palapag. Tinignan ko ang oras at nakitang alas nuebe na pala ng gabi. Hindi pa ako kumakain, si Ache kaya kumain na?

Saktong pagbaba namin ay may kumatok sa pinto. Napatingin naman ako sa dalawa at nagkibit-balikat sila. Nasabi pala nilang wala silang inaasahang bisita. Pumunta ako ako sa harap ng pinto at binuksan ito.

Nakita ko ang mga gamit ko na nasa labas na ng dormitoryo ngunit walang sino man ang nasa labas. Mahika. Kinuha ko nalang ang mga gamit ko papasok.

"Halika na, Thea. Kumain na tayo." sabi ni Carmella. Nakonsensya naman ako, dahil ata saakin kaya nahuli sila sakanilang hapunan.

"Wag ka mag-alala, sanay na kami na nahuhuli sa hapunan." saad ni Navi dahil mukhang nabasa nito ang nasa isip ko.

Kumain kami at nagkwentuhan. Sa susunod na araw pa ang unang klase. At labis akong natuwa dahil sabi ng dalawa ay sasamahan daw nila ako para makuha ang uniporme ko at iba pang kakailanganin sa paaralan. Ipapasyal na rin nila ako sa paaralan.

Nahanap ko na lamang ang aking sarili na nakahiga na sa aking kama at unti-unti nang napapapikit dahil sa pagod.

Liwanag galing sa maliwanag na araw ang gumising saakin isang umaga. Itinapat ko ang aking kamay para takpan ang sinag ng araw. Bumangon ako at nagpunta sa banyo. Pagkatapos maligo ay bumaba na ako.

"Magandang umaga!" bati ni Navi na nakabaliktad nanaman sa itaas. Ngumiti ako at binati rin sya. Naglakad ako papuntang kusina at nakita ko roon si Carmella na nagluluto ng agahan. Binati ko sya ng magandang umaga at ganun din sya.

"Kamusta ang tulog mo?" tanong nya habang nagluluto.

"Mabuti naman, tulungan na kita." sabi ko at hinanda ang hapagkainan. Masaya kaming kumain at nagpahinga saglit bago nagbihis para mamasyal.

"Pumunta muna tayo ng Malta." suwestyon ni Carmella.

"Malta?" tanong ko naman.

"Ang sentrong bayan, Thea." paliwanag naman ni Navi. Tumango naman ako, ayun yung pinuntahan namin kahapon nila Tatay.

"Pero anong gagamitin nating sasakyan?" tanong ko ulit. Ang pagkakaalam ko, ang mga bangkang ginamit namin kahapon ay para lamang sa paghatid dito sa Minerva.

Humagikgik naman ang dalawa. "Wala tayong sasakyan dahil hindi naman tayo sasakay." saad ni Carmella at mas lalo akong naguluhan. Nang makarating kami sa pampang ay lumusong agad si Carmella sa tubig, habang lumipad naman si Navi. Ngayon alam ko nang hindi nga kami sasakay. "Halika na, Thea." anyaya ni Carmella na ngayon ay isa nang serena? Naituro na ito dati saamin ni nanay. May mga serenang kayang magkaroon ng paa at magkaroon ng buntot kung nanaisin nila.

Dahil hindi ko kayang magkaroon ng buntot ay mas pinili ko nalamang lumipad at isa pa ay ayaw kong mabasa ang aking damit. Hindi gaanong kataas at halos malapit lang din sa dagat ang aking lipad dahil nga sa takot ako sa matataas.

At ngayong maliwanag at walang makapal na hamog ang humaharang sa daan mas naaninag ko ang kapaligiran. Ngayon tanaw ko na ang mga kalapit na isla at tanaw ko na rin sa malayo ang kaharian ng Ceres. Napahinto ako sa aking paglipad dahil masyado akong namangha sa palasyo. Kahit sa malayuan ay nakikita kong sobrang laki nito at sobrang lawak.

"Thea!" tawag ni Navi. Tinignan kong muli ang palasyo ng Ceres saka sumunod kay Navi.

Hindi nagtagal ay nakarating na nga kami sa Malta, ang sentrong pamilihan. Hindi nag-aksaya ng oras ang dalawa at nag-umpisa na libutin ang lugar.

Masaya kasama at madaling pakisamahan sina Navi at Carmella, ang dami nilang kwinento saakin tungkol sa naturang lugar. Magtatatlong taon na rin sila magkasama, kaya naman sobrang lapit nila sa isa't isa. Puro kami tawanan sa mga masasayang kwento nila.

Hindi namin napansin ang oras dahil sobra kaming nasiyahan sa pamimili. Kaya alas dos na ng hapon nang napagpasyahan naming kumain ng pananghalian. At saka bumalik sa Minerva.

"Talaga bang ipapadala nalang sa dormitoryo lahat ng pinamili natin?" tanong ko. Lahat ng pinamili namin, pagkatapos magbayad ay iniwan lang namin sa mga tindahan na pinamilhan namin kaya wala kaming bitbit ngayon.

"Oo naman, Thea. Kilala kami doon, kaya alam na nila kung saan ipapadala ang mga pinamili natin." sagot ni Navi saaking tabi.

Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa mga bagay dito sa kabilang mundo. Iba talaga ang nagagawa ng mahika. Buong buhay ba naman akong nakatira sa isang isla, walang masyadong nakakasalamuhang nilalang, talagang mamamangha ako sa lahat ng nakikita ko dito.

"Kunin muna natin ang uniporme mo, Thea." sabi ni Carmella na gumagapang na ngayon sa buhangin at sa isang iglap lang ang kaninang makintab na buntot ay nahati sa gitna at naging paa.

Tinatahak namin ang pasilyo patungo sa kung saan. Ang dalawa naman ay tinuturo saakin kung ano-ano ang mga silid sa mga pasilyo. Mahabang lakaran ang ginawa namin bago kami nakarating sa isang silid na puno ng damit.

"Ina," tawag ni Carmella. "Ina." ulit nito nang walang sumagot sa una nyang tawag.

"Carmella, anak ko." sambit ng isang boses. Napatingin ako sa taas dahil doon nanggaling ang boses at naroon nga ang isang medyo may katabaan na ginang.

Abala ito sa pagkuha ng tela mula sa mataas na hanay ng malahiganteng tukador. Teka, anak? Akala ko ay 'Ina' ang ngalan ng namamahala dito. Diko inaasahang ina pala ito ni Carmella.

"Ginang Gia!" maligang saad ni Navi at niyakap si Ginang Gia nang makababa ito. Ganun din ang ginawa ni Carmella sa kanyang ina. Napatingin naman saakin si Ginang Gia dahil nasa likod ako ni Carmella.

"Magandang hapon po, ako po si Dorothea." pakilala ko at bahagyang yumuko, nagulat naman ako ng yakapin ako ni Ginang Gia. Ang dalawa naman ay may malawak na ngiti.

"Bago kang kaibigan ng anak ko." saad ni Ginang Gia, ni hindi man lang ito tanong. Tumango naman ako at ngumiti. "At ang sadya nyo ay ang uniporme mo." dagdag nya at muli, tumango ako. Bawat salitang binibigkas nito ay may kasiguraduhan.

"Paano nyo po nalaman?" tanong ko.

"Nararamdaman ko lang." sabi nya at muling ngumiti saakin. "Maghintay kayo rito at hahanapin ko ang uniporme mo." sabi ni Ginang Gia at nagsimula na maghalungkat sa mga tukador nito.

Umupo ako sa nakahandang upuan sa gilid at ganun sina Navi at Carmella. Ngayon ko lang napansin na kusang gumagalaw ang mga kagamitan sa loob. Mula sa karayom at sinulid na nagtatahi ng kung ano-ano, pati na rin mga walis na nililinis ang mga napaggupitan ng gunting.

Hindi nagtagal si Ginang Gia, inabot nya saakin ang uniporme ko. "Isukat mo Dorothea upang malaman natin kung masikip o maluwang ba ito. Maaari kang magpalit sa likod ng kurtinang iyon." tinuro ni Ginang Gia ang kurtita sa bandang kanan, pumasok naman ako at sinukat ito. May salamin sa loon kaya nakikita kong saktong sakto lang ang damit na ito saakin. Nakakagalaw naman ako ng maayos, komportable naman ito at hindi rin ito mainit sa pakiramdam.

Tatlong pares ang ibinigay saakin. Ang dalawa ay parehong palda at isang pares ng pantalon at damit. Binigyan na rin ako ng itim na sapatos ni Ginang Gia.

Pagkatapos kong makuha ang uniporme ko ay nagpaalam na kami kay Ginang Gia at muli nya kaming niyakap. Napakamasayahin ni Ginang Gia, nagtataka nga ako kung anak nya ba talaga si Carmella dahil madalas ay tahimik lang ito. Mas masasabi mo pa ngang mag-ina sila ni Navi dahil madaldal ito at pareho silang masiyahin.

"Ituturo nalang namin saiyo kung nasan ang mga importanteng puntahan dito sa Minerva, Thea. Dahil siguradong aabutin tayo ng gabi kung lilibutin natin ang buong paaralan." ani Navi at tumawa, natawa na rin kami ni Carmella dahil tama naman sya.

"Oo nga eh. Ang lawak ng paaralaang ito, di pa rin ako makapaniwala na mag-aaral na ako dito simula bukas." saad ko habang naglalakad kami.

Tinuro nila saakin kung nasan ang mg silid aralan, ang banyo, at ang kantina. At kumuha na rin kami ng mga kakailanganin kong libro na dito lang sa Minerva makukuha. Pagkatapos ay napagpasyahan na naming umuwi, gumagabi na rin at hindi pa kami nakakaluto ng hapunan.

Pagkarating sa dormitoryo ay nandun na nga ang mga pinamili namin sa Malta. Pinagtulungan namin iyon na ipasok sa loob sa sobrang dami, buti nalang talaga binigyan ako nila nanay ng pangbili sa mga kakailanganin ko.

Kasalukuyan akong tumutulong kay Carmella sa pagluluto ng hapunan. Si Navi ay nagpaiwan sa sala para ayusin ang mga pinamili namin dahil wala rin nnaman daw syang matutulong dito sa kusina.

"Ang bango, nakakagutom, " sabi ni Navi saaking likuran. "Ah Thea may dumating palang sulat para sa'yo. Galing sa punong ministro ng Minerva, 'yan ang magsasabi kung saang distrito ka nabibilang." at inabot nya saakin ang isang asul na sobre, kaya pala naparito sya sa kusina.

Distrito? Para saan naman kaya ang distrito?

Binuksan ko ito at kinuha ang laman sa loob, napataas ang kilay ko sa nakasulat dito. "Tychia?" sabi ko.