Chereads / Oblitus / Chapter 2 - Kabanata 1

Chapter 2 - Kabanata 1

Kabanata 1

Ceres

Gising na ang buong diwa ko. Pero hindi ko pa rin kayang imulat ang mga mata ko. Rinig na rinig ko ang mga bagay na nababasag at mga sigaw ng Nanay ko at ang mga pagpapaumanhin ng Tatay ko.

Napangiti ako sa isip ko. Kung nakakatakot na ang Tatay ko, kinatatakutan naman nya ang Nanay ko.

"Achilles! Ihanda mo talaga ang kamatayan mo kapag may nangyaring masama sa mga anak ko!" rinig kong sigaw ni Nanay.

"Doris naman," rinig ko ang pagmamakaawa sa boses ng Tatay ko. "Hindi ko naman sila masyadong pinahirapan," at muli nakarinig nanaman ako ng mga nabasag na mga bagay, sunod na narinig ko ay ang magkaskas ng isang bakal sa isa pa. Espada? "Mahal naman,"

"Anong hindi pinahirapan?! Nakikita mo ba ang mga anak mo?! Isa sa kanila ay walang malay nang inuwi mo dito! Tapos sasabihin mo hindi mo pinahirapan?" sigaw ng aking ina. At na rinig ko nanaman ang mga nasisirang bagay.

Huminga ako ng malalim at pilit na humugot ng lakas para imulat ang aking mga mata. Hindi naman ako nabigo nang maaninag ang mga kaonting ilaw na naaaninag ko.

"Nay, gising na si Ate." tawag ng ni Ache sa aming mga magulang. Nagtagumpay naman syang makuha ang atensyon ng mga ito. Patakbong nagtungo saakin ang aking mga magulang.

"Dorothea," tawag ng aking ina, bumaling ako sa kanya at nakita ko agad ang nag-aalala nyang mga mata.

Ngumiti ako para ipakitang ayos lang ako. Ngunit hindi ata kuntento sa kanya ang aking ngiti at tinignan pa ang aking tagiliran. Para makita siguro kung nagdudugo pa ang aking sugat.

"Buti naman at gising kana, masyado ko ata kayong pinahirapan ngayong araw. Pasensya na anak." saad ng aking ama.

Ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang Tay, naiintindihan ko naman kung bakit nyo kami sinasanay." halos pabulong na saad ko. At ngumiti ulit para ipakitang ayos lang talaga.

Tignan ko naman ang kapatid kong nasa kabilang bahagi ng aking hinigaan. Ngumisi sya saakin na parang walang nangyari. Nginisian ko rin sya pabalik. Wala na talaga akong mahihiling pa sa pamilyang kinabibilangan ko.

Mabilis na lumipas ang mga araw at narito ako ngayons saaking silid at iniimpake ang mga damit ko. Bukas na ang paglisan namin dito sa mundo ng mga tao.

Abala naman ang aming mga magulang sa pagbukas sa isang lagusan na aming daraanan para makarating sa kabilang mundo.

Napabaling ako sa pinto ng aking silid nang may narinig aking katok dito.

"Dorothea?" si Nanay. "Nakahanda na ang hapunan, bumaba kana para makakain na tayo." aniya.

"Opo, bababa na po." baling ko sa kanya.

Habang nasa hapagkainan ay panay ang kwento ng aking Tatay sa kung anong meron sa kabilang mundo. Tapos na ang away nila ni Nanay, medyo natagalan pero dahil narin siguro sa pagmamahalan nila, hindi na natiis ni Nanay si Tatay.

Patuloy lang sa pagkwekwento si Tatay na sinasabayan ni Nanay. Dating heneral ng isang palasyo ang aking ama at dating guro naman ang aking ina sa kabilang mundo.

Ang pagkakaalam ko ay dahil sa maselang pagbubuntis noon ng aking ina sa aking nakababatang kapatid ang dahilan kung bakit kami lumipat dito sa mundo ng mga tao. Isa na rin sa dahilan ng paglipat namin ay ang kaguluhan dati sa kabilang mundo. Medyo natagalan lang ng kaunti ang aking ama sa pagsunod saamin dahil hindi siniguro nya munang magiging ligtas ang palasyong iiwanan nya dahil sya ang heneral ng mga kawal nito.

"Dorothea, Achelous." tawag ng aming Tatay. Binalingan naman namin sya agad. Sa kanyang kamay ay mayroong dalawang parihabang sobre, inabot nya ito saamin. Tinignan ko naman sya ng mga mapagtaong na mga mata. "Noong isang taon pa namin yan natanggap mula sa Minerva ang paaralan na papasukan nyo." paliwanag ni Tatay.

"Ang paaralan na iyan ang magtuturo sa inyo ng mga karagdagang kaalaman na hindi namin naituro, ang paaralan na maglalabas sa mga tunay nyong kapangyarihan." dagdag ni Nanay.

Binuksan ko ang sobre at nakita ko sa hunang pahina ang aking pangalan. Napangiti ako sa nakita. Binuklat ko pa ito at sa isang pahina makikita ang larawan ng paaralan, hindi ko pa man nakikita ang mismong paaralan alam ko na na napakalaki at lawak nito.

"Totoo po ba ito, talagang mag-aaral na kami at sa ganitong paaralan pa?" tanong pa ulit ng kapatid ko na hindi makapatiwala sa paaralang ito. Kung ako rin naman, hindi rin ako makapaniwala, sa laki at lawak nito, paaralan pa ba ito?

Tinignan ko rin ang aking mga magulang para makumpirma nga at baka nagbibiro lang sila. Pero nakita ko ang pasilay ng mga ngiti sa kanilang mga mukha at marahang pagtango.

Hindi ako masyadong nakatulog ng gabing iyon. At dahil hindi ako makatulog nagsanay nalang ako ng mahika. Pilit kong nilalabas ng sabay sabay sa isang tirahan ang lahat ng kapangyarihan ko. Isa iyon sa mga pinakamahirap na uri ng mahika na hindi ko talaga magawa. Pero kahit anong pilit ko talaga dalawa o tatlong kapangyarihan lang ang napapagana ko sa isang tirahan.

At sa sobrang kapagudan na rin siguro ay mabilis akong nakatulog. Paggising ko ay isang ngisi galing saaking hindi ang bumungad saakin, at sinabing kailangan ko ng maghanda dahil aalis na kami.

Sa likod ng aming bahay ay gumawa ng ang mga magulang ng isang malaking lagusan para makarating sa kabilang mundo. Lagusan kung saan naroon ang mga kauri namin.

At heto na kami nasa harapan na ng lagusan. Hinihintay nalang si Tatay para sa aming mga gamit, hindi naman nagtagal ay dala nya na ang mga importate naming mga gamit.

"Handa naba kayo?" tanong ng aking ina. Tumango ako at si Ache.

Noong limang taong gulang ako ay umalis kami sa kabilang mundo, wala akong matandaan sa lugar na iyon siguro ay dahil sobrang bata ko pa noong mga panahong iyon, at ngayong labing-syam na ako ay makikita ko na ulit ang lugar kung saan ako isinilang.

Hawak ang aking mga gamit ay isa isa kaming pumasok sa malaking lagusan. Nauna si Tatay sumunod naman ang aking kapatid, sunod ay si Nanay at huli akong pumasok.

Mabilis na ang tibok ng aking puso nang pumasok kami sa lagusan ngunit may ibibilis pa pala ito.

"Ahh!" sigaw namin sa gulat. Dahil ang akalang sa lupa kami lalabas ay sa himpapawid kami dinala ng lagusan. Agad naman nakabawi ang aking pamilya sa pagsigaw, maliban saakin dahil takot ako sa matataas na lugar.

Kaya imbes na gumawa ako ng paraan para hindi ako mahulog ay tuloy lang ako sa pagsigaw.

Hindi ko na talaga kaya. Ayaw ko na sa lugar na ito. Nagsimula na akong humingi ng tulong. Pinikit ko ng mariin ang mga mata para kahit papaano maibsan ang nadarama kong takot pero wala.

Hanggang sa maramdaman ako ang isang maiinit na bagay na pumulupot saaking baywang. Mariin pa rin ang aking pagkakapikit at tuloy pa rin ako sa aking pagsigaw.

"Ang ingay," saad ng isang hindi pamilyar na baritonong boses. Napamulat ako ng mata saaking narinig. At isang mapupulang mga mata ang nakatitig saakin ang agad kong nakita.

At sa isang iglap ay nakaupo na ako sa isang lumilipad na dragon. Nasa akin syang gilid habang sya ay nakaharap sa dinaraanan. Nakahawak pa rin saaking baywang ang kanyang isang kamay para hindi ako mahulog, habang ang kanyang isang kamay ay nagmamanipula sa dragon.

Sino sya?

Nakatalukbong ang kanyang ulo ng pulang kapa, hindi ko makita ang pangloob nyang kasootan dahil natatabunan ito ng pulang kapa.

Teka, bakit ko naman aalamin ang nasa likod ng kanyang kapa?

Nang maramdaman kong pababa na ang aming sinasakyang dragon ay agad akong kumapit sa kamay nyang nasa harapan ko na nagmamanipula sa dragon.

Agad akong bumababa sa dragon. At agad kong hinanap ang aking pamilya. Nang hindi ko sila makita ay umusbong ang bagong kaba saaking dibdib.

Bumababa kami sa gitna ng kagubatan. Saan ko ngayon hahanapin sina Ache?

"Ganyan kaba magsalamat sa tumulong sayo?" malamig na saad ng lalaki. Oo nga pala, nakalimutan kong magpasalamat.

Humarap ako sa kanya at hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sya sa kanyang malaking dragon.

"Maraming salamat sa pagtulong saakin. " sabi at bahagyang iniyuko ang ulo para ipakitang tauspuso ang aking pagpapasalamat. Nang nakuntento na ako sa pagpapasalamat ay tumalikod na ako sa kanya para hanapin muli ang aking pamilya.

"Hindi kalang pala maingay, bastos ka rin." aniya. Nagpantig ang tenga ko saaking narinig. Ano bang problema nya?

Humarap ako ulit sa kanya at ngayon ay nakakunot na ang noo ko. "Paumanhin pero pwedeng pakiulit ang iyong sinabi?" sabi ko.

"Ang sabi ko maingay at bastos ka." ulit nya sa nanlilisik na mga mata. At talagang inulit pa nya.

"Ano bang problema mo? Hindi pa ba sapat na nagpasalamat na ako sayo?" sabi ko na may halo ng irita.

Base sa pigura ng mukha at katawan nya ay mukhang magkasing taon lang kami. Kaya wala akong makitang basehan upang mag-'po' ako sa kanya kung iyong ang kinakagalit nya at dahilan ng pagtawag saaking bastos.

Ang pula nyang mga mata ay nanlilisik na nakatingin saakin at ang kanyang makakapal na kilay ay magkasulubong sa hindi ko malaman na kadahilanan.

Nag-iwas sya ng tingin, "Hephaestus, tara na." malamig nyang saad sa dragon na kanyang sinasakyan at sa isang pagaspas ng malaking dragon ay lumipad ito ng napakatas.

Ganito ba ang mga tao dito? Nakakatakot silang pakisamahan kung ganoon. Unang araw ko palang dito ay ganoon na ang nangyari.

Bumalik lang ako sa reyalidad nang makarinig ng isang pamilyar na sigaw.

"Dorothea!" sigaw ni Nanay.

"Anak asan ka?" sigaw din ni Tatay.

"Ate!" si Achelous.

Napalingon ako kung saan galing ang boses, at hindi naman ako nahirapan nang makita sila sa likod ng mga malalaking puno saaking kanan. Agad akong tumakbo sa kanila na agad naman nilang napansin at tumakbo rin palapit saakin.

Agad akong inalo ni Nanay dala na rin siguro ng sobra nyang pag-aalala. "Ayos ka lang ba?" bungad nyang tanong, tumango naman ako at ngumiti para isiguro sa kanilang lahat na ayos lang ako.

"Pasensya na anak, masyado kasing makapal ang ulap at hindi kita nakita." paliwanag ni Tatay. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Ngumiti rin sya saakin at ginulo ang aking buhok.

Kung gaano sya kaistrikto biling aming guro, ganoon din sya mapagmahal saamin bilang ama.

Dahil buo na kami lahat ay nag-umpisa na kaming maglakad palabas ng kagubatan. Si Tatay ang nangunguna sa paglalakad dahil memoryado nya ang masikot-sikot dito sa kabilang mundo.

At sa tagal ng paglalakad namin ay nakarating na rin kami sa isang pamilihan?

"Ito ang sentrong pamilihan nitong kabilang mundo, hindi ito sakop ng ano mang kaharian dahil lahat ng produkdo galing sa iba't-ibang kaharian ay inaangkat dito." sabi ni Nanay habang kami ay naglalakad papunta sa di mahulugang karayom na mga tao.

Sa pangalawang pagkakataon, nakakita ako nang mga nilalang na kauri ko at hindi lang isa o dalawa, dagat ng tao ang aking nakikita dahil na rin siguro isa itong pamilihan. Ibang-iba ang mundong ito sa kinagisnan kong mundo, sa pananamit pa lang nang mga narito ay iba na sa mundo ng mga tao. Makikinang at makukulay ang kanilang mga kasootan at puno rin ng pala muti ang kanilang mga katawan. Wala namang masyadong pagkakaiba ang itsura ng mga nilalang dito kumpara sa mga tao. Ang kaibahan lang siguro ay gumagamit kami ng mga mahika na iba sa mga tao.

Agad akong namangha sa mga kakaibang bagay na kanilang itinitinda. Habang naglalakad kami ay maraming nakakakilala saaking Nanay at Tatay. At halos lahat sila ay nagbibigay galang dito sa paraang paglagay ng kanilang kanang kamay sa kaliwang dibdib at bahagyang pagyuko.

"Mahigit isang dekada na ang nagdaan ay kilala pa pala ako dito." tawa ng aking Tatay na bahagyang tumingin saaking Nanay na mukhang nagyayabang at agad naman itong inirapan ng aking Nanay.

Napailing nalang kami ni Achelous at natawa sa inasta ng aming mga magulang.

"Bago ka magyabang, pakainin mo muna kaya ang pamilya mo." singhal ng aking Nanay na mas lalo naming ikinatawa ni Achelous.

Nangiti nalang ang aming ama sa kasungitan ni Nanay at dinala kami sa isang kainan. Nang maamoy ko ang pagkain na kanilang niluluto agad ko namang naramdaman ang gutom na hindi ko naman nararamdaman kanina.

Iginiya kami ng isa sa mga serbedora sa isang bakanteng lamesa sa hindi kalayuan na para sa apat na katao.

"Ano po ang nais nyong kainin, Heneral?" anang serbedora. Hindi na ako nagtataka kung pato dito ay kilala sya, kung sa labas ay marami nang bumabati kay tatay.

"Ang inyong pinakamasarap na putahe para sa aking pamilya." pormal na saad ng aking tatay. Agad namang umalis ang serbedora.

Habang hinihintay namin ang aming makakain ay nagkwekwento naman si Tatay tungkol sa lugar.

"Alam nyo ba mga anak? Makasay-sayan ang lugar na ito dahil Dito sa lugar na ito unang sinabi ng inyong Nanay na mahal nya ako?" tawa ng aking ama.

"Achilles!" banta ng aking Nanay dahil siguro bahagyang nahihiya. Mas lalo namang natawa ang aking Tatay dahil sa reaksyon na iyon ng aking Nanay. Hindi kasi masyadong ipinapakita ng aking ina ang kanyang nararamdaman saaking ama dahil na rin siguro may pagkamayabang ito.

Napabuntong hininga nalang ako at nagkibit balikat nalang sa Achelous. Sanay na kami sa mga ganitong pangyayari dahil madalas naman talagang mangyari ang mga bagay na ganito.

At ngayon ay para silang mga batang nag-aaway dahil sa simpleng bagay na iyon. Napangiti ako. Dahil sa nakikitang pagmamahalan ng aking mga magulang sa isa't isa.

Sana balang araw, kapag tama na ang panahon makatagpo rin ako ng ganitong pagmamahalan dahil siguradong hanggang kamatayan hindi magbabago ang aming pagmamahalan.

Natapos lang sila sa pagtatalo nang nilipag na ang kakaibang putahe sa aming harapan. Sa sobrang bigat nito ay naalog pa ang lamesita saaming harapan.

Bahagya naman ang napalayo nang mapagtanto kung ano ang aming kakainin sa araw na iyon. Gumagalaw pa ito at nagpapakaawang ibalik na sa tubig.

"P-Pating." bulalas ni Achelous na bahagya ring lumayo. Natawa naman ang serbedora saaming naging reaksyon.

Ang malaking pating ay kawawang nasa malaking plato na napapalibutan ng mga kung anong pampalasa at mga halamang dagat. Una dragon, ngayon naman pating? Ano pa ba ang saysay ng pagkakagulat ko kung nandito nga pala ako sa kabilang mundo na iba sa mga kinagisnan kong mga bagay.

Nag-umpisa naman ang serbedora na hiwain ang kawawang pating saaming harapan. Napatuwid ako sa aking kinauupuan nang makitang niluto ito gamit ang apoy na nagmumula sa kamay ng nagluluto. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil makakain na kami dahil gutom na rin ako o hindi nalang.

"Masiyahan po sana kayo sa inyong pagkain." saad ng serbedora at umalis na.

"Kain na." si Nanay. Pero hindi ako gumalaw at ganun din si Achelous. Nagtatakang tumingin naman si Nanay saamin. "Hwag kayong mag-alala ligtas ang isdang iyan. Iba ang pagpapalaki nila dito ng mga isda at sinisiguro nilang ligtas itong kainin." dagdag nya pa.

Napatango nalang ako at kumuha na ng makakain. Hindi ako masyadong kumuha sa parte ng pating at ang mga halamang dagat nalang ang aking kinain.

Nagtagal pa kami sa lugar na iyon dahil naparami ag kwento ni Tatay saamin ng mga bagay-bagay, saka kami nagpasyang umalis na dahil maggagabi na at medyo malayo pa ata ang lalakarin namin para makarating sa bago naming bahay.

Hindi naman pala kalayuan ang aming lalakarin dahil sa di kalayuan tanaw ko na ang higanteng kaharian na sakop ang aming bahay na titirahan.

"Wow." nasabi ko nalang nang lumapit pa kami sa palasyong sa malayuan ay higante na, ano pa kaya paglumapit pa ako?

"Nandito na tayo," si Tatay. "Ang kaharian ng Ceres." dagdag nya pa.