Funny how life can be so playful. Sa simula, walang wala ka. Sa simula, para ka lang hangin sa iba. Sometimes felt, most of the time ignored. And I'm on the latter.
I don't know why, siguro kasi hindi ako pumasa sa standards ng society natin. Someone who's a head turner. Yung tipong amoy palang, lilingunin ka na ng mga tao. Ako kasi yung tipong, "makikiraan ho with matching sulyap ng mga tila famous people". As in everyday! Everyday sis, ganyan. Ignore dito, ignore doon. Mukha ba akong tae?
"Charm, pinapatawag ka ni Sir Arnel sa office niya." Mabilis akong napalingon sa ka-office mate ko na si Joy.
"Bakit daw?" Tanong ko sa kanya bago ininom ang tubig galing sa dispenser namin.
Nagkibit balikat lamang ito sa akin, "Hindi ko alam eh, pero pumunta ka na raw doon. Now na."
Si Sir Arnel ang terror naming boss. Kapag sinabi niyang now na, go na. Kaya naman nagmadali ako sa pagpunta sa opisina niya.
I am working in a publishing company. Naisip ko kasi na ipursue ang bagay na gusto ko talaga, ang bagay na kung saan ako, ay alam kong magaling ako. That is writing. One thing I'm confident about in me.
Hindi ko alam paano nagsimula ang pagkahilig ko sa pagsusulat. It started with reading. Masyado akong nahook sa pagbabasa ng bata pa ako, hanggang sa pa unti-unti, minahal ko na rin ang pagsusulat. Not until I pursued journalism nung elementary ako. Doon nagsimula lahat ng kagustuhan ko sa pagsusulat.
Kumatok muna ako bago pumasok sa office ni Sir Arnel. Nawala ang kaba sa dibdib ko ng makita ko ang ngiti ni Sir. This means good news! Ang swerte ko siguro ngayon.
"Ms. Montes." Paunang tawag niya bago ininguso sa akin ang upuan sa harap niya.
I nodded and sit on it, "Yes, sir?"
He let out a big sigh before giving out a wide smile, "I would like to congratulate you. Congratulations, hija. Iyong isinulat mong libro ay napili upang gawing pelikula!"
My jaw dropped. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Who would've thought that my story written out of the blue would be such a hit!
"Considering na that's your first solo book written, I am so proud, Miss Montes! Hindi man siya gaanong patok--"
"Yun na nga ho, sir. P...paano ho yun nangyare eh hindi naman pumatok sa masa yung naisulat ko." I bitterly told him.
He shrugged his shoulders, "I honestly don't know but! They told me na something about it is worth a film. To be honest, maganda ang concept ng kwento mo. Kinulang lang sa mga flowery words but I think the management of the film would do something about it. As for now, congratulations, Miss Montes!"
Mr. Arnel stood up and gave me a handshake. I warmly accepted his hands and smiled at him.
"Thank you, sir." I sincerely told him.
Alam ko na walang perfect writer. I know my lapses as a writer kaya sa halip na sumama ang loob ko, naisip ko na paghusayan na lamang ito. There will always be a tomorrow for me. A tomorrow where I can write my thoughts, my story, that would surely won the heart of the mass.
Dumako ako sa cubicle ng kaibigan ko. I sweetly smiled at her bago ko siya niyakap ng mahigpit.
"Bakit? Pinagalitan ka ba ni--"
"Gagawing movie yung libro ko!" Napatili ako sa saya. This is too much. Finally, malaki laki na rin ang maiaambag ko sa bahay namin.
"Talaga?" Gulat na tanong sa akin ni Rose.
I nodded, "Oo!" Sabay kaming napatili sa saya.
Almost two years na akong nagtatrabaho dito sa publishing company. That was the year where I decided to pursue what I truly love. Ewan ko ba kasi bakit ibang kurso ang tinahak ko.
Natigil lamang ang tilian namin ng lumabas si Sir Arnel sa opisina niya.
"Miss Montes, the head of the management would like to have a dinner with you later. 7 pm." Anunsyo niya sa lahat pero ang totoo ay para sa akin lamang. He gave me a yellow card for the reservation.
Putangina! Mamahaling hotel to eh!
Siniko ako ni Rose, "Paano kapag nakita mo ang ex mo?"
I arched my eyebrows. "Pano ko naman yun makikita eh artista naman yun. Head of the management, sis, ang kadinner ko. Hindi yung ex ko."
"Eh pano nga?" She asked me again. Ang kulit din nito eh.
"Wala. Normal lang. Hi? hello? Tsaka, sis, moved on na ako dun." I confidently told her.
"Talaga ba?" She teased me again.
"Oo naman! Anong akala mo ba, iiyak ako pag nakita ko siya? No.Way! Tagal na naming wala. Tinanggap ko na na may mga bagay talaga na hindi para sa akin." I smiled at her.
She shrugged her shoulders, "Well, then, good luck mamaya. Mag-ayos ka rin."
Actually naisipan kong umuwi muna sa condo ko kaso magtataxi pa ako. Ang mahal pa naman ng taxi ngayon. Okay naman ang suot ko. Isang plain black bodycon dress with matching creme doll shoes.
Nang mag ala-singko na ay nagsimula na akong mag-ayos sa cubicle ko. Kasalukuyan kasing may ginagawa kaming new story ni Rose. For proposal palang naman. Weekly kasi dapat may maipasa kami.
"Una na ako, Charm. Ingat!" Paalam sa akin ni Rose at ng iba ko pang katrabaho.
Sir Arnel even reminded me again about the dinner. Pumunta muna ako ng restroom para maglagay ng kaunting make up. Well, not really make up. Pressed powder, matte lip ink and cheek tint at slight na pasuklay sa wavy hair ko. 350 pesos din tong pakulot ko ha!
Nang matapos na ako sa pag-aayos ay bumaba na ako sa tower upang maghanap ng taxi. Mabuti na lang at hindi naman kalayuan ang napiling restaurant. Mahal pa naman sa bulsa ng taxi.
Pumasok na ako sa restaurant showing my yellow card. The attendant smiled at me at saka ako iginaya sa isang two seater table near the windows.
Halos 6:30 pa lang naman ng gabi kaya understandable na wala pa iyong head. Nakakahiya kasi kung ako ang magiging late. Wala naman akong sinabi dun.
The ambience of the restaurant is too relaxing. Halata na pang mayayaman itong kainan. Masyadong pormal ang mga tao. Lahat ng mga kilos nila, tipid.
I smiled at the waiter who served drinks. Hinayaan ko na lang ito. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin. Baka mapahiya lang ako!
Few minutes had passed, a man in his white short sleeve polo and black skinny jeans appeared infront of me.
"Sorry, I'm late." I gulped upon hearing that voice. Bakit parang nag mature lalo ang boses niya?
"Uh, no. It's okay. I'm just too early." I told him.
I wonder how I am able to say that without even stuttering. I should be panicking by now.
But then, I guess, time really heals all wounds.
Dumating na ang waiter para sa pagkain namin. We silently eat our dinner. Hindi man lang ako mabubusog nitong steak at rice na hula ko eh half rice lang.
"Thank you for choosing my book, sir." I formally told him. Hindi ko naman akalain na management head na pala siya.
"Actually, management head is not me. I'll be the one to do the lead role." Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"Then, what is this dinner all about?" Naramdaman ko ang pag nginig ng mga kamay ko.
"Ayoko kasing mabigla ka...kapag nagkita tayo sa...-"
"I'm done on you, Mr. Pangilinan." I bravely told him. Sana masuntok siya ng mga salita ko.
"I know. I just want to say sorry for--"
"Sorry for what? Sorry for faking your promises to me? Sorry kasi hanggang salita ka lang? Sorry kasi hindi mo kaya na ganito lang ang girlfriend mo? Sorry kasi pinaniwala mo ako na mahal mo ako? Sorry kasi naghanap ka ng iba?" And my fucking tears fucking fell.
"That was three years ago. I said I'm done on you. But why? Bakit ka naghanap ng iba?"
"Charm--"
"Let's just act like we don't know each other."
I told him bago ako umalis sa harapan niya. So much for this night. So much for that dinner!