" Dale, hindi ako mapakali nang masilayan ka sa malapitan. Halos ako'y malagutan na ng hininga - ang gwapo mo pala - bulaklak"
I sent it and without any minute ay pinost agad ito. Malagutan ka sana ng hininga dahil sa pekeng kilig!
Hinayaan ko lang na nakabukas ang laptop ko sa page na yun. I scanned my phone to search for some topics in Biochem. Putang mga structures to!
Nahigit ko ang aking hininga ng mabasa ang mga comments tungkol doon sa confession ko. A lot of students are mentioning Dale! Tangina, naka 1k reacts agad iyong confession ko. Ganto ba talaga nila kagusto ang gagong iyon?
Napatakip ako sa aking bibig ng mabasa ang comment ni Dale.
Dale: I'LL BE GIVING REWARD SA KUNG SINONG MAKAKAHANAP SA NAGCOCONFESS SA AKIN
Napairap na lang ako. Lalo na dahil nagsilabasan ang mga babaeng may gusto sa kanya. They are even asking out if the reward is a date!
"Sorry ka na lang, Dale." I smirked as I continue writing.
Dummy account ang gamit ko sa pag confess kay Dale. Syempre! Dun tayo sa safe lagi. Mahirap ng mahuli.
Halos malaglag ko ang cellphone ko ng makita ang message sa akin ni Dale.
Dale: someone's confessing abt me
Me: Huh?
I finished my homework bago muling nireplayan si Dale. Kinabahan ako bigla. Sana naman ay hindi niya ichat si Rose.
I instantly messaged Rose aka Maying. Yun kasi tawag sa kanya sa kanila.
Me: Sis, if Dale would message you pls ignore him
Rose: ofc i don't have plans on talking to him
Napahinga naman ako ng maluwag. Binuksan ko na ang message ni Dale.
Dale: aren't you following bsu confession page?
Me: why wud I follow that? Wala namang magcoconfess sakin dun
Dale: Wala talaga! Wag ka ng umasa no!
Me: Bwisit ka! Hoy, fyi, Liam said I'm pretty!
Dale: naniwala ka naman?
Me: eh si Rose nga di ka sinabihang pogi. Kawawa ka naman!
Dale: Kapal mo! U wait!
Me: Baka nalagutan ka na ng hininga, hindi ka pa rin gusto ni Rose! HAHAHAHA
Dale: Ah sige pagttripan mo ko ha? Eh kung sabihin ko kaya kay Liam na ikaw si ravengirl? Hmmmm
Me: putangina mo
Dale: wow, bad words...bad face, bad mouth tsk
Me: what do u want?
Dale: lakarin mo ko kay Rose
Me: fine
Dale: see you tom
give me your class sched
Napairap na lang ako sa sarili. Walang'ya to! May pang blackmail sa akin! I send him the pic of our class sched at saka nag offline na. Nabwisit ako masyado ng Dale na yun.
Kinabukasan, nagulat ako ng magchat sa gc namin na ngayon daw ang quiz sa calculus.
Dali-dali akong naligo habang minumura ang sarili ko. I am aiming for latin honors. Pero pinapahamak ako ng calculus na yan!
Hindi ako makakapag-aral ng maayos sa amin kaya napagdesisyunan ko na sa library na lang mag-aral. Mamayang hapon ang pasok namin. Nag message kasi ang class president namin na wala raw si Sir ngayon.
Nagpuyat pa ako para sa structures na yun! Bwisit talaga!
Agad akong nagtungo sa library. I went on my usual spot. Sa pinakadulong side ng lib kung saan natatakpan ng mga bookshelves. Mas tahimik kasi dito.
Hindi ko nga lang alam kung magegets ko ba ang turo dahil mahina talaga ako sa computations.
Well, matagal ko na namang tinanggap na I won't have latin honors. Ang hirap kaya!
I was busy scanning my notes, trying to solve ngunit hindi ko talaga makuha. Napahilamos na lang ako sa frustration.
Bagsak, edi bagsak, bwisit! But I know I'll cry.
"Differential, hm" Napaangat ako ng tingin kay Dale na abalang tingnan ang notes ko.
Tinaasan niya lamang ako ng kilay. I rolled my eyes.
"Kung nandito ka naman para guluhin ako, mamaya na lang, okay? Ilalakad na lang kita kay Rose." Walang gana kong saad sa kanya.
"You want help?" He asked. Abala pa rin sa pagtingin sa notes ko.
"As if naman alam mo to" I told him at saka muling itinuon ang attention ko sa problem na sinosolve ko.
"Excuse me? Do I look like someone who's going to fail in class?" He arrogantly told me.
He pulled one chair and sat beside me. Walang pasabing inagaw niya naman ang notes ko.
"You don't understand, which one?" He said while flipping my notes from one page to another.
"Everything" I bluntly told him.
Pinanlakihan niya naman ako ng mata. I looked at him, defensive.
"Jujudge mo na naman ako. Bad face, bad mouth, bad brain" Pinangunahan ko na ito.
His side of lips rose to form a smile. I rolled my eyes, "Excuse me, sa computations lang ako mahina!"
He nodded, "Yeah, as if you would be able to write such poems if you suck at writing." Walang filter niyang saad.
He looked at me with amusement in his eyes, "Ano? Taka ka na naman pano ko nahalata?" He squinted his eyes on me, para bang inoobserbahan ang bawat galaw ko, "You're just to obvious" , he shrugged his shoulders.
"Tuturuan mo ba ako or what? May quiz kami after lunch. Kung hindi mo ko tuturuan, umalis kana lang at tsaka, wala ka bang pasok ha?" Sunod sunod kong saad sa kanya.
"Later, after lunch." He lazily said, "What is the coverage of your quiz?" He added.
"D1 to D10" I told him.
May kinuha siya sa bag niya. It's a yellow paper and his pen. He started writing the formulas starting from D1 to D10.
Napaawang ang aking bibig ng makitang memorize niya ang mga iyon. Mayabang niya naman akong tiningnan.
"Di ikaw na matalino" Bulong ko.
"Listen, I'll teach you. Para naman hindi ka lugi sa paglakad mo sakin kay Rose." Mayabang niyang saad.
Inirapan ko ulit ito at tinawanan niya naman ako, "Mahanginan sana mata mo" he said that made me feel so mad at him.
Walang respeto sa babae! Pero, sige na nga. At least double ang benefits na makukuha ko.
"Kung iniisip mong double benefits, I doubt that. I believe Liam doesn't like you." He said while handing me his notes and samples.
Masama ko itong tiningnan, not minding the notes. Alas diyes pa lang naman ng umaga.
"Ikaw ba si Liam para malaman kung magugustuhan niya ako o ano?" I mocked him. Kung makapagsalita kasi, akala mo siya si Liam. Duh! Layo kaya ni Liam Imperial kay Dale Pangilinan.
"I just know...but, we'll try. Feelings change." He shrugged his shoulders and looked at his notes.
He tapped his pen on it. I rolled my eyes at saka tiningnan na ang gawa niya.
He started explaining from D1 up to D10. Okay, nakakamangha lang dahil mas malinis siya magturo kaysa sa prof namin.
"This the shortcut. I don't know if this one is okay to your prof, but..." Sandali itong natigilan tsaka ako tiningnan, "Okay lang ba na shortcut ang gamitin? Or I'll teach you the long way of solving this?" Lito nitong tanong sa akin.
For a moment, I felt lost with his eyes. Masyado kasing malapit sa akin. Kinakabahan ako. Teka, para saan naman ang kaba na to? Duh!
I shrugged my shoulders, "As long as makuha ang answers okay lang, whether short or long way of computations."
He nodded at me. Hindi ko alam kung gano kami katagal doon. Basta namalayan na lang namin ng marinig niya ang tunog ng tiyan ko. He laughed a little. I sharply looked at him.
"Let's have lunch." Pinanlakihan ko ito ng mata.
Siya naman itong umirap sa akin, "We'll have lunch with my friends. May ginawa sila sa Advanced Math kaya nasa room namin sila." He explained.
"May gagawin pala kayo! What are you doing here? Are you stalking me?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.
He scoffed, "As if. I borrowed a book" He pointed out to the bookshelf near me, "And then I saw you...ah...ang pangit ng umaga ko" Asar nito sa akin.
Sinuntok ko ito sa may balikat niya. Ang sama talaga ng bibig ng lalaking to!
"Let's have lunch with my friends, and with your Liam" He teased me. I rolled my eyes.
I'll be having lunch with Liam! At least may mabuting naidulot ang lalaking to!