Chereads / Not Now But Forever / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako umiyak. Pumasok na lang ako sa klase nang mugto ang mga mata ko.

My friends keep on observing my every action. Hindi man nila sabihin ay alam kong nakikiramdam lamang sila.

Nang mag uwian na, Jerard asked us na magtambay muna. Ayoko sanang sumama pero masyado silang mapilit.

"Okay ka lang?" Ella cautiously asked me.

The moment she uttered those questions, hindi ko na napigilan pang umiyak.

"Dale," I said his name while sobbing.

Masyadong mabigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

I looked at Rose. I apologetically looked at her, "I'm sorry...i used your name...Dale likes you..." I said in between my tears.

"You should've told us about your plan. I'm sorry, I didn't know." Rose apologetically told me.

I shook my head and hugged her. God, ang swerte ko sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam anong gagawin kung wala sila!

"Sorry. Hindi ko naman ineexpect na..." I cut off my words, not having enough courage to continue.

"Na magkakagusto ka kay Dale?" Jerard sighed.

They all hugged me. Somehow, the pain I'm feeling lessen a bit.

Hindi na rin kami nagkausap pa ulit ni Dale. Ni hindi ko na rin siya nakikita.

Everytime I would see Andy and Von, they would both smiled at me. Hanggang doon lang.

Life without Dale is boring. Ni hindi ko na rin naisip pa si Liam. I focused myself on acads na lang.

February came. Alam kong inaabangan ng lahat ang Valentines ball.

I curled on my bed. I don't have any plans of attending it. Uupo lang naman ako sa sulok at titingin sa mga taong sumasayaw.

Narinig ko ang katok ni Kuya. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Ano na naman bang trip nitong gagong to?

"May bisita ka! Yung crush mo nasa labas!" Singhal ni kuya sa akin.

Gulat akong napatingin sa kanya saka nagmamadaling lumabas sa aking kwarto.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Should I smile? I should apologize again, of course! I would apologize over and over again!

"Hi" Napahinto ako sa pagmamadali.

"Hi," I greeted him back.

"Are you going to attend the ball?" He slowly asked me.

I shook my head, "Hindi eh. Formal yun diba? Hindi ako prepared"

"I'll help you." He eagerly told me. Pinanlakihan ko naman to ng mata.

"Just trust me with this one, Charm." He begged.

I looked at him shocked. Tumango na lang ako saka naligo. Nagbihis ako ng pang bahay dahil nakapang bahay lang din siyang damit.

Naabutan ko si Kuya sa labas ng kwarto ko. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Magdadate kayo ng crush mo tapos ganyan lang suot mo?" He scoffed.

Inirapan ko na lang ito at saka pumunta na sa kanya.

"Tara na, Liam" I told him. He nodded at me and smiled.

Kung walang Dale, siguro halos mamatay na ako ngayon sa kilig. Kaso wala eh.

Mali ka kuya, hindi naman ito yung crush ko eh!

Liam brought his car with him. Alanganin pa akong umupo sa may shotgun seat.

Alas diyes palang kasi ng umaga. Ni hindi pa nga ako nag aalmusal eh.

"San tayo?" I asked him after how many minutes of silence.

"You'll see." He winked at me.

I rolled my eyes, "Wag mo kong pinagttripan ha!" Banta ko sa kanya.

Tinawanan niya lamang ako and shook his head, "I'm helping you." I felt the sincerity in his words.

Bakit ba kasi hindi na lang si Liam ulit ang magustuhan ko? Pwede naman yun diba?

"Kumain kana ba?" He asked me while driving.

"Hindi pa." I shyly told him. "Ano bang gagawin natin?" I added.

"Make-over." He calmly told me.

Nanlaki naman ang mata ko sa kanya. Make over? Nagpapatawa ata to eh! Anong make over?

"Gutom na ako. Wag mo kong ginagawang barbie," I warned him.

He let out a loud laugh while driving. Inirapan ko ito. Ang daming alam eh.

He parked in front of KFC. Masama ko itong tiningnan. He looked at me with questions in his eyes.

"Ang lapit na ng Mang Inasal ah" Pagpaparinig ko. He only shook his head while laughing.

"Baka mamayang gabi ka pa matapos kung doon tayo kakain." He said. Ang sama! Mukha ba akong patay gutom?

Hinayaan ko na lang si Liam mag order para sa akin. Libre niya naman eh. Kahit papano naman ay may hiya pa ako.

After naming kumain, nagdrive na si Liam papunta sa Robinson. He motioned me to follow him. Nakasunod lamang ako dito.

Tumigil kami sa derma eme. I raised my eyebrow, mag-aapila sana pero agad niya na akong hinila papasok. They all greeted us.

May inilabas na card si Liam. I don't know what is it.

"Dito po, Ma'am" A lady told me. I followed what she told me to do.

They scrubbed my body and then did something on my face. Hindi ko na alam anong ginagawa sa akin dahil nakatulog ako.

Ang gagong Liam ay tinawanan lamang ako. Sunod naman naming pinuntahan ay parlor.

He did the same thing. Naupo ito sa couch habang inaayusan ako.

"What are you planning to do?" I eyed him.

"Light make up, please. Make it natural." He told the one fixing my hair.

Napairap na lang ako. Saglit lumabas si Liam. Pagdating niya ay may hawak na siyang snacks. Buti naman at nagugutom na ako!

Ang tagal pala namin sa derma, ang tagal pa namin dito. We went out the parlor around four thirty.

"Let's go buy your outfit for tonight." He told me.

Pinasuot pa ako ni Liam nang contact lens! Halos maiyak na ako sa clinic. Ang tagal ko rin bago natuto. Nakakahiya!

Hinayaan ko na si Liam na magpili ng damit na susuotin ko. Mukha naman kasing maalam siya dito.

Lumabas kami sa mall na mukha akong ibang tao.

"Okay lang ba itsura ko?" I shyly asked him.

Awang ang bibig niya habang tumatango sa akin.

"I bet he'll eat his words," He murmured but I can clearly hear it.

Napansin ko rin na nakapagpalit na si Liam nang damit. He's now wearing a white long-sleeves polo and black maong pants with his top sider. He looked very formal and dazzling.

Unti-unti kong naramdaman ang kaba sa aking dibdib lalo na ng makitang papalapit na kami sa BSU.

Liam looked at me, "Don't be nervous. You're very beautiful."