We went to the karinderya where we usually eat. Nakita kong kumaway si Andy. His eyes turned wider for a bit after seeing me behind Dale.
A smirked was plastered on Von's face lalo nung sinenyasan ako ni Dale na maupo na sa harap ni Liam.
Liam is sitting beside Andy. Si Von ang nasa kabisera and I think Dale will sit beside me.
I told him what I want to eat at binigyan ko na rin ng pera. Mahirap na, baka doble pa isingil nun sa akin!
I eyed Liam for a bit. He was looking at Dale's back. I wonder what's on Liam's mind.
Andy and Von coughed. Napatingin ako sa kanila. Tinaasan ko lamang sila ng kilay.
"Magkasama kayo ni Dale kanina?" Andy asked while eyeing me. I rolled my eyes at him.
"Inistorbo niya ako kanina", I told him. Tumawa lamang sila.
Liam is just silent, he looked at me. I gulped and just turned my back to see Dale waiting for him to be noticed by the seller. Ang dami kasing bumibili.
"What did he do to you? Did he pestered you or what?" He slowly asked me.
Sasagot na sana ako kay Liam nang marinig ang nakakairitang boses ni Dale.
"I helped her sa Calculus. Nahihirapan kasi siya." Saad ni Dale habang nilalapag ang inorder niya.
"Magaling din ako sa calculus, Charm!"Wika ni Von.
"Kahit ako!" Andy added.
Mataman ko silang tiningnan, "Malamang! Mageengineering ba kayo kung bobo kayo sa computations?" I mocked them.
Narinig ko naman ang bulong ni Dale, "Attitude", he said enough for the two of us to hear.
Nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya ay binigyan niya lamang ako ng isang napakaplastic na ngiti.
Binalatan ni Dale ang fried chicken na inorder niya. Napalaki ang tingin ko ng makitang nilagay niya ang chicken skin sa plato ko.
"Eat." He motioned while looking at the chicken skin and back to my eyes.
"What are you doing?" I hissed at him.
"I read that girls like chicken skin. Why? You don't... like that?" Maingat niyang tanong sa akin.
Again, I rolled my eyes at him, "Gusto", I said as I started eating.
Tahimik lamang kaming kumakain. I noticed that Liam is not noisy. Well, lahat sila ay tahimik kumain. Hindi ako sanay. Me and my friends looks like there's no place to talk.
"You want help in Calculus?" Napahinto ako sa pagnguya ng marinig iyon galing kay Liam.
Pinanlakihan ko ng mata si Dale. I mocked him as I answered Liam.
"Oo, eh. Mahina kasi ako sa computations." I said in a small voice.
Liam nodded. May sasabihin sana ito ng muling umeksena si Dale. Pabibo talaga!
"Mahina raw. Bobo dapat." He said, not minding the sharp stares I'm giving him.
Tila pinakinggan ng langit ang mga dasal ko, "I can help you. I can send you my notes." Liam said.
"I am teaching her -" I cut off Dale.
"Sure! Thank you! Ang gulo kasing magturo nitong si Dale! Natatakot nga ako baka bumagsak ako sa quiz namin mamaya." I awkwardly laugh, teasing Dale.
"You have a quiz later?" Liam curiously asked.
I nodded, "After lunch." Malungkot kong saad.
"I can -" Dale cut off Liam.
"I already taught her." Masungit niyang saad bago tumayo sa mesa namin.
Gulat akong napatingin dito ng walang-sabing umalis. Von gives me a dead sign. I hissed at him.
"Nagalit ata" Andy said.
"Nagselos ata" Von added.
"Walang something sa amin ni Dale, okay? He likes my friend. I'm helping him." Hindi ko na napigilang ipaliwanag sa kanila.
"You want me to tutor you?" Pag iibang tanong ni Liam.
I nodded at him. He told me na bukas daw ay magkita kami after class. Turns out parehas four pm ang labas namin kaya pwede niya raw ako maturuan for an hour sa lib. I giggled at the thought of me and Liam together.
Naupo agad ako sa pwesto. Napasabunot ako ng makitang one seat apart ang ayos namin.
Nakasimangot din ang mukha ng mga kaibigan ko. I sighed when I saw Donna sitting beside me. I know she'll just wait for an answer.
She looked at me, gross by my presence. Inirapan ko na lang ito. Bahala nga siya! Attitude masyado!
Pumasok na si Sir dala ang coupon bonds. He handed as a piece of it. Naramdaman ko ang kaba sa aking dibdib lalo na ng makita ang ten problems.
Lord, ikaw na po bahala sa akin. I uttered silently.
Napakagat ako sa aking labi ng maalala ang turo ni Dale. Para bang no sweat.
Dale said na kailangan kong maidentify alin ang D1 and so on. He gave me some tricks na nagamit ko nga talaga.
Napahinga ako ng maluwag nang masagutan ko ang lahat. Hindi ako confident pero magaan ang loob ko.
Okay, I admit, magaling magturo si Dale. Malinaw and straight to the point. I wonder how will Liam teach me.
Nakita ko sa sulok ng aking mata si Donna. She looks like she's about to cry. What do I expect, ang baba ng mga grades niya!
"Ang hirap! Putangina!" Ella ranted while going out of the room.
"Yung isa diyan chill lang!" Napalingon ako kay Jerard.
"Nag-aral ako! Excuse me!" I hissed at him.
"Sana all!" Sabay-sabay nilang saad sa akin.
I remembered Dale. Feeling ko ay kailangan kong bumawi sa kanya.
I looked at Rose, "Bukas ng lunch pwede ba akong magpasama?"
Tumango ito sa akin, "Gaga ka ba? Eh sabay naman talaga tayong kumakain eh."
"Basta! Bukas?" Pangungulit ko dito. She nodded at me.
Babawi ako kay Dale!
Masyado ata akong naexcite kinabukasan. Nakalimutan ko mag send ng confession kay Dale. I reminded myself that I'll send later.
Usual class lang. Walang masyadong ganap. Pinagalitan si Donna ng prof namin sa fundamentals dahil hindi ito nakasagot.
Lunch time came and I messaged Dale. Sinabi niya na doon naman sila talaga naglulunch.
I giggled while entering the karinderya. Lalo na dahil nakita kong marami pang vacant seats.
I waved at Dale. Agad kong hinila si Rose papunta doon.
"Binubugaw mo ba ako?" She whispered at me.
"Sige na oh. Isang lunch lang please?" I begged her with matching puppy eyes.
"Sige na nga! Pero last na to ha!" Banta niya sa akin.
Pinaupo ko si Rose sa two seater table. Hinila ko rin agad si Dale at pwersahang pinaupo doon. I tapped his shoulders and whispered, "Pambawi ko."