Chereads / Not Now But Forever / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Nagmamadali akong lumabas sa room. My friends are asking why am I in rush.

"Pinapauwi na ako ni mama eh!" Pangmalakasang rason ko sa kanila.

Agad akong naghanap ng tricycle upang makapunta na sa centro. Naisip ko kasing pumunta sa lucky, iyong bilihan ng mga school supplies.

Agad kong hinanap ang mga special paper doon. Medyo mahal pero kung makukuha ko naman si Liam, aba, sulit. Bawas ipon na lang muna siguro.

Excited ako pag uwi. I hurriedly enter my room at saka nagsimula na sa golden plan ko. Oplan capture Liam's heart. Napangisi ako sa naiisip ko. Inamoy-amoy ko pa ang papel bago nagsimulang magsulat doon. Perks of having a lot of handwriting styles. They won't notice who the person behind this poem is.

I wonder what's your type -

is it A, B, C or me?

I giggled upon the sight,

of you and me under the moon at night.

Have you ever notice me smile?

the moment I see you passing by.

For you, I maybe just a wind unfelt,

But for me, you're like a storm ready to invade.

-ravengirl

I folded the paper nicely. Bukas ay sisiguraduhin ko na maaga akong papasok sa school nang sa ganon ay mailagay ko ito sa locker niya. Basketball player kasi siya at bukas, sure ako na may training sila.

"Wow! Anong nakain mo at ang aga mo ngayon?" Pambabara sa akin ni Kuya Bright. Si kuya ay Architecture student at graduating na siya this year. Buti naman nang hindi niya na ako mabwisit.

"May quiz kami sa Biochem kaya maaga ako. Tabi nga." Tinulak ko siya para makakuha na ako ng kanin.

It's six in the morning. Eight ang pasok namin. Kung before seven ay nasa school na ako, less ang chances na may makakita sa akin doon. Napangiti ako sa plano ko. Sana lang hindi to pumalpak.

I hurriedly ate my breakfast. Pakatapos nun ay hindi ko na hinintay pa si kuya at saka naghanap na ng masasakyan. Tantya ko ay quarter to seven, nasa BSU na ako.

Halos takbuhin ko papunta sa locker room ng mga basketball players, katabi lang kasi ito ng PE office. Maingat kong inilagay ang tula na ginawa ko. Buti na lang at konti palang ang mga estudyante.

Ngiti-ngiti akong pumasok sa canteen habang bumibili ng siopao. Kakainin ko to ng patago mamaya sa Biochem.

Nang malapit na mag alas otso ay pumanhik na ako sa room namin. Hindi na ako nag abala pa na silipin sa locker room si Liam dahil alam ko rin naman na didiretso iyon sa CEA building. Mamaya pa kasi ang training nila.

"Ang ganda ng aura natin ah!" Biro sa akin ni Jerard. I sweetly smiled at him, and I knew that he knew I did something fishy.

"Ah, gumawa ako ng tula at saka inilagay ko sa locker niya." Kwento ko sa mga kaibigan ko.

Wala pa kasi si Sir Elmer kaya pwede pa kami mag kwentuhan. Kinurot naman ako ni Ella dahil sa kalandian ko daw. Tawa ng tawa naman si Jerard habang si Rose ay di maintindihan pano ko nagawa yun.

I shrugged at Rose,  "Duh! Charmylle Kate Montes kaya to!" Mayabang kong saad sa kanya.

"Kailan ka aamin?" Napaisip naman ako sa tanong ni Ella sa akin.

"Saka na siguro. Patula tula na lang muna tayo ngayon mga cyst!"

Nang mag-uwian na ay halos magtakbuhan kami ng mga kaibigan ko papunta sa court. Sa may stage kami pumwesto para sure ay tanaw namin ang locker room nila. From afar, I saw Liam together with his friends.

Dinig na dinig ko ang kabog ng aking dibdib lalo na nang makita ko ang pagkunot ng noo ni Liam.

"Kung ako yan, matatakot ako. Ang creepy eh!" Panunuya sa akin ni Ella. Sinimangutan ko na lang to.

"Hindi naman jejemon yung tula na ginawa ko, hoy!" Inis kong singhal sa kanila.

Ang mga walang-hiya kong kaibigan ay nagsitawanan lang.

Nakita namin na nakitingin na rin ang iba pang kaibigan ni Liam sa sulat na hawak-hawak niya. Some are kinda teasing him. I don't know but the usual Liam just shrugged his shoulders and put it back inside his locker.

Narinig namin ang pang-aasar nila kay Liam. I don't know what to feel. Lalo na ng dumaan ang majorette member na hula ko ay crush ni Liam.

"Hi, Donna!" Tawag dito ng mga kasama ni Liam sa basketball. Donna smiled at them and waved at Liam.

Kaklase namin si Donna. Napailing na lang si Jerard dito.

"Kala mo naman kung sinong maganda, boba naman." Bulong ni Jerard na agad din namang sinang-ayunan nila Ella at Rose.

Sila na ang pinakasupportive friends ko, kulang na lang ay sabitan ko ng medal.

"Ano kaya kung sumali rin ako sa majorette?" Wala sa sarili kong tanong.

Sandaling natahimik ang mga kaibigan ko hanggang sa halos mamatay na sila sa kakatawa.

"Maubusan sana kayo ng hangin!" Pikon kong saad.

"Naisip ko lang naman sumali baka sakaling magustuhan niya ako!" Depensa ko.

"Iniimagine ko palang sa screening, wala na!" Utas ni Jerard habang tawa ng tawa.

"Ella! Diba majorette ka! Turuan mo naman ako!"

"Marunong ka ba magpaikot ng baton?" Ella asked me while squinting her eyes. I shook my head and they all bursted out their laughters.

"Alam mo, Charm, sa pa-tula mo, supportive naman kami ah. Pero sa majorette, sis, wag na please lang." Asar sa akin ni Rose.

Inirapan ko na lang silang tatlo. Mga walang-hiya to.

"Ganito na lang, salit-salitan tayo paglagay ng tula sa locker niya. Okay na?" Suhestyon ni Jerard.

"Eh, every tuesday lang naman sila may training lalo na ngayon, next sem pa ang inter-collegiate game." Malungkot kong saad.

"Minamaliit mo ba kakayahan ko?" Hamon sa akin ni Jerard.

"Ano bang naiisip mo?" I cluelessly asked him.

"Just do your poems. Thrice a day tayo magpapadala ng tula." They all winked at me.

I gulped. But then, I am so excited.