Chereads / Not Now But Forever / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

I let out an evil laugh while typing my second confession for Dale.

"Hi, Dale. Sobrang daming nagkakagusto sayo. Duda ko ay hindi mo man lang ako mapapansin. Para ka kasing naglalakad sa isang hardin kung saan lahat ng mga halaman ay gustong magpapansin. Mapansin mo kaya ako? 

-bulaklak"

Without any hesitation, I send it. Mabilis din iyong sineen ng admin. I bet Dale's going crazy once he sees it. Pwes, babaliwin ko pa siya lalo.

I know he likes Rose. It's very obvious. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano siya mataranta tuwing napapatingin sa gawi niya si Rose. Kala mo naman talaga type siya nung tao!

"Canteen lang ako. Gutom na ako, eh" I silently whispering at Rose.

I raised my hand, enough for our young prof to see.

"Yes, Miss Montes?" Sir Lacson asked.

"Restroom, sir." I politely replied. He nodded at me.

Sir Lacson is a fresh grad student from UP. Halata naman na masyado siyang matalino, plus, he's really handsome.

The crazy Charm did not went to the restroom, instead, I went to the canteen. Nag order ako ng goto at saka siomai. Hindi na ako nakapag-almusal pa.

I was busy eating nang makita kong umupo sa harapan ko si Dale. I rolled my eyes at his presence.

"Wag mo kong guluhin, tumakas lang ako para kumain." Walang gana kong saad sa kanya habang inuubos ang goto at saka naman kinagatan ang siomai.

"I have a proposal." He crossed his arms and leaned on his chair.

Tinaasan ko lamang ito ng kilay. Makapagsalita, akala mo negosyante eh.

"We both know you're that poetic lover" He said teasing me.

"How sure are you?" He shrugged his shoulders.

"Uh, natatae ako, pasama nga" He echoed out what I said last time tapos inirapan ako.

The audacity of this stupid transferee!

"Idiot." I whispered enough for him to hear. Tinawanan niya lang ako bago inilapit ang mukha niya sa akin.

"But the look on your face says na hindi ka naman natatae. Para kang dragon, alam mo yun? Yung gustong sumabog, maki-away kaso..." He trailed off while looking at my face, "Kaso alam niya wala naman siyang laban"

Inis kong binato sa kanya ang kutsara na ginamit ko. Walang-hiya to!

"Akala mo ikaw, wala akong napapansin sayo? Kulang na lang, ma-ihi ka sa tuwing tinitingnan ka ni Rose. Excuse me, hindi ka type ng kaibigan ko." Pinandilatan ko ito.

"Kala mo naman type ka ni Liam. In your dreams!" He hissed at me. Nang maubos ko na ang siopao ko ay umalis na ako sa harapan niya.

May pasok pa kaya ako. Tantya ko ay nasa five minutes akong wala.

Nakabuntot pa rin sa akin si Dale. May ibang nagagawi ang tingin sa amin.

"That's why, I have a proposal!" Saad niya ulit sa akin.

Napairap na lang ako saka naglakad na pabalik sa room namin. The idiot keeps on following me.

"Help me with Rose and I'll help you with Liam." He said that caught my attention.

Tinawanan ko lamang ang sinabi niya. Halos maubusan ako ng hangin sa kakatawa.

"You're unbelievable" I told him.

"What?" Tinaasan niya lamang ako ng kilay.

"What, what?" Balik kong tanong sa kanya.

"Are you in or hahayaan mo si Donna na makuha si Liam? Bahala ka." Mayabang niyang saad sa akin.

"Kala mo naman, walang nanliligaw sa kaibigan ko." Mayabang ko rin na tugon sa kanya.

Nakita kong namutla siya sa narinig niya. I tapped him, "Fine. I'm in. Just make sure."

Napahinga ito ng maluwag, "Yeah, I'll make sure we'll get them for us"

I nodded at saka naglakad na pabalik sa room. I even heard him shout, "Accept mo friend request ko!"

Napagalitan tuloy siya ng isang prof dahil may pasok at nandito siya sa hallway, sumisigaw.

Naupo ako sa room at napahinga ng malalim ng di man lang napansin ng Prof namin ang existence ko.

Tulala lang ako sa klase at minsa'y sumasagot din. I am not that smart in class. Medyo masipag lang. Nakakasagot ako kapag hindi tungkol sa computations ang mga tanong.

I think sa aming apat, Ella is the one doing good in school. She's smart, inborn yun.

Lunch time came. Hinihintay kong mag-ayos ng gamit sina Rose. I checked my phone and a familiar notif popped up.

Dale Pangilinan sent you a friend request

Hindi ko alam kung ano ang pinaplano ng mokong na iyon pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan kong sakayan ang plano niya.

Sabagay, mukhang close naman sila kaya why not.

I clicked confirm at saka itinago na ang cellphone nang matanaw ko nang palabas ang mga kaibigan ko.

We went to our usual karinderya and I ordered lumpia. Wala akong pera masyado dahil binili ko ng lab gown para sa finals. Hirap din kasi ng hiram ng hiram. Nasa four hundred din ang pinakamura! Halos mahimatay ako habang binabayaran iyon.

Halos mabilaukan ako ng makita sina Dale. I tried to hid my face while eating seriously but his stupid eyes just caught where I am.

The audacity of this idiot, "Hi, Charm!" He said as he winked at me.

Lito akong tiningnan ng mga kaibigan ko. I just smiled at them and rolled my eyes.

"Ang daming vacant tables. Anong ginagawa mo dito?" I hissed at him. Umupo siya sa bakanteng mesa na nakadikit sa mesa namin.

Dale sat in front of me, beside Ella. Katabi ko kasi Rose at ako ang nakaupo sa tabi ng vacant table.

He looked at me and mouthed,  'Liam'. Napatingin ako sa paligid para makita si Liam dala-dala ang inorder niya.

"Diyan kana sa harap ko umupo, Liam." The idiot said na agad din naman sinunod ni Liam.

Pinanlakihan ako ng mata ng mga kaibigan ko. Halos maibuga ni Jerard ang iniinom niya ng makitang magkatabi kami ni Liam.

"Ah, Liam, si Charm nga pala" Walang prenong salita ni Dale.

Sinipa nito ang paa ko sa ilalim ng mesa. Napairap na lang ako. God, Dale! Dale and the things he would do just to caught Rose' attention.

"Ella, Jerard, Rose, si Dale. Yung bwisit na transferee." Pagpapakilala ko.

Natawa naman ang tatlo at nag-act pa si Dale na parang nasasaktan siya dahil sa ginawa ko.

Masama niya akong tiningnan at saka inirapan. Inirapan ko na lang din ito.

"I know them, Dale." Liam said while chewing his food.

Halos mabitawan ko naman ang kubyertos na hawak ko. Kilala niya kami? Kilala niya ako?

Nakita kong pinagsingkitan ni Dale ng mata si Liam.

"Ella's a majorette. We usually see each other at school." Si Andy na ang sumagot sa tanong ni Dale.

Tumango-tango lang si Dale. I saw him looked at Ella and smirked. Tsk, may bagong crush na naman ba tong gagong to?!

"Well, Ella's pretty, no doubt she's a majorette, and... Rose, too" Pasimple niyang sabi bago ininom ang tubig niya.

Halatang kinakabahan ang gagong to! Mamaya ka sakin sa confession page!

"Well, Jerard is pretty too, as well as, Charm."

Jusko po.

Nagsitaasan ata ang mga dugo ko papunta sa ulo ko. Naramdaman ko ang pag init ng mga pisngi ko.

Lord, ito na ba? Ito na ba ang kabutihang dala ni Dale sa buhay ko?

Hinarap ko si Dale dahil sa sinabi niya. He's looking at me. Those stares, ang mahal mahal nun!

He smiled at me kaya naman napangiti na rin ako.

"See? She's pretty, even prettier when she smiles." Liam said while looking at Dale.

God, ang bait ko ata these past few days. Thank you, Lord.