Chereads / Not Now But Forever / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Mabilis akong naglakad palabas ng room namin. Agad din naman akong sinundan ng mga kaibigan ko. Ni hindi ko napansin ang pagtulo ng mga luha ko.

What are these tears for? Ah, disappointment. Bakit ba kasi ganito lang ako? I don't have the pretty face like Donna. Na kung tumayo ako doon, panigurado pagtatawanan lang nila ako.

And, Dale? That transferee! I swear, I am going to screw him!

Pumunta ako sa restroom sa may lab high. Doon ay pilit kong pinunasan ang mga luha ko.

"Shh, tahan na." Alu sa akin ni Rose.

"Kung hindi lang sana umeksena iyong baguhan, hindi to mangyayari!" Inis na bulalas ni Jerard.

Yes, I agree on that one. Kung hindi lang sana pumapel ang Dale na yun, hindi sana ni Liam hahanapin ang admirer yan, di sana hindi si Donna nagpanggap na siya yun!

"I doubt Donna! She can never write poems like that!" Ella hissed.

Nang kumalma ako ay saka ako nag isip ng pambawi sa Dale na yun. Akala niya ha. Ang kapal ng mukha niya.

We went back to our room and continued our essay. Donna is giggling as if she won the lottery.

"Parang mas pogi si Dale eh!" Napairap ako ng marinig ang pangalan na yun.

"Mukha siyang butiki." Inis kong bulong sa sarili.

Matamlay akong umuwi sa amin. I opened my laptop at saka doon nag facebook. I closed the number of YouTube sites about make up eme. Hindi man lang ako natututo. Waste of time lang.

I visited the confession page of BSU. Parang ang lakas ng dating ng Dale na yun. Dati ay puro about kay Liam ang confessions tapos ngayon, siya na ang laman.

Well, that is because he's a transferee. Acceptable naman yun. Napairap ako bago nag type ng confession kuno para kay Dale.

"Dale, maaari mo ba akong paglaanan ng oras? Na pag tumingin ka sa aking mga mata bukas, sana hindi ka na mag-abala pang tumingin sa iba."

I cringed upon sending it. Lahat kasi ng nagcoconfess sa kanya ay halata masyado ang paglalandi. Wala man lang filter na kesyo sana raw eh single yun. Duh! Ang pangit niya kaya.

Kinabukasan, pumunta muna ako sa canteen dahil alas diyes pa naman ang pasok namin. I bought one goto dahil nakakaantok ang class namin hanggang lunch time. Kakain muna ako.

I was busy eating nang may maglapag ng pagkain sa harap ko. Napaismid ako ng makita kung sino iyon.

"I'm going to sit here." Pormal niyang saad.

I shrugged my shoulders, "Paki ko"

I heard him laugh a little. Masama ko itong tiningnan. Pinagsingkitan niya ako ng mata.

"Sungit ah." Mahangin niyang saad. Inirapan ko na lamang ito.

"Ingat ka sa pagsusungit, baka ihulog kita sa sarili mong the moves, ravengirl." He said while looking into my eyes.

Halos mawalan ako ng hangin sa narinig ko mula sa kanya. God, Charm! Act normal! Masyadong delikado ang lalaking kaharap mo ngayon. I reminded myself so many times before I composed my words.

"Ravengirl?! Adik ka ba?" Gulat kong bulalas sa kanya.

Oh yeah, Charm, play with him. Acting lang!

Tumayo na ako at saka iniligpit ang pinagkainan ko. Pero bago ako umalis pinandilatan ko na lang muna ito.

"Kung makaasta ka naman, akala mo ang gwapo mo! Hoy! Para sabihin ko sayo, ang pangit mo! Baguhan ka lang kaya maraming nagkakagusto sayo!" I harshly told him the truth, well, for me, that's the truth.

Tinaasan ako nito ng kilay, "Talaga ba?" Hamon niya sa akin.

"Hi, Dale!" Sabay kaming napatingin sa babaeng dumaan.

"Shit! Ang gwapo niya talaga!" Narinig pa naming bulungan ng ibang mga babae.

Dale, shrugged his shoulders on me at saka tumayo na rin. Well, he's kinda taller than Liam.

"Pangit pala?" He looked at me from head to toe.

Nakakainsulto naman tong gagong to! Mamaya ka sakin. Babaliwiin kita!

"Anong tinitingin-tingin mo jan? Excuse me, alam ko naman na pangit ako. At least ako, tanggap ko. Ikaw! Mukhang natatapakan ata ego mo tuwing naalala mo na pangit ka." I teased him.

Magsasalita pa sana ito pero naglakad na ako palayo sa kanya. Pumasok na ako sa klase ko pero dahil wala pa ang prof ay nag cellphone muna kami.

Dale Pangilinan sent you a friend request

Napangisi ako matapos makita ang notif na iyon. Mukhang guguluhin pa ako ng engot na to ah! Pwes, hindi ako papayag.

I deleted his friend request. Ilang minuto lang ay dumating na rin ang Prof namin. As usual, late sina Rose at Ella. Buti na lang at medyo mabait si Sir ngayon.

Lunch time came. Doon kami sa usual karinderya na kinakainan namin. Medyo punuan nga lang dahil nag extend ng five minutes si Sir.

"Hanap na lang tayo ng iba." I suggested at them dahil gutom na gutom na ako.

Bakit ba kasi patay gutom ako. Hirap tuloy mag-ipon kasi lamon ko lang ng lamon! Kabwisit!

Punuan na ang mga karinderya kaya sa malayo-layo kami nakahanap ng pwesto. Mas maliit ang karinderya na ito pero mura rin naman.

I scanned for a vacant chair at saka doon inilagay ang mga gamit namin. We ordered food and the usual me, I order two cups of rice plus chicken curry.

"Ano ba yan! Pangit na nga, ang takaw pa!" Inis akong napabaling sa boses na iyon.

Pinaypayan ko naman ang sadiri ko, "Kaya pala ang init! May demonyo kasi!" Saad ko habang binalingan si Dale nang binanggit ko ang salitang "demonyo."

I heard my friends laugh a little. Napailing-iling na lang si Rose. I saw how Dale look at Rose. Mukhang type ng demonyong to ang kaibigan ko ah.

"Pag-ibig na ba ito?" Saad ni Jerard with matching tono pa.

"Kung pag-ibig lang, ayaw ko ng umibig pa." Sagot ko with matching tono na kami lang nakakaintindi.

I heard his friends laughed at them. To my surprise, I saw Liam looking at me while laughing.

Puta! Ang puso ko! Humuhukay ata ng sarili niyang libangan.

Sandali akong natiligan at saka napatingin kay Liam. It feels like my whole world stops turning. All I can see is Liam and the smile on his face.

Nabalik lang ako sa katinuan ng marinig ko ang nakakainis na bulong sa akin.

"Got ya, ravengirl" He whispered, enough for the two of us to hear.

Matalim ko itong tiningnan. Natigil lamang ang eye-to-eye namin ng marinig namin ang panunukso nina Andy at Von.

"Baka naman matunaw na kayo niyan sa lagkit ng tinginan niyo ah!" Andy said. Halatang nanunukso ang gago.

I smiled at him, "Feeling ko nga tinatawag na ako ni kamatayan. Sama ng ugali kasi ng kasama niyo." I said while looking at Dale.

He hissed, "Attitude! Kala mo naman maganda!"

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Narinig ko rin ang mumunting tawanan ng ibang kumakain din doon.

"Kala mo naman ang pogi mo!" I shot back.

Pumunta na ako sa mesa namin. Siniko ako ni Rose.

"Kinuha ko na pagkain mo. Busy ka makipag-away eh!" Rose said while looking at Dale.

Tiningnan ko rin si Dale na halatang hindi mapakali ng tingnan siya ni Rose.

Huli ka, mokong! Huli ko na ang kiliti mo.