Chereads / Not Now But Forever / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

I wrote three poems last night and I neatly folded it. Nag-usap kami sa gc naming magkakaibigan na si Jerard ang magbibigay ng letter sa guard bukas.

MAILGHORLS: OPLAN LIAM

Me: SA GUARD???

jerard: SAN MO BA GUSTO? SA PROF NILA?

Ella: HAHAHAHAHAHAH OH AWAY NA YAN

Wala si Rose, hindi pa online, walang signal sa bukid hahahah

Me: Close mo guard ha @fab

Jerard: Oo sis! Super close ko mga guards! Kala mo sakin ha

Seven in the morning ang usapan namin ni Jerard. Ibinigay ko na sa kanya ang cream colored special paper.

Second day of poetry,

To be sent with mystery.

Creeping out, please don't be -

I wished no fun but sincerity.

-ravengirl

"In fairness naman, galing mo talaga magsulat." Pabiro akong kinurot ni Jerard.

Tumulak na kami papunta sa gate one kung saan madalas dumadaan si Liam. Liam is famous, very famous here at school. No doubt, kilala siya ng halos lahat. He's also intelligent. Rinig ko nga ay paborito siya ng mga Prof sa College of Engineering and Architecture eh. Girls are drooling over Liam, isa na ako doon.

"Hi, ate guard!" Pabirong bati ni Jerard sa guard ng school namin na akala mo ay laging bagong rebond ang buhok.

Nginitian naman siya nito, "Aga mo, miss ah! Madalas late ka eh."

Tinawanan lamang ito ni Jerard. Halatang close sila eh, "Kasi, ate, itong kaibigan ko eh humaharot na!" Siniko-siko pa ako nito.

"Pa-help naman oh!" Ibinigay ni Jerard ang letter na hawak ko sa guard.

"Pabigay kay papa Liam. Pasabi galing sa kanyang secret admirer! Atin lang to ha!" Natatawang tinanguan na lamang ito ng guard.

"Dami talagang nagkakagusto kay Imperial! Pogi nga naman talaga!" Natatawang banggit ng guard bago kami umalis.

"Sure ka bang hindi niya yun sasabihin?" Duda ko sa kanya.

"Hundred percent sure! Crush nun kuya eh!" Bulalas ni Jerard. Sa security agency nagtatrabaho kuya niya. Doon siguro sila nagkakilala.

Patawa-tawa si Ella nang makarating na sa room. Agad itong tumabi sa amin at saka ako tinapik.

"Guess what?" She said smiling while squinting her eyes.

Mataman ko itong tiningnan at saka ako inirapan. The usual Ella and her eyes.

"Sabay kami pumasok ni Liam and..." She let out a loud laugh bago ulit nagsalita, "Hinarang siya ng guard. Teh! Si ulti crush mo parang kinabahan bigla tapos ngumisi si guard sabay bigay nung letter!"

"Tinanggap niya ba?" Usisa ni Rose na kakarating lang.

Well, hindi sila late dahil si prof ang late.

"Oo! Binasa niya muna bago siya umiling-iling sabay tago nun sa bag niya!" Mayabang na kwento ni Ella.

"Hindi kaya crush niya rin ako?" Mahina kong tanong sa kanila dahil pumasok na rin sa room si Donna.

May usap-usapan kasi na gusto rin ni Donna si Liam. Well, hindi naman na nakapagtataka dahil ang gwapo nga naman talaga ni Liam.

I bit my lip while waiting for their answers pero isang malakas na tawanan lang ang narinig ko.

"Susmaryosep!" May padasal-dasal pang nalalaman si Jerard.

"Our Lady of Assumption" wika ni Rose habang tumataw.

"Pray for us" Sabay na sagot nina Jerard at Ella.

Pinagsasapak ko na lang ang tatlo dahil naging happy pill na ata nila ang pagtawanan ako.

Hindi naman masama mag assume ah? Tinatanggap nga ni Liam ang mga tula ko, or maybe, Liam is just a gentleman, like what the rumor about him is.

Dahil fifteen minutes na ang nakalipas at wala pa ang prof namin sa Fundamentals of Food Science and Technology, nagsilabasan na kami sa room.

Ito kasi ang rule ni Sir na if wala pa siya after fifteen minutes ay maaari na kaming lumabas.

Dahil maaga pa naman, pumunta muna kami sa canteen at saka bumili ng best seller goto sa BSU.

Habang kumakain kami ay napagdesisyunan na naman nilang tumambay sa may red bench. Dito kasi madalas tumatambay ang mga taga-CEA dahil sobrang lapit lang nito sa building nila.

Kahit hindi nila sabihin, alam ko na pasimple silang tumitingin sa bawat estudyanteng dumadaan.

"Sis, asan na next poem mo?" Usisa sa akin ni Jerard.

"Nasa loob ng bag ko. Bakit?" I curiously asked him. Well, Jerard is gay.

"Akin na bilis!" Pinanlakihan ko naman to ng mata.

"Akala ko ba mamayang lunch time yun?" Ella asked her. Siya kasi ang naka-assign na magbigay nun dahil may common friend sila ni Liam.

"Nakita ko kasi pinsan ko! May kaibigan yun na kaibigan din ni Liam! Go na! Sayang ng opportunity, sis!" Kumbinsi nito sa akin.

Inilabas ko ang light green colored special paper.

I don't know if you're curious -

"Who is this stupid poetic lover?"

I don't know if I'm making you smile,

But this poetic lover of yours -

you always make her smile.

-ravengirl

Siniko ako ni Rose matapos basahin niya yun bago ibinigay kina Ella.

Pinagmasdan namin sina Ella at Jerard habang nilalapitan ang pinsan ni Jerard.

"Pano pag hinanap ka niya?" Rose asked me out of the blue.

"I doubt that." I said as a sad smile appear on my lips.

Napansin kong nakatingin lang sa akin si Rose.

"Sino naman magkakagusto sa akin? Mukha akong batang gusgusin. Mas maayos pa ngang tingnan ang mga dose anyos na bata kaysa sa akin eh!"

I am not like the typical college girl. I am wearing my eyeglasses dahil malabo na ang mga mata ko. It was inborn. I am not that tall. My height is around 5'1 lang. Hindi rin ako sanay maglagay ng liptint or anything. Laging akala mo eh sinabunutan ang buhok ko. Medium length straight black hair na tila barb wire na.

"You just need to fix yourself!" Rose told me. Palibhasa kasi lagi siyang nakaayos at madaming nagkakagusto sa kanya.

"Walang time! Ang daming schoolwork, naghahabol nga tayo sa grades tas uunahin ko pa magpaganda? Sus! Okay na ako sa pa-tula ko, sis." I winked at her.

Nakita namin na pabalik na sina Jerard. Tiningnan namin ang pinsan ni Jerard. Wala pang ilang minuto ay bumaba sa building si Liam.

Jerard's cousin gave it to Liam. Nakita naming may kung anong sinabi si Liam sa pinsan ni Jerard but she only shrugged her shoulders.

Tinanggap iyon ni Liam at saka tiningnan. He smiled while shaking his head.

And I think, my heart went oops. Ang mahal ng ngiti niyang iyon.