Chereads / THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 55 - CHAPTER FIFTY FOUR

Chapter 55 - CHAPTER FIFTY FOUR

(Kensington High School facade/St. Mary's Village, dismissal time)

(Kath Rence's POV)

PAGLABAS ko ng school premises ay nakita ko si Heidi na naglalakad na palabas ng school building. Dahil tinamaan na naman ako ng curiosity ko ay sinundan ko siya gamit ang kotse ko.

Habang nag-da-drive ako ay nakita kong sumakay ng jeep si Heidi. Sinundan ko ang jeep na yun.

Habang binabagtas ko ang jeep na sinasakyan niya ay nakita kong nakasakay siya sa bandang malapit sa babaan ng sasakyan at napansin kong namumugto ang kanyang mga mata sa kaiiyak. Hanggang sa tumigil ang jeep sa isang village na malapit sa highway. Pagbaba niya ay ipinasok ko na ang sasakyan ko sa village.

Dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa bahay nila habang dahan-dahan din akong nagmamaneho, hindi nagpapahalata na may sumusunod sa kanya. Until she stopped in the front of the two storey house. Mula sa kotse ay nakita kong sinalubong siya ng isang matandang lalaki. At dinig na dinig ko ang kanilang pag-uusap.

"Dad...did you know already?" mahinang tanong ni Heidi sa lalaki na daddy pala niya.

"Yeah. Okay lang sa akin yun, Heidi, hindi naman kita masisisi. Pero kung si Dylan pa rin ang dahilan ng pagkakaganyan mo, you better wake up and accept the fact that he will never come back to you." at inakbayan si Heidi ng daddy niya. "Didi, bumalik ka na sa amin ng lola mo. Nami-miss ka na namin."

"Dad...I'm sorry." at niyakap ni Heidi ang tatay niya.

"It's okay, anak. Wala kang kasalanan." ang kalmadong sabi ng daddy niya.

Hindi ko maiwasang maging emosyonal sa mga nakikita ko ngayon. Kung ganun, isang tao pala ang tuluyang nagpabago sa kanya. Isang tao pala ang sumira sa tiwala at pagmamahal niya. Isang tao pala ang naging dahilan ng pagiging ganyan niya.

But in the other side, nagpapasalamat na rin ako dahil nabatid na niya ang mga kamalian niya sa buhay. At nakikita kong willing na siyang magbago para sa daddy niya.

Nung pumasok na silang mag-ama sa loob ng bahay nila ay nagmaneho na ako palabas ng village. Isang sulyap ang ibinigay ko sa lugar na yun bago ako tuluyang nag-drive palayo...