(Kensington High School, after one week)
(Kath Rence's POV)
ONE WEEK passed...
Sa Miyerkules na ang 1st Periodical Test namin. Busying-busy na ang mga students sa pagpapasa ng mga projects sa kani-kanilang mga teachers. Isa na kami dun. Mabuti na lang at tapos na kami ni Sachi sa mga projects namin na karamihan ay puro artworks at research. Abala na din kami sa pag-re-review para sa two day examination na yun.
Pagkatapos ng examination ay magkakaroon ng foundation anniversary at isa sa mga highlights sa celebration na yun ay ang theatre play, Mr. and Miss Kensington High School, quiz bee, field demonstration at acquaintance party. Kung kaya naman marami na ang excited para sa one week celebration na yun dito sa school. And speaking of Mr. and Miss Kensington High School, si Kuya Leonard at Yhannie ang pambato ng section namin para sa pageant habang sina Khendra at Yogo sa IV-2. Sina Erich at Zeric naman ang pambato ng IV-3.
Samantala, nasunog ang isa sa mga branches ng hotel ng family ni Sachi sa Cebu at nalalagay pa sa matinding krisis ang kompanya nila nang dahil sa nangyari. Naaawa ako para kay Sachi at hangad ko na sana ay wag nang mangyari ang kinakatakutan ko na baka maghirap ang tatay niya maging sina Aling Vivian at Jack.
(IV-1 Classroom)
(Kath Rence's POV)
ABALA AKO sa pagtuturo kay Sachi ng Theorem of Polynomials nang biglang pumasok sa loob ang presidente ng Kensington Royal Student Council at classmate namin na si Shellaine Uy.
"Good morning guys, can you please kindly go to the auditorium for the announcement of The Campus Heartthrobs and Sweethearts." sabi niya, dahilan para biglang magtilian sa kilig ang mga classmates namin sabay labas nila ng classroom. Habang kami naman ni Sachi ay nagtataka.
"May announcement tayo?" nagtatakang tanong ni Sachi.
"Oo daw eh. Tara, pumunta na tayo sa auditorium." at hinila ko na siya palabas ng classroom.
(School Auditorium)
(Kath Rence's POV)
"OMIGOSH! Ang ganda talaga ni Princess Kath Rence noh?" - Girl 1.
"Oo nga. Tsaka napakatalino pa niya." - Girl 2.
"Mana siya sa kuya niya na si Prince Leonard." - Girl 3.
"Yeah. She's like Athena, the goddess of wisdom." - Girl 4.
Eto na naman sila.
Sana kung pinag-uusapan nila ako eh wag na nilang iparinig sa akin! Naiirita lang ako!
"Sikat ka na talaga, Kath!" - Mikki.
"Of course! She's one of the Campus Princesses!" - Riri.
"Ewan ko sa inyong dalawa. Aanhin ko naman yang Campus Princess na yan? Buti sana kung nakakain yan eh." inis kong sabi sa kanila.
"Swerte nga po kayo at nakuha kayo eh. Yung iba nga po dyan, gustung-gustong maging Campus Princess katulad ninyo." - Gianna.
"Ayoko naman talaga eh. Bakit ba kasi may ganito pa? Nakakairita lang!" asar kong sabi sa kanila.
Oo nga pala, nasa auditorium na kami at nakaupo ako sa harap ng stage, sa may VIP area, katabi sina Mikki, Riri, Yogo, Gianna, Femme, Carly at Yarra. Kinausap ni Kuya Leonard si Sachi sa backstage kung kaya naman wala siya dito ngayon. At habang nakaupo ako ay may mga students na nagtatangkang lumapit sa akin at kinukulit ako.
"Princess Kath Rence, please accept my gift for you. Prabal Gurung dress yan, binili ko pa sa Germany para lang sayo."
Eeh? Ang sosyal ah! Mukhang mas mahal pa yata yan sa mga sinusuot kong dress!
"Thank you." at ibinigay ko ang dress kay Gianna. Agad namang inilagay ni Gianna ang mamahaling dress sa specialized paper bag na ipinapadala ko sa kanya araw-araw.
"Princess Kath Rence, please accept this. Gelatto yan, ako ang gumawa."
"Salamat." at kinuha ko ang gelatto. Nakangiti namang umalis yung lalaki. Dahil nagutom ako ay kumain ako ng isa. In fairness, masarap yung gawa niya. Binigyan ko ng tig-iisang gelatto ang mga kaibigan ko.
"Princess Kath, please, kunin mo din 'to." ang nahihiyang sabi sa akin ng isang nerd na babae sabay bigay niya sa akin ng libro ni Arthur Conan Doyle.
"Salamat." ang nakangiti kong sabi sa kanya.
"You're welcome po." at nakangiting umalis yung nerd.
"In fairness, ang dami mong gifts palagi." sabi sa akin ni Riri.
"Oo nga. Pero ba't mas na-a-appreciate mo ang isang bagay kapag mga ordinary nerds ang nagbibigay sayo?" tanong ni Mikki.
"Dahil espesyal sila sa akin. Tsaka gustung-gusto ko yung mga librong ibinibigay nila sa akin." ang nakangiting sabi ko.
"That's why they love you." Femme said.
Napangiti lang ako sabay buklat ko sa bago kong libro.
Natigil lang kami sa pag-uusap nang makita kong umakyat na sa stage sina Kuya Leonard, Rhian, Zeric, Yhannie, Kuya Jhake, Erich, Joshua, Yusof, Khendra at Satchel. Nagtilian ang mga estudyante pagkakita sa kanila.
"Hi guys." ang nakangiting bati ni Yusof sa kanila, dahilan para halos magpatayan na sila sa sobrang kilig.
Haist. Ang OA lang.
"Anyways, kaya namin kayo tinawag dahil may announcement kami sa inyo. Leonard, ipaliwanag mo sa kanila." at tinapik ni Yusof si Kuya. Agad na lumapit si Kuya sa mic.
"Okay." at bahagyang ginalaw-galaw ni Kuya ang mic. "Kaya kami nandito ngayon ay dahil nakapili kami ng mga bagong members ng Campus Heartthrobs and Sweethearts."
Nagkagulo ang mga estudyante sa narinig nila habang nagulat naman ako.
May bagong member ang Campus Heartthrobs and Sweethearts?
Sino naman kaya sila?
* feeling curious *
"At makikilala nyo na sila ngayon." sabi pa ni Kuya, dahilan para mas lalong magkagulo ang mga estudyante sa auditorium.
"Waah! Sino kaya ang bagong Campus Heartthrobs at Sweethearts?! Excited na me!" - Girl 1.
"Sana ako ang mapiling Campus Sweetheart!" - Girl 2.
"Wag ka ngang mangarap ng gising dyan, dahil ako ang mapipili nila at hindi ikaw!" - Girl 1.
"Ikaw ang wag mangarap ng gising dahil magkakatotoo yung sinabi ko!" - Girl 2.
Tss. Walang magkakatotoo sa mga pangarap ninyo. Dahil hindi kayo ang mapipiling Campus Sweetheart.
"Sino kaya ang mapipiling Campus Heartthrob and Sweethearts?" curious na tanong ni Riri.
"Sana yung matino naman." sabi ko.
Natigil lang sa pagbubulungan ang lahat nang makita naming ginalaw-galaw ulit ni Kuya Leonard ang mic. At mas naging attentive ang lahat nang magsalita na ulit si Kuya.
"Okay, so let's proceed to the Campus Heartthrob, first. The new member of the Campus Heartthrobs is from IV-2, Mr. Yogo Singh."
"Haaaaa?!!!!" at napalingon kaming lahat kay Yogo na halos tumirik na ang mga mata sa sobrang pagkagulat.
"A-ako...ang bagong...C-Campus Heartthrob?" shocked na sabi ni Yogo.
"Waah! Ikaw ang bagong Campus Heartthrob! I'm so proud of you!" at hinagkan siya ni Riri.
"Thanks, Ri." at niyakap ni Yogo si Riri. Inggit na inggit naman ang mga estudyante sa kanila.
"Sayang, taken na si Prince Yogo..." - Girl 1.
"Ang guwapo pa naman niya..." - Girl 2.
"Sana ako na lang ang naging girlfriend niya..." - Girl 3.
Eh di wow. Manghinayang lang kayo. Buwahaha.
"Yogo, can you please join us on stage?" sabi ni Kuya habang nakatingin siya kay Yogo.
Agad namang umakyat si Yogo sa stage at doon ay kinamayan siya nina Kuya Leonard. Habang nasa stage siya ay halos himatayin na sa kilig ang mga babae't mga bakla.
"Okay, so next is the Campus Sweethearts. Tatlo ang napili naming maging Campus Sweethearts, isang transferee at dalawang bonafide student dito. Lahat, taga senior year."
Maraming nanghinayang pero may mga iba na patuloy na umaasang sila ang mapipili para sa pinaka-inaasam nilang titulo sa school.
"And our Campus Sweethearts is no one other than Gianna Angela Cabrera, Mikki Ann Pineda and Riri Smith."
Nagulantang ang buong auditorium habang gulat na gulat sina Gianna, Mikki at Riri.
"What the?! Kami?! As in...kami?!!" ang very shocked na sabi ni Riri habang nagkatinginan sina Gianna at Mikki.
"Congratulations, Riri! You're already a campus princess!" at niyakap siya nina Femme, Carly at Yarra.
"Eeeh?!" ang shocked pa ring sabi ni Riri.
"Gianna, Mikki and Riri, please come here on stage." sabi ni Kuya sabay tingin niya sa kanila.
"Akyat na raw kayo." sabi ko.
"Pero nahihiya kami eh." sabi ni Gianna.
"Wala kayong dapat ikahiya, okay? You deserved to be part of us, so, tara na. Samahan ko na kayo." at hinila ko na silang tatlo sabay akyat namin sa stage.
Pag-akyat namin sa stage ay sinalubong kami ng yakap mula sa mga kaibigan namin. Nagpalakpakan naman ang lahat.
"Okay, ngayong kilala nyo na ang bagong members namin, you should treat them according on what you treating us in this school. And to our new members, sana ay maging simula ito ng masayang pagkakaibigan sa pagitan nating lahat. Yun lang at salamat sa pagpunta. Makakabalik na kayo sa inyong mga classrooms." at pinatay na ni Kuya Leonard ang mic. Lumabas na ang mga estudyante sa auditorium at naiwan kaming magkakaibigan sa stage.
"Sa wakas! Members na rin kayo! Magbunyi!" at napatalon sa tuwa sina Yhannie at Erich. Natawa naman kaming lahat.
"P-pero, p-papano naman kami naging campus prince and princess gayong ang requirement ay kailangang maging mayaman ang member. Hindi naman ako mayaman tulad ng alam ninyo." sabi ni Mikki.
"Hindi naman kailangang maging mayaman ka para maging member ka ng grupo namin. Basta't mabuti ang personality mo, welcome ka sa amin." nakangiting sabi ni Yusof.
"Eh hindi naman maganda ang personality ko, kaya nagtataka ako kung bakit napasama ako dito." sabi naman ni Riri pero tinapik ko siya sa kanyang balikat.
"Hindi din kailangan na maging mabait ka para maging member ka, Ri. Look at us, magkakaiba man kami ng personality pero magkakasundo pa rin kami, kasi alam namin sa sarili namin na magkakaibigan kami. So don't you worry, because you are always welcome here."
"Salamat. Maraming-maraming salamat talaga!" ang masayang sabi ni Riri. "Pero kahit na campus princess na ako, pwede bang kina Femme pa rin ako, kasi sila talaga ang original na besties ko eh."
"Sure. Okay lang sa amin." sabi naman ni Rhian.
"Waah! Thank you talaga guys!" at niyakap ni Riri si Yogo na bagama't naguguluhan pa rin sa nangyayari ay unti-unti na ring na-ge-gets ang lahat.
"At dahil may new members na tayo, dating gawi!" sabi ni Jhake.
"Anong dating gawi?" nagtatakang tanong ni Khendra.
"Nakalimutan mo na ba? Jollibee ulit tayo!" yaya ni Jhake sa amin.
"Sure! Tara na!" at lumabas kami sa auditorium na nakangiti at pare-parehong masaya.