(Kath Rence's POV)
HAAY.
FIRST DAY OF CLASS.
Andito pa rin ako sa kuwarto ko. Inaayos ang sarili ko para sa pagpasok sa school mamaya.
Pero imbis na magpaganda, heto't nagpapapanget ako para hindi nila ako pansinin.
Glasses, check.
Braces, check.
Messy wig, check.
Fake prosthetics, check.
Long sleeve uniform at mahabang palda, check.
And presto! Tapos na ako!
Pero sa totoo lang, hindi naman ako ganito eh. Isa ako sa mga pinakasikat na model dati at paiba-iba ako ng pangalan sa mga clothing brands na ine-endorse ko. Masyado kasi akong masikreto sa buhay at tanging ang pamilya't kaibigan ko lang ang tunay na nakakakilala sa akin.
Kaya ko lang naman naisipang baguhin ang itsura ko kasi nung freshmen pa lang ako ay sandamukal na mga lalaki't tomboy ang nagkakagusto sa akin na palaging may dalang chocolates at flowers, kung kaya naman todo iwas ako sa kanila. Sophomore na ako nung naging ganito na ang itsura ko. Naging weirdong nerd na ako. At mas lalong lumala ang itsura ko ngayon. Kung kaya naman kasabay ng pagbabago ng pisikal na itsura ko ay tuluyan nang pagkawala ng sikat na pangalang Kath Rence sa school.
(Kensington High School)
(Kath Rence's POV)
PAGPASOK ng kotse ko sa gate ng school ay nakita ko sa Autumn Park sina Khendra, Yhannie, Erich at Rhian na busy sa pag-chi-chikahan.
Pito ang campus heartthrobs at apat ang campus princess sa school namin, kasama na dun ang mga kaibigan ko. Sa Kensington kasi, kapag ang isang estudyante ay guwapo/maganda, mayaman at sikat sa academics, sports o cultural art, automatic nang kasama sa Campus Heartthrobs at Campus Sweethearts.
Ang pinakamatagal ko nang kilala sa kanilang apat ay si Yhannie. Magkakilala na kami, since 5 years old pa. Close friends kasi ang parents namin kung kaya naman nagturingan na rin kaming matalik na magkaibigan.
Nabuo kaming lima dahil sa paborito naming flavor ng ice cream. And guess what's the flavor? Of course, it's mango flavor. At kung bakit, hindi ko rin alam. Basta't magkakapareho kami ng gustong flavor ng ice cream, pwede na. Ang weird noh.
Nung tumigil na ang kotse sa parking lot ng school ay bumaba na ako kaagad. Nagpaalam ako kina Mang Rodel at sa dalawang bodyguards ko na sina Kuya Joey at Kuya Vic.
"Papasok na po ako. Babay Mang Rodel! Babay Kuya Joey at Kuya Vic!"
"Sige Young Mistress. Mag-iingat po kayo at mag-aral po kayo ng mabuti." sabi naman ni Mang Rodel.
Palapit na sana ako kina Khendra nang bigla akong hinarang ni Riri kasama ang mga alipores niya na sina Yarra, Carly at Femme.
"Wow! Lalong lumalala ang kapangitan mo ah, CAMPUS NERD!" - Riri.
"Oo nga! Dumami ang pimples mo. Eew!" - Yarra.
"Ang messy pa ng hair mo! Mukha ka nang bruha!" - Carly.
"Ugly ka na nga, mas naging ugly ka pa!" - Femme.
"Look who's talking here." at pinamaywangan ni Rhian sina Riri.
"P-Princess R-Rhian..." ang biglang nanginig sa takot na sabi nina Riri.
"Tumingin muna kaya kayo sa salamin bago ninyo husgahan ang bestfriend namin. Intiendes, faggots?" Rhian said angrily.
"Y-yes..." ang nanginginig sa takot na sabi ni Riri.
"Good. Now get out! Get loose! Ciao!" sigaw ni Rhian sabay turo niya sa gate ng school.
Bigla namang umalis ang apat na babaing yun, pano kasi, takut na takot sila kay Rhian.
Si Rhian kasi yung tipo ng tao na mabait sa aming apat pero napaka-dragona sa ibang tao, lalo na kapag nakakarinig siya ng hindi maganda tungkol sa amin, lalo na sa akin. Maraming takot na banggain siya dahil kapag nangyaring kinalaban ng sinuman si Rhian, tiyak na wala nang mukhang ihaharap ang taong yun kinabukasan.
Habang naglalakad na kami papasok sa school building ay biglang may narinig akong bulungan at siyempre, ako lang naman ang pinagtsitsismisan nila.
"Tignan mo yung bruhang nerd na yun, kasama na naman niya ang apat na campus princesses natin." - Girl 1.
"Nagtataka lang ako, bakit kaya naging kaibigan niya ang four princesses ng Kensington High School, gayong kung tutuusin ay napakapanget niya." - Girl 2.
Tss. Eh di ako na ang panget. At kayo na ang magaganda. Magagandang aswang.
xD.
"Ewan ko. Siguro ginayuma ng babaing yan sina Princess Khendra." - Girl 3.
Aba, ang kapal ng mukha ng manananggal na 'to ah! Mga aswang na nga, tsismosa pa! In short, tsismosang aswang! Unique diba?
"Sinong sinasabi ninyong bruha?!" ang sabad ni Rhian sa kanila.
Biglang natakot ang tatlong aswang kung kaya naman bigla silang umalis.
"Bessy Kath, bayaan mo na lang sila, sadyang walang magawang matino sa buhay ang mga batang yagit na yan." sabi ni Erich sa akin.
Kung si Rhian ang "primera dragonesa" ng Kensington High School, si Erich naman ang tinaguriang "primera laitera." Hindi mabubuhay si Erich kung hindi siya nakakapanlait, lalo na kung nilalait at pinagbubulungan ako ng mga nambubully sa akin. At kadalasa'y napapahiya ang sinumang nilalait niya dahil below the belt kung makapagbitaw siya ng mga mapanlait na salita. Pero hindi niya kami nilalait o pinapahiya di tulad ng iba, sa halip ay ginagamit pa niya ang pagiging laitera niya para ipagtanggol kaming mga kaibigan niya.
"Okay lang yun Rhian." sabi ko naman.
"Haay naku Bessy, talagang hindi ka titigilan ng mga bullies na yun. Masyado ka kasing mabait eh." ang nagtitimping sabi ni Khendra.
"Hayaan nyo na lang sila." sabi naman ni Yhannie.
"Hayaan? Yhannie, hindi pwede. Hindi namin hahayaan na apihin ng mga yan si Kath. Dahil oras na mangyari yun, kami ni Erich ang makakalaban nila." sabi ni Rhian sabay akbay niya sa akin.
"Right Rhian!" at nag-appear silang dalawa.
Salamat na lang at nandyan palagi ang mga bestfriends ko para ipagtanggol ako.
Habang naglalakad kami sa corridor ay maraming nakatingin sa akin at ang iba pa sa kanila'y pinagbubulungan ako.
Haay.
Bullies again.
Kailan kaya sila magsasawang pagtripan ang isang panget na nerd na katulad ko?
Well, hahayaan ko na lang sila dahil nandyan naman ang mga kaibigan ko para damayan ako at ipagtanggol sa lahat ng oras.
(School Corridor)
(Kath Rence's POV)
"ANG guwapo talaga nilang apat noh! Lalo na si Prince Satchel!"
"Oo nga eh! Shocks, kinikilig ako sa kanya!"
"Look girls, papunta na sila dito!"
Papasok na sana kami sa classroom nang makita naming papalapit na ang grupo nina Satchel sa pwesto namin kung kaya naman parang mga kabuteng nagsilitawan ang mga fan girls nila at daig pa ang mga presong nakawala sa tindi ng kanilang tilian.
Naglalakad silang apat nung may isang babaing humarang kay Satchel De Vega.
"Hi Prince Satchel." sabi nung babaing makapal ang make-up tapos sobrang iksi pa ng palda. "I'm Heidi Sandborn, by the way." at inabot niya yung kamay niya para makipag-shake hands kay Satchel. Pero imbis na makipagkamay siya dun sa Heidi ay tinitigan niya lang ito na may halong pagkainis sa kanyang mukha.
"Get away, ugly creature."
Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Satchel, nangingibabaw yung tawa ng tatlong babaing nagtsitsismisan kanina. Lahat sila, pinagtatawanan yung Heidi. Kawawa naman siya. Umatras na lang siya para makadaan si Satchel maging yung apat na kasama niya.
Haay, pustahan tayo, hindi na magpapakita pa ang babaing yun dahil sa kahihiyang inabot niya.
"Bagay lang sa kanya yan! Masyadong ambisyosa!"
"Feeler kasi. Haha!"
"How dare her! Hindi sila bagay ni Prince Satchel noh! Masyado siyang guwapo!"
Guwapo?
Oo, guwapo nga. Pero napakasama naman ng ugali.
Ang yabang lang ha! Akala mo kung sino! Porket siya ang "Ultimate Heartthrob Prince" ng Kensington High School ay may karapatan na siyang umasta ng ganyan! ISANG NAPAKALAKING KALOKOHAN! At kung manghiya siya ng iba, AKALA MO KUNG SINONG PERPEKTO! Ewan ko ba kung bakit ang daming patay na patay sa impaktong yun, gayong kung tutuusin ay napakasama naman ng ugali niya! Ako tuloy ang nanghihinayang sa kanya. Sinasayang niya ang itsurang pinagpala sa kanya.
"Si Satchel talaga, ang aga-aga may pinahiya na agad siya." sabi ni Khendra.
"Hmp! Palibhasa kasi, mayabang." sabi ni Rhian.
Sila ang pitong campus heartthrobs ng Kensington High School. Si Satchel De Vega ang leader nila habang members naman ang stepbrother niya na si Jackson Lauren De Vega, ang pinsan nilang si Jhake Angelo Manahan, ang sikat na teen rockstar na si Zeric Vincent Licad, ang Stephen Curry look a like at magkakambal na sina Yusof at Joshua Khan at ang kakambal ko na si Leonard Anthony Villas. Si Kuya Leonard ang personally close ko sa kanila habang si Jackson naman...ang crush ko. Pero kahit kapatid ko si Kuya, hindi pa rin yun naging dahilan para mapansin ako dito sa school. Kahit na palagi kaming nagsasalubong at nag-uusap ay nanatili pa rin ako sa pagiging campus nerd ko. Pero kahit ganun, thankful pa rin ako dahil nagkaroon ako ng isang mabait at mapagmahal na kuya na tulad niya.
Natigil lang ako sa pagtitig ko sa kanila nung kusa na akong hinila ni Yhannie papasok ng classroom.