Everything looks fine in the city of Collis Sierra. Tall establishments and fast cars were behind me. I was out beyond a slab rail fence and past the black car and brown Dodge that is somehow owned by a visitor from the big Mansion I have to work in. I was nervous looking around with my denim jacket and red bonet cap. I put my baggage down and stood up infront of a very huge house, It is a mansion indeed. I hooked my chin over the top rail of a post beside the blue gate, twirl a long green blade of grass and orchid in my hands and stood still.
"This is so different," I whispered. "Mabuti na lang at hindi ako nawala." I sighed in excitement and jittery at the same time. "Sino ba ang sasalubong sa akin dito?"
I'm so new to this kind of city. Pumupunta lang ako sa maliit naming lungsod sa probinsya kapag maggo-grocery. Ni hindi pa nga ako naaabutan ng gabi. Kaya naman pagbaba ko palang ng bus kanina ay tila gusto ko nang umurong pabalik at umuwi na lamang sa probinsya. I was so scared that I couldn't handle the life here in this big city of Collis Sierra. Ang sabi pa ng Mama ko ay ibang-iba raw ang mga gawain ng kabataan dito hindi tulad namin sa probinsya.
Besides wala man lamang akong kakilala sa mansion. Si Elliot lamang na hindi na kailangan pang magtrabaho. Kung hindi lang ako nangangailangan ng pera ay hindi na ako luluwas ng probinsya upang mamasukan sa isang napalaking mansion na wala man lamang akong kaalam-alam o kakilala. I'm totally feeling lost, at habang pinagmamasdan ang iba't-ibang naglalakihang bahay sa villa na ito ay napapaurong ako. I feel like I don't belong here, really do not.
So this is Villa Veluriya. The finest Villa in Collis Sierra. Ito rin ang pinakamahal.
Maraming lupa ang mga Torrero, may mga mansion at bahay sila sa kanilang sariling lupain at mayroon pa sa napakamahal na Villa na ito. Gaano ba kayaman ang mga Torrero?
"Ahh-excuse me po?" tawag ko ng makakita ng guwardiya. Mukhang umalis ito at kakatapos lamang umihi dahil gusot pa ang damit nito at hindi maayos ang pagkaka tucked-in ng kanyang uniform. Lumingon ito saakin at tumawag ng isa pang gwardiya upang puntahan ako.
"Wow, napakayaman nga ng mga Torrero." Bulong ko. Maraming malalaking bahay sa probinsyang pinanggalingan ko na pag-aari ng mga mayayaman at karamihan sa kanila ay politiko. Ngunit hindi ko maikakalang higit na malaki ang Mansion na nasa harapan ko. Ito na yata ang pinakamalaking bahay na napuntahan ko sa aking buhay.
"Ano'ng kailangan mo" tanong ng binatang guwardiyang lumapit sa akin ng hindi lumalabas sa gate.
Uutal-utal naman akong sumagot. "Ah, ako po iyong bagong katulong dito." Saad ko at inabot ang folder
na pinirmahan ni Mrs. Torrero, galing ako sa opisina niya at ang sabi'y ipakita ko lang ang folder na iyon at awtomatiko na akong papapasukin. Ngunit hindi naging madali iyon, masyadong matalas ang security at kinailangan pa akong interview-hin ng guwardiyang nag entertain sa akin.
"Saan 'to galing?" paninigurado niya at binuksan ang gate saka lumabas.
"Kay Mrs. Torrero po," kinakabahan kong sagot. "Galing po ako sa Torrero's Hotel and Resort."
Muli nitong pinasadahan ng tingin ang folder ko, ngunit pansin na pansin ko ang paraan ng pagtitig nito sa akin pababa sa aking katawan at dibdib. Sensitive pa naman ako at conservative, ayaw na ayaw kong tinititigan dahil mabilis akong mailang. Gusto ko tuloy sapakin itong guard na sumalubong sa akin.
"Ganoon ba. Pasok ka na," saad nito at tinulungan ako sa mga bagaheng dala ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil nabibigatan na rin ako sa mga dala ko. Halos bitbit ko lahat ng gamit ko sa bahay, dito kasi ako maninilbihan at tuluyang maninirahan sa loob ng dalawang buwan. Pagkatapos ay magdodorm ako sa isa sa mga Unibersidad dito sa Collis Sierra kapag nakaipon na ako ng sapat na pera.
Mataas daw kasi mag sweldo ang mga Torrero. Nasisiguro kong makakapag-ipon ako para sa operasyon ni Mama pati na rin pang tuition ko. Kaya naman aayusin ko ang trabaho ko dito dahil ayokong mabigo ang pamilya ko. Sana naman ay walang mangyaring anuman upang pumalpak ako.
Manghang-mangha kong pinagmasdan ang lawak, ayos at ganda ng paligid. May fountain sa harapan ng mansion na naka landscape at napapalibutan ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak. Habang sa gilid naman ng harapan ng mansion ay hardin, malalaki ang gupit ng mga dahon doon at iba iba ang hugis. Ito na yata ang pinakamagandang front yard na nakita ko. Umiikot sa brown, cream at maroon ang kulay ng mga pintura.
"Manang Letty!" tawag noong guwardiya mula sa pintuan. Naghintay kami sandali at lumabas doon ang isang may edad na babae na mukhang masungit dahil kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa amin. "Bagong katulong." Dagdag ng guwardiya. "Kayo na po ang bahala sa kanya."
"Good luck Mikay." Saad nito sa akin bago tuluyang umalis. Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko nang tawagin niya ako sa pangalan na ganoon. 'Leche', awkward akong ngumiti at inagaw sa kanya ang folder ko.
'Pakialamero.'
"Hm," nagulat ako ng lumapit sa akin si Manang Letty. Pinagkrus nito ang kanyang mga braso at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Halos manginig ako ng umikot ito sa akin. "May mga batas dito." Pangunguna nito.
Napayuko ako. Siguro'y hindi talaga noon mawawalan upang madisiplina ang mga katulong sa ganito kalaking mansion.
"Unang-una, bawal ang mag reklamo." Saad nito. "Wag attitude." Tumango ako, hindi naman ako reklamador at alam kong bilang utusan ang pinasok ko dito.
"Bawal ang boyfriend." Grabe si Manang.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tumango tango ako. Bente na ako ngunit hindi pa ako nagkaka boyfriend kahit kailan kaya hindi problema iyon.
"Bawal ang cellphone sa trabaho."
Tumango ako ulit. Unang-una sa lahat, pang emergency lang ang keypad kong cellphone. Nasa labas na ang battery nito at inayos ko lang, nakakahiya naman kung gagamitin ko iyon.
"Bawal lumandi!" halos mapatalon ako sa gulat nang sa mismong tainga ko niya ito sabihin. "Maraming gwapo sa mansion na ito, huwag dapat maapektuhan ang trabaho." Dugtong nito.
Grabe naman si Manang, unang-una sa lahat, ni hindi ako marunong humarot, papaano pa akong lalandi? At isa pa, iwas din ako sa mga gwapo, delikado sila sa mga panahon ngayon. 'Pero seryoso ba si Manang na maraming gwapo dito?'
"Higit sa lahat, bawal ang tatamad-tamad." Sigaw nito sa aking mukha kaya naman todo ako sa pagyuko upang makaiwas. Marami na akong napanuod na ganito, normal lang bang masungit talaga ang tagapangasiwa sa mga katulong?
"Opo." Sagot ko at napahawak ng mahigpit sa aking damit.
"Araw araw may bisita dito, kailangan ang pakikisama. Bawal ang masungit." Saad nito.
Mabilis naman akong napaangat ng tingin at namimilog ang mga matang hindi napigilan ang sarili, "Hala eh' bakit po kayo?"
"Ano?" kunot noo nitong tanong.
Nakagat ko ang labi ko at mariing napapikit. "Wala po." Kinakabahan kong saad.
"Kung may kailangan ka sabihin mo lang. Una mong aayusin iyong landscape sa harapan. Marami nang nagkalat na dumi, tanggalin mo iyon. Pagkatapos ay linisan mo ang harapan ng bahay, maraming walis diyan." Halos ako naman ang mabilaukan sa sunod sunod nitong sinabi. Ganito ba dito? Mukhang kailangan ko nang masanay kaagad.
Lumingon ito sa pintuan at tumawag ng isang katulong sa loob upang kunin ang mga gamit ko. Lumabas ang isang babae at binuhat ang mga bagahe kong dala, tutulong na sana ako ngunit pinigilan ako ni Manang Letty, "Hephep," hooray.
"P-po?" taka kong tanong ng pigilan niya ako.
"Hayaan mo siyang magdala, dumeretso ka na sa landscape at magsimula." Aniya.
Nanlalaki naman ang mga mata kong napalingon sa matanda, "Ano po?"
"Anong ano po? Magsisimula na ang trabaho mo ngayon. Bawal magreklamo!"
Napanganga ako ng dalhin na ng babaeng katulong ang mga gamit ko sa loob at naiwan kami ni Manang sa labas. Napalunok ako at kinakabahang lumingon sa napakalawak na paligid. Nilingon ko ang landscape na may fountain, napalaki niyon upang trabahuhin kong mag isa.
"Kilos na." utos ni Manang at pumasok sa loob. "Bawal ang maduming sapatos sa loob." Paalala nito bago tuluyang nawala sa paningin ko.
"Jusko!" bulong ko at napahawak sa noo. Hindi ko man lang ba muna malalaman kung saan ang kwarto ko o saan dadalhin ang mga gamit ko? Wala muna bang final instructions? Paano kung magkamali ako dahil kulang ako sa kaalaman?
My goodness. Move Michaiah, hindi ka pumasok sa Collis Sierra upang tumunganga. Hindi ko naman inexpect na mahihirapan na kaagad ako sa unang araw ng trabaho ko, hindi naman siguro ako masisisanti nito ng maaga 'no?
'C'mon Michaiah, you're in a big City. You should embrace the new environment here.
Wala na ang tunog ng mga manok at ibon, napalitan na iyon ng ugong ng mga sasakyan. Wala na rin ang mga puno sa paligid, kundi establishments na ang naroroon. You're not in your province anymore, you're now in the big City of Collis Sierra.'
"This is it."
No turning back.