KAHIT nga kulang sa kaalaman ay kumilos ako at naglinis sa harapan at ginawa ang utos ng matanda. Noong una'y halos ikutin ko ang garden upang maghanap ng walis, nang hindi koi to makita'y namulot na lamang ako ng mga dahon. Nang patapos na ako'y asar akong bumalik dahil saka naman iyon nagpakita.
"Normal lang naman ito sa unang araw ng trabaho hindi ba?"
Pinunasan ko ang butil ng pawis na tumulo mula sa aking noo. Pagkatapos ay malakas akong bumuga ng hangin dahil tirik na tirik na ang araw. Nagdadalawang isip naman ako kung pwede na akong pumasok sa loob, baka masermonan lang ako doon.
''Hays,'' malakas kong saad at nagsimula na ulit magwalis. Nasa kalagitnaan na ako sa aking paglilinis ng tatlong sunod sunod na sasakyan ang huminto sa labas. Nataranta ako nang kusang bumukas ang gate. Walang pasabi akong tumakbo sa likod ng isang makapal na halaman sa hardin at nagtago. Pinanuod ko ang pagpasok ng mga sasakyan. Dumeretso ang mga ito sa garage, mayroon pang tatlong uri ng sasakyan doon at napakakaganda ng mga iyon. Mukhang lahat ay bago.
Nangunot ang noo ko dahil may mga sasakyan na sa labas kanina, ano bang mayroon sa Mansion na ito at napakarami naman yatang bisita?
"Stupid," bulong ko sa aking sarili ng mapagtanto ang katangahang nagawa ko. "Stupid, stupid." Dahan dahan akong umangat upang sumilip.
I was about to get out from hiding but I lost my strength to when I saw a guy coming out from the black car. Nakasuot ito ng puting shirt at shades. Tila mas lalo akong pinagpawisan nang tuluyan kong makita ang kabuuan nito, he looks familiar. I suddenly stopped and watch him finished what he's doing. Nang sandaling iyon ay nagtama ang aming paningin. His jaw somewhat clenched when he saw me paused while I stood up innocently and there was something so captivating, imperious, entrancing, charismatic, and charming, that I almost blubber out with admiration and delectation, and would, I thought, have given everything in the world on the spot only to have had those shining long hands strike on me and my little fingers foist to touch those muscles.
Lumabas ang ilan pang lalaki at babae mula sa iba pang sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko at tarantang nag iwas ng tingin nang kumunot ang noo nito sa akin. Napasinghap ako at tumingala sa langit, hindi ako maaaring magkamali, pamilyar ang kaniyang hitsura, pamilyar ang kaniyang mukha... Pero pwede namang ibang tao iyon, pare-parehas kasing gwapo, magkakamukha na tuloy.
"Ephraim, let's go," aya ng isang babae sa lalaking tinitingnan ko. Nangilabot ako... Ephraim, bakit pamilyar ang kaniyang pangalan?
"Asriel dude, next time, you'll be on my place," humahalakhak naman na saad niyong isang gwapong lalaki. Napahawak ako sa aking sintido, ngayon naman ay Asriel ang itinawag sa kaniya. Tama, baka iba ang lalaking iyon... iba sila.
"Stupid Michaiah," saad ko sa aking sarili at mabilis na lumuhod upang muling magtago. Labis labis na ang kahihiyang nangyayari sa akin ngayon, mukhang wala ako sa aking katinuan ngayon. "Stupid Stupid.'"Galit kong bulong at kinagat ang aking daliri. "Mag focus ka."
Mukhang hindi nga nagsisinungaling si manang nang sabihin niyang maraming gwapo dito. Sa probinsya'y hindi ako apektado, ngunit nang magtama ang paningin namin ng lalaking iyon ay tila nagsigalawan ang aking mga lamang loob. Pakiramdam ko'y nagsilipiran ang mga agila sa aking tiyan at bigla na lamang akong nanghina. Ngunit paano kung ang lalaking nasa isip ko at ang lalaking nakita ko ay iisa. Ayaw maniwala ng utak ko, ngunit ang mga mata ko na mismo ang tumutukoy kung ano ang totoo.
Muli akong sumilip. Nakahinga ako ng maluwag dahil pumasok na ang mga ito sa loob ng mansion. Limang lalaki ang naroroon kasama na siya at apat pang babae. Ang isang babae naman na blonde ay parang ahas na pumulupot sa kanya habang may kung anong ibinubulong. Awtomatikong kumulo ang dugo ko sa hindi malamang dahilan. Para naman akong masuka nang mapusok itong maghalikan.
"Ano'ng ginagawa mo diyan?"
"Oh Sht-"
Mabilis akong napatayo. Muntik pa akong mabuwal dahil sa gulat at pagkabigla. Awkward akong napaharap sa aking likod at ngumiti kay Manang Letty. Yung totoo, may pagka ninja ba ang matandang ito?
"Nag-naglilinis po." Natatawa kong saad at umaktong nagwawalis. Mabagal akong napahinto at nakagat ang labi ng humakbang ito papalit sa akin. ' Ano na naman manang?' bulong ko sa aking isip.
"Kailangang buhusan ang mga halaman. Maraming balde sa likod, mag-igib ka sa fountain." Utos nito at tumalikod. Napanganga ako, awtomatikong sumama ang mukha ko dahil sa sinabi nito.
"A-ano po?"
Lumingon ito sa akin at ngumisi, nangilabot ako dahil doon. Pakiramdam ko'y nakakita ako ng salbaheng kontrabida. "Bingi ka ba?" masungit nitong saad.
Nagbanggaan ang itaas at ibaba kong ngipin sa pagpipigil na mabara siya. Ayokong masisante kaagad, unang araw ko inaabot ako ng malas. "Bwisit" Mahinang saad ko at nagbuntong hininga.
"Anong ibinubulong mo?"
Mabilis akong napaatras at umiling iling, "Wala po, mag-iigib na po ako." Saad ko at tumalikod. Halos manlaki ang ilong ko at nasa unahan na rin ang ibaba kong ngipin dahil sa pagkaasar. Sadya bang ganoon siya, o trip niya lang ako?
Pumunta nga ako sa likod na bahagi ng bahay. Kamuntikan pa akong mawala dahil nakalimutan ko kung saan ako dumaan. Napakalaki naman talaga kasi ng mansion at ang paligid nito, malilito ka kung saan ka nanggaling. Nakakita ako ng dalawang malalaking balde. Iyon na lamang ang kinuha ko sa halip na maghanap ng maliit na balde. Sanay na akong mag-igib, palagi ko itong ginagawa sa probinsya. Hindi lang daw halata dahil sa maganda ako at makinis. Iyon na lamang ang maipagmamalaki ko sa aking sarili kaya hindi ko iyon ikakahiya.
Katulad ng sinabi ni Manang Letty, sa fountain ako kumuha ng tubig. Mabuti na lamang at may tabo sa loob ng fluid dram, hindi na ako nahirapan magsalok ng tubig.
"Hoy, anong ginagawa mo?" nagulat ako nang sigawan ako ng guwardiya sa gate. Tawang tawa ito sa ginagawa ko, maging sino naman ata matatawa sa ginagawa ko. Ngunit wala lang akong magawa dahil ito ang utos sa akin.
"Nag-iigib po." Sigaw ko pabalik. "Napag-utusan lang."
Tumawang muli ang mga ito. Napairap na lamang ako at tinanggal ang denim jacket na suot ko at isinukbit ito sa aking balikat. Nakaputing fitted shirt ako, at dahil sa pawis ay bumakat ng bahagya ang aking bra. Pagkatanggal ko nito'y sabay na natahimik ang dalawang guwardya at nag-iwas ng tingin. Napahagikhik ako. Hindi na bago sa akin iyon, madalas kainggitan ang aking katawan dahil sa hubog nito.
"Hoy anong-" gulat na sigaw noong gwardiyang nag entertain sa akin nang buhatin ko ang dalawang balde ng tubig sa magkabilang kamay at dalhin iyon sa mga halaman. Napahinto ito sa badyang paglapit sa akin dahil sa mabilis kong pagkilos.
"Manong Elmer nakita mo yun?" gulat na tanong nito sa matanda nitong kasama.
"Hayaan mo siya, bumalik ka rito."
Hindi ko na lamang sila pinansin at binuhusan ang mga bulaklak doon. Hindi sapat ang dalawang balde ng tubig kaya kinailangan kong mag igib ulit. Tahimik na lamang akong pinanuod ng mga guwardiya. Manghang-mangha ang mga ito sa ginagawa ko, kahit na ang totoo'y hindi ko naman talaga pinupuno ang mga balde para mabuhat ko.
Nakailang balik ako sa fountain upang mag-ibig. Halos maluha ako sa pagod at panghihina nang mabuhusan ko ang lahat ng mga bulaklak doon. Napaupo ako sa damuhan ng hardin at naghabol ng aking hininga. Namumula na ang balat ko dahil sa init kaya naman mabilis akong pumunta sa ilalim ng mababang puno at sumilong.
Unang araw ko pero pakiramdam ko'y inaalila ako dito. Hindi ito ang inakala kong buhay na sasalubong sa akin sa Collis Sierra, ngunit mukhang ang hindi mo nga inaasahan ang siyang madalas na mangyari. Nakapatong ang aking kanang kamay sa aking nakataas na tuhod habang ang isa kong paa ay deretso lamang sa damuhan.
"God," bulong ko at bumuga ng malalim na hininga.
Napaayos ako ng upo nang makarinig ng ungol. Taranta akong bumangon at hinanap ang tunog na iyon. Malay ko bang nangangailangan pala iyon ng tulong. Palakas ng palakas ang ungol, ibig sabihin ay malapit na ako sa kinaroroonan niyon. Mas lalong tumagaktak ang pawis ko dahil iba na ang dating niyon.
"Hala," bulong ko nang tumawag na ito ng pangalan. Humakbang ako lalo, mas malaki ang hardin na iyon kaysa sa inaasahan ko. Dahil sa kaloob-looban nito ay mayroon pang kubo. Hindi nga basta-basta ang yaman ng mga Torrero dahil kasinglaki lamang ng kubong iyon ang bahay namin sa probinsya. Tahanan na ang ganoon sa bukid.
"Ephy, ugh faster." Napangiwi ako sa tunog na iyon. "Faster, yes, move, ugh, please." Dumagundong ang puso ko sa kaba, ngunit mas lalo lamang lumakas ang loob ko upang marating ang kubong iyon. Tumingkayad ako sa salamin na bintana, nagaakalang wala akong milagrong makikita. Naging malinaw sa akin ang tunog at ang kanilang ginagawa, ngunit huli na ang lahat. Dahil kitang kita ng dalawa kong mga mata kung paano tumirik at mangisay ang babae sa ibabaw ng puting kama habang nakapatong ang isang hinihingal na lalaki at mabilis na bumabalikbalik. Hindi ko inaasahang tinted ang bintana na sinilipan ko, sino ba naman ang matinong taong gagawa niyon sa isang bukas na lugar?
Nanghihina akong napaatras. Tinakpan ko ang aking bibig upang huwag makalikha ng ingay. Ngunit kung minamalas nga naman ang tao ay sunod sunod, dahil lumingon sa aking kinatatayuan ang lalaki. Wala akong ideya kung nakikita niya ba ako sa bintana mula doon, ngunit mabilis na kumabog ang dibdib ko nang tumalim ang paningin nito sa akin. Mas lalo akong nilamon ng takot nang mapagtantong siya iyong lalaking nakatitigan ko kanina lamang, at kamukhang kamukha talaga siya ng lalaking nasa aking isipan... whiskey.
Mabilis akong umatras at tumakbo paalis. Wala akong pakialam kung may naaapakan akong halaman, ang tanging gusto ko lamang ay makaalis sa lugar na iyon. Gusto kong makalayo sa kanya. Siya iyong lalaking hinangaan ko kanina, hindi maalis sa utak ko ang hitsura niya habang nakatingin sa akin ng masama.
Ganito ba dito?
Nasa panganib na ba ako?