Chereads / WHISKEY / Chapter 5 - 4

Chapter 5 - 4

NAALIMPUNGUTAN ako dahil sa maingay ng tunog ng cellphone, at nasisiguro kong iyon ang alarm ko. Hindi ako agad nakabangon, masakit ang ulo ko pati na rin ang katawan ko. Pakiramdam ko'y nabugbog ako kagabi. Speaking of that night... napailing na lamang ako habang hinahaplos ang ulo ko at pilit na kinakalimutan ang kahihiyang nagawa ko nang gabing iyon.

Iginala ko ang aking paningin sa paligid, napabuntong-hininga ako nang mapagtantong nasa condo ako ni Elliot. Mukhang naalimpungutan pa siya dahil sa alarm ng sira at keypad kong cellphone. Hindi ko na kasi matandaan pa ang sunod nangyari matapos akong hilahin ni Elli palayo sa lugar na iyon.

"Omygee, gising ka na!" Bulalas ni Elliot sa aking tabi at mahigpit akong niyakap, kakagising niya pa lang pero hyper na kaagad siya, hindi ko alam kung paano niya 'yon nagagawa, "Sorry, I am so sorry. Sana pala ay hindi na lang tayo nagpunta doon, o kaya naman ay hindi kita iniwan..."

Hinaplos ko ang kaniyang brasong nakayakap sa akin, "Hush, ako nga ang dapat na magsorry. Napakahina ko kasi sa mga ganoong lugar, hindi tuloy maganda iyong nangyari..." Bulong ko at tumagilid upang humarap sa kaniya, "Salamat pala sa pagdala sa'kin dito,"

"Ano ka ba, wala kang kasalanan dahil kasalanan ko talaga. Kung sana'y nakinig nalang ako sayo," maktol ni Elliot at isiniksik ang kaniyang ulo sa aking dibdib. Napansin ko ring iba na ang damit ko, ibig sabihin ay pinalitan rin iyon ni Elli. I should be really thankful, hindi niya ako pinabayaan.

"Teka nga, wala namang nangyaring masama satin ah, ba't nagdadrama tayo," Humagikhik ako atsaka nag-unat, "Besides, inalagaan mo pa ako..."

"Bu'ang, kinokonsensya ako... nawalan ka ng malay sa kotse ko, hindi ko alam kung saan kita ihahatid kaya dito nalang kita dinala sa condo ko kahit magmukha tayong lumpia,"

"Salamat nga kasi hindi mo ako pinabayaan," saad ko at inipit ang kaniyang pisngi.

"Ofcourse, hindi mo ako pinapabayaan eh, hindi talaga kita pababayaan.."

I hugged my bestfriend, sandali kaming natahimik atsaka pagkatapos ay niyakap niya ako pabalik. Napakaswerte ko talaga dahil nakilala ko ang Sandoval na'to, ewan ko nalang kung anong mangyayari sa akin kung hindi dahil sa kaniya.

"Sorry, Michaiah," She whispered.

"Ano ka ba, wala ka sabing kasalanan," mabilis kong tugon, "At isa pa, wala kang dapat na ipag-alala dahil maayos lang ako. Huwag tayong magdrama dahil ayokong malate ako sa unang araw ng trabaho ko,"

"Oo nga pala," saad niya na tila may biglang naalala, "You'll stay at the mansion right?"

Tumango ako. Bahagya akong kinabahan nang maalalang magsisimula na nga pala ang trabaho ko ngayon. Hindi pa gaanong maayos ang aking pakiramdam, baka naman luting akong magsimula sa aking trabaho. Huwag naman sana dahil ayokong masisante ng maaga.

"Mag-iingat ka don ha, bisitahin mo ako dito kapag free time mo. Bonding tayo, bar hopping... tuturuan na kitang uminom,"

"Nah, ayokong matutong uminom," natatawa kong saad atsaka ngumiti, "Wag ka ngang madrama dyan, nasa iisang lugar parin naman ta'yo, okay?"

"Mamimiss kita..." aniya at mahigpit akong niyakap, "Good luck sa aking bestfriend!"

"Mamimiss din kita," tugon ko at mahigpit din siyang niyakap, hindi alintana ang espasyo ng aming hinihigaan, "Anong oras na ba? Oh goodness gracious, I need to prepare na!" Bulalas ko at mabilis na kumalas upang mag-ayos ng sarili, mabuti na lamang at handa na ang mga gamit ko, ako nalang mismo ang hindi.

"I love you, Micha. Kaya mo yan,"

Ngumiti ako at tumango bago tuluyang naghanda para sa aking mahabang araw.

NANGANGATOG ang mga tuhod ko habang nakatayo sa harapan ng pinakamalaking Hotel And Resort sa Collis Sierra na pagmamay-ari ng mga Torrero. Manghang-mangha ako habang pinagmamasdan ang kalakihan niyon. Maraming malalaking building sa Probinsyang pinanggalingan ko ngunit higit na malaki ang hotel na eto. May resort pa, nakakahiya tuloy pumasok sa loob.

Pinagtitinginan ako ng mga eleganteng tao na lumalabas at pumapasok sa loob. Gusto kong magpalamon sa lupa kapag bumababa sa aking sapatos ang tingin nila. Nakasuot sila ng mamahaling sapatos samantalang ako'y nagtitiis sa maputik at luma kong high-cut. Nakakahiya namang humiram kay Elliot ng sapatos, lalong hindi ko matitiis magsuot ng sandalyas.

I sighed. You are really in a big City now Michaiah, focus. Naririto ka upang mag-apply ng trabaho, hayaan mo silang mag-isip ng kung ano ano. Ipinasa ko na ang main resume ko, ngunit gumawa parin ako ng kopya upang makasiguro. Ang sabi kasi sa akin ay dumeretso muna ako sa Hotel para sa kaonting orientation kaya naman dito kaagad ako dumeretso.

Lumikha ng tunog ang paghila ko sa tinted glass door sa entrance ng hotel. Napayuko ako nang lumingon sa akin ang mga naroroon at hindi ko pa iyon nabuksan. Dumagundong sa kaba ang puso ko nang tumakbo ang isang guwardiya patungo sa akin, ganoon na lamang ang pag-atras ko nang hilahin niyon ang pinto mula sa loob.

"Bata, hindi ka ba marunong magbasa?" turo nito sa signage na nakalagay sa itaas. "Push, hindi pull."

Nakagat ko ang aking labi dahil sa pagkapahiya. Pinagtawanan pa ako ng ibang naroroon, hindi ko iyon napansin dahil siguro sa kaba at pagkamanghang aking nararamdaman. Gusto ko na lang tuloy bumalik sa probinsya, pakiramdam ko'y hindi talaga ako makakasurvive dito. Idagdag pa ang kaonting hang-over kahit hindi naman ako naglasing, hindi lang talaga ako magaling uminom ng alak. Mahina ako sa alak.

"Ah, sinubukan ko pong itulak kaso hindi bumukas kaya hinila ko." Pagpapalusot ko. Nakakahiya ka Michaiah, sobra.

Mas lalong lumakas ang tawanan ng mga naroon, pati iyong guwardiya ay humagalpak ng tawa. Kumuyom ang kamao ko, sobra sobra na ang pagkapahiya ko. Siguro'y sinyales ito upang bumalik na lamang ako sa bukid.

"Patawa ka ineng." Natatawang saad ng guwardiya at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Batid nitong baguhan lamang ako sa Collis Sierra dahil narin sa ekspresyon nito, maluha luha kong sinalubong ang mga tingin nito. "Anong kailangan mo?" tanong nito.

Inabot ko sa kanya ang aking resume. "Nakatanggap na po ako ng tawag mula kay Mrs. Torres, ang sabi niya'y puntahan ko siya sa opisina niya ngayon."

Humigpit ang hawak ko sa aking shoulder bag. Nakahinga ako ng maluwag ng pagbuksan ako ng guwardiya, ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pagsulyap nito sa aking maduming sapatos.

Napahinto ako ng bumulong ito sa akin, "Nasa kaliwang bahagi na iyon ang Comfort room, maglinis ka." Aniya at ngumiti.

"Maraming salamat po," nahihiyang saad ko at ngumiti.

Bitbit ko ang aking resume at unang tinungo ang Comfort room na itinuro noong guwardiya upang maglinis ng sapatos. Napayuko ako ng magtinginan sa akin ang mga babae roon. Pumasok ako sa isang cubicle at tinanggal ang mga putik sa aking sapatos. Kaunti na lang talaga ay susuko na ako, kung hindi lang talaga ako nangangailangan ng pera para sa operasyon ni Mama ay hindi na ako papasok pa ng Collis Sierra para lang maghanap ng trabaho.

Nabasa pa ang sapatos ko habang nililinisan ito. Paglabas ko sa cubicle ay dumeretso ako sa mirror area upang mag-ayos ng sarili. Hindi ko pinansin ang mga babaeng nakatingin sa 'kin. Naglagay lang ako ng kaunting pulbo at liptint, sinuklay ang medyo kulot na buhok at tinitigan ang repleksyon sa salamin.

Hindi nga pala ako pwedeng sumuko, dahil unang-una sa lahat ay sa akin nakaasa ang mga kapatid ko para sa operasyon ni Mama. Kaya kahit anong hirap ay tatanggapin ko dito sa Collis Sierra. Kahit saan naman mahirap, nakadepende lang sayo kung paano mo ito haharapin.

Lumabas akong Comfort room at dumeretso sa counter area upang magtanong.

"Eto po ang resume ko,"

Lahat ng pinagtatanungan ko ay tinitingnan muna ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay hinihingan ng resume. Apat na tao na ang nagpasa-pasa sa akin, pang lima na ang babaeng kausap ko ngayon.

"Ah, Ikaw iyong bagong maid sa mansion?" aniya at pinasadahan ako ng tingin, "Good thing I remembered, dumeretso ka na daw pala sa mansion nila. Mrs. Torrero checked your main resume, keep your copy magsisimula na ang trabaho mo doon."

Napasinghap ako at mabilis na tumango. Nakaramdam ako ng excitement, tuwa at kaba. Sa wakas ay tanggap na ako at magsisimula na ang trabaho ko. Ngunit anong buhay naman kaya ang naghihintay sa akin doon?

"Maraming salamat po." Saad ko bago tuluyang lumabas ng Hotel para dumeretso sa mansion ng mga Torrero at upang simulan ang aking trabaho.