Chereads / My Former Contest Entries [Oneshots] / Chapter 1 - The Prisoner

My Former Contest Entries [Oneshots]

🇵🇭5UNOU5MYW5
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 30.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - The Prisoner

"Mika! Anak, Gising na. Nandiyan na ang Tatay mo,"

Tinig na malamyos ang kanyang naririnig. Umaalingawngaw ang tinig na iyon sa kanyang isipan. Nanunuot maging sa kanyang buong kalamnan. Pamilyar sa kanya ang tinig ngunit…

"Hoy, Mika! Ano pa ang hinihila-hilata mo riyan sa kama. Aba ay kumilos-kumilos ka na riyan dahil kung hindi makakatikim ka na naman ng gulpi sa akin."

Nakabibinging boses ang pilit na gumigising sa kanyang diwa. Ang boses na kasuklam-suklam at nakakasawang pakinggan.

"Ilan na iyon mga costumers na naghihintay sa serbisyo mo."

"O, hayan ang isusuot mo. Bilis-bilisan mo rin ang kilos mo at nang hindi napupurnada ang kikitain kong datong sa mga gagong iyon." Paasik na tugon sa kanya ng taong pumasok sa loob ng kuwartong tinutulugan niya.

Tumambad sa kanyang harapan ang isang damit na napakanipis ang tela. Ang sinoman magsusuot nito ay maaaninag ang hubog ng katawan. White Transparent Satin Halter Mini Dress ang damit na kanyang susuotin. Sukat na sukat ito sa kanyang katawan na mala - Hour Glass ang hubog.

Disi nueve anyos pa lamang siya.

Maamo ang mukha niya at may mapang-akit siyang mga mata. May mga pilik na mahaba-haba at nakapilantik. Ang ilong niya ay maliit ngunit matangos. Ang labi niya ay manipis at may nakapahid na lipstick na ang kulay ay tila rosas na pula. Morena siya ngunit makinis ang balat. Matangkad siya sapagkat 5'9 ang height niya.

Hindi niya pa nais sanang bumangon mula sa kanyang kamang hinihigaan ngunit kailangan niyang gawin. Ang kamang iyon ang nagsisilbing kakampi niya sa bawat mga araw o gabi kung saan pagod na pagod ang kanyang isipan, katawan at maging ang kanyang puso at kaluluwa.

Sino nga bang hindi mapapagod sa klase ng trabaho na mayroon siya? Halos sa araw-araw ay kung sino-sino na lamang na mga kalalakihan ang kanyang nakakasiping sa kamang iyon. Nakikipagtalik sa mga hayop o masahol pa sa mga hayop ang inaasal. Kapag mamalasin pa na mapatapat sa mga lalaking abusado o sadista na hayok sa laman.

Ngunit wala siyang magagawa. Ang trabahong ibenta ang iniingatan puri o pagkababae ang tanging alam niya lamang na puwedeng pagkakitaan ng pera upang mabuhay ang kanyang sarili. Nais niyang kumawala sa mala - impiyernong lugar na iyon ngunit kahit anong gawin niyang pagtakas ay tila hindi siya sinasang-ayunan nang Amang Lumikha. Nananatili siyang nakabilanggo sa lugar na iyon.

"Ineng, ikaw na ba iyon anak ni kumareng Alicia?" Nakangiting usisa ng isang Ginang nang lumapit ito sa isang dalagita na tinatayang nasa labing-limang taong gulang ang edad.

Nakaposturang maigi na tila ba may mahalagang pagdiriwang na dadaluhan ang Ginang samantalang nakatayo naman sa tapat ng isang bintana ang dalagita habang tila tulalang nakatanaw lamang ito at tila hindi narinig ang sinabi ng Ginang.

Tumaas ang isang kilay ng Ginang, palatandaan na naiirita ito dahil sa inaasal ng dalagita. Kanina pa kinakausap ng Ginang ang dalagita ngunit tila walang naririnig ang dalagita sapagkat patuloy itong nakatanaw sa may bintana. Ni hindi alintana ng dalagita ang may kalakasan paghampas ng hangin na humahampas sa kanilang mga balat at nagdudulot nang paglipad-lipad ng ilan hibla ng buhok ng dalagita na dumadampi naman sa mukha nito. Muli sanang magsasalita ang Ginang nang biglang…..

"Ano po ang kailangan ninyo? Sino po ba kayo?" Tugon ng dalagita sabay harap sa Ginang.

Ngunit wala man lang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha ng dalagita ng humarap na ito.

Bahagyang nagulat ang Ginang sa reaksyon ng dalagita ngunit isinantabi na lamang nito ang iniisip at sa halip ay ipinagpatuloy ang nais nitong sabihin sa dalagita.

"Kakilala ako nang Nanay Alicia mo. Matagal na kaming magkaibigan. Nakatrabaho ko ang Nanay mo ng matagal sa isang Resto-Bar sa Maynila. Nabanggit niya sa akin noon minsan magkita kami sa Maynila na may asawa at anak na nga raw siya at itong address na ito ang ibinigay niya sa akin kung sakaling nais kong bumisita sa kanya." Paglalahad ng Ginang na may pilit na ngiti habang nasa harapan nito ang dalagitang pakay.

"Ganoon po ba! Kung ganoon po, salamat sa inyong pagpunta para makiramay. Kung sakaling may kailangan po kayo at mga katanungan, sa tingin ko po ay hindi ko iyon masasagot, kaya pasensiya na lang po." Tanging saad ng dalagita sa kaharap na Ginang pero kasing lamig nang bangkay na nakahimlay sa kabaong na puti ang tono ng pananalita nito.

"No, no, Ineng! Sa palagay ko, ikaw ang may kailangan sa akin." May kumpiyansang muling tugon ng Ginang bilang sagot sa sinabi ng dalagita.

Napatitig ng matagal sa mukha ng Ginang ang dalagita na may bahagyang pagtataka na mababakas sa mukha nito. Bahagyang nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa Ginang.

"Sa akin ka na maninirahan simula ngayon. Sa Maynila, doon ka mag-uumpisa ng bago mong buhay." Walang kagatol-gatol na saad ng Ginang sa harapan ng dalagita.

Bagamat nakangiti ang Ginang, hindi nito maiwasan hindi mairita sa dalagita sapagkat tila walang kainteres-interes man lang sa binalita nito ang dalagitang kaharap.

Nasa loob ng kuwarto nang dalagita ang Ginang. Bagamat nakaburol ang ina ng dalagita, madalas ay nasa loob lamang ng kuwarto nito ang dalagita. Lumalabas lamang kapag kakain o may padasal. May nag-aasikaso naman ilan mga nagmamalasakit na kapitbahay ngunit hindi rin nila gaanong nakakausap ang dalagita sapagkat madalas nga itong magmukmok sa loob ng kuwarto nito.

"Hindi po ako sasama sa inyo kaya pasensiya na po." Tanging tugon nang dalagita sa alok ng Ginang na ikinagulat naman ng Ginang sapagkat biglang tumaas ang mga kilay nito at kumunot ang noo.

May napuna naman ang dalagita na bahagyang emosyon na gumuhit sa mga mata ng kaharap na Ginang ngunit ipinagkibit-balikat na lamang nito ang napansin.

"Aba ay hindi iyan maaari!" Bulalas nang Ginang sa harapan ng dalagita.

Ano ako, tanga! Aalis nang walang mapapala sa pagpunta rito.

"Ah, ang ibig ko lamang sabihin Ineng, hindi naman sa panghihimasok. Ibinilin ka kasi sa akin ng iyong ina noon nabubuhay pa siya na kung sakali man may mangyari sa kanya, ako na ang mag-aaruga sa iyo at dahil nangako ako sa kanya kaya heto ako sa harapan mo para sunduin ka." Mahabang litanya nang Ginang sa harapan ng dalagita. Mababakas sa tono ng pananalita nito ang pangungumbinsi.

Bagamat kunot-noong nakatingin ang dalagita, matamang nakikinig lamang ito sa sinasabi ng Ginang. Hindi naman mawari ng Ginang kung ano ang tumatakbo sa isipan ng dalagita.

"Salamat po sa inyong pagmamalasakit sa akin at pasensiya na rin po sa abalang idinulot sa inyo ng pagkamatay ni Nanay ngunit hindi ninyo na po kailangan gawin o tuparin ang ipinangako ninyo kay Nanay. Kaya ko naman pong alagaan ang sarili ko." Saad ng dalagita na may bahagyang ngiti na namutawi sa labi nito.

Ngunit ang Ginang ay nanatiling nagmamatigas sa kanyang desisyon na isama ang dalagita sa Maynila.

"Pasensiya ka na rin Ineng, pero hindi ako tumatanggap ng ayaw o hinding sagot." Muling saad ng Ginang na may bahid ng determinasyon at awtoridad sa boses nito.

"Ang pangako ay pangako. Isa pa hindi kakayanin ng konsensiya ko na pabayaan ang anak ng matalik kong kaibigan lalo na at mag-isa ka na lamang sa buhay. Napakabata mo pa para buhayin ang sarili mo nang mag-isa. Kaya sana ay hayaan mo akong tumayo bilang pangalawang Nanay mo." Mahabang litanya ng Ginang habang nangingilid pa ang mga luha sa mga mata nito.

Paunti-unti rin lumalapit ito sa dalagita at nang makalapit na ito sa dalagita ay sabay hila sa mga kamay nito at payapos na niyakap ang dalagita.

"A--ano pong ginagawa ninyo? Bi--bitawan ninyo po ako." Tugon ng dalagita habang pilit na nagpupumiglas mula sa pagkakayapos ng Ginang ngunit mahigpit ang pagyakap ng Ginang sa dalagita.

"Shhh!, hayaan mo lang ako Ineng na gawin ito upang maibsan ang kalungkutan na nararamdaman mo. Hindi mo kailangan mahiya o pigilan ang pag-iyak. Alam kong nasasaktan ka at nagagalit dahil sa ginawa sa Nanay mo."

"Pinapangako ko sa iyo, pagbabayarin natin ang demonyong pumatay sa Nanay mo. Kaya huwag kang matakot na sumama sa akin. Simula ngayon ako na ang proprotekta sa iyo." Tuloy-tuloy ang pagpapaliwanag nang Ginang ng mga balak nitong gawin para sa ikagagaan ng kalooban ng dalagita.

Kalaunan ay tila naging musika sa pandinig ng dalagita ang mga sinasabi ng Ginang na nakabawas sa bigat ng nararamdaman nito. Humagulgol ang dalagita na parang katulad ng isang batang paslit na inagawan ng kendi at inilabas ang sama ng loob at galit dahil sa pagkamatay ng ina. Ang ina na itinuturing nitong pinakamahalaga sa buhay nito. Ikinuwento rin ng dalagita ang lahat ng mga naranasan nitong kahindik-hindik noon gabi na masaksihan nito ang pagpatay sa pinakamamahal na ina.

"Sigurado ka na ba hija sa desisyon mo na sumama sa Ginang na iyon?" May pag-aalalang mahihimigan sa boses ng isang matandang tinatayang nasa animnapu pataas ang edad. Ang matandang babae ay isa sa mga nagmalasakit na kapitbahay ng dalagita. Ito rin ang namuno sa pag-aasikaso sa burol ng ina ng dalagita.

"Ayaw ko sanang sabihin ito dahil baka isipin mo nakikialam ako sa mga magiging desisyon mo. Kaso nag-aalala ako sa iyo, para na rin kitang anak kahit isang taon pa lang kayong naninirahan sa bayan ko."

"Hindi mo maiaalis sa akin na hindi mag-alala para sa iyo lalo na at may nangyaring ganitong trahedya." Malumanay na saad ng matandang Ginang habang tila may bikig na bumabara sa lalamunan nito habang nagsasalita. Pinipigilan din ng matandang Ginang ang emosyon nais kumawala upang hindi maapektuhan ang dalagitang nasa harapan nito.

"O--opo, Sigurado na ako Lola Nena sa desisyon kong sumama po kay Tita Lucia patungo sa Maynila." Ani ng dalagita na may bahagyang determinasyon na mahihimigan sa tono ng pananalita nito ngunit mababanaag sa mga mata nito ang magkakahalong emosyon. Noon lamang nakita ng matandang Ginang sa dalagita ang kalituhan na mapapansin sa mga mata nito.

Bagamat gustuhin man ng matandang Ginang na pigilan ang dalagitang napamahal na sa kanya ngunit alam nitong wala itong karapatan para pigilan ang magiging desisyon ng dalagita.

"Tama po si Tita Lucia, kung nais ko pong makalimutan ang lahat nang mga nangyari, kailangan umalis na po ako sa lugar na ito dahil kung hindi ko po gagawin iyon palagi ko lamang po maaalala ang ginawang kahayupan sa Nanay ko." Garalgal ang boses na saad ng dalagita ngunit may bahid nang galit ang pagkakabitaw nito sa salitang hindi nito inakalang mangyayari sa buhay nito. Nanginginig din ang mga kamay nito.

Hindi nito mapigilan ang pagpatak ng mga luha habang nakikipag-usap sa matandang Ginang na si Lola Nena dahil patuloy ito sa pagpahid ng mga luha gamit ang mismong mga kamay nito.

Sa pagkaawang nararamdaman ni Lola Nena sa dalagita, mas nilapitan nito ang dalagita upang yakapin ng mahigpit. Hinahaplos-haplos din nito ang likuran ng dalagita upang aluin.

Kalaunan ay napapayag na rin ang matandang Ginang dahil kahit tumutol man ito buo na rin ang pasiya ng dalagita na sumama sa babaeng sinasabing kaibigan daw ng ina nito.

"Mika!, Mika, nakabihis ka na ba? Kung oo, bilisan mo na riyan. Galit na galit na si Lucifer este si Tita Lucia. Ikaw din, kilala mo naman kung paano magalit iyon."

Kanina pa niya naririnig ang walang tigil na pagkatok sa kanyang pintuan. Nahihimigan din niya sa boses ng nagsasalitang babae ang kaba at pagkataranta na kahit hindi siya lumabas ng kuwarto para tingnan kung sino ang kumakatok ay alam pa rin niya kung sino ito. Ang babaeng nasa labas ng kuwarto niya ay ang kaisa-isang tao na pinagkakatiwalaan at itinuturing niyang kaibigan.

Katulad niya, bilanggo rin ito sa lugar na kinasasadlakan niya ngayon. Biktima rin ito ng mapanlinlang na demonyo na nag-anyong tagapagligtas ng mga katulad nilang inosente pa noon. Kung alam lang sana niya ang mangyayari sa kanya at kung nakinig nga lamang siya sa Lola Nena niya, hindi niya sana sasapitin ang ganoon kalagayan. Ang tuluyan pagkawasak ng kanyang buhay.

"Oo, pababa na ako. Mauna ka na roon, susunod na ako." Ang walang kabuhay-buhay niyang sagot sa kaibigan. Wala na siyang narinig na boses mula sa labas ng kanyang kuwarto. Sa huling pagkakataon humarap siya sa isang malaki-laking salamin na nasa loob din ng kanyang kuwarto.

Wala na ang dati mong purong pagkatao. Ibang tao ka na. O baka nga hindi ka na tao. Tapusin mo na ang buhay mo para matapos na rin ang paghihirap mo.

Shhh, huwag kang ganyan. Bakit kailangan ikaw ang maghirap kung puwede naman sila ang parusahan mo dahil sa ginawa nila sa iyo. Patayin mo sila, mas masarap sa pakiramdam iyon. Sila ang sumira sa buhay mo, dapat lamang silang magbayad dahil sa ginawa sa iyo.

Ta--tama na! Tigilan ninyo na ako.

Nanginginig na naman siya. Tinatakpan niya ang magkabilang-tenga niya sapagkat marami siyang naririnig na mga boses. Boses na paulit-ulit ang mga sinasabi. Halos kapusin din ang hininga niya. Pakiramdam niya ay tila nalulunod siya. Pero kahit nanginginig, pinilit niyang makalapit sa isang kabinet kung saan nakalagay ang gamot niya para kumalma ang sarili. Pagkainom sa gamot, nakaramdam na siya ng bahagyang ginhawa. Hindi na rin siya kinakapos ng hininga.

Pagkatapos mapakalma ang sarili ay tumayo na siya para lumabas ng kanyang kuwarto.

"Oh, oh-hh, ang sa--rap mo! Ang husay mo talagang manromansa. Alam na alam mo kung paano ako paliligayahin." Nakakabastos sa pagkatao niya ang mga namumutawing mga salita na kanyang naririnig na nagmumula sa bibig ng isang lalaking nakapatong sa hubad niyang katawan habang nakapasok sa kaselanan niya ang pagkalalaki nito. Halos tumirik pa ang mga mata nito habang naliligo sa pawis.

Kung ang lalaking kasiping niya ay tila nakarating sa langit ang pakiramdam. Ang pakiramdam naman niya ay sukang-suka at suklam na suklam sa mga pinagsasasabi ng asal-hayop na lalaki at tila na sa impyerno naman ang pakiramdam niya. Isa sa masugid niyang kostumer ang lalaki. Isa sa mga hayop na kinasusuklaman niya.

Ilan beses din siyang inangkin ng lalaki at pagkatapos ng lalaking iyon ay may dalawa pang kalalakihan ang nakipagtalik sa kanya. Alas diyes na nang gabi bago siya lumabas sa bahay-aliwan na tinutuluyan niya. Kasama niyang umalis ang kaibigang si Catherine para magtungo sa isang kilalang restaurant na malapit sa bahay-aliwan na tinutuluyan nila.

"Sigurado ka bang hindi ka sasama pabalik sa club? Baka hanapin ka ni Lucifer." May pag-aalalang saad sa kanya ng kaibigan si Catherinde habang matamang nakatingin ito sa kanya. Kahit may make-up na nakalagay sa cute nitong mukha, kapansin-pansin pa rin ang tila mugto nitong mga mata at bahagyang pangingitim ng mga eyebags sa paligid ng mga mata nito. Mukhang pagod na pagod din ang hitsura nito.

Tumango lang siya habang bahagya lamang ngumiti. Hindi na nangulit pa ang kaibigan niya at nagpatuloy na ito sa paglalakad pabalik sa club o bahay-aliwan na pinagtatrabahuhan nilang dalawa. Naglakad na rin siya paalis sa puwestong kinatatayuan niya para magpunta sa ibang direksiyon.

"Miss! Miss! Sandali, Miss."

May malagong na boses siyang naririnig. Nagpalinga-linga siya sa paligid upang tanawin kung saan direksiyon nagmumula ang tinig na kanyang naririnig.

"Miss! Cellphone mo ito, hindi ba?" Muli niyang narinig ang boses na iyon ngunit bahagya siyang napaatras nang dahil sa gulat nang humarap na siya sapagkat bumalandra sa kanyang harapan ang isang lalaking may katangkaran, sa tantiya niya ay nasa 5'11 ang tangkad nito.

Bagamat madilim sa isang bahagi ng kalsada kung saan sila nakatindig pero kahit papaano ay naaaninaw naman niya ang hitsura ng lalaking nasa harapan niya sapagkat may ilan poste ng ilaw ang nakapalibot naman sa ibang bahagi ng kalsada. Ang kinatatayuan nilang dalawa ay daanan din ng mga tao.

Batid niyang matipuno ang pangangatawan ng lalaki. Nakasuot ito ng hapit na maong na pantalon. Puting sando na pinatungan ng maong na jacket na kulay itim at tsinelas na goma. Bagamat ang medyo malago-lago nitong buhok ay tila hindi nasusuklayan ngunit hindi naman nabawasan ang angkin nitong kaguwapuhan. Aminado siya na nagugwapuhan siya sa lalaking nasa harapan niya.

Matangos ang ilong ng lalaki. Makapal-kapal ang kilay. Malalim ang biloy sa kanan pisngi nito. Tila hugis puso ang mamula-mula nitong labi. Medyo pangahan. May pagkabigotilyo. Hindi niya mawari kung ilan taon na ito pero sa tingin niya ay mas malaki ang agwat ng edad ng lalaki kumpara sa kanya. Lalaking-lalaki ang tindig o postura nang lalaki. Ngunit ang nakaagaw sa atensiyon niya ay ang mga mata nitong medyo mabilog at tila nangingislap. Hindi siya sigurado kung ano ang kulay ng mga mata nito.

Kanina pa pala siya nakatitig sa lalaki kaya hindi niya namalayan na kanina pa siya kinakausap ng lalaki. Bagamat alam niyang hindi dapat siya magtiwala sa kahit na sino lalo na sa mga lalaki ngunit hindi niya maiwasan hindi maintriga sa lalaking nasa harapan niya. Pakiramdam niya ay kilala niya ito ngunit hindi siya sigurado kung saan niya ito nakita. Alam niyang hindi niya kostumer ang lalaki sapagkat noon lang niya nakita ang mukha nito ngunit may kung anong nagdidikta sa isipan niya at tila sinasabing parang nakita niya na ito dati pa.

"Heto na nga pala ang cellphone, Miss. Sa tingin ko sa iyo itong cellphone na ito, tama ba ako? Doon sa restaurant ko ito natapuan kung saan din kita nakita. Sa puwesto kung saan ka nakatayo, doon ko rin ito natagpuan kaya pinilit kong ihabol para maibigay sa iyo dahil bigla ka na lamang umalis." Paliwanag ng lalaki sa kanya habang nakangiti itong nakatingin sa kanya. Bahagya naman siyang natauhan at napatingin sa cellphone na tinutukoy ng lalaki.

"Sorry, Sir! Pero mukhang nagkakamali kayo. Hindi po sa akin iyan. Wala rin po sadya akong cellphone na ginagamit, kaya baka po iba ang may-ari niyan." Alanganin siyang ngumiti sa lalaki habang nagpapaliwanag din sa lalaki.

"Hah? Pero sa puwesto mo kung saan ka nakatindig ko ito nakita. Hindi ba may nakabanggaan ka pa nga na isang kostumer na papasok naman sa restaurant? Hindi ba ikaw din iyon nakasuot ng itim na hoodie?" May pagtatakang tugon sa kanya ng lalaki habang napapakunot pa ang noo nito.

"Okay Sir, ganito iyan, may nakabanggaan nga po ako kanina, tama kayo roon. Nakasuot nga po ako ng itim na hoodie kanina dahil hiniram ko iyon sa kasama kong babae, tama ulit kayo roon sa sinabi ninyo."

"Pero sa pagkakatanda ko po, napatingin lang sa akin nang saglit iyon taong nakabanggaan ko at nagmustra gamit ang labi niya ng "sorry". Ngayon hindi ko napansin kung may hawak siyang cellphone o wala dahil ang napansin ko na lang ay iyon pagmustra niya sabay talikod at nagdiretso ng maglakad."

"Medyo napansin ko naman nga po Sir na parang nakayuko siya habang naglalakad palayo pero hindi ko sigurado kung may hawak siya o kung ano ang ginagawa niya habang nakayuko. Marahil sa kanya po ang cellphone na iyan at hindi sa akin." Mahaba-habang paliwanag niya sa lalaki. Nakatitig lamang sa kanya ang lalaki habang nagsasalita siya kung kaya naman ay nakaramdam siya ng pagkailang. Hindi niya mawari ang dahilan kung bakit bigla na lamang siya nagpapaliwanag sa isang estranghero.

Ano ba itong lalaking ito? Guwapo nga pero mukha naman hindi mapagkakatiwalaan. Pamali-mali ang kuwento.

Ano ka ba Mika? Ngayon ka pa nagdadalawang-isip kung matino siya o hindi. Mga manloloko at mga hayop naman talaga ang mga lalaki. Pare-pareho lang sila lahat. Kaya hindi ka dapat magpalinlang. Katawan lang habol nila sa iyo. Huwag kang tanga!

Shhh, makipaglaro tayo Mika sa kanya. Mukhang masaya siyang kalaro.

"Okay ka lang Miss? Hey!" Narinig niyang sambit ng lalaki. Kung ano-ano na naman ang naririnig niyang boses. Tinabig niya ang kamay ng lalaki ng maramdaman niyang hinaplos nito ang kanan balikat niya.

"Ano ba? Huwag na huwag mo nga akong hahawakan. Sabi ko nga sa iyo, hindi ako ang may-ari ng cellphone na iyan. Kaya puwede ba, kung wala ka nang kailangan, aalis na ako." Paangil niyang tugon sa lalaki. Kung kanina ay tila nag-aalala ang ekspresiyon mapupuna sa mukha ng lalaki ngunit ngayon ay pagkagulat o pagtataka ang makikita sa mukha nito sapagkat napapataas ng bahagya ang kilay nito at napapakunot ang noo.

"O--okay Miss, Relax ka lang. Pasensiya na, akala ko kasi sa iyo ito. Ikaw kasi iyon huli kong nakita na nakatayo malapit sa puwesto kung saan ko nakita itong cellphone. Anyway, kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko man lang alam ang pangalan mo. I'm Lester and you are?" May pagkasuwabe ang pagkakabitaw ng lalaki sa mga sinabi nito kung kaya naman nakaramdam siya ng inis sa lalaki.

"Bakit ko naman sasabihin sa iyo ang pangalan ko? Kung ano man ang binabalak mo, sorry pero hindi ako libre. Mukha kang walang pera sa kabila ng kaguwapuhan mo. Hindi ako magsasayang ng laway para lang makipaglandian sa kagaya mo." Saad niya sa harapan ng lalaki bagamat pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay ginigisa niya ang sarili sa kumukulong mantika. Mga katagang yumuyurak sa kanyang pagkatao na hindi niya gustong sambitin at marinig ng kahit na sino.

"Sorry, pero wala akong balak na masama Miss, maniwala ka sa akin. Gusto ko lang talaga ibalik sa iyo itong phone dahil akala ko ikaw ang nagmamay-ari nito." Narinig niyang tugon ng lalaki, hindi siya sigurado pero parang may naramdaman siyang sinseridad sa tono ng pananalita nito.

Sinungaling siya! Huwag kang maniwala sa kanya. Pare-pareho lang sila. Patayin mo siya.

Tama na! Tigilan ninyo na ako! Umalis kayo!

Napatakip siya sa kanyang mag-kabilang tenga. Naririnig na naman niya ang mga boses na iyon. Ang mga boses na pilit nagsusumiksik o gumugulo sa kanyang isipan.

Nangangatal ang kanyang mga kamay. Nanlalamig ang kanyang pakiramdam. Halos matumba siya sa kanyang kinatatayuan dahil ang pakiramdam niya ay umiikot ang kanyang paningin. Kung ano-ano ang nakikinita-kinita niya.

Papalapit naman sa kinatatayuan niya ang lalaking nasa harapan niya. Naramdaman niyang tila may tangka itong muli siyang hawakan ngunit inunahan niya ito at matalim na tinitigan ito.

"Huwag na huwag lang lalapit. Umalis ka rito."

"Pe--pero, ayos ka lang ba Miss? Nanginginig ka at namumutla. Taga-saan ka ba at ihahatid kita sa inyo." Mahinahon sagot sa kanya ng lalaki, bagamat tila naguguluhan ito dahil sa mga kakaibang ipinapakita niya, ngunit napansin din niya ang pag-aalala sa mukha nito.

Nagtatalo ang kanyang isipan at puso. Hindi niya alam kung pagkakatiwalaan niya ang lalaking ngayon lang niya nakilala. Pinilit niya ang mga paa na ihakbang para makalayo sa lalaki. Ngunit napansin ito ng lalaki kaya naramdaman niya ang medyo mahigpit na paghawak nito sa kaliwang braso niya para pigilan siyang umalis.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako." Paasik na tugon niya sa lalaki habang nagpupumiglas siya mula sa pagkakahawak nito. Umiikot na naman ang kanyang paningin. Gusto na niyang makabalik sa tinutuluyan niya dahil kailangan niya muling uminom ng gamot para kumalma siya.

"Miss, hindi mo kailangan matakot sa akin. Wala akong gagawin sa iyong masama. Mukhang hindi ka okay kaya sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira para maihatid kita." Muling saad ng lalaki sa kanya. Ginugulo rin ang kanyang isipan ng mga boses na bumubulong ng kung ano-ano.

Patayin mo siya! Sasaktan ka lang niya, pero bago mangyari iyon unahan mo na siya.

Pakiusap, layuan mo ako!

Tumigil na kayo!

Sa kagustuhan niyang makawala sa pagkakahawak sa kanya ng lalaki, buong lakas na tinuhod niya ang maselan bahagi ng lalaki dahilan para mapabitaw ito mula sa pagkakahawak sa kanya.

Nang makawala ay tumakbo siya papalayo para makatawid sana sa kabilang kalsada pero sa hindi malaman dahilan ay hindi niya naiwasan mapalingon sa kinaroroonan ng lalaki. Napansin niya na tumatakbo ito papalapit sa kanya at tila bahagya lang itong nasaktan nang dahil sa ginawa niyang pagtuhod sa maselan parte ng katawan nito.

"Miss, Sandali lang!"

"Miss, tumabi ka!" Narinig niyang sambit ng lalaki. Nakarinig din siya ng busina ng sasakyan kaya napalingon siya sa pinanggalingan ng tunog bagamat sa paglingon niya ay bahagya siyang nasilaw sa liwanag na dulot nang headlamp ng sasakyan.

"Mga tarantado! Magpapakamatay ba kayong dalawa?"

"Pasensiya na Pre! Masama lang pakiramdam nang Girlfriend ko, buntis kasi siya at nakakaramdam siya ng pagkahilo kaya hindi niya napansin ang paparating na sasakyan. Kaya pasensiya na talaga sa abala." Narinig niyang paliwanag ng lalaking nakapayapos sa kanya at tila ba inaalalayan siya para hindi matumba. Napatingala siya at napatingin sa mukha nito habang nakikipagusap ito sa driver na muntik ng makasagasa sa kanya.

Ramdam na ramdam niya ang kabog sa dibdib. Bagamat naiilang siya at naiirita dahil sa kasinungalingan binanggit ng lalaki, kahit paano nakaramdam siya ng pagkakalma.

Hindi niya namalayan na nakaalis na pala ang driver ng sasakyan na muntik ng makabangga sa kanya sapagkat hindi naaalis ang tingin niya sa lalaking nakaalalay sa kanya.

"Miss, Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Tugon nito sa kanya habang mababakas sa mga mata nito ang pag-aalala.

"Gago ka! Bakit mo sinabi iyon?" Paangil niyang sagot nang bahagyang itulak niya ang lalaki palayo mula sa pagkakayapos sa kanya.

"Ang alin?" Kunot-noong sagot sa kanya ng lalaki.

"Huwag ka ngang magmaang-maangan, alam mo ang sinasabi ko." Nanggagalaiti niyang sagot sa lalaki habang matalim ang tingin dito.

"Ahh!" Sambit naman nito sa kanya habang tila kumibot ang labi nito.

"Iyon ba, palusot iyon pero kung gusto mo puwede naman natin totohanin." Mapanuksong sagot sa kanya ng lalaki habang muling lumalapit ito sa kanya dahilan para mapaurong siya. Ayaw man niyang isipin pero tama sila, lalaki pa rin ang nasa harapan niya. May pagnanasa sa mga mata nito. Nagpupuyos ang kanyang damdamin pero sa kabilang banda ay hindi niya maiwasan hindi maintriga sa lalaking nasa harapan niya.

"Huwag kang lalapit. Papatayin kita." Sagot niya sa lalaki bagamat sa hindi malaman dahilan, nanginginig ang kanyang mga kamay. Napansin niya rin na tila nagulat ang lalaki nang dahil sa sinabi niya.

"Okay, Miss, sorry! Nagbibiro lang ako. Pero sana naman pagkatiwalaan mo ako. Wala akong balak na masama sa iyo. Iyon nangyari sa iyo kanina, siguro naman hahayaan mo akong ihatid kita kung saan ka nakatira." May pagsusumamong saad ng lalaki sa kanya. Nais niyang tumanggi sa alok pero naisip niya na masyado nang gabi para maiwan pa siya sa labas, bukod doon malilintikan na naman siya kay Lucifer aka Tita Lucia niya kapag hindi siya natagpuan sa club.

"Ano Miss? Ihahatid na kita."

"Hindi porket pumayag ako ay ibig sabihin noon may tiwala na ako sa iyo. Sa oras na may gawin ka sa akin masama, pa--papatayin kita."

"Pangako, wala akong gagawin masama."

"Babe, I love you!"

"I love you too, Babe." Masuyong sambit ni Lester sabay halik sa noo niya. Nakadantay ang ulo niya sa malapad at medyo maskulado nitong dibdib. Nakahubad sila pareho na natatakpan lang nang puting kumot, palatandaan na nagniig sila hindi bilang prostitute siya at kostumer niya si Lester kung hindi bilang magkasintahan.

"Babayaran ko lahat ng utang niya kasama na ang interes. Isaksak mo sa baga mo ang mga iyan, pero huwag na huwag kang magkakamali na pakialaman siya o bawiin siya dahil alam mo na ang mangyayari sa iyo."

"Bakit mo iyon ginawa? Bakit? Hindi kita maintindihan."

"Shh! Tahan na, nandito na ako. Malaya ka na sa kanya. Magsasama na tayo at lalayo na sa lugar na ito."

"Papasok ka ba ngayon sa trabaho?" Mahinang usal ni Lester sa kanya, bagamat hindi pa niya nais humiwalay sa piling nang kasintahan ngunit kailangan niyang gawin.

Nagtatrabaho siya sa isang fast food chain. Kasama niya sa trabaho ang kaibigan si Catherine bilang mga waitress. Katulad niya ginawan din ng paraan ni Lester ang paglaya ni Catherine. Bagamat nagtataka siya kung paanong nabayaran ni Lester ang lahat ng utang nilang dalawa, hindi na siya nagtangka pang usisain ang tungkol doon.

"Dito ka muna."

"Hindi puwede, baka ma-late ako sa trabaho." Malambing na saad niya kay Lester. Mahigpit ang pagyapos ni Lester sa kanya pero kahit siya ay nagpipigil din na tugunin ang muling nag-aalab nilang pagnanasa. Bago siya bumangon sa kamang hinihigaan nila, masuyo siyang hinalikan sa labi ni Lester na tinugon naman niya.

Isang taon mahigit na silang nagsasama simula nang umalis siya sa poder nang taong nagpahirap at sumira sa kanyang buhay. Para sa kanya si Lester ang bumuo sa pagkatao niya at sa buhay niya na akala niya ay wala ng pag-asang umayos.

"Babe, nasaan ka?"

"Nandito pa sa trabaho, Babe. Overtime ako ngayon kaya baka malate ako nang pag-uwi. Sorry Babe!" Tugon niya habang kausap sa cellphone ang kasintahan. Nahimigan niya sa tono ng boses nito ang iritasyon ngunit hinayaan na lang niya at hindi pinansin. May sasabihin pa sana siya kay Lester ngunit pinutol na nito ang komunikasyon.

"Bakit ngayon ka lang?" Nakaangil na saad ni Lester ang bumungad sa kanyang harapan nang makauwi na siya sa apartment na tinutuluyan nilang dalawa. Matalim ang mga tingin na ipinupukol sa kanya ng kasintahan kung kaya nakaramdam siya ng kaba. Noon lang niya nakitang magkaganoon ang kasintahan.

"Hah? Hindi ba alam mo naman na mag-oovertime ako. May sasabihin pa nga sana ako sa iyo, pero pinutol mo na kaagad iyon linya. Nakainom ka ba?" Paliwanag niya kay Lester. Inilapit niya ang kanyang mukha para amuyin ito subalit umiwas si Lester.

"May problema ba Lester? Kahit pagod ako, pakikinggan kita, sabihin mo lang kung ano ang problema."

"Naninibago na ako sa iyo. Ilan araw ka nang ilan beses tumatawag sa akin, kahit oras ng trabaho ko palagi kang nagmimiss-call. Tapos kanina pinatayan mo ako ng phone."

"May bago na ba? Siya na ba ang ipapalit mo sa akin? Hindi pa ba sapat ang ibinibigay ko sa iyo, sabihin mo sa akin kung ano pa ang kulang."

Nagulat siya sa ginawang pagsinghal ni Lester sa kanya lalo na at hawak nito ng mahigpit ang braso niya. Napapangiwi siya sa sakit. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Hindi ang Lester na nasa harapan niya ngayon ang Lester na kilala niya. Iba ang nakikita niya, tila ito ay sinasapian ng masamang espiritu. Natatakot na siya.

"A-ano ba, nasasaktan na ako. Kung ganyan ka rin lang, mabuti pang umalis muna ako. Magpalamig ka muna ng ulo." Sagot niya kay Lester, subalit nagulat siya sa ginawa ni Lester sa kanya.

"Saan ka pupunta? Sa palagay mo ba papayag akong iwanan mo ako. Pagmamay-ari na kita. Walang kahit na sino ang puwedeng umangkin sa iyo. Ako lang."

Unti-unting lumalabo ang kanyang paningin. Nakaramdam siya nang panghihina, hanggang sa….