"Sigurado ka ba na sasama ka sa aming grupo Samuel?" tanong ng isang bigotilyong lalaki sa kausap nitong lalaki na nasa kabilang linya naman ng telepono.
"Oo. Kailangan ko ng pera at alam mo ang dahilan kung bakit," tugon ng lalaking nagngangalang Samuel.
Si Samuel ay matangkad na lalaki na may matipunong pangangatawan. Sanay ito sa mga gawaing mabibigat sapagkat isa itong kargarador ng mga bandehadong isda na ibinababa sa palengke kung saan ito nagtatrabaho.
Mga limang taon ang agwat nang edad ng bigotilyong lalaki sa edad ni Samuel sapagkat bente-tres anyos pa lamang si Samuel.
"Alam ko pero alam ko rin na hindi mo kayang gumawa ng masama," sagot ng bigotilyong lalaki.
"Wala akong pagpipilian. Kung hindi ko ito gagawin, mamamatay ang inay ko," sagot ni Samuel. Bahagya lamang niyang nilalakasan ang boses habang nagsasalita upang hindi mabulabog ang mga kasamahan niyang natutulog din sa loob ng isang maliit na bahay na yari sa pinagtagpi-tagping yero at ply-wood.
"Naiintindihan kita ngunit hindi ko rin naman nanaisin matulad ka sa buhay na mayroon ako ngayon," muling saad ng bigotilyong lalaki.
"Alam na alam mo kung gaano kadilim o kasama ang mga pinaggagagawa ko."
"Marunong pa rin naman akong makunsensiya."
"Hindi mo kailangan makunsensiya Diego. Ginusto ko ang gagawin ko kaya hayaan mo na lang ako," saad ni Samuel kay Diego.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko. Puntahan mo na ako rito sa tinutuluyan ko. Makikipagkita tayo sa kanila sapagkat naghihintay na sila sa atin."
«»«»«»«»«»
"Si--sigurado ka ba Diego sa babaeng kikidnapin ng atin grupo?" tanong ni Samuel. Halos manlaki ang mga mata nito nang makita ang larawan ng babaeng kikidnapin ng grupong sinalihan niya.
"Oo, bakit? May problema ba?" sagot naman sa kanya ni Diego habang nakatingin sa kanya. Nakataas pa ang mga kilay nito at tila nagtataka sa kanyang sinasabi.
"Wa--wala naman," tugon niya habang napapalunok ng laway.
«»«»«»«»«»
"Hey Shane, look who's coming," sabi ng isang babaeng estudyante na nag-aaral sa isang private school.
"Oh, the bitch!" tugon ng babaeng nagngangalang Shane. Lumingon ito at tumingin sa direksiyon kung saan may itinuro ang isa sa mga kasama nitong babae.
"Diyan lang kayo. I will handle this. Walang makikialam."
"Hey, you!" saad ni Shane. Pakendeng-kendeng itong maglakad habang papalapit sa isang babae na halos kasing katawan nito at kasing tangkad. Malaki rin ang pagkakahawig nilang dalawa maliban sa pamamaraan ng pananamit at paglalakad.
"Bakit? Ano ang kailangan mo?" tugon ng babaeng mahaba ang buhok at nakalugay. May salamin din itong suot sapagkat may kalabuan ang mga mata nito. Simpleng puting t-shirt na pinatungan ng asul na maong-jacket at mahabang paldang bulaklakin ang suot nitong mga damit.
"Duh! As if naman may kailangan ako sa iyo. I can afford anything unlike you, stupid!" patudsadang tugon ni Shane. Umirap pa ang mga mata nito.
Nakasuot si Shane ng maong-pants na hapit na hapit sa katawan nito. Navy blue naman ang kulay ng off-shoulder nitong blouse. Naka-ponytail ang istilo ng buhok nito. Makapal-kapal ang nakalagay na make-up sa mukha nito.
"Anyway, someone told me that your brother is in jail and you need some money to bail him out," sarkastikong saad ni Shane. Nakatingin ito ng may halong malisya sa babaeng nakasalamin.
"Kung ano man ang nalalaman mo Shane, labas ka na roon. Hindi mo kailangan magpanggap na mabait at concern sa amin dahil wala ka noon," sagot ng babaeng nakasalamin. Siya si Karina Calleja. Mas bata ng dalawang taon si Karina kaysa kay Shane.
"Hindi ko tatanggapin iyan pera mo," muling sagot ni Karina. Papaalis na sana ito ngunit hinarangan siya ni Shane.
"Sino ba ang may sabing concern ako sa iyo? Wala naman akong pakialam sa kapatid mo o sa iyo," muling tugon ni Shane at bahagyang humalakhak.
"Si Mom lang naman ang may gustong tulungan ka pero kung ako ang tatanungin hinding-hindi kita tutulungan."
"Hindi ko gugustuhin makaladkad ang pangalan ni Mom nang dahil sa anak niya sa labas," madiin tugon ulit ni Shane habang hindi nawawala ang nakakainsulto nitong ngiti at mga tingin kay Karina.
"Pero ano pa nga ba ang aasahan ko sa katulad mong manggagantso."
"Anong sinabi mo? Kanina ka pa Shane, sumusobra ka na!" May pagbabantang mababakas sa tinig ni Karina. Pailalim din ang tingin niya sa babaeng kaharap.
"Huwag mo akong susubukan Karina. Wala kang maipagmamalaki sa akin," sagot ni Shane at kagaya ni Karina, matalim din ang mga tingin nito kay Karina.
"Whether you like it or not, tatanggapin mo ang perang ibibigay ko sa iyo."
"Don't worry may kapalit iyan ibibigay ko sa iyo dahil hindi naman ako papayag na kukuwartahan ninyo si Mom."
"Alam mong hindi totoo iyan!" singhal na sagot ni Karina. Napatingin naman sa kanila ang mga taong nakakakita sa kanilang pag-uusap.
"Aww, come on! Don't be a hypocrite. Kapag hindi ka pumayag, hinding-hindi mo na makikita si Mom! "
«»«»«»«»«»
"Alam ng lahat na malaki ang pagkakahawig natin dalawa. Akala nila nagkataon lang ang lahat pero alam natin ang totoong dahilan."
"Anong gusto mong palabasin?"
"Magpapanggap ka bilang ako."
"Sounds crazy right? Pero hindi naman siya mahirap gawin."
"Pasalamat ka pa nga dahil pansamantala kang sisikat because of me. Isipin mo na lang na hindi lang para kay Mom itong gagawin mo, para rin sa kalayaan ng kapatid mo."
"Pumapayag na ako."
«»«»«»«»«»
"Handa na ba kayo?" tugon ng pinakalider ng pangkat na sinalihan ni Samuel. Eksperto sila pagdating sa kidnapping. Mga armado sila. Matataas ang bawat kalibre ng mga baril na dala-dala nila. Mga naglalakihan din ang mga katawan nila.
Nakasuot ng panghoodlum ang bawat isa at halos matakpan na pati ang mga mukha nila gamit ang mask na kadalasan makikitang ginagamit ng mga nanghoholdap. Tinatayang nasa lima hanggang walo ang bilang ng miyembro, kasama na ang driver ng van na ginamit nila. Kabilang din sa walong iyon sina Samuel at Diego.
"Oo!"
"Kapag may nakialam, barilin ninyo kaagad. Ingatan ninyo na mamukhaan kayo ng anak ni Mr. Rufino dahil kung hindi malalagot tayo kay Mr. Uy Tingco."
«»«»«»«»«»
"Thank you Ms. Rufino for accepting my invitation of going out with me on a date," anang isang binatang mestisuhin. Tinatayang nasa dalawampung mahigit ang edad nito. Kulay mais ang kulot nitong buhok. Hindi katangkaran ang binata. May pagkahukot din ito. Mayroon suot din itong reading eye glass na malaki ang lente. Kung titingnan para siyang nerd o geek.
"I thought you don't like me because this past few days I noticed that you're ignoring my attempts to have a date with you."
"Oh, I'm sorry Mr. Smith. It's not what you think. I was just busy this past few days because I attend some activities I'm being part of," paliwanag ni Shane sa binatang kaharap. Larry ang pangalan ng binata.
"Oh, I see! So, can we continue our date?"
"Yes of course!"
"Thank you again Ms. Rufino for going out with me. I hope we can do this again the next time I invited you," saad ni Larry. Malapad ang mga ngiti nito habang mataman nakatingin kay Shane.Halos mangislap ang mga mata nito.
"Well, let's see. By the way I enjoyed your company."
"Ohh, me too. Anyway, shall we go now? I will take you home."
"Okay, sure!"
"Huwag kayong gagalaw!" sabat ng isang armadong lalaki. Nakatutok ang isang silencer gun sa ulo ni Larry at sabay marahas na hinawakan ang mga braso nito.
"Hey, who the hell are you? What are you doing?" sagot ni Larry. Nagpupumiglas ito at pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak ng dalawang lalaki na nakapalibot dito.
"Tumahimik ka! Kung ayaw mong madamay, huwag kang makikialam," sagot muli ng unang lalaki na nagsalita.
"Ahh! --- Bitiwan ninyo ako! Ano ba? Sino ba kayo?" Nagpupumiglas si Shane ngunit mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng isang lalaki na kasamahan din ng unang nagsalita. Ang iba naman ay nakapalibot lamang sa kanila upang magmatyag kung may dadaan patrolya ng pulis.
"No, let her go! Let Ms. Rufino go," paasik na sambit ni Larry. Nagpupumiglas ito ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya makawala sa pagkakahawak sa kanya. Nakakatikim din siya ng suntok at paninikmura mula sa mga lalaking humahawak sa kanya dahilan para mapangiwi siya at mamilipit sa sakit.
"You-- you all want some money? I-- I'll give the money you want. Just let us go," pagsusumamong tugon ni Larry. Si Shane naman ay nanginginig sa takot at umiiyak na habang nagpupumiglas pa rin ito.
"Gago! Kahit gustuhin namin ang pera mo, hindi ikaw ang kailangan namin."
"Damn you idiots! If you don't let us go and hurt Ms. Rufino. I'll assure and swear to God that all of you will pay for this," nanggagalaiting saad ni Larry.
"Idiots pala hah! Iyon ay kung suwerteng mabubuhay ka pa. Gago!" sambit ng unang lalaking nagsalita sabay kalabit sa gatilyo ng baril na hawak nito.
"Mr-- Mr. Smith!" pahiyaw na sambit ni Shane.
Bumulagta sa aspaltong kalsada ang katawan ni Larry dahilan para manlaki ang mga mata ni Shane dahil na rin sa kanyang mga nasaksihan. Umaagos ang mapulang likido sa kalsada sapagkat sa bandang ulo pala tinamaan ng bala si Larry. Bumagsak siya sa lupa habang nakamulaga ang mga mata.
"Tayo na babae! Huwag ka nang magmatigas kung ayaw mong matulad sa gagong iyan," saad muli ng lalaking pinakatumatayong lider ng grupo. Marahas na pinisil pa nito ang magkabilang pisngi ni Shane.
"Puwede bang ako na lang ang humawak sa kanya?" sabat ni Samuel. Bahagya siyang napapalunok at nangangatal hindi lang halata sapagkat natatakpan ito ng kanyang suot na damit. Madilim-dilim din sa bahaging iyon kung saan nagaganap ang pangingidnap.
"At sino ka para pakialaman ako? Bago ka lamang dito pero kung makaasta ka ay para kang boss," singhal na sagot ng pinakalider sa harapan ni Samuel. Itinulak-tulak pa nito si Samuel dahilan upang bahagya pa itong mapaatras mula sa kinatatayuan.
"Naghahamon ka ba totoy?"
"Teka easy ka lang Pare! Wala naman siyang ibig sabihin sa sinabi niya," sabat ni Deigo habang pumapagitan kina Samuel at sa lider ng grupo.
"Isa ka pa Diego, kasalanan mo ito. Ikaw ang nagpasok niyan sa grupo, siguraduhin mong hindi tatanga-tanga iyan," sagot ng lalaki kay Diego. Matatalim na tingin ang ipinupukol niya sa dalawa.
"Bawas-bawasan din ang pangingialam dahil kapag hindi ko natantiya iyan ay baka kung ano ang magawa ko sa kanya," may pangbabantang saad pa ng lalaki sa harapan nina Diego at Samuel sabay baling ang atensiyon kay Shane.
"Oo na! Easy ka lang. Masyado kang high blood."
"Ano ba Samuel? Huwag mong sabihin nakukonsensiya ka?" tanong ni Diego kay Samuel. Bahagya silang lumayo sa ibang miyembro para hindi marinig ng mga ito ang kanilang usapan.
"Bago ka pa man pumasok sa grupo, alam mo na ang kanilang kalakaran. Kaya kung gusto mong mabuhay pa, tumahimik ka na lang kahit ano pa ang marinig o makita mo."
"Tayo na!"
«»«»«»«»«»
"Na--nasaan ako?" Nangangatal na saad ni Shane o mas tamang tawagin Karina. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata, tumambad sa kanyang harapan ang madilim na kapaligiran kaya naman napahiyaw siya. Nakatali rin ng mahigpit ang kanyang mga kamay at paa sa isang upuan na yari sa bakal. Nanginginig ang kanyang katawan. Kumakabog ang dibdib niya dahil sa matinding kaba na nararamdaman. Nagpupumilit siyang makawala mula sa pagkakatali ngunit dahil mahigpit ang pagkakatali hindi siya makawala.
Hindi niya alam kung nasaan na siya ngayon. Ang huli niyang naaalala ay noong ihahatid na sana siya pauwi sa bahay nila Shane ni Mr. Smith ngunit naudlot ito sapagkat pinalibutan sila ng mga armado at hindi nila kilalang mga kalalakihan. Si Mr. Smith ay ang binatang ka-date sana mismo ng half-sister niyang si Shane ngunit siya ang pumalit bilang si Shane sapagkat pumayag siya sa kasunduang ginawa nilang magkapatid.
Halos magkandaduwal na rin siya sapagkat bumalik sa ala-ala niya ang kahindik-hindik na senaryo na nasaksihan ng mismong mga mata niya. Umaagos din ang mga luha sa kanyang pisngi sapagkat hindi siya makapaniwalang makakaranas ng ganoong nakakapangilabot na pangyayari. Kulang na lang lumabas ang puso niya sa sobrang takot at kaba na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.
"Pakawalan ninyo ako!"
"Saklolo! Tulungan ninyo ako! Kung sino man ang nakakarinig sa akin. Tulungan ninyo ako," patuloy pa rin sa paghiyaw si Karina. Nagbabakasakali siyang may makakarinig sa kanyang boses mula sa labas. Hindi siya sigurado kung saan siya dinala ng mga armadong kalalakihan sapagkat wala nga siyang maaninag sa sobrang dilim. Tanging pag-ingit lang ng mga daga ang kanyang naririnig na tunog.
Nasaan na ba ako? Saan ba nila ako dinala?
Hesus ko po! Tulungan ninyo po ako. Iligtas ninyo po ako sa mga masasamang tao na iyon.
"Psst!"
"Si--sino iyan? May--may tao ba riyan?" saad ni Karina. Nakarinig siya ng tila kaluskos ngunit hindi niya alam kung saan direksiyon ito nagmumula.
"Kung--kung sino ka man, huwag mo akong sasaktan. Pakiusap. Maawa kayo sa akin. Pakawalan ninyo na ako," pagsusumamong tugon ni Karina. Halos mamaos na ito habang nagsasalita. Patuloy ang pagpatak ng mga luha sa kanyang pisngi. Tagaktak na rin ang pawis na humuhulas sa kanyang leeg at mukha dahil na rin sa pagpipilit na makawala mula sa pagkakatali sa upuan. Kung kanina bago pa siya makidnap ay nakapostura siya ng maayos ngunit ngayon ay tila para siyang pinagsamantalahan dahil sa kanyang hitsura ngayon.
Nawala na ang make-up sa mukha ni Karina. Napalitan ito ng mamula-mulang bakas ng kamay na lumapat sa pisngi nito. Nakasabukot ang buhok nito at nawala na ang magandang pagkakaayos. Halos mahubaran na rin si Karina sapagkat may punit ang suot nitong pulang night gown. Wala rin siyang suot na pansapin man lang sa paa.
"Shh, huwag kang maingay. Baka marinig nila tayo."
"Huwag kang mag-alala. Hindi kita sasaktan," sagot ng taong papalapit kay Karina. Binuksan nito ang isang maliit na flash light na hawak upang maaninag kung saan direksiyon naroroon si Karina.
Bahagyang nasilaw si Karina dahil sa liwanag ng flash light na tumatama sa kanyang direksiyon.
"Kung--kung--kung sino ka man, parang awa mo na! Pakawalan mo na ako. Hin--hindi naman ako mayaman para--para kidnapin ninyo," nagsusumamong tugon ni Karina sa taong nasa harapan niya. Hindi niya maaninag ang hitsura ng taong nasa harapan niya sapagkat nasisilaw siya sa liwanag. Natatakot din siyang tingnan ito. Nanginginig pa rin ang katawan niya kahit nakatali siya sa upuan.
"Hah? Pa--paanong nangyaring hindi ka mayaman? Hindi ba anak ka ni Mr. Rufino? Ang ama mo ay isang kilalang negosyante at pulitiko kaya paanong--" sagot ng lalaking kausap ni Karina. Bagamat madilim pa rin sa kinatatayuan nilang dalawa, hindi maiwasan ng lalaki ang mapakunot sapagkat nagtataka o naguguluhan siya sa sinasabi ng babaeng kinidnap ng kanilang grupo.
Niluluwagan din niya ang pagkakatali sa mga braso at paa ng babaeng nasa harapan niya upang makabawas sa paghihirap nitong makakilos ng maayos ngunit nagdesisyon ang lalaki na huwag muna itong pakawalan sapagkat baka makahalata ang mga kasamahan niya na tinutulungan niya ang babaeng makatakas. Inalis lang nito sa pagkakatali sa upuan ang babae at sa halip ay bahagyang itinali na lamang nito ang mga braso at mga paa ng babae.
"Nagkakamali kayo! Hindi ako ang anak ni Mr. Rufino. Hindi ko siya kilala. Kamukha ko lang marahil iyon tinutukoy ninyo kaya mali kayo ng kinuha," mariin pagpapaliwanag ni Karina sa lalaking nasa harapan niya. Nagsinungaling si Karina sa harap ng lalaki.
Totoong hindi kilala ng personal ni Karina si Mr. Rufino o ang totoong ama ni Shane. Nakikita lamang niya ito na laman ng balita, social media o telebisyon dahil tanyag ang pangalan nito sa larangan ng pagnenegosyo at pulitika at bukod doon ama nga ito ni Shane. Wala rin alam si Mr. Rufino na may mga anak pa pala sa ibang lalaki ang asawa nito na nagkataon nanay naman ni Karina.
"Kaya parang awa mo na kuya! Pakawalan mo na ako. Pangako hindi kita idadamay basta pakawalan mo lang ako," saad ni Karina. Kahit nakatali pa rin ang mga paa nito at hirap ito sa pagkilos nagsusumamo pa rin ito sa harap ng lalaki para pakawalan siya. Napaluhod na ito sa harapan ng lalaki. Lumapit naman ang lalaki kay Karina para alalayan itong tumayo.
"Kung ganoon, tama ang hinala ko. Ikaw si Karina," may kumpiyansang sabi ng lalaki dahilan upang mapatingin sa kanya si Karina.
"Pa--paano mo nalaman ang pangalan ko? Si--sino ka bang talaga?"
"Bakit ka nila kasama? May--may balak kang masama sa akin. Huwag kang lalapit," nanginginig na saad ni Karina. Dahan-dahan umaatras siya papalayo sa lalaking nasa harapan niya ngunit dahil nakatali pa rin ang mga paa niya kaya natalisod siya at napasalampak ang puwetan sa magaspang na sahig.
"Huminahon ka lang Karina. Hindi kita sasaktan pero tama ka kilala kita," tugon ng lalaki. Lumapit siya kay Karina nang makita na niyang napasalampak ito sa sahig ngunit iniiwas ni Karina ang katawan sa lalaki at kulang na lang ay mamaluktot ito. Humahagulgol na muli si Karina.
"Nasaan na iyon babae? Naipakita na ba kay boss Uy Tingco?" Ang mga katagang narinig ng dalawa. Nagmula ang mga iyon sa mga taong alam nilang papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nanlaki pareho ang mga mata nila kaya naman lalong napahagulgol si Karina dahilan para takpan ng lalaki ang bibig nito.
Inilalayan ng lalaki si Karina para makatayo kahit bahagya itong nagpupumiglas.
"Pasensiya ka na Karina, kailangan kitang itali muli rito sa upuan. Ito lang ang tamang paraan para hindi ka nila lalong saktan."
"Mamaya ko ipapaliwanag sa iyo ang lahat. Maghahanap lang ako ng tiyempo para maitakas kita rito," saad ng lalaki kay Karina.
"Huwag mo akong iwan dito!" sagot ni Karina habang humahagulgol.
Umalis sa kinatatayuan ni Karina ang lalaki at nagtungo sa ibang direksiyon kung saan puwede siyang makapagtago. Malawak naman ang loob ng kinaroroonan ni Karina. Marami rin nakapalibot na bariles at mga kahoy na dos por dos at isa doon ang pinuntahan ng lalaki para makapagtago.
"Oooh! Kumusta na ang maganda namin bisita?" saad ng isang matangkad na lalaki. Lumapit ito sa kinauupuan ni Karina at marahas na hinawakan ang mukha nito.
Maliwanag na rin sa loob kung saan dinala si Karina sapagkat may nakatutok na sa kanilang mga ilaw. Pahagod na tiningnan ng lalaki ang hitsura ni Karina at ngumisi ito ng nakakalokong ngisi at may halong pagnanasa sa mga mata nito.
"Pakawalan ninyo ako! Sino ba kayo? Wala akong atraso sa inyo para ganituhin ninyo," humahagulgol na sagot ni Karina. Nagpipilit siyang makawala muli mula sa pagkakatali sa upuan ngunit hindi kagaya noong una na mahigpit ang pagkakatali sa kanya ngayon ay napansin niyang mas madali na siyang makakilos.
Ang lalaking humawak sa kanyang mukha ay parang asong ulol ang tingin ni Karina kaya matalim na tinitigan ni Karina ang lalaki at ang isa pa nitong kasama na nakikihalakhak din.
"Ikaw wala ngunit ang pinakamamahal mong ama ay malaki ang utang sa aming boss. Naniningil lamang kami," sarkastikong tugon ng lalaki. Mas inilapit pa nito ang mukha ni Karina sa mukha niya at bahagyang sinisinghot si Karina dahilan para iiwas ni Karina ang mukha sa lalaki. Napansin naman ito ng lalaki kaya binitawan na rin niya ang mukha ni Karina.
"A--anong utang? Hindi ko alam ang sinasabi ninyo," nanginginig na tugon ulit ni Karina.
"Manang-mana ka talaga sa iyong ama. Ang husay magsinungaling," sagot ng lalaki habang pailing-iling at may kasamang halakhak.
"Hindi ako nagsisinungaling. Wala akong alam sa mga sinasabi ninyo. Kung may utang man sa inyo, wala pa rin kayong karapatan na gawin ito."
"Ang sasama ninyo!" may halong panunumbat at galit sa tinig ni Karina.
"Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong ama kung bakit ka naririto sa poder namin? Kung hindi niya kami inoonse, hindi ka malalagay sa ganitong sitwasyon," sagot ng lalaki at dahan-dahan siyang naglalakad papaikot sa puwesto kung saan naroroon si Karina. Nilalaro rin niya ang mahabang buhok ni Karina at inilalapit ang mukha para bumulong sa tenga ni Karina.
"Saka puwede ba babae, huwag kang magmalinis at magmaang-maangan na wala kang alam sa mga katarantaduhan pinaggagagawa ng ama mo."
"Alam na alam mo ang likaw ng bituka ng iyong ama."
"Hin--hindi totoo iyan! Nagsisinungaling ka! Hin--hindi masamang tao si Mr. Rufino," pahiyaw na tugon ni Karina sa lalaki.
"Mr. Rufino? Bakit Mr. Rufino lang ang tawag mo sa iyong ama?"
"Sumagot ka!" sambit ng lalaki sabay tampal sa mukha ni Karina at marahas na hinila ang buhok nito. Napangiwi naman si Karina dahil sa sakit ng paghila sa kanyang buhok.
"Lando!" Ang narinig ng lalaki kaya naman napatingin ito sa direksiyon ng taong tumawag sa kanyang pangalan.
"Ano bang kailangan mo?" paasik na tugon ng lalaking nagngangalang Lando habang matalim ang tingin nito sa lalaking lumapit.
"Lagot tayo kay boss!" May bahagyang pangangatog na mahihimigan sa boses ng lalaking lumapit kay Lando.
"Ano ang ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ni Lando.
"Anong sinabi mo?" sabi ni Lando ng marinig ang ibinulong ng lalaking lumapit sa kanya.
"Mga tanga!" sambit ni Lando sabay suntok sa mukha ng lalaking kausap.
"Sino kang babae ka?" saad ni Lando. Masama ang pagtitig nito kay Karina. Tila ba handa itong pumatay nang mga oras na iyon. Gumamit si Lando ng balisong para alisin ang pagkakatali ni Karina sa upuan. Napansin nitong tila maluwag ang pagkakatali kay Karina sa upuan ngunit hindi na lang ito nagsalita. May namumuo rin pagdududa sa isipan nito.
"Aray, nasasaktan ako! Bitiwan mo ako," sambit ni Karina. Marahas na hinawakan ni Lando si Karina at pakaladkad na hinila ito. Nawala na kasi sa pagkakatali ang mga braso at paa ni Karina kaya kahit paano nakakakilos na ito ng maayos.
"Malas mo at ikaw ang napagbalingan. Huwag kang mag-alala, pagkatapos namin sa iyo. Isusunod ko na ang tarantadong iyon."
"Ano ba, sabi ng bitiwan mo ako! Ano ang gagawin ninyo sa akin? Hindi naman pala ako ang kailangan ninyo, bakit hindi ninyo pa ako palayain?" saad ni Karina. Nangangatal ang boses ni Karina. Nagpupumiglas pa rin siya mula sa pagkakahawak sa kanya ni Lando. Biglang nagdilim ang paningin ni Karina. Piniringan kasi ng itim na panyo ni Lando ang mga mata ni Karina.
"Ano nang gagawin natin sa kanya Lando?" tanong ng lalaking sinuntok ni Lando.
"Saan ba naroroon ang utak mo? Alam mo na ang ginagawa natin sa mga kalat, hindi ba?" tiim-bagang na tugon ni Lando. Sinamaan din nito nang tingin ang lalaking kausap.
"Oo pero hindi ba puwedeng mapakinabangan ko muna siya? Ang ganda kasi! Sayang naman kung mamamatay kaagad siya ng hindi ko man lang natitikman," may pagsusumamong tugon ng lalaki. May pagnanasang mababakas sa mga mata at ngisi nito habang nakatingin kay Lando.
"Bahala ka! Siguraduhin mo lang na malinis at walang maiiwan kalat o bakas," makahulugan ngumisi si Lando. May pagnanasa rin mababanaag sa mga mata nito ngunit mas pinili nitong pigilan ang makamundong pagnanasa.
"Saan ninyo ako dadalhin? Bitiwan mo ako!" anang Karina. Napahiyaw na siya na may kasamang paghagulhol. Kinikilabutan siya sa kanyang mga naririnig. Hindi siya makakilos ng maayos sapagkat nakapilipit sa may likuran niya ang kanyang mga braso habang ibang lalaki na ang may hawak sa kanya. Bukod doon nakapiring pa ang kanyang mga mata.
"Huwag ka nang pumalag. Huwag kang mag-alala, sa langit kita dadalhin. Hinding-hindi ka magsisisi," sagot ng lalaking may mala-demonyong halakhak.
"Mga hayop kayo! Pakawalan ninyo ako!" tugon ni Karina.
"Saklolo!"
"Kahit magsisigaw ka pa riyan, wala nang makakarinig sa iyo. Kaya huwag mo na akong pahirapan. Pinipilit kong maging mabait sa iyo kaya huwag mong ubusin ang akin pasensiya," nanggigigil na saad ng lalaki. Sa sobrang inis nito sinikmuraan niya si Karina at itinulak ito dahilan para mapahiga sa magaspang na sahig.
Napahawak si Karina sa kanyang sikmura at inalis ang nakapiring sa mata nito. Nagpipilit din itong makabangon mula sa pagkakahiga pero bago pa man ito makabangon, dumagan na sa kanyang katawan ang lalaki. Puwersahang hinahalikan ng lalaki sa leeg at mukha si Karina at kahit iniiwas na ni Karina ang mukha niya ay hindi pa rin ito tumitigil. Napapahiyaw na lamang si Karina. Ang mga braso ni Karina ay ipinagkit paitaas o lagpas sa ulo ni Karina sa magaspang na sahig ng lalaki. Hindi makawala si Karina mula sa pagkakadagan ng lalaki sa balingkinitan niyang katawan.
"Ahh!" Ang narinig ni Karina. Napamulat siya ng mata at nakita niya sa kanyang tagiliran ang tila walang malay na lalaki. Napatingin din o napamaang na lang siya sa pigurang nakatingin sa kanya at pamilyar sa kanya ang mukha nito.
"Ayos ka lang ba Karina?" tanong ng lalaki sa kanya. Ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay ang lalaking akala niya ay hindi na siya babalikan. Yumuko ito para lapitan si Karina at pukawin ang atensiyon nito at alalayan para makabangon ito nang maayos. Sa sobrang takot at panginginig ng katawan ni Karina ay napayakap na lamang ito nang mahigpit sa lalaking nasa harapan niya habang patuloy ang pag-iyak nito.
"Shh, tahan na! Huminahon ka lang. Aayos na ang lahat. Huwag ka nang matakot."
"Kailangan na natin makaalis dito bago pa nila tayo mahuli," mahinahon sabi ng lalaki. Inalalayan niya si Karina upang makatindig ng maayos.
Muling hinampas ni Karina ang lalaking muntik ng manggahasa sa kanya nang makita nitong nagkakahuwisyo na ang lalaki. Sa tindi ng galit ni Karina ilan beses niya itong pinagpapalo sa katawan habang sumisigaw, inawat na lamang siya ng lalaking tumulong sa kanya at payakap na pinapakalma nito si Karina.
«»«»«»«»«»
"Salamat kuya! Akala ko hindi mo na ako babalikan," anang Karina. May bahid pa rin ng luha sa kanyang pisngi at namumugto pa rin ang mga mata nito habang nakatingin ito sa lalaking kasama niya.
Kasalukuyang naghahanap sila ng tiyempo para makatakas sa mga sindikato at naghahanap din nang madadaanan papalabas ng abandonadong gusali kung saan dinala si Karina. May nakasuksok na kalibre 45 na baril sa pantalon ng lalaki. Si Karina naman ay may hawak na dos por dos na kahoy.
"Shh, kailangan natin mag-ingat. Halang ang mga kaluluwa nila. Hindi nila tayo sasantuhin kapag nahuli tayo," seryosong sagot ng lalaki.
"Hoy! Saan mo siya dadalhin?" pahiyaw na sabi ng isang lalaki na nakapansin pala sa kanilang dalawa habang maingat na naglalakad sa isa sa mga pasilyo ng gusali.
Napansin ni Karina na bubunot ng baril ang lalaking sumigaw at akmang papuputukan sila kaya nanlaki ang mga mata ni Karina at napasigaw.
"Saan kayo pupunta? Tama pala ang hinala ni Lando sa iyo Samuel! Isa kang traydor!" anang ng lalaki habang papalapit ito sa kanilang dalawa. Napapaatras naman si Karina at ang lalaking nagngangalang Samuel. Nasa likuran ni Samuel si Karina habang mahigpit ang paghawak nito sa braso ni Samuel.
"Pakawalan ninyo na siya! Hindi naman siya ang kailangan ninyo."
"Tarantado ka talaga Samuel! Isa siyang witness, hindi dapat malaman ng mga pulis ang tungkol sa grupo natin," nanggagalaiting sagot ng lalaki kay Samuel.
"At dahil pakialamero ka, pareho kayong mananagot," dagdag na sagot ng lalaki sabay halakhak ng malakas pero bago pa man ito makalapit sa dalawa binunot ni Samuel ang baril na nakasuksok sa bulsa ng pantalon niya at pinaputukan ang lalaki.
"Ahh!"
Umalis na ang dalawa at tumakbo ng mabilis papalayo sa puwesto kung saan nandoon ang lalaking binaril ni Samuel. Nakipagbarilan si Samuel sa mga tauhang nakakasalubong nila.
Bago pa man pumasok si Samuel sa grupo, may alam na siya sa kalakaran nang trabaho ni Diego. Alam niyang miyembro ito ng sindikato at marami ng krimen itong kinasangkutan ngunit dahil malinis silang trumabaho kaya hindi basta-basta mabuwag o mahuli ang mga pinunong sangkot sa mga malalaking krimen na nagaganap sa Maynila. Bukod doon protektado rin sila ng ilan mga matataas o maimpluwensiyang tao kagaya ni Mr. Rufino.
"Kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat mailigtas lang kita Karina."
"Nadamay ka lamang sa gulo at hindi kakayanin ng konsensiya ko kung may mangyaring masama sa iyo."
"Sa--Samuel."
"Shh, huwag kang mag-alala, paparating na ang mga pulis rito. Huwag na huwag kang lalabas sa pinagtataguan mo kahit ano man ang mangyari sa akin."
Lumabas si Samuel sa pinagtataguan nila ni Karina. May alam ito pagdating sa paggamit ng baril kaya hindi na bago sa kanya ang makipagbarilan sapagkat dati siyang estudyante sa kursong Criminology. Bagamat may tama na siya sa balikat, marami-rami na sa tauhan ng grupo nila Lando ang napatumba niya hanggang sa siya na lamang at si Lando ang natitira. Nagpalitan sila ng putok sa isa't isa hanggang sa matamaan na naman siya sa tagiliran dahilan para tuluyan bumagsak ang katawan niya sa lupa. Nakaabot silang dalawa kasama na si Karina sa tuktok ng gusali.
"Katapusan mo na pakialamero!" sambit ni Lando pero bago pa niya tuluyan mapatay si Samuel, sunod-sunod na putok ang tumama sa kanyang katawan dahilan para bumagsak din ang katawan nito sa lupa.
«»«»«»«»«»
Pagkatapos ng nangyaring kaguluhan, nahuli ang ilan pang natitirang tauhan ng grupong sinalihan ni Samuel. May tracking device pala sa katawan ni Samuel kaya natunton ang hide-out ng grupo. Simula ng malaman ni Samuel kung sino ang babaeng kikidnapin ng grupo, nakipagtulungan siya sa mga pulis upang mahuli ang sindikato.
"Kumusta ka na Samuel?"
"Heto buhay pa naman! Ikaw?"
"Heto paunti-unti ng nakakarecover mula sa trauma na naranasan ko. Salamat! Kung hindi dahil sa iyo baka matagal na akong patay."
"Nadamay ka lang naman talaga Karina. Nagpapasalamat nga ako sa iyo sapagkat hindi mo ako idinawit sa mga nangyari sa iyo."
"Wala ka naman kasalanan Samuel. Biktima ka rin lang ng kahirapan kaya ka napilitan pumasok sa ganoon kasamang gawain."
"Samuel, ahm, totoo bang matagal mo na akong kilala?"
"Oo."
"Estudyante ka pa lang sa high school, nakikita na kitang madalas bumili ng mga paninda ni inay. Madalas mo rin siyang tulungan sa kanyang pagtitinda."
"Salamat sapagkat kahit hindi mo siya kaano-ano, may malasakit ka sa kanya. Salamat din at nandiyan ka para samahan siya kapag wala ako sa tabi niya."
Dalagita pa lang si Karina hinahangaan na ni Samuel ang taglay nitong kagandahan, panloob o panlabas man ngunit dahil mga bata pa sila noon at kahit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang lakas ng loob para magpakilala sa dalaga o ang magtapat man lang nang nararamdaman para rito.
Sa tamang panahon. Ang importante makakasama na kita Karina.