Chapter 4 - Arthur

"Kailan ka ba mag-aasawa?"

"Ilan na ang naging Boyfriend mo pero ni isa roon wala ka man lang napusuan na maging kabiyak mo sa buhay."

"Hindi ka na bata hija. Panahon na para magkapamilya ka."

"Kailan mo ako bibigyan ng mga apo?"

"Anak, kaligayahan mo naman ang isipin mo. Sapat na ang lahat ng ginawa mo para sa amin."

Ilan lamang iyon sa mga katanungan o mga payo na akin naririnig mula sa akin pamilya, mga kaibigan o mga taong nakakakilala sa akin.

Mga tanong na kadalasan tinatanong sa mga katulad kong nananatiling Single lalo na at ang edad ko ay wala na sa kalendaryo para manatiling Single.

Hindi pa ako handang magkapamilya. Iyon ang madalas kong isagot sa kanila. Hindi naman ako takot magmahal o masaktan sapagkat naniniwala akong bahagi na ito ng buhay nang tao. Ngunit nasanay akong puro trabaho ang mas priyoridad ko.

Hindi naman ako masisisi sapagkat bata pa lamang, ako na ang tumayong ama ng tahanan. Siyam kaming magkakapatid. Patatlo ako sa magkakapatid. Ang ama ko ay isang minero subalit nagkaroon ng aksidente sa lugar na pinagtatrabahuhan ng ama ko at kasama siya sa mga nasawi. Ang panganay namin na ate ko ay nakapag-asawa kaagad at hindi na nagpakita sa amin. Iyon pangalawa kong kapatid na lalaki, isa siyang Special Child. May sakit siyang Autisim.

At dahil ako na lang ang puwedeng asahan sapagkat bata pa ang iba kong mga kapatid kaya ako ang sumalo ng ibang obligasyon na dapat sana ay ama ko ang gagawa.

Nagkaroon din naman ako ng Boyfriend. Tatlong beses din iyon. Iyon isa noon teen pa ako at iyon dalawa ay may tig-tatlong taon ang itinagal bago nag-end ang relationship ko sa kanila. Actually ako ang reason bakit sila umalis sa buhay ko. Ang reason kung bakit ay dahil mas priority ko ang trabaho ko at tulungan umasenso ang pamilya ko.

Ngunit may isa akong karanasan na hanggang ngayon ay hindi pa alam ng pamilya ko na mayroon ganoon nangyari. Isang karanasan na hindi ko rin inaasahan na mangyayari sa akin.

"Ano na, Angelica? Sasama ka ba mag-hiking sa Mount Macolod?" tanong sa akin ni Mary. Nakatayo siya malapit sa puwesto kung saan ako nakaupo habang inaayos ang mga papeles na nasa ibabaw ng study table ko.

Isa siya sa mga kasamahan ko sa trabaho. Nagtatrabaho kami sa isang Insurance Company. Isa akong Financial Analyst. Katatapos lang namin kumain kaya heto ulit kami sa loob ng opisina para ituloy ang mga naudlot namin gawain.

"Oo. Alam ko naman kahit tumanggi ako, kukulitin mo pa rin ako," sagot ko sa kanya. Tumawa lang si Mary at nagdiretso na sa kanyang puwesto para ituloy ang kanyang ginagawa.

"Hoy, Angge! Baka kung kailan araw na ng pag-alis saka ka naman mag-m.i.a," taas-kilay na sabi ni Mary. Nailing na lang ako at napangiti. Pauwi na kami. Sa isang boarding house ako nanunuluyan sapagkat mas matipid sa pamasahe. Malapit lang sa pinagtatrabahuhan ko ang boarding house.

"Nandito na ba lahat?" Pahiyaw na sabi ni Junjun. Siya ang Team Leader namin.

"Teka lang Junjun, wala pa si Angge." Ang narinig kong sabi ni Mary. Hindi kasi niya napansin papalapit na ako sa kinaroroonan nila.

"Nandito na ako. Pasensiya na at naabutan nang bahagyang traffic," sagot ko na lamang sa kanila.

"Akala ko talaga mang-iindiyan ka na naman. Sasabunutan talaga kita kung ginawa mo iyon," saad sa akin ni Mary at akmang kukutusan ako.

"Siya nga pala, tumingin ka sa kaliwa. Doon sa kumpol ng mga Boys," saad ni Mary sa akin. Kulang na lang umirit ito sapagkat para itong kinikilig. Tumingin ako sa direksiyon na sinasabi niya.

"Oh, bakit? Anong mayroon?" tanong ko sa kanya na nakataas pa ang isang kilay.

"Nakikita mo ba iyon medyo may katangkaran at maputing lalaki?"

"Huh? Saan? Ilan iyan matangkad-tangkad at maputi," saad ko. Sinipat ko isa-isa ang mga lalaking nandoon sa puwesto kung saan sila mga nakatindig.

May napansin akong isang mukha na hindi pamilyar sa akin. Ngayon ko lamang siya nakita. Sa tagal ko na sa kumpanyang nagtatrabaho, kilala ko na halos lahat ang mga empleyado o empleyadang nagtatrabaho sa kumpanya.

"Nakikita mo ba iyon lalaking nakaputing t-shirt at sumbrerong pula? Iyon lalaking nakaupong mag-isa sa batuhan," saad sa akin ni Mary. Tiningnan ko kung sino ang tinutukoy ni Mary at ang nakita ko ay ang lalaking bago lamang sa akin paningin.

"Ahh, nakita ko na kung sino tinutukoy mo. O anong mayroon sa kanya? Sino ba siya?" tanong ko kay Mary.

"Ang guwapo niya hindi ba? Ngayon ko lang siya nakita at hindi ko siya gaanong kilala. Ang alam ko lang Arthur ang pangalan niya at pinsan siya ng isa sa mga empleyado sa HR Department." Paliwanag ni Mary. Nakatingin naman ako sa lalaki. Nahuli yata kaming nakatingin kung kaya tumingin din siya sa kinaroroonan namin.

Nagtama ang amin mga paningin. Mga ilan minuto rin kaming nagkatitigan bago namin parehong iniwas ang mga tingin sa isa't isa.

"O, ano guys! Tayo na, Let's enjoy the road trip!" hiyaw ng Team Leader namin. Sumakay na kami sa bus na inarkila ng amin kumpanya. Ang iba naman empleyado o emplayada mula sa ibang department ay sa ibang bus sumakay at kabilang na roon si Arthur.

Nakarating na kami sa lokasyon kung saan matatagpuan ang Mount Macolod. Sa Cuenca, Batangas. Ang mga Mountaineers o hikers na mahihilig sa extreme adventures ang kadalasan nagtutungo sa bundok na amin pinuntahan. Ang karamihan sa mga Mountaineers ay kadalasan umaakyat sa bundok ng Mount Macolod kapag malapit na ang mahal na araw. Pero naisipan ng mga Boss nang amin kumpanya na gawin na lang sa buwan ng Mayo ang pag-akyat sa bundok. Isang linggo rin ang amin ilalagi sa Cuenca, Batangas bago bumalik sa Caloocan, kung saan nakapuwesto ang kumpanyang akin pinagtatrabahuhan.

"Nandito na tayo!"

"Sa wakas, nakarating din. Dalawang oras din pala ang biyahe papunta rito," saad ni Mary. Iniunat niya ang kanyang mga braso paitaas. Umidlip ako habang nasa biyahe kaya ginising na lang ako ni Mary. Maaga akong gumising para maihanda ang mga gamit na dadalhin ko sa pag-akyat sa bundok.

"Tayo na guys! Pupuntahan pa natin ang hotel na tutuluyan natin," saad ni JunJun. Naglakad na kami at nagkanya-kanya ng grupong sinamahan. Patungo kaming lahat na sumama sa hotel na amin tutuluyan.

"Mabuti na lang pinsan sumama ka, makikita mo ngayon ang isa sa paboritong puntahan ng mga banyaga at mahilig sa pamamasyal, ang isa sa mga bundok na madalas din puntuhan para mag-hiking." Ang narinig kong sabi ng isang pamilyar ang mukha na empleyado. Nagmula siya sa HR Department. Kasabay niya sa paglalakad ang lalaking si Arthur. Nakaakbay kay Arthur ang lalaking nagsalita.

"Oo nga, siguro naman kahit paano mababawasan ang mga iniisip ko." Ang narinig ko naman tugon ni Arthur. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa kanyang mukha. Hindi ako sigurado kung tama ang napansin ko sa kanyang mga mata.

"Hoy, Sinong tinitingnan mo riyan hah?" sabi ni Mary. Siniko niya ako dahilan para mabaling ang atensiyon ko sa kanya.

"Wala ah! Sino naman ang titingnan ko?" depensang sagot ko.

"Wala raw. Sus, Ano ba pinag-uusapan nilang dalawa?" tanong sa akin ni Mary habang mataman nakatingin sa mga mata ko.

"Sinong dalawa?" saad ko. Kunwari hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni Mary.

"Palusot mo, gasgas na. Si Mr. Arthur at ang pinsan niya ang sinasabi ko. Narinig mo ba kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila?" sagot ni Mary.

"Aba malay ko, hindi naman ako tsismosa. Saka bakit ko naman sila titingnan? Ikaw Mary, umaandar na naman pagiging malisyoso mo." tugon ko kay Mary. Bahagyang tumaas ang tono ng pananalita ko kaya napanguso naman si Mary.

"Ang sungit mo talaga. Kaya hindi ka na magkaboyfriend ulit."

"Naku, Mary tayo na nga maglakad. Pupuntahan pa natin ang hotel na tutuluyan natin," saad ko kay Mary. Nagmadali ako sa paglalakad kung kaya halos takbuhin na ni Mary para lang maabutan ako.

Nakarating na kami sa hotel na amin tutuluyan. Kilala ang Cuenca, Batangas sa mga magagandang tourists spot na mayroon ito na maaaring pasyalan ng mga tao at isa ang Mount Macolod.

Dahil isang linggo kami sa Cuenca, Batangas. Iyon mga sikat na tourists spots ang napili ng mga Boss ng kumpanya namin na puntahan para ma-experience ng mga empleyado ng kumpanya ang kakaibang adventures.

Sa tantiya ko nasa 100 katao ang mga sumama at mula kami sa iba't-ibang department.

"Ang ganda rito. Grabe sa tanan nang buhay ko ngayon lang ako nakarating sa mamahalin hotel," saad ni Mary. Manghang-mangha ito sa mga nakikita sa paligid niya. Ang hotel na napili ay isa rin resort at malapit lang din ito sa Mount Macolod.

"Naku, tayo na Mary. Mamaya ka na ulit mamangha. Aayusin ko pa ang mga gamit ko," sagot ko na lamang at nauna ng maglakad. Sumunod na lamang si Mary na hindi pa rin maalis-alis ang tingin sa kabuuan ng hotel. Kulang na nga lang madapa siya dahil hindi minsan tumitingin sa dinadaanan niya.

Kinuha namin ang room number at keys namin sa isang receptionist. Sa bawat room, dalawa hanggang apat na katao ang puwedeng magsama sa isang kuwarto. Pero mula sa department namin, dalawa lang kaming nakasama papunta rito sa Cuenca, Batangas.

"Maliligo muna ako. Ikaw kung ano man balak mong gawin, magpaalam ka muna kay Sir Junjun," sabi ko kay Mary. Nagdiretso ako sa isang bahagi ng kama kung saan naroon ang traveling bag ko. Kumuha ng damit na akin isusuot.

"Oo naman. Pero liligo rin ako pagkatapos mong maligo para sabay tayong gumala mamaya," sagot naman sa akin ni Mary.

Nagtungo na ako sa Shower Room na mayroon ang kuwartong nakatoka sa amin. Pagkapasok ko pa lang ay may nabungaran akong isang pigura ng tao.

"Ahhh!"

"Sino ka?" sabi ko ngunit katulad ko sumigaw din siya at sinambit din iyon.

"Ikaw ang sino? Anong ginagawa mo sa kuwarto namin?" saad ko habang tinititigan siya ng masama at dinuduro.

Habang kinakausap ko ang lalaking halos katatapos lang maligo, siya naman pagpasok ni Mary sa shower room.

"Hoy, ano ba iyan Angge? Bakit ka ba nagsisisigaw diyan hah? Anong may--"

"Woah, ang laki!" sambit ni Mary. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa hindi dapat titigan.

"Mary!" pukaw ko sa kanya kaya nawala ang atensiyon niya sa lalaking nakahubad.

"Sorry, akala ko naman kung ano. Pero teka Mr.?" tanong ni Mary sa lalaki. Tumingin siya kay Mary at sinabi ang pangalan niya.

"Arthur. Ako si Arthur Salameda," sagot ng lalaking kausap namin.

"Arthur? Sandali, hindi ba ikaw iyon kasama noon isang empleyado na taga HR Department?" tanong ni Mary habang nanlalaki ang mga mata niya.

"Si Jeffrey? Oo," tanging sagot noon lalaking may nakatapis na tuwalya na nagngangalang Arthur.

"Wala akong paki kung sino ka, ang tinatanong ko, bakit ka nandito sa kuwarto namin? Wala ka bang sarili mong kuwarto?" saad ko. Sinisigawan ko na siya at pinanlalakihan ng mga mata. Pinipigilan naman ako ni Mary na magwala.

"Sorry Miss, pero kuwarto ko ito. Ito ang ibinigay sa akin unit ng receptionist," paliwanag ng lalaking simula ngayon ay kaiinisan ko na.

"Paano mangyayari iyon, magkasama nga kami ni Mary nang kinuha namin ang susi," sagot ko sa lalaki. Nagpauli-uli lamang siya sa loob ng kuwarto kaya sinusundan ko siya kahit saan man siya magpunta. Si Mary naman pilit akong pinipigilan pero ayaw ko magpapigil.

"Paano nangyari? Heto oh, ang susi Miss. Hindi ka naman siguro bulag. Sa pagkakaalam ko rin pang-apat na tao ang kuwartong ito. So, kahit sino puwedeng umukopa," sagot ng lalaki habang nagbibihis siya kahit nandoon kaming dalawa ni Mary. Halos umikot naman ang mga mata ko dahil na rin sa nakikita kong reaksiyon ni Mary. Napapakagat-labi siya habang pinagmamasdan magbihis ang lalaking nakakainit ng ulo.

"Okay sabihin na natin may punto ka Mr. pero hindi ka ba naiilang na kasama mo parehong babae, tapos ikaw, isa kang lalaki at hindi ka namin kilala. Malay ba namin kung gapangin mo kami habang natutulog," sagot ko sa lalaki na may halong sarkasmo sa akin tinig. Halos gustong pumutok ng ugat sa ulo ko dahil na rin sa inis na nararamdaman ko.

"Look, who's talking. Sino ba ang nakatingin habang nagbibihis ako?" sagot naman niya sa akin habang nakangisi ng nakakalokong ngisi.

"Tama siya, ang yummy naman kasi," sabat naman ni Mary na lalong nakadagdag sa init ng ulo ko.

Hindi maaari ito. Hindi ako papayag. Kailangan lumipat siya ng ibang kuwarto. Kahit sino, huwag lang ang hambog na lalaking iyon.

Nagbalik ako sa front desk para sabihin ang reklamo ko.

"See! No choice ka na Miss?" saad ni hambog habang hindi nawawala ang nakakalokong tingin at pagngisi.

"Angelica ang name niya, handsome. And I'm Mary," saad ni Mary sabay lahad ng kanyang palad para makipagkamay kay Mr. hambog.

Wala na akong nagawa. Ayaw makipagpalit ng iba dahil mula sila sa ibang Department at mostly ay mga lalaki rin ang kasama sa pagpunta rito sa Cuenca, Batangas.

"Ano na Angge? Kumusta na ang bago ninyong roomate? Balita ko yummy daw," sabi ni Sabrina sa mapanuksong pananalita. Isa siya sa mga nag-aahente.

"Ang sabihin ninyo yucky!" depensang sagot ko sabay paikot ng akin mga mata.

"Ang yabang! Akala mo kung sinong guwapo,"

"Bakit hindi ba? Kung makapagkuwento kaya itong si Mary, walang ubos. Kung puwede nga lang makipagpalit, kaso sa magkakaibang activities tayo nakatoka at kailangan iyon mga members na nakalista ay susunod sa rules," saad ulit ni Sabrina. May panghihinayang na mahihimigan sa kanyang tinig.

"Nagkataon lang kasi na dalawa kayo ni Mary sa room ninyo bukod doon solo naman siya."

"Basta, nabubuwisit ako sa kanya!"

"Sasama ka ba Angge magparty-party? Pupunta sila ngayon sa night bar. Sasama ako sa kanila," pagyayakag ni Mary sa akin. Pagdating sa night partying, hindi nagpapahuli si Mary.

"Oo. Hindi pa naman ako inaantok. Nakakapagod iyon iba natin ginawa ngayon araw na ito pero hindi talaga ako dalawin ng antok," saad ko habang nakahiga sa kama ko. Marami-rami na kaming activities na ginawa, pa-apat na araw na ito. Marami na kaming napuntahan o napasyalan. Nakapagnight-swimming na rin kami. Sa Sabado ang araw kung kailan kami aakyat ng bundok. Sa linggo nang gabi ang biyahe namin pabalik sa dating gawi.

"Paano ka ba naman aantukin palaging nasa isipan mo si Arthur," mapanuksong saad ni Mary. Hindi nawawala ang ngiti nito sa labi. Nakakilala kasi siya ng foreigner kaya hindi na niya pinapantasya si Hambog.

"Para na nga kayong lovers ngunit palaging nag-quaquarrel. Sa tuwing nagkikita kayo, garibok palagi. Mabuti na lang hindi kayo nasisita ng mga Boss natin."

"Paano naman kasi ang feeling niya. Guwapong-guwapo sa sarili at ang pasikat pa. Tatahimik-tahimik, iyon pala nasa loob ang kulo," sagot ko habang nanggigigil ako.

"Sus, ikaw lang naman ang nagagalit sa kanya. Ang bait kaya noon tao. May kasabihan nga na "The more you hate the more you love" Sige ka! Baka kainin mo iyan sinabi mo, ikaw rin,"

"It won't happen and I will never let that happen."

"I--hik-ikaw-hik. Apakayabang mong lalaki ka hik."

"A--akala mo-hik-guwapo ka. Nagkakamali ka at nagkakamali sila. Hin-hindi akomahuhu-hik-hulog saiyo, tandaan mo iyan."

"Nasaan ako? Walanghiya ka. Saan mo ako dadalhin. Manyak ka talaga," sagot ko. Pakiramdam ko umiikot ang akin paningin. Ilan shots pa lang ginawa ko, pero ang tindi na ng talab. Ang tagal ko na kasing hindi umiinom ng liquor.

"Kapag hindi ka pa tumahimik, hahalikan kita riyan," may pababanta akong naririnig pero dahil sa hilo halos hindi na ako makakilos.

"Sinungaling ka! Hindi mo iyon kaya, kasi bakla ka," sagot ko na may paghahamon.

Naramdaman ko na lamang na tila may mainit na bagay o labi ang lumapat sa akin labi. Noon una hindi ko tugunin dahil itinutulak ko siya palayo sa akin pero sa halip na ilayo niya ang kanyang labi mula sa akin labi lalo lamang niyang hinangkab ito. Sa sobrang hilo at hindi ko na alam ang nangyayari, tinugon ko ang maiinit niyang mga halik.

Tila may kung anong sensasyon na gumagapang sa akin katawan. Ang bawat dampi niya sa akin labi, ang bawat paglapat ng kanyang palad sa akin mukha. Ang bawat haplos niya sa mga balikat at leeg ko na nakakapaghatid sa akin ng kiliti.

Hindi ko mawari bakit nag-iinit ang pakiramdam ko. Tinutugon ko rin ang bawat gawin niya hanggang dumating sa puntong ang mga daliri niya ay gumagapang na pati sa mga hindi niya dapat hawakan.

Nagpupumiglas ako ngunit dahil mas malakas siya at halos hindi na ako makatutol hinayaan ko nang dalhin ako ng kakaibang sensasyon na akin nararamdaman.

"Ang sakit ng ulo ko," sabi ko. Ngunit nanlaki ang mga mata ko sapagkat may tumambad sa akin na hindi ko inaasahan makikita ko.

Nakadantay ako sa dibdib ng lalaking kinaiinisan ko. Hindi lang basta nakadantay sapagkat ang mas ikinagulat ko ay wala akong saplot ganoon din siya.

Tiningnan ko kung nasa loob ng kuwarto si Mary pero hindi ko siya natagpuan.

Pinaghahampas ko siya dahilan para magising siya at kagaya ko ay gulat na gulat rin siya. Nanlalaki ang kanyang mga mata.

"Huwag na huwag kang magkakamali na ikuwento mo sa iba ang nangyari sa atin kagabi. Mapapatay kita sa oras na malaman ito ng iba," saad ko habang matalim ang mga titig ko sa kanya.

Kahit wala sa loob noon nagawa namin ang pagkakamaling iyon sapagkat pareho kaming lasing ay hindi ibig sabihin mapapatawad ko na siya. Sinamantala niya ang kahinaan ko.

Hindi ako makapaniwalang hindi mawala sa ala-ala ko ang mga nangyari sa amin dalawa ni Arthur. Hindi ko matanggap na sa isang estranghero ay makakaranas ulit ako nang matagal ko nang iniiwasan.

Hindi ko papayagan na mauwi sa wala ang reputasyon matagal ko rin iningatan.

Pagkatapos ng isang linggo pamamalagi sa Cuenca, Batangas. Naghiwalay kami ng landas ni Arthur. Simula noon hindi na kami nagkita. Ngunit hindi ko inaasahan ng dahil sa pangyayaring iyon, sa pagkakamaling naganap lamang ng isang gabi ay magbabago pala ang buhay ko.

"Mary. Buntis ako!" walang kagatol-gatol kong sabi.

"Ano? Paano nangyari iyon Angge? Ano ka, naengkanto? Mabubuntis ng walang sumisiping sa iyo?" nanlalaki ang mga matang saad ni Mary. Hindi niya magawang magbiro sapagkat kita niya sa mukha ko kung gaano ako kaseryoso sa sinabi ko.

"Si Arthur."

"O, anong kinalaman ni Arthur? Hindi ba matagal na kayong hindi nagkikita? Iyon huli nga magsama kayo ay noon ihatid ka niya pabalik sa hotel kahit pareho kayong lasing. Lalo ka na Angge," saad ni Mary. Hindi naalis ang pagkunot ng noo nito.

"Tapos parang nagkakailangan na kayo pagkatapos noon kaya paanong--"

"Oh my gosh! Don't tell me. May--may nangyari sa inyong dalawa?" saad ni Mary. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Napatakip din ang kamay niya sa kanyang bibig.

"Paano iyan? Sasabihin mo ba sa pamilya mo ang tungkol diyan?"

"Kay Arthur. Hindi mo ba aaminin na nagbunga ang pagniniig ninyo?"

"Para saan pa? Mapapatay ko lang siya. Alam mo bang may asawa na siya? Kapag ginawa kong ipaalam sa kanya, hindi lang kahihiyan ng pamilya ko ang nakasalalay pati ang batang ito na nasa tiyan ko ay madadamay sa kahihiyan," saad ko habang hindi tumitigil ang pag-agos ng mga luha sa mata ko. Nanginginig din ang mga kamay ko dahilan para yakapin ako ng mahigpit ni Mary.

"Puwede mo siyang kasuhan ng Rape kasi sinamantala niya ang kalasingan mo."

"Susuportahan kita Angge. Sabihin mo lang sa akin ang mga dapat natin gawin," sabi ni Mary. Seryoso ang mukha niya ngunit may bahid ng galit na mababanaag sa kanyang mga mata.

"Ayoko na Mary nang gulo. Mangako ka sa akin na ikaw lang ang makakaalam ng totoong nangyari sa akin. Gusto kong isekreto muna ang lahat hanggat hindi ko naipapanganak ang magiging anak ko. Kailangan ko lang ihanda ang sarili ko. Kaya pakiusap Mary, wala kang pagsasabihan," pagsusumamong saad ko kay Mary.

Nakumbinsi ko siya na isekreto ang tungkol sa anak ko.

Akala ko pagkatapos na maisekreto ang nangyari sa akin, magiging tahimik na ang buhay ko. Ngunit hindi ko inaasahan na iyon batang dinadala ko sa sinapupunan ko ay mawawala rin sa akin.

Hindi ko alam kung parusa ba sa akin ng langit ang nangyari sa anak ko o ito lang ang paraan para maayos ko ulit ang buhay ko.

"Angelica!"

"Arthur! Paano mo nalaman kung nasaan ako?" sabi ko habang matatalim ang tingin ko sa kanya pero kasabay din noon ang pagtulo ng akin mga luha sapagkat unti-unting bumabalik sa akin ang mga ala-alang nagdulot sa akin ng sakit.

"Nasabi na sa akin lahat ni Mary," sagot ni Arthur. Napaluhod siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko kahit pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin. Umiiyak din siya.

"Patawarin mo ako. Alam kong mali ang ginawa ko sa iyo. Kahit noon lang may nangyari sa atin, aaminin ko, hindi ako nagsisisi. Hindi ko alam kung bakit noon una, kasi akala ko nadadala lang ako nang pangungulila ko sa asawa ko."

"Kaya akala ko gusto ko lang ibaling sa iyo. Pero sa loob ng ilan araw na nakasama kita kahit madalas tayong hindi magkasundo, hindi ko namamalayan, unti-unti na pa lang nahuhulog ang loob ko sa iyo."

"Kaya noon may mangyari sa atin hindi ko iyon napigilan, sapagkat ginusto ko iyon."

"So ako, expected mong ginusto ko rin iyon nangyari sa atin? Ang kapal mo rin noh. Alam ko nang mga oras na iyon pagsisisihan ko ang ginawa ko. Mas masakit kasi sa ginawa mo, nagsinungaling ka sa akin. Inangkin mo ako nang hindi ko nalalaman pagmamay-ari ka pala nang iba."

"Anong labas ko noon. Nang-akit. Sumisira ng buhay may asawa. Ang masakit pa, namatay ang anak ko. Ang batang hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na makilala ang kanyang ina."

"Pero siguro nga hindi ko deserve na maging isang ina. Ang maging kasintahan nga ng iba hindi rin. Alam ko naman iyon, pero bakit iyon anak ko pa."

"Sorry!"

Sa sobrang sakit, iyon taong naging dahilan ng pagkasira ng buhay ko ay siya rin dahilan para palayain ko na ang mabibigat na nararamdaman ko.

Nagkasundo kaming kalimutan na ang mga nangyari. Na ibaon na sa limot ang lahat.

Katagalan inamin ko rin sa pamilya ko ang nangyari sa akin. Tinanggap nila ako sa kabila ng lahat. Wala na rin akong naging balita kay Arthur.