"Duwelfino, maaari ba akong humingi ng pabor sa iyo?" Magiliw na saad ng isang ginoo.
Ang ginoo ay may katabaan o may kalakihan ang pangangatawan. Nakasuot ito ng pulang jacket pero mahaba ang mga manggas nito. May halong kulay puti ang jacket at yari ito sa Fur. Panjama na pula at itim na boots naman ang pang-ibabang kasuotan ng ginoo. May suot din ang ginoo na sumbrerong kulay pula at hugis patatsulok ito. Namumuti ang malago, mahaba ngunit medyo alon-alon nitong buhok. Kung tawagin siya ng mga bata at ng mga nakakakilala sa kanya ay Santa Nicholas.
Ang nabanggit na pangalan ni Santa na si Duwelfino ay isa sa mga elves na tumutulong kay Santa upang gumawa ng mga laruan at mga panregalo para sa mga batang humihiling tuwing pasko.
Ang alam ng karamihan, siyam lang ang elves ni Santa. Ang mga elves ay mga mumunting nilalang na may tatlong talampakan pababa lamang ang tangkad. Karaniwan nakasuot sila ng kasuotan na may kulay na pula, berde o pinagpares na pula at berde. Mayroon silang malalaki ngunit matutulis na tenga. Mamula-mula rin ang kanilang mga pisngi. Halos kahalintulad ng suot ni Santa Nicholas ang mga kasuotan ng elves. Magkakaiba rin ang lahi ng mga elves.
Anim sa mga elves ay kilalang-kilala ng mga tao sapagkat sila iyon madalas nakakasama ni Santa sa pag-ikot sa buong mundo para mamigay ng mga regalo. Ngunit ang tatlo pang elves ay kung kailan lang sila puwedeng usapin o makisuyo si Santa at saka pa lamang sila nagpapakita ngunit wala silang mga pangalan. Pero may isa pang elf na hindi nakikilala ang mga tao sapagkat madalang din itong magpakita dahil tuwing may lumalabas lamang na shooting star sa mundo saka pa lamang ito nagpapakita kay Santa.
Ang elf na iyon ay si Duwelfino. May lahing pinoy si Duwelfino kaya kayumanggi ang kulay ng kanyang balat. Tatlong talampakan din lang ang sukat ng tangkad niya. Kung ikukumpara ang edad niya sa bilang ng edad ng mga tao, tinatayang nasa siyam na taong gulang na siya.
"Oo naman po Santa! Ano po ba ang pabor na nais ninyong tuparin ko?" tugon ni Duwelfino. Sa tuwing ipinapatawag siya ni Santa, kumikislap ang kanyang mga mata.
"Nakatanggap ako ng isang kahilingan mula sa isang bata at katulad mo isa rin siyang Pilipino kung kaya't ikaw ang nais kong tumupad sa kahilingan ng batang humiling." Malambing na saad ni Santa kay Duwelfino. Namilog ang tila kulay tsokolateng mga mata ni Duwelfino at nangingislap din ito.
"Ano po ba ang kahilingan ng akin kalahi? Ano rin po ang kanyang pangalan?" Magkasunod na tanong ni Duwelfino habang mataman nakatitig kay Santa.
"Ang pangalan ng batang humiling ay Florante at ang kanyang kahilingan ay---"
"Sa wakas nandito na ulit ako sa Pilipinas. Ang bansang pinagmulan ko. Matagal ko na rin hindi nabibisita sa kagubatan ang akin mga kalahi simula nang maging Elf Helper ako ni Santa. Ang huling beses na nakarating ako rito ay nang tuparin ko ang kahilingan ng isang binata," saad ni Duwelfino habang pinagmamasdan niya ang buong kapaligiran. Sa tingin ni Duwelfino ay nasa isang bahagi siya ng isang siyudad.
"Nandiyan na pala ang wirdo at iyakin si Florante. Nakahanda na ba kayo sa atin gagawin sa kanya?"
"Oo! Tara na!"
Isang batang tinatayang nasa siyam na taong gulang ang nakita ni Duwelfino na sumubsob sa putikan. Halos hindi ito makakilos mula sa kinapupuwestuhan nito. Nakahiga ito sa putikan habang tila namimilipit sa sakit habang walang humpay sa pagsipa, pagsuntok at pagdagan ang tatlong bata sa halos patpatin nitong katawan. Nagmamakaawa na ang batang nagngangalang Florante ngunit hindi tumitigil ang tatlong bata sa kanilang ginagawa kaya naman naisipan ni Duwelfino na gamitin ang kanyang kapangyarihan. Bagamat ipinagbabawal sa mga Elves ang paggamit ng kapangyarihan sa mga mortal. Sinuway ito ni Duwelfino para lamang matulungan ang batang si Florante.
Biglang umangat mula sa lupa ang tatlong batang pasaway. Napasigaw sila sa takot sapagkat lumulutang na sila. Bahagya rin silang pinaikot-ikot kung kaya pakiramdam ng tatlong bata ay maduduwal sila dahil sa pagkahilo. Bigla silang lumipad at sumampit sa isang may kataasan puno na nakatayo rin malapit sa kinaroroonan ni Florante at ng tatlong bata. Nasa bakanteng lote sila. Ang tatlong bata ay nagsisisigaw habang si Florante ay walang malay sa mga nangyayari sa tatlong batang nanakit sa kanya.
Samantala nakarinig ng hagikgik si Duwelfino sa hindi kalayuan direksiyon at nakita nga niya ang isang tila liwanag ngunit parang may hugis ito nang katulad nang sa isang mortal. Anyo ng isang batang babae ang nakita ni Duwelfino. Ang bata ay masayang ngumingisi habang pinagmamasdan ang nangyayari sa tatlong batang nakasabit sa puno.
"Lau--Laura, i--ikaw na ba iyan? Nag--nagbalik ka." Nanghihinang sambit ni Florante habang nakatingin ito sa batang babae. Kahit may putik ang mukha ni Florante. Mababakas sa kanyang mga mata ang mga luha. Naramdaman ni Duwelfino ang tila kalungkutan at pananabik sa mga mata nito at maging sa tinig nito ng mabanggit ni Florante ang pangalan ng batang babae.
Lumapit ang batang babae kay Florante. Umaagos din sa mga mata nito ang mga luha. Hinawakan ng batang si Laura ang mukha ni Florante ngunit tumagos lamang ito. Parehong napansin ni Duwelfino ang panghihinayang sa mga mata ng dalawang bata. Napansin rin ni Duwelfino ang malaking pagkakahawig ng dalawang bata. Pareho silang may maamong mukha.
Pamaya-maya naglaho ang batang babae. Si Florante ay muling nawalan ng malay. Si Duwelfino ay naglaho rin ngunit sa tabi ni Florante ay may isang napakagandang manika. Ang manikang ito ay madalas hawak ni Florante. Mahigpit ang paghawak palagi ni Florante sa manikang ito.
"Good Morning Kuya Florante!"
"Lau-Laura? I--ikaw na ba iyan? Ka--kailan ka bumalik? At saka nakakapagsalita ka na?" Namimilog ang mga mata ni Florante habang nakatitig sa batang babae na nasa harapan niya.
"Eh? Bakit ganyan ang mga tanong mo Kuya? Hindi naman ako umaalis ah! Matagal na akong nagsasalita."
"Kuya, may sakit ka ba? Kakaiba ang mga ikinikilos mo eh." May bahagyang pag-aalala na mababakas sa tinig at mga mata ni Laura habang nakatitig sa kanyang kakambal.
Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Florante. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Ang alam ni Florante ay matagal ng pumanaw ang kakambal niya. Namatay si Laura noon pitong taong gulang pa lamang si Florante dahil sa sakit sa puso. May butas ang puso ni Laura. Nakatakda sanang operahan si Laura ngunit bumigay ang katawan nito dahil sa madalas na pagkakasakit. Si Laura ay ipinanganak din mute. Nagkakaintindihan lang ang kambal sa pamamagitan ng sign language at pagsulat sa papel.
Sa una ay hindi pa sanay si Florante na nakakasama ang kakambal ngunit katagalan ay nakalimutan na niya kung ang lahat ba nang nararanasan o nakikita niya ay totoo o isang panaginip lamang.
Muli nilang ginawa ang mga bagay na madalas nilang gawin bilang kambal. Nagbibisekleta tuwing umaga kapag araw ng Sabado at Linggo. Magkasabay na pumapasok sa kanilang paaralan. Kapag may nangbubully sa kanilang dalawa, pareho nilang ipinagtatanggol ang isa't isa. Madalas sila lang dalawa ang magkasama kahit saan sila magpunta.
"Kuya Florante, may itatanong ako sa iyo. Sana naman sagutin mo ako hah." Malumanay na saad ni Laura. Bagamat nakangiti ito ngunit may mababakas na kalungkutan sa mga mata nito habang mataman nakatitig kay Florante.
"Sige, ano ba iyon tanong mo Laura?" Nakangiting tugon ni Florante.
"Kapag ba nawala na ako sa tabi mo. Malulungkot ka ba? Kalilimutan mo na ba ako?"
"Hah? Siyempre hindi! Bakit ko naman kalilimutan ka? Kakambal kita at ikaw lang ang kakampi ko kaya kapag nawala ka malulungkot ako. Laura ipangako mo sa akin na hindi ka na aalis ulit. Hindi ka na mawawala ulit sa amin. Hindi mo na ulit kami iiwan." Humahagulgol na saad ni Florante habang hawak niya ang mga kamay ni Laura.
Inalis ni Laura ang mga kamay ni Florante na nakahawak sa kanyang mga kamay. Yumakap siya ng mahigpit sa kanyang kapatid. Katulad ni Florante, umiiyak din ito ng walang humpay.
"Patawad Kuya Florante ngunit kailangan ko nang umalis sa mundong ito. Hindi na ako nararapat pang magtagal. Gusto ko bago ako sumama kay Papa Jesus, makita kitang nakangiti. Iyon ngiting totoo. Iyon ngiting tanggap mo na wala na ako sa piling ninyo nina Nanay at Tatay."
"Hindi ayoko! Paano na ako? Iiwan mo ba akong mag-isa? Hindi ko kaya!"
"Kuya, isipin mo sina Nanay at Tatay kung gaano sila nalulungkot kapag ganyan ka."
Nakita ni Florante ang imahe ng kanyang ama't ina. Umiiyak sila ng walang humpay habang pinagmamasdan ang isang bata na nakahiga sa isang hospital bed habang may nakalagay na ventilator support sa ilong nito. Nanlaki ang mga mata ni Florante ng mapagtantong siya ang batang iyon.
"Pakawalan mo na ako Kuya Florante."
"Kung totoo ka shooting star. Ang hinihiling ko. Sana kahit isang araw makasama ko ang akin kakambal."
"Paalam Kuya!"
"Paalam Laura!"
Yakap ni Florante ang manika nang magising siya.