Chereads / My Former Contest Entries [Oneshots] / Chapter 3 - The Stranger

Chapter 3 - The Stranger

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you!"

"Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday to you!"

"Happy Birthday my Dear. What's your Birthday wish?" Ang narinig kong saad ni Mama Stella habang nakangiting nakatitig sa akin. Hawak niya ang isang katamtaman laki ng Strawberry flavored cake.

Sana pumayag na si Mama na umuwi kami sa Pilipinas. Miss na miss ko na si Lola Sonia.

Nine years old ako noon huli kong nakita si Lola at ang mga kamag-anak ko mula sa Siquijor. Simula ng madestino si Daddy Antonio rito sa New York city bilang Bank Manager sa bankong pinagtatrabahuhan niya ay hindi na kami ulit nakauwi sa Pilipinas. Nagmigrate na kami rito sa New York.

"Mama, si Daddy? Uuwi ba siya ngayon?" Tanong ko kay Mama habang hinahagilap ng akin mga mata ang pigura ni Daddy mula sa kumpol ng mga bisitang dumalo sa akin ika-labingwalong taon gulang na kaarawan.

"Wala pa baby girl e! Pero ang sabi naman nang Daddy mo sa akin ay uuwi siya at hindi palalampasin ang pagkakataon na magkasama kayo lalo na at ngayon ang espesyal na araw mo," paliwanag ni Mama sa akin. Hinapit ni Mama ang baywang ko papalapit sa kanya para mayakap ako. Hinalik-halikan ang pisngi at noo ko. Kahit labingwalong taong gulang na ako para pa rin bata ang turing sa akin ni Mama.

Simpleng selebrasyon lang ang hiniling ko kay Mama at Daddy kahit nagmula ako sa middle class na pamilya. Mga classmates, friends ko, mga kapitbahay o friends ng parents ko ang inimbatahan para makisaya sa akin kaarawan.

"Sissy Stephanie! Happy Birthday sa iyo."

"Happy Birthday Stephy!"

"Happy Birthday Miss Stephanie."

Sunod-sunod na pagbati pa ang akin narinig mula sa mga bisitang nagpunta sa bahay namin.

"Hey, Steph! Come over here!" Pahiyaw na saad ni Nicole habang kumakaway at sinesenyasan ako para lumapit sa kanya. Isa siya sa mga classmates ko na umattend sa akin party. Nasa hindi kalayuan siyang puwesto nakaupo at kasama niya ang ilan ko pang classmates.

"Hey, Guys! Salamat sa inyong pagpunta sa akin munting salo-salo." Nakangiting saad ko sa harap ng mga classmates ko.

"Enjoy the party Guys! May mga fun activities tayong gagawin mamaya, so join lang kayo hah!" dagdag kong saad sa harap nila. Tumayo naman bigla si Nicole mula sa kanyang kinauupuan para lumapit sa akin at may ibinulong siya sa akin tenga.

"Hey, Sissy! Do you remember the guy na lumapit sa atin noon nasa campus cafeteria tayo last Wednesday?" Saad sa akin ni Nicole habang makahulugan nakatingin sa akin at nakangiti ng pagkalapad na animo siya ay payaso. Kapuna-puna ang kanyang kilos na tila parang kiti-kiti. Kinikilig si Nicole. Pagkatapos niyang ibulong sa akin ang gusto niyang sabihin ay bahagya kaming lumayo mula sa kinatatayuan namin at ipinagpatuloy ang pag-uusap.

Ang ilan sa mga classmates o friends na dumalo sa akin kaarawan ay mga pinoy kung kaya naman kapag may mga ganitong kasiyahan o pagtitipon ay tagalog ang ginagamit namin diyalekto kapag nakikipag-usap ang bawat isa.

"Who's the guy you're talking about Nicole?" Tugon ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko at hinihintay ang sagot ni Nicole.

"Kung natatandaan mo iyon guy na lumapit sa atin para magtanong ng direksiyon kaso sinungitan mo. His name is Sebastian Mcgreggor. He is Half Italian and American pala and you know what! Nagkita kami kasi and then, He asked me some questions about you. I think he likes you, so when he asked me about your phone number, I gave it to him." Masiglang paglalahad ni Nicole sa akin bagamat halata sa ekspresyon ng mukha niya ang guilt.

"Wha--what? I mean why did you do that without asking my permission?" sagot ko kay Nicole habang napapailing na lang ako. Nag-peace sign siya habang bahagyang ngumisi.

"Sorry, Stephy! Ang guwapo kasi niya," saad ni Nicole. Napabuntong-hininga na lamang ako. Nagpatuloy pa si Nicole sa pagkukuwento tungkol kay Sebastian at habang nagkukuwento siya, hindi sinasadyang mapagawi ang mga tingin ko sa direksiyon patungo sa gate namin. Nasa bakuran kasi ako at ang mga bisita dahil doon idinaos ang salo-salo.

Nakatindig malapit doon sa gate namin ang isang binata na sa tingin ko ay kasing edad ko o higit pa ang gulang. Napatitig ako sa kanyang mga mata at pakiramdam ko ay tinatawag niya ako para lumapit sa kanya.

"Stephy! Stephy! Hey!" Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Nicole. Napansin ko rin na medyo malayo na pala ang agwat ko sa kanya.

"Huh? Ba-bakit?" Binaling ko ang mga tingin ko kay Nicole. Lumapit naman siya sa akin.

"Okay ka lang, Stephy? Natulala ka yata? Bigla mo akong iniwan," kunot-noong saad ni Nicole habang mataman nakatitig sa akin.

"Huh? Hindi ahh!" depensang tugon ko.

"Nicole kilala mo ba iyon lalaking nakatayo malapit sa gate namin?" usisa ko kay Nicole sabay itinuro ko ang hintuturo ko sa direksiyon na patungo sa gate.

"Huh! Lalaki? Sino? Iyon bang malaking mama na nagii-smoke?"

Muli akong tumingin sa puwesto kung saan ko nakita ang binatang iyon ngunit hindi ko na siya nakita.

Nasaan na siya? Kanina lang ay nakatayo pa ang lalaking iyon sa puwestong iyon.

Hinagilap ko kung saan siya puwedeng magpunta ngunit hindi ko na nakita ang pigura niya. Malinaw naman ang mga mata ko kahit malayo-layo man ang tinatanaw ko. Napansin kong sarado naman ang gate namin kaya imposibleng lumabas siya sa gate at maririnig namin kahit paano ang ingay kung sakaling binuksan ito dahil malakas ang ingit ng isang gate na yari sa bakal. Wala siyang ibang puwedeng daanan maliban sa harapan ng bahay.

Nagpasya akong hanapin siya sa ibang parte ng bakuran namin.

"Nandoon lang siya kanina Nicole, hindi mo ba siya nakita? Doon sa may bandang halamanan namin siya nakatayo," giit kong saad kay Nicole.

"Hey! Stephy, hindi ko gets. Sino ba talagang tinutukoy mo? Imposible naman si Sebastian ang nakita mo. Mamaya pa kaya siya magpupunta rito," saad ni Nicole. Habang nagsasalita siya ay sinusundan naman niya ako sa paglalakad habang paikot-ikot ako sa loob ng bakuran namin.

Nagtungo rin ako sa loob ng bahay namin upang magbakasakali na makita ang lalaking iyon. Ngunit wala siya.

"Wait, wait, Stephy. Ano ba ang hitsura noon lalaki? Baka naman isa sa mga friends o classmates lang natin iyon o kaya kapitbahay ninyo o isa sa friends ng parents mo? At saka bakit gusto mong malaman if sino siya?"

"Oh, my God! Don't tell me guwapo siya. Mas guwapo ba kay Sebastian?" malalitanyang saad ni Nicole. Pero halos magtatarang na ito sa kanyang kinatatayuan sa pagnanais lang na malaman kung ano ang hitsura ng lalaking tinutukoy ko.

Sa halip na pansinin ko ang mga ikinikilos o sinasabi ni Nicole, itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa paghahanap sa lalaking iyon.

"Psst, Stephanie!"

"Ste—pha—nie---"

"Nandoon siya! Nicole, hayun siya!"

"Huh! Si--sino? Saan? Hey! Stephanie, saan ka na naman pupunta?"

"Ikaw iyon lalaking nakatayo malapit sa amin gate. Mag--mag-isa ka lang ba o may kasama ka pang iba? Para kasing ngayon lang kita nakita sa lugar namin."

"Opps, Sorry! Are you a Filipino or?" saad ko sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko magawang alisin ang mga titig ko sa kanyang mga mata. At ang boses niya, para akong hinehele nito.

"Isa rin akong Pilipino," saad ng lalaking nasa harap ko habang bahagyang ngumiti sa akin at mataman nakikipagtitigan.

Ang lalaking kausap ko ay napakaputi. Kasing kulay halos ng niyebe ang kanyang balat. Ang labi niya ay maputla ngunit para sa akin ay mas nakadagdag lamang ito sa taglay niyang kaguwapuhan. Ang kulay ng kanyang mga mata ay bughaw na hindi pangkaraniwan sa isang purong Pilipino maliban na lang kung siya ay may ibang lahi.

"Pilipino ka ngunit kakaiba ang kulay ng iyong mga mata. May posibilidad ba na may iba kang lahi bukod sa pagiging pinoy?" tugon ko habang nanatiling nakatitig sa kanyang mga mata.

"Purong Pilipino ako," sagot naman niya sa akin. Nginitian niya ulit ako. Isang matamis na ngiti. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ito ang kauna-unahan pagkakataon na tumibok ang puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Ako iyon tipo ng babae na hindi basta nagtitiwala sa kahit na sinong estranghero. Pinakikiramdaman ko muna sila o nag-oobserba ako, ngunit kakaiba siya. Bawat sinasabi niya pakiramdam ko ay dapat kong pakinggan.

"Ano ang iyong pangalan? Matagal ka na ba ritong naninirahan?"

"At bakit ngayon lang kita nakita?" magkakasunod na tanong ko sa kanya.

"Wala akong pangalan," tanging sagot niya.

"Huh? Paanong nangyari na wala kang pangalan?" tugon ko sa kanya. Bagamat naguguluhan ako sa mga sagot niya, hindi ko mapigilan ang sarili na alamin ang tungkol sa kanya.

"Binibini! Nakakatakot ba ang hitsura ko?" tanong niya sa akin. Muli akong nagtaka sa tanong niya pero pinili kong sagutin ito.

"Hindi! Bakit naman ako matatakot sa iyo? Napakaganda nga ng mga mata mo," saad ko sa kanya ngunit pakiramdam ko ay nag-init ang akin mga pisngi.

"Kung totoo ang sinasabi mo. Maaari mo ba akong samahan?" May kalungkutan akong nababanaag sa kanyang mga mata.

"Patungo saan?"

"Sa aking tahanan."

"Oo!" sagot ko bilang tugon sa kanyang katanungan at paanyaya.

"Stephanie, Anak! Gumising ka. Anak, gising! Ano bang nangyari sa iyo?"

"Nandito na tayo, Binibining Stephanie," malumanay na saad niya sa akin.

Bumulaga sa akin ang isang napakaganda at napakalawak na mansiyon. Para akong bumalik sa panahon ng mga Espanyol sapagkat ang disenyo na ginamit sa mansiyon ay tila ibinase sa mga sinaunang tahanan ng mga Espanyol. Ngunit dahil makabago na rin ang panahon kung kaya nagkaroon ito ng bagong bihis na lalo nitong ikinaganda.

"Nagustuhan mo ba ang nakikita ng iyong mga mata?" tanong niya sa akin sabay lapit sa akin. Langhap na langhap ko ang napakabango niyang hininga sapagkat kaunting distansiya lamang ang mayroon sa pagitan namin dalawa. At ang mga mata namin ay muling nagkatitigan ng matagal.

"Oo, kahit na sinong makakakita sa bahay mo ay matutuwa, ngunit bakit pakiramdam ko ay kay lungkot manirahan dito?"

"Wala ka man lang bang ibang kasama?"

"Maaari ba kitang maisayaw? Ito ang handog ko para sa iyong kaarawan," sagot niya sa akin. Iniiwasan niya ang iba kong mga tanong at kung ano man dahilan ay hindi ko pa alam.

Pumayag ako sa hiling niya na makipagsayaw. Ilan oras din kaming nagsayaw at ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng pagod. Marami rin akong nalaman tungkol sa kanya at ganoon din siya sa akin maliban sa dahilan kung bakit mag-isa lamang siya sa kanyang tahanan. Nakita ko rin ibang bahagi ng bahay niya at ang mala-paraiso niyang hardin.

"Binibini, pinagkakatiwalaan mo ba ako?" tugon niya sa akin. Ang lalaking marami-rami na akong nalaman ngunit hindi ang kanyang pangalan.

"Sa tingin ko ay oo. Magaan naman sa iyo ang loob ko. Pakiramdam ko nga ay matagal na tayong magkakilala." Nginitian ko siya, isang sinserong ngiti.

"Ano iyon naririnig ko? Naririnig mo rin ba ang ingay na iyon?" Saad ko habang hinahagilap kung saan direksiyon nanggagaling ang ingay.

"Wala akong naririnig. Guni-guni mo lang iyon Binibini. Tayo lang ang nandito."

"Ngunit may naririnig talaga ako. May tumatawag sa pangalan ko at tila umiiyak sila."

"Apo, Stephanie. Gumising ka na. Nandito na Lola Sonia mo. Gusto na kitang mayakap at mahagkan."

"Lola Sonia!" Hindi ko namalayan na lumuluha na rin pala ako.

"Hindi maaari! Dito ka lang sa tabi ko. Dito ka lang habambuhay." Nanlilisik na mata at may tumutulong dugo ang nakita ko sa mukha ng lalaking nasa harapan ko.

Nagbago ang kanyang hitsura. Duguan ang suot niyang damit sapagkat nakatarak sa kanyang puso ang isang kutsilyo. Sunog din ang ilan parte ng kanyang katawan at mukha. Nagbago rin ang anyo ng kanyang mansiyon.

Naging madilim ito at masukal at mayroon apoy. Magkahalong likido ng langis at dugo rin ang naamoy ko na halos ikaduwal ko pero dahil sa takot napatakbo ako dahil hinahabol niya ako. Halos hindi ako makasigaw sapagkat ang nais ko ay makalabas ng bahay. Biglang sumarado ang mga bintana at mga pintong maaari kong daanan.

"Diyos ko! Tulungan mo po ako. Gusto ko nang umuwi."

"Ste—pha—nie---"

"Boo!"

"Ahhh"