Chereads / Forever's Curse (tagalog) / Chapter 12 - 11 History Hunt

Chapter 12 - 11 History Hunt

Maagang nagising ang magkapatid dahil next target nila ang paglilinis at pagaayos ng secret garden nila. Planong lagyan ni Ketleya ng mallit na waterfalls ang pader na lagusan. Naisip niya na sa ganoong paraan ay hindi mahahalata ang lagusan kung sakaling gagamitin nila ito.

Hindi parin siya kampante na ligtas silang manatili sa Huyenbi kaya naman lagi siyang may back up plan para sakanilang magkapatid.

"Ate." bungad sakanya ni Mon.

"Oh bakit?" tanong ng dalaga na naghahandang maglagay ng water fixtures sa pader.

"La---Lalabas sana ako." sabi ni Mon. Natigil naman ang dalaga sa ginagawa niya.

"Where to?" sabi ng kapatid.

"Gusto kong maglakadlakad." sabi niya. Kinakabahan si Mon na baka di siya payagan ng kapatid.

"Okay. Be home before dark okay?" sabi naman ng ate niya. Napangiti naman si Mon at niyakap ang kapatid.

Naiwan si Katleya na nag-aayos sa hardin. Tinatanggal niya ang mga damo at naglalagay ng mga bulaklaking halaman. Iba't ibang mga bulaklak na makukulay ang inilagay niya. Inabot na siya ng tanghali ng matapos sa paglalagay ng halaman.

"Next... yung water fall naman." sabi niya sa sarili.

"Excuse me." biglang may lalakeng nagsalita sa likuran niya.

"Ay palaka!" gulat na sabi ng dalaga at nalaglag ang pasong hawak niya sa kanyang paa.

"I'm sorry! I'm sorry! Did I scare you?" tanong neto habang sinusubukang alalayan ang dalaga.

"I'm fine. I'm okay. Who are you and how did you get in here?" tanong ng dalaga na mabilis ang tibok ng puso sa gulat. Kilala naman niya ang lalake ngunit ayaw niyang pangunahan ang sarli niya.

"I'm Anthony Vasquez, a journalist. And your gate was open so I let myself in." sabi ng lalake at inabot ang kanyang business card. Tinignan naman siya ng dalaga at sinuri ng maigi ang card.

"Vasquez of Sanjati Express. Hmmm... How's your father?" tanong ng dalaga na ikinagulat ng lalake.

"He's fine. How did you--" naputol ang tanong ni Anthony dahil nagsalita si Katleya.

"I worked with your dad a few years ago. I used to be an intern in Sanjati Express." sabi ng dalaga. "If I remember, nasa college ka noon. You were taking up Genetic. How did you end up being a journalist?" deretsong sabi ni Katleya. Isang bagay na ikinamangha ni Anthony.

"I didn't know my dad talked about me. And as for being a journalist.. it's a hobby. I'm a registered geneticist." sabi ni Anthony. Napangiti naman ang dalaga.

"I see. Well, what brings you here?" tanong ng dalaga na tumayo sa pagkakaupo sa upuan.

"I actually want an interview." sabi naman ng lalake. Hindi man halata sa mukha ni Katleya ay kinabahan ito. Isang maling galaw niya ay maaring mapahamak siya at si Mon. Sa totoo'y wala siyang tiwala sa ama ng lalake kaya naman red flag sakanya ang makita ang anak nito sa Huyenbi.

"Interview?" tanong nito.

"Yes. I have been searching for hidden gems across Sanjati and I found this place." sabi ng lalake. "I tried searching online pero, it's difficult to find details about the place." dugtong pa nito.

Sa isip ni Katleya ay masaya ito, mahirap maghanap ng kahit anong records ng Huyenbi, sinigurado niya iyon dahil gusto niyang ligtas siya at ang kapatid niya. Selfish man ito ay inuna niya ang kaligtasan nilang magkapatid.

"Nakita mo naman sigurong kaunti lang ang internet shop dito, at sa pagkakaalam ko ay di pa nadigitalize ang ilang mga records ng lugar." sabi ni Katleya. "Why are you asking me for an interview. Diba dapat ang council ang tinatanong mo?"

"I have. And they gave me a go signal to make a story, but I wanted to know about this house. Sabi ng mga matatandang natanong ko, this is one of the oldest house." sabi niya.

"Well, I don't know much about the house since hindi naman nagkwekwento masyado ang lolo namin and ngayon lang din kami napunta dito. What I can say is, it was built December 1930 and the family was one of the founding families of this place." sabi naman ni Katleya. "Susubukan kong maghanap ng records sa family library, I didn't have time to go through them since we arrived."

"That's okay. Thank you. If you find a any records about it, can you give me a call? And meet me over coffee?" masiglang sagot ng lalake.

"Uhhh.. sure." sabi naman ng dalaga. Nagpaalam naman ang lalake at sinara ang gate.

Dumeretso si Anthony sa city hall at sinubukang magpull-up ng records ng mga De Francia. May kutob siyang may tinatago ang dalaga, kung ano man iyon ay gusto niyang malaman.

"Unfortunately Anthony wala kaming masyadong records." sabi ng babae sa records area.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong nito.

"Well, one reason kung bakit hindi kami nakapag digitalize ng mga town records ay nagkaroon ng sunog dito sa lugar almost twenty years ago. It burned almost all the old records kaya naman 1950's onwards lang ang nalagay online." nadismaya naman si Anthony. Ang pag-asa niya nalamang ay ang records na meron ang mga founding families.

"Okay thanks. I'll take whatever I can get." sabi naman niya. Binigyan siya ng access sa mga archives na natira at sa isang PC sa opisina. Sinimulan na niyang mag-research at maghanap ng mga impormasyon.

Maraming mga boring na records doon kaya kinuha niya ang mga ibang less boring na pangyayari. Gusto niyang maging big break niya ang Huyenbi kaya talagang sinubsob niya ang sarili sa pagkalkal ng mga kwento at detalye.

[RING] [RING] [RING]

Anonymous number. Sinagot naman niya ito

"H-hello?" tanong niya

"Mr. Vasquez. This is Katleya De Francia. We met earlier." sabi sa kabilang linya. Pumantig naman ang tenga niya ng marinig ang De Francia.

"Ms. De Francia. Napatawag ka." sabi nito.

"I'm calling to say I found some records for you. It's dated 1930 to 1940? Is it okay?" tanong ng dalaga. Natuwa lalo ang lalake.

"Yes. Yes! Thank you thank you. Can we meet? I mean I really need this." sabi ni Anthony.

"Of course. Where?" tanong ng dalaga.

"Sa Dematria's BnB. It's near your place." sabi ng lalake.

"Sure. I know the place. See you there." binaba naman ni Katleya ang telepono.

Di mapakali si Anthony at dalidaling umalis sa City Hall.