Natatarantang tumawag si Mon sa kapatid. Nagring ang phone nito pero kinabahan lalo ang binata ng makitang nagriring ang phone ng kapatid sa kitchen table nila.
"Katleya where are you?" natatarantang sabi ni Mon. Laging nagtetext ang ate niya kung may lakad ito. Kaya lubos ang pag-aalala niya ng wala ang ate niya at naiwan pa ang phone niya.
Lumabas si Mon ng bahay at inikot ang paligid ng bahay, wala din. Napakamot ng ulo ang lalake sa pag-aalala pupunta na sana siya sa police station ng makita sa di kalayuan ang ate niyang may kausap na lalake. Kumalma naman ang puso niya at tinahak ang daan papunta sa kapatid.
"Ate." mahinang sabi ni Mon.
"Oh anjan ka na pala, Mon, meet Anthony Vasquez, he's a journalist." sabi ng kapatid nito. Kumunot ang noo ni Mon pero kinamayan parin niya ang lalakeng kaharap niya.
"Nice to meet you Mon." sabi ng lalake. Nginitian naman ito ni Mon pero iba ang kanyang kutob sa lalake.
"I was worried. Di ka nagtext." Sabi ni Mon sa kapatid.
"Sorry, I left my phone sa kamamadali." tugon ng dalaga.
"What's this all about anyway?" tanong ni Mon nang makita ang mga old newspapers sa lamesa.
"Siya yung sinabi ni Mrs. Francisco na gagawa ng story about Huyenbi. And since nagkaroon daw ng sunog dito sa lugar some 20 years ago walang masyadong records. I'm trying to help out." tugon ng dalaga. Lumaki naman ang mata ni Mon at tinignan ang kapatid ng parang what-the-hell-are-you-doing kumindat naman ang dalaga.
Busy naman si Anthony na kumukuha ng letrato ng pahayagan kaya di niya ito napansin.
"Oh. Mon, Katleya and Mr. Vasquez, andito din pala kayo." biglang nagsalita ang pamilyar na boses sa likuran ni Katleya. Tinignan nmana ni Katleya at nakita si Soledad. Gusto man nitong yakapin ang matandang kaibigan ay pinigilan niya ang sarili. Kung tutuusin ay kaibigan naman talaga niya ang matanda. Hindi nga siya makapaniwalang napangasawa nito ang kinaiinisan niyang lalake sa bayan noon.
"Mrs. Francisco. What brings you here?" tanong naman ni Anthony na nagulat din.
"Actually, I'm here para ibigay din etong mga old records ng lugar sa'yo Mr. Vasquez." sabi niya at kasama niya si Raza na may hawak na kahon. Nagtinnginan naman si Mon at Raza at nagpalitan ng ngiti. Si Katleya naman ngayon ang napatingin sa kapatid ng parang what-the-hell-are-you-doing kumindat lang naman ang binata sakanya.
"Wow. These are all good." tuwang sabi ni Anthony. "Halos pareho kayo ng mga dala. And I see you have pictures as well Mrs. Francisco." ani ng binata at tinignan ang mga lumang mga letrato. Lingid sa kaalaman ng lalake at ni Mrs. Francisco ay halos atakihin sa puso ang magkapatid ng nakita ang mga lumang letrato nilang dalawa. They looked younger sa mga letratong iyon dahil it was years before the incident. Pero di matatanggal ang resemblance.
"This photo looks exactly like the both of you." sabi pa ni Anthony. Ang mga mata nito ay halatang nagsasabing mayroon siyang alam.
"Malakas talaga ang dugo naming mga De Francia. Manang mana sa mga ninuno." sabi naman ni Mon with confidence. Tumingin naman sakanya si Raza na dahilan para kindatan ni Mon. Nabilaukan naman ang dalaga sa ginawa ni Mon. Natawa naman ang matanda sa asal ni Mon.
"Magkaugali din kayo. Naku, I remember your grandfather Marcelo and Lorenzo, mga babaero talaga ang mga iyon. Ang daming dalagang pinaiyak." sabi naman ni Soledad habang inaalala ang kanyang kadalagahan. Natawa naman si Katleya dahil alam niyang totoo iyon. Sinipa naman siya ng kapatid sa ilalim ng mesa na lalong ikinatuwa ng ate niya. Namula naman si Mon lalo.
"Alam niyo bang crush ko noon si Marcelo, paano naman kasi eh napakabait niya sa lahat at mayroon siyang matamis na ngiti." sabi ni Soledad. Natahimik naman sila, excited kung may makwekwento pa ang matanda. Although alam naman na ni Katleya ang kwento ay naeengganyo siyang pakinggan ang kwento mula saibang tao.
"Pero di po kayo nagkatuluyan? Edi kung nagkatuluyan po kayo De Francia po ang apilyedo natin?" curious na tanong ni Raza. Nakatinginan naman ang magkapatid tila naguusap ang kanilang mga mata.
"Hindi, like I said mabait man si Marcelo ay babaero ito." sabi ng matanda. "Maiba ako, anong balita sakanya?"
"Nakapag-asawa naman po siya, at nagkaroon ng isang anak. Unfortunately, namatay po ng maaga ang asawa at anak niya dahil sa isang car accident at di nagtagal ay sumunod si lolo Marcelo." cold na sinabi ni Mon. Alam ni Katleya na masakit sa kapatid na gumagawa ng mga ganitong kwento. Kung minsan ay sinisisi niya parin ang sarili kung bakit hindi nagkaroon ng pagkakataon si Mon na magkaroon ng normal na buhay. Kahit sabihin ni Mon na okay lang ay may kirot parin itong nararamdaman.
"Ah ganoon ba. Ang lungkot naman, si Catherine?" tanong ulit ng matanda.
"She died single." yun lang ang nasabi ni Katleya. Wala siyang maisip na kwento para sa sarili niya.
Bigla namang umihip ang hangin na muntik ilipad ang mga papel sa mesa. Nasalo naman agad ng magkapatid ang mga papel. Nalaglag naman ang isang letrato ng founding families, sabay Naman itong napulot ni Katleya at Anthony ang letrato. Nagkatinginan naman sila at nailang ang dalaga.
"Hopefully, makahanap ka ng partner mo hija. It's not good to be alone. Kayo ring mga bata kayo. You are still young. Enjoy life." sabi ni Soledad sa apat.
Nagkatinginan naman sila at parang nangaasar pa ang matanda dahil tumawa ito, tila pinagpares na niya ang apat. Namula naman si Raza at ganun din si Mon. Napakamot ng ulo si Anthony at si Katleya naman ay ngumiti lang. Natuwa ang dalaga na after all these years ay may sayad parin ang kaibigan.
Nanatili pa sila sa BnB ni aling Demetria na binigyan sila ng kape at kakanin, nagkwekwento ang matanda tungkol sa lugar at si Anthony naman ay nagnonotes habang tawa ng tawa ang magkapatid sa kwento ng matanda. Si Raza ay atat umuwi ngunit napapawi ito dahil sa tawa ni Mon.
Laking pasasalamat ni Anthony sa dalawang pamilya na tinulungan siya. Tumawag siya kaagad sa main office nila para ipaalam ang balita. Natuwa naman ang mga tao sa opisina lalo na ang ama.