Chereads / Forever's Curse (tagalog) / Chapter 17 - 16 Can You Keep A Secret?

Chapter 17 - 16 Can You Keep A Secret?

Nagising si Mon sa ospital, nataranta siya at biglang bumangon, andoon naman ang ate niya na nakadungaw sa bintana. Hinarap siya ng walang emosyong muka ni Katleya na naging rason para pagpawisan siya.

"Kung di lang kita kapatid ako mismo babaril sayo. G*go ka ba?! I told you tuso ang mag-amang yun." sabi ng ate niya na worried pero galit.

"Sorry. I made you worry. Pero... why am I in a hospital?" tanong niya sa ate niya. Alam niyang hindi siya dadalhin ng ate niya sa ospital unless...

Inikot nito ang mata at nakita sa couch si Raza.

"I didn't have a choice." sabi ni Katleya.

"So. Where is he?" tanong ni Mon.

"City jail." sabi ng ate niya. "Are we pressing charges?" tanong ng ate niya.

"No. I don't want to. It will only cause bigger problems." sabi nito. Tumango naman ang kapatid. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang lola ni Raza sa kwarto nila.

"Hijo are you okay? Where's Raza. Nasaktan ba siya?" tanong ng matanda, sa likuran niya ay ang mga magulang ni Raza at mga pulis.

"We're okay po." sabi ni Katleya and gave them a warm smile.

"Raza! Wake up. Sabi ko sayo umuwi ka kaagad. Tignan mo muntik ka ding mapahamak." sabi ng ama ni Raza at tinignan ng masama ang magkapatid.

"It's my choice. I'm old enough to make my own choices!" sabi ni Raza na halatang nainis sa ginawa ng ama.

"You are still our daughter, halos mamatay kami kakaalala sa'yo." pagaalala ng ina.

"I'm sorry for the inconvenience." sabi nalang ni Katleya.

"Nagsimula lang magpakarebelde ang anak namin ng makilala niya ang kapatid mo. I'm warning you Mon. Stay away from my daughter." sabi ng ama ni Raza kay Mon. Tinignan lang ni Mon ang ama ni Raza at binaling ang tingin sa dalaga.

"Sorry." sabi lang nito. Naiiyak naman si Raza sa ginawa ng ama. Dalidaling lumabas si Raza sa ospital at dinedma ang pagtawag ng ama niya.

Kinuhanan muli sila ng statement ng pulis at saka umalis.

"Uwi na rin tayo." sabi ni Mon na dali daling tumayo.

"You do know that doing that will raise suspicions. Right?" sabi ni Katleya na umupo naman sa gilid ng kama ni Mon.

"Let's just say I really don't like hospitals." sabi ni Mon sa kapatid.

"I can't even remember the last time we were in a hospital." sabi ng ate niya.

"It was in 1999. Nung binisita natin si Lorenzo," sabi ni Mon. Tinignan lang siya ni Katleya.

1999. Both Katleya and Mon lost track of time dahil sa kakatago nila hanggang sa nagpadala ng sulat si Lorenzo sa lumang apartment ni Katleya.

[Ate Katleya, Kuya Mon,

It's been a while. Kumusta na kayo? I know the chance is slim na mabasa niyo ang sulat kong ito pero I really hope you receive it. I want to see both of you for the last time. I'm dying.

I'm here at Sanjati Medical Hospital.

Please see me,

Lorenzo]

Yoon ang huling sulat na nakuha ni Katleya sa kapatid. Kung hindi siya tinawagan ng kanyang landlady ay hindi pa siya magmamadaling tawagan din si Mon. Halos sabay silang dumating noon sa ospital. Nagyakapan at nagiyakan sila.

"I wanna go. I was just waiting for the two of you." sabi ni Lorenzo na tuwang tuwa sa dalawa.

"I'm sorry we never kept in touch for a long time." sabi ni Mon na pinipigilang umiyak. He was after all staring at his younger brother who is dying.

Ngumiti lamang si Lorenzo. "Kuya Mon, I'm 59 you're 66 but look at you, still dashing as ever." nagawa pang magbiro ni Lorenzo ng mga panahong iyon. Bukod sa namayapang mga magulang, siya lang ang nakaka-alam ng sitwasyon ng dalawa.

"Promise me, you will take care of each other. The three of us know you can't die." tumango naman ang magkapatid. Natigil ang kwento nila ng dumating ang nurse.

"Ang swerte naman po ni sir at mayroon siyang mababait na apo."sabi lang ng nurse sa dalawa. Natawa naman si Lorenzo, kung alam lang ng nurse ay kapatid niya ang mga ito. Doon nagsimula ang ideya na magpanggap silang apo ni Lorenzo.

"Doc, andito na po ang mga apo ni Mr. De Francia." sabi ng nurse sa doktor na pumasok sa kwarto.

"I'll get straight to the point, your grandfather is dying. His body is no longer responding to the medicine." sabi ng doctor. Mahirap tanggapin ang sitwasyon, para sa magkapatid, hindi nila lubos akalain na ganito ang mangyayari.

"Can he spend the rest of his time with us privately?" tanong ni Mon.

"Of course." sabi ng doctor at iniwan sila.

"I want to be cremated. And be placed in the mausoleum with mom and dad." sabi ni Lorenzo. Dying wish niya iyon kaya naman hinayaan ni Katleya. Gagawa nalamang sila ng paraan para mailibing si Lorenzo sa mosuleyo ng walang nakakakita sakanila.

"By the way, the files and titles of our house and properties in Huyenbi are with my lawyer. You can get it from him. Sinabi kong mga apo ko kayo so no need to worry."

Marami pang binilin si Lorenzo sa ate at kuya niya na parang nagkabaliktaran sila ng sitwasyon. Kumuha naman sila ng letrato for the last time.

"I think I'm ready to go." sabi ni Lorenzo. Tinanggap naman ng dalawa at wala pang ilang minuto ay pumanaw na ang bunso nilang kapatid.

Within the week of Lorenzo's passing binilisan ng magkapatid na i-arrange ang pagcremate sakanya at maidala siya sa mosuleyo ng pamilya. Bihasa ang dalawa sa pagtatago kaya walang nakahalata sakanila.

Up until nung paalis sila. Naharang sila ng mga lasing na naghahanap ata ng away. Ayaw sanang patulan ni Mon pero hinablot nila si Katleya, nagkasuntukan, sigawan at nagkahabulan pa hanggang sa City Hall.

Sa di inaasahang pangyayari, pinukpok si Mon ng bote kaya dumugo ang ulo nito, kinuyog nila siya at pinagsisipa at pinagsusuntok.

Hindi alam ni Katleya ang sumanib sakanya noon pero nandilim ang paningin ni Katleya at walang anu-anoy nagsimula niyang hampasin ang mga lalake ng malalaking bato na nakita niya sa paligid. Punung puno ng dugo ang kamay ni Katleya.

"Ate stop, you'll kill him!" sabi ni Mon na natataranta sa ate niya.

"They're dead." sabi niya at hinagis ang batong hawak niya.

"What are we going to do?" kabado si Mon, magiging problema ito sakanilang dalawa kung wala silang maiisip na paraan, pero mukang may plano na ang ate niya.

Gamit ang mga basag na bote at ihinagis niya ito sa paligid ng mga lalake. Tinabig ang malaking basurahan sa tabi at naglabas ng lighter. Nanlaki ang mata ni Mon sa ginawa ng ate niya.

SHE BURNED THEM!

"Mon, can you keep this a secret?" tanong ng ate niya. Ang mga mata nito na blangko sa emosyon.

Hindi alam ni Mon kung anong nangyari sa ate niya habang magkakahiwalay sila pero alam niyang hindi siya gagawa ng ganitong bagay. Kung ano man ang sikreto sa likod ng walang pusong krimen na ginawa ng kapatid ay hindi niya rin malaman.