Dumating ang mga pulis para kuhanan ang magkapatid ng statement. Maraming mga kapitbahay ang nakikiusyoso at nakikisilip sa bahay. Basag ang isa sa mga salamin ng bahay dahil sa paglusot ng bala. Base sa imbestigasyon ay may masamang pakay ang gumawa nito.
Hindi naman maintindihan ng magkapatid kung bakit, napagtanto nilang maaring isa sa mga council members ang salarin.
"They want us dead! Para gamiting museum etong bahay!" galit na sabi ni Mon sa kapatid na tinatakpan ang butas ng kanilang bintana. Umalis naman na ang mga pulis at ang mga nakikiusyoso.
"Like that's even gonna happen." sabi ni Katleya.
"TAO PO! TAO PO!" bigla namang may kumakatok sa bahay nila.
"Ano po yun?" tanong ni Katleya ng pinagbuksan ang panauhin. Si Raza. Bumilis naman ang tibok ng puso ni Mon. Magaalas siyete na ng gabi kaya nagtataka ang magkapatid.
"Oh Raza, napadaan ka bigla?" tanong ni Katleya na pinapasok ang dalaga.
"Nabalitaan ko po kasi yung nangyari. Okay lang po ba kayo? Nag-alala rin po si lola sa nangyari." sabi ni Raza.
"Okay lang naman kami." sabi ni Mon. He's suspicious na may alam ang lola ni Raza sa nangyayari.
"Lola feels bad dahil pinipilit kayo ng council na iopen ang bahay. Then nangyari pa ito. " nagaalalang sabi ni Raza at tinignan si Mon. "Okay ka lang ba?"
Tumango lang naman si Mon at dumeretso sa kwarto niya. Punung-puno ng pagtataka at pag-aalala si Raza. Si Katleya naman ay kinakabahan sa pwedeng gawin ng kapatid.
"Pagpasensyahan mo na si Mon." sabi ni Katleya.
"Pero sino nga kaya ang pwedeng gumawa nito? I mean, the council respected the decision na pag-iisipan niyo diba?" tanong ni Raza kay Katleya. Tumango naman si Katleya.
"I think someone isn't happy sa ginagawa naming magkapatid." hinala ni Katleya. May kutob siya kung sino pero ayaw niyang isipin ito masyado.
"But you guys are so nice to everyone. Who would do such a thing." pagtataka ni Raza.
"I'm heading out!" sabi ni Mon na dere-deretso lang.
"Where are you going?" sabi ni Katleya pero di siya sinagot ni Mon at lumabas lang ng bahay.
"I'm worried." sabi ni Raza. Hinawakan naman siya sa braso ni Katleya.
"He'll be fine. Don't worry." sabi niya lang.
"I don't know pero nag-aalala talaga ako. Ate Katleya, sundan natin siya. Masama talaga ang kutob ko." sabi ni Raza. Nakita ni Katleya ang pag-aalala sa mata ng dalaga kaya naman sinundan nila si Mon. Tahimik nila itong sinundan na dumeretso sa BnB ni Aling Demetria.
...Samantala sa kwarto ni Anthony...
"Don't worry dad. I just gave them a little scare." sabi niya sa telepono.
"No. I don't think they have an idea it was me." sabi pa niya.
"I'm ready for anything." yoon ang huling sinabi ni Anthony sa ama.
*KNOCK KNOCK KNOCK*
Malakas na kalabog sa kanyang pinto. Binuksan naman niya ito at bumungad si Mon na may galit sa mga mata.
"Mr. De Francia. Napadaan ka ata." kalamadong sabi ni Anthony. Alam niya ang rason kung bakit andoon ang lalake pero nagpanggap siyang hindi niya alam.
"Stop lying to my face!" sabi ni Mon. Kalmado lang naman si Anthony na hinanda ang baril na nakatago sa kanyang likuran, just in case kailanganin niya ito.
"I really don't know what you are talking about." sabi niya.
"I'm not stupid. I know you arrived the exact time my sister came here, you also got the council to side you in opening Huyenbi and now you are suggesting to turn my house into a museum?!" sabi ni Mon na sinusubukang kumalma. Gustong-gusto niyang sapakin ang lalake.
"Oh c'mon Mr. De Francia. I'm just a mere journalist." ani ni Anthony at ngumiti, bagay na ikinainis ni Mon. Samantala asa labas naman ang dalawang dalaga na nakikinig sa usapan nila.
"I know who you are." seryosong boses na sinabi ni Mon. Kinabahan bigla si Katleya. Gusto niyang pumasok sa kwarto para pigilan si Mon pero nagsalita na si Mon. "Anthony Vasquez, 28 years old, born and raised in Sanjati, took up Genetic Engineering and became a prodigy for being the youngest registered geneticist in Sanjati. You illegally conducted experiments on humans to have accurate results making your thesis about Genetic Mutation and Life Longevity making you win an award three years ago. Gusto mo pa bang ituloy ko?" derederetsong sabi ni Mon.
Just who the hell is this guy? Tanong ni Anthony sa sarili. Hindi niya pinahalata na nagulat siya pero nakita ni Mon ang pagtagaktak ng pawis ni Anthony.
"Stop involving my family and my house in your plans. Kung ayaw mong ireport kita for Illegal Human Experiments." sabi ni Mon. Palabas siya ng pinto ng narinig niya ang pag kasa ng baril.
"Don't threaten me Mon. I know who you are too. Ikaw at ang ate mo." sabi niya habang nakatutok kay Mon ang baril.
"I'm not sure what your talking about." pagdeny ni Mon pero kinabahan siya kung anong alam ni Anthony.
"Tsk. Sa tingin mo di ko alam na gusto niyong ibenta ang mga lupa niyo at ipagiba ang bahay? The reason why you don't want to turn the house into a museum ay mawawalan kayo ng buyer." proud na sabi ni Anthony. Natawa naman si Mon sa deduction skills ng lalake dahil sobrang layo nito sa katotohanan.
"So you threaten me with a gun dahil lang doon?" sabi ni Mon. Napailing naman naman si Anthony.
"Don't be naïve Mr. De Francia, mas malaking pera ang makukuha niyong magkapatid kung bubuksan ang Huyenbi sa publiko." sabi ni Anthony. "My secret shall remain hidden though." at walang anu-anoy pinutok niyang ang baril.
Nagulat ang buong building at tumakbo sina Raza at Katleya sa loob.
Sa sahig ay ang walang malay na si Mon na dumudugo ang tagiliran, si Anthony naman ay hawak parin ang baril at biglang itinutok kay Katleya.
"Wag!" matapang na sinabi ni Raza, alam ni Katleya na delikado si Anthony at ang kanyang ama pero di niya inaasahang ganito ang mangyayari.
Bago pa maiputok muli ni Anthony ang baril ay kinuyog siya ng mga mamamayan, napahingang malalim si Raza, nakita naman ni Raza si Katleya na kalmadong naglalapat ng first aid sa kapatid.
"Tatawag ako ng ambulansya." sabi ni Raza. Hindi makatanggi si Katleya.