Chereads / Forever's Curse (tagalog) / Chapter 15 - 14 House Blessing

Chapter 15 - 14 House Blessing

Kay bilis ng panahon at Oktubre na. Dumadami ang mga turista sa Huyenbi, salamat sa marketing strategy na ginawa ni Anthony, lumalakas ang mga negosyo at maraming mga tao ang nagplaplanong bumili ng lupa dito. Ikinatuwa ito ng ilang mga tao sa lugar lalo na si Raza. Ngayon niya lang nakitang busy ang mga tao sa bayan at halos gabi gabi ay may party. Natutuwa din ang mga council members dahil gusto nilang maging successful ito.

"Imagine Huyenbi becoming a popular tourist spot in Sanjati." proud na sabi ni Anthony kay Katleya. Tumango lamang si Katleya kay Anthony, hindi siya interesado sa binata, totoong may itsura ito at matalino. Pero dahil alam niya kung gaano kagaling magmanipula ang ama nito, kung maaring hindi niya ito kakausapin. Kung bakit ba kasi siya pumayag na sabay silang pumunta sa council meeting.

.. A week ago..

"Ate! I'm telling you wala akong tiwala sakanya!" inis na sabi ni Mon.

"It's a council meeting! Nothing will happen." sabi ni Katleya sa kanyang kapatid. Bukod sa binigay ni Soledad ang mga old paper archives ng lugar ay inanyayahan niya sina Anthony, Mon at Katleya na umattend ng council meeting. Tumanggi si Mon dahil plano niyang pinturahan ang mosuleyo ng kanilang pamilya. Si Katleya naman ay pinilit ni Soledad dahil aayaw din sana ito.

"Ate he's dangerous. Ikaw na rin nagsabi saakin na masama ang ugali ng daddy niya. Paano kung may gawin siya sayo?" sabi pa ni Mon, sobrang pagaalala niya sa kapatid.

"Mon. Ano sa tingin mo ang mangyayari sa akin?" tanong naman ng dalaga. Natahimik si Mon dahil alam niya kung anong ibig-sabihin ng kanyang kapatid.

"Ate, just... be careful. If he dares touch you or lay a finger on your hair, makakatikim talaga sakin ang lalakeng yun." Matapang na sabi ni Mon.

"Aww, my brother is so sweet naman." sabi ng dalaga ta ginulo ang buhok ni Mon.

"Aish! I'm serious ate!" sabi ni Mon na napipikon sa tigas ng ulo ng ate niya.

"I know. Don't worry. I can handle him." sabi ni Katleya at inakbayan ang kapatid.

...Present...

"Katleya the meeting will start in 5 minutes." bumalik sa reyalidad si Katleya ng tinapik siya ni Anthony sa balikat. Tumango naman ang dalaga.

Pagdating sa conference hall ay pinagtinginan silang dalawa at nagtatanungan kung sino ang umimbita sakanila.

"Good morning everyone." biglang bumati ang Mayor. Bumati naman pabalik ang mga miyembro at umupo. Magkatabi sina Anthony at Katleya sa likod ng hall, kinawayan sila ni Soledad. Kumaway pabalik si Katleya at ngumiti lang si Anthony.

"Ms. De Francia, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa." Bungad agad ng Mayor sakanya. Tinignan naman siya ni Katleya. "We want your house."

"E---excuse me?" sabi ni Katleya na nagulat sa sinabi ng mayor.

"It's one of the longest standing buildings in the area. We want your house to be the center point of the 100th anniversary of Huyenbi." dugtong nito. Lalo itong ikinagulat ni Katleya.

"No!" biglang bungad ni Mon na dumating gamit ang side door ng hall. Tinignan naman siya ng lahat.

"Why not?" tanong ng chief police. "It's been around since I was born and I think it's one way to get more people to visit our town." dugtong nito.

"Bringing people in the house? We haven't even spent a year in it and you want us to open it to the public?! Seriously?" inis na sabi ni Mon, sinusubukan naman siyang pakalmahin ni Katleya.

"Marcelo De Francia was my godfather. I'm sure he'll approve." sarkastikong sabi ng matanda. Kilalang kilala ni Mon ang matandang lalake, at hindi niya inexpect na lumaking hambog ito. Gusto niyang sumabatn na siya SI Marcelo pero pinigilan niya ang sarili. Nanggigil lalo sa pikon si Mon ng sumabat si Anthony.

"It's good for marketing." tugon ni Anthony. Kung wala lamang ang ate niya ay nasapak na talaga ni Mon.

"Mon... " tinignan siya ng ate niya. Napabuntong hininga si Mon at sinubukang kumalma.

"If we agree... and I say IF... anong plano niyo?" tanong ni Mon. Intense ang meeting dahil sobrang seryoso ni Mon.

"Well, we plan to open it for people to see, make it a museum or a gallery of Huyenbi's past. And probably cut town the tree in the middle of the garden---"

"NO!" this time sabay nagsalita ang kapatid. Pinaupo ni Katleya si Mon bago pa ito magwala.

"It's within the De Francia Property, we plan to keep the tree." sabi ni Katleya.

"But it's old and it makes the whole place eerie." sabi ng isang negosyante.

"Well, if you must know, it's been standing there since the place was discovered by the founding families. Nagiisa nalamang ang puno sa lugar. It may look eerie to you or to the other people around here but I will not let you cut down that tree." sabi ni Katleya.

Nanahimik ang council.

"If we keep the tree, will you let us use the house?" tanong ng isa pang matanda.

Napaisip at nagtinginan ang magkapatid at nagbulungan.

"Ano papayag ba tayo?" tanong ni Katleya.

"Kung ako ayoko." sabi ni Mon na hindi mapinta ang muka sa halong inis at galit.

"We're not forcing you Katleya, take your time to decide. It's still 3 months away." sabi ni Soledad. Tinignan naman siya ni Katleya tumango ito at tahimik na lumabas kasama si Mon. Naiwan naman si Anthony na pinipigilang ngumiti. His plan is working.

Dumating sa bahay ang magkapatid at galit na galit si Mon.

"So papayag ka?!" galit na tanong ni Mon.

"Not sure." sabi lang ni Katleya.

"ATE NAMAN!!!" galit at frustrated ang binata sa ate niya. "Please wag kang papayag." sabi ni Mon.

"And kung di tayo pumayag, paano kung pwersahin nila tayo?" tanong ng ate niya.

Hindi alam ni Mon kung ano nga ba ang gagawin. In the first place ay wala naman kasi sa plano na gawing tourist attraction ang bahay.

"Di ko din alam." umupo ang magkapatid sa hagdan. Nakikita sa bintanang katapat ng hagdan ang puno sa labas. Malaki ito at ibang iba ang itsura ng puno dahil tila puti ang mga dahon nito. Napadungaw nalamang si Katleya sa bintana.

*BANG*

Malakas na tunog ng baril ang narinig nilang dalawa, mabilis naman ang reaksyon niya at tinulak ang kapatid. Kung di niya ginawa iyon ay tatama dapat ito sa dibdib ni Mon.

Gulat man ay nilakasan ni Mon ang loob at lumabas ng bahay para hanapin kung saan nanggaling ang putok ng baril. Inikot niya ang bahay pero walang nakitang tao.

"House blessing." malademonyong sambit ni Anthony habang hawak ang isang lumang letrato at nakatingin sa bahay ng mga De Francia.