Kisame
"Ginulat mo ko!", sigaw ko kay Piper na may dalang sandok. Si Mang Ben naman ay tanaw kong pumunta sa kusina.
"Ang seryoso mo kasi. Saka bakit may tinitignan ka dyan?", tumingin siya sa kisame. Nawala...
Nawala....
Nawala sa isang iglap yung babae.
Bakit pakiramdam ko kilala ko siya?
"Para kasing may dumi", yun nalamang ang nasabi ko. Baka nagguni-guni lang ako dahil sa nakita ko.
"Madumi naman talaga halos lahat ng nandito. Nagsabi sa akin si Tita kanina ipapalinis niya itong bahay bukas para sa atin"
Naabutan naming naghahanda si Mang Ben at saka pinaghila ng upuan kaming dalawa ni Piper.
"Maalam ka ng magluto ah. Pwede ng mag asawa", panunuya niya sa pinsan ko. Sa pagkakaalam ko sa kanya ay hindi siya maalam magluto. Yan lamang ang kaya niyang lutuin.