"Bakit nandito ka dis oras ng gabi? Naliligaw ka ba?", tanong ko.
Nilalaro niya ang mga daliri niyang may bakas ng sugat.
"Napano yan?", nilagay niya sa kanyang likod ang kanyang mga kamay ng makitang nakatingin ako doon.
Ngayon ko lang napansin ang sugat niya sa kanyang noo. Sa palagay ko'y malalim iyon dahil may umaagos na kaunting dugo galing don. Hahawiin ko sana ang buhok niya sa parteng iyon ngunit umiwas siya.
Pinagmasdan ko siyang maigi. Tila may nangyari sa kanya dahil hindi lang iyon ang sugat niya. Kundi may galos din siya sa kanyang siko. Ang parehas niyang tuhod ayay mga pasa.
"Wala ito!", mariin niyang sinabi. Ang bestida niya ay pilit niyang binaba upang takpan ang kanyang tuhod.
"Sigurado ka ba?", hindi niya ko makukumbinsing walang nangyari sa kanya dahil sa natamo ng kanyang katawan.
"O...Oo.. A...alis... na...na... k...ko", nagmadali siyang tumayo at iniwan akong nakaupo sa aking pwesto. Mas lalo akong nag alala dahil sa ginawa niyang pagtakbo palayo sa akin. Hindi niya ininda ang panganib ng gubat na ito pati na rin ang talas ng mga bato niyang natatapakan sa kanyang pagtakbo.
Tinahak ko ang direksyon kung saan siya nagtungo. Matiyaga ko siyang hinanap. Ngunit wala siya. Hindi siya nagpakita.
Napayuko na lamang ako sa pagkabigo. Sana ay makauwi siya ng ligtas. Pero sa isang sulok ng isip ko ay hindi maalis na baka naligaw siya kaya't nakatanghod siya sa bahay na aking tinutuluyan. Sana pala ay sinabi kong sumama na lang siya sa akin at doon magpalipas ng gabi.
Pero imposible iyon. Hindi ko pa lubos na nakuha ang tiwala niya.
"Mag iingat ka", bulong ko sa aking sarili na tila ba maririnig niya ang sinabi ko.
Bumalik na lamang ako sa lumang bahay at tamad na lumakad papuntang kwarto. Sa pagbukas ko ng pintuan ay nadatnan ko si Piper na natutulog sa tabi ng aking kama habang nakaupo.
Si Dela naman ay nasa tabi niya may hawak ng maliit na towel habang pinupunasan ang lalaking nakaratay sa aking higaan.
Nagtaka ako sa aking nakita. Sino iyong nakahiga sa aking kama?
Lumapit ako kay Piper at hinawakan ang kanyang braso.
"Piper", tawag ko sa kanya habang titig na titig sa lalaking nakahiga sa aking kama. Nanlalamig ang aking mga kamay.
Ang tibok ng puso ko ay tila tambol dahil sa lakas nito.
"Piper Roshan!?", ngunit hindi siya natinag sa himbing ng kanyang tulog. Kaya't lumapit na lamang ako sa pinsan kong si Dela na papaalis na ng aking kwarto.
"Dela!", pumaunahan pa ko sa kanya upang makita niya ko ngunit parang wala lang ako sa kanya.
Anong nangyari sa akin?
Sa tagiliran ng aking mga mata mula sa bintana kita ko ang babaeng sumilip. Lumapit ako. Imposibleng makatayo siya dun dahil walang balkonahe o terrace iyon.
Nawala siya.
Luminga ako sa paligid.
Mas lalong binalot ng lamig ang aking katawan. Tila aatakihin ako sa puso dahil sa aking nakita. Natalikod siya sa akin at nakadikit siya sa pader.
Halos mawalan ako ng paghinga ng umikot 360 degree ang kanyang leeg.
"Si...sino... ka...ka...ba?", matapang kong sinabi at umalingawngaw ang halakhak niya.