Sa maliit na hapag ng mesa naghihintay ako kay Dela habang hawak ko ang maliit na tasa. Mainit pa iyon dahil bagong timpla na galing sa takore na ginamit ni Tita Ai. Ang sabi niya sa akin tanging ang kapeng binayo niya lamang ang iniinom ko parehas kami ng pinsan kong si Demi.
"Kuya, nagkakape ka?", bungad ni Piper sa akin saka humikab. Kinampay ko sa kanya ang baso ko ngunit hindi niya iyon tinanggap. Kumuha na lamang siya ng tinapay sa mesa at nagpalaman saka umupo katapat ng pwesto ko.
"Hindi ako mahilig magkape. You know that, Kuya", saka siya kumagat sa tinapay niya na nanunuot ang cheese sa loob nito.
"Masarap ito kapeng binayo ni Tita", pero umiling pa rin siya.
Ang repleksyon ng tinapay ay kitang-kita sa kanyang mga matang kumikinang. Mahilig sa tinapay si Piper ngunit natigilan ang hilig niya ng nagsimula siyang magwork shop sa acting. Sinabi niyang kailangan niyang magpapayat upang maging maganda ang hulma ng kanyang katawan. Sang-ayon naman ako sa ginagawa niyang pagpipigil sa pagkain at sa work out niya. Hindi naman sobrang pamimihikan ang ginagawa niya sa kanyang sarili kundi kaya niyang balansehin iyon.
Kung gaano karami ang kanyang kinain ay tutumbasan niya iyon ng work out na pambawi sa mga calories na in-intake niya.
Si Manong Ben naman ay tanaw kong may hawak na mahabang panungkit ng luminga-linga ako sa labas ng kusina. Bahagyang nakataklob ang isang kamay nito sa kanyang noo. Sinundan ni Piper ang aking tingin at laglag ang panga niya.
"Anong ginagawa niya sa labas?", kunot-noo sabi ng aking pinsan saka diretsong kinain ang natirang tinapay sa kanyang kamay saka uminom ng tubig. Dali-dali siyang tumayo saka kumaripas ng takbo sa matandang lalaki. Kita kong paanong nanggitata si Piper sa pagpapabalik-balik sa paligid. Hindi pa naman ganon kasakit ang araw kaya may gana siyang lumabas ng bahay.
Nang makita ang kanyang hinahanap ay iniabot niya iyon kay Mang Ben saka ngumiti ang dalaga.
Nagpatuloy naman ako sa pagsimsim ng kape saka nagpalaman ng sarili kong tinapay. Napasarap yata ng paliligo si Dela. Pinayagan kasi kami ni Tita Ai mamasyal sa gubat ngunit sabi niya hindi kami pwedeng abutin ng pagkagat ng dilim. Hindi ko pa nasasabi kila Mang Ben at Piper ang lakad namin baka sumama silang dalawa. Maganda pa man din ang panahon upang mamasyal. Sigurado akong masarap din maligo sa batis. Malamig ang tubig at sigurado akong magugustuhan iyon ni Piper dahil noon pa man ay gusto niya sanang lumublob sa Laguna De Bae pero hindi pwede dahil madumi ang tubig.
Tumayo ako ng naubos ko na ang kape at ang tinapay kong kinain. Hinugusan ko ang ginamit ko saka pumunta sa ikalawang palapag. Kakatakot sana ako sa pintuan ng kwarto ni Dela ngunit nakabukas iyon. Hindi ko sinasadyang masilip ang loob ng kanyang kwarto. Nakatayo ang isang babaeng mahaba ang buhok at namumutla ang mga braso nito. May hawak siyang photo album at hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa mga bintanang nakasara na naging sanhi ng madilim na paligid ng kwarto.
"Kuya", pakiramdam ko'y tumalon ang puso ko dahil sa pagtawag sa akin ni Dela.
"Sorry natagalan ako. Gusto mo bang silipin ang kwarto ko?", inosenteng tanong nito. Walang alam sa nangyayari. Umuna siyang maglakad sa akin saka pumasok sa kanyang kwarto. Napahawak ako sa aking sentido dahil nawala ang batang babaeng nakatayo kanina lang.
"Nakalimutan ko yatang imisin itong photo album na hawak ko kanina", kinamot niya ang sarili niyang ulo saka nagpakawala ng mahabang paghinga.
"Iintayin na lang kita sa labas", paalam ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa aking palapulsahan at nakaramdam ako ng paninindig ng aking balahibo. Pakiramdam ko'y lumamig ang paligid.
"Tignan mo ito Kuya baka sakaling makatulong sayo", kinuha ko ang photo album na hawak niya saka ngumiti.
"Medyo madilim sa kwarto mo. Gusto mo bang tulungan kitang itaas ang bintana mo saka ayusin ang mga kurtina?", nakapamewang siyang nakangiti.
"Hindi na kailangan Kuya. Sige na, intayin na lang kita sa baba. Kung may kailangan ka ay tawagan mo na lamang si Inay. Nasa may labahan lamang siya sa baba", tinulak niya naman ng dahan-dahan palabas ng kanyang kwarto. Bago pa man niya tuluyang maisara ang pinto nito ay may babaeng nakatayo sa kanyang likod. Nakatingin siya sa akin at kagaya ng dati ay wala siyang mukha.
Napalunok na lamang ako saka pumunta sa sarili kong kwarto. Siguro ay kailangan kong maligo dahil kahit umaga ay nagpapakita pa rin siya.
Ang mga ingay nila Piper at Mang Ben sa labas ay rinig ko pati na rin ang pag alog ng sanga ng mangga.
"Manong Ben, careful. Ok? Kasi natatamaan ako", paalala ni Piper. Sinilip ko sila sa bintana. Ang pinsan ko'y iritadong hinihimas ang kanyang ulo habang si Mang Ben naman ay natatawa.