Chereads / (With You) / Chapter 13 - 6.1

Chapter 13 - 6.1

Pinsan

Pag bangon ko sa aking higaan ay tumambad ang nakakasilaw na sinag ng araw. Agad namang natakpan iyon dahil sa ginawang pag alis ng tali nitong kurtina. Inayos ni Dela ang pagkabuhag-buhag nito.

"Kuya, maayos na ba ang pakiramdam mo?", tanong niya ng makita akong tumayo sa aking pagkakahiga. Tinulungan niya naman akong mag ayos ng aking pinaghigaan.

"Oo naman. Si Piper gising na rin ba?", tumango naman siya habang nakangiti.

Matapos ang aming ginawa ay agad siyang lumabas ng kwarto at sumunod ako sa kanya. Sa may kusina ay nadatnan naming kumakain ang kanyang ina kasabay nila Piper at Mang Ben.

Pinaghila ko siya ng upuan katabi ng kanyang ina at ako naman ay tumabi kay Piper.

"Kuya, ano bang nangyari sayo kagabi at nag collapse ka?", tinukoy ni Piper ang biglaang pagkawala ng malay ko sa kusina.

Hindi ko alam ang sumunod na nangyari basta ang natandaan ko lamang ay may kung anong inaasikaso sila sa taas at pati yung...

Ang sariwang simoy ng hangin ay pumasok mula sa lumang bintana ng bahay. Tanaw ko ang kakahuyan kung saan ako nagtungo kagabi.

"Wala yon. Baka nabigla ang isip ko sa pag alala ng mga bagay", tumango naman si Piper bilang pag sang ayon sa sinabi ko. Naglagay ako ng kanin at inabot ni Mang Ben ang ulam sa akin.

"Wag mong pilitin. Kusa mo naman maalala yan basta dahan-dahan lang", nakangiting sabi ni Tita Ai sa akin.

"Nga pala, bilis-bilisan natin at aasikasuhin pa natin ang libing ni Demi. Saka may maglilinis dito kaya dun muna kayo sa kabilang bahay", tinukoy niya ang bahay-kubo kung saan kami nanggaling kahapon.

Ang masayang pagkain ni Piper ay biglang tumamlay dahil sa tamad nitong pagsubo at nilaro muna ang pagkain bago niya ito kainin.

Alam kong ayaw ng pinsan ko sa bahay na iyon dahil naiingayan siya. Pero hindi siya pwedeng tumutol. Naiintindihan ko kung bakit ayaw niya sa maingay na lugar dahil nag iisang anak lamang siya saka sanay siyang mag isa sa mansyon nila.

Pero sa eskwelahan ay iba siya, parehas kami ng pinapasukan pero hindi kami madalas magkita. Sa eskwelahan ay marami siyang kaibigan pero hindi ko masasabi kung tunay nga ba sa kanya. May mga nanliligaw din sa kanya pero hindi ko alam kung nakipag relasyon na siya.