Chereads / (With You) / Chapter 14 - 6.2

Chapter 14 - 6.2

."Kagabi ka pa hinahanap ng iba nating kaanak Wyn. Kinukumusta ka nila. Sa totoo nga, si Tita Alice mo siya ang nagbantay magdamag sa huling lamay ni Demi", si Tita Alice tanda ko siya. Siya yung walang anak sa magkakapatid nila Papa. Siya rin ang pinaka bunso sa kanilang magkakapatid.

"Ah. Opo, tanda ko siya. Palagi siyang kinukwento ni Mama sa akin dahil siya ang tumulong sa pagdala sa akin sa ospital saka siya ang madalas mag alaga sa akin noon. Bago ako mapapunta kay Piper", ngiting-ngiti naman ang pinsan ko ng binanggit ko ang pangalan niya.

"Mabuti na lang at pumayag si Piper. Sa pagkakaalam ko sa pinsan mong ito ayaw niya ng kasama sa bahay", tumawa si Mang Ben sa sinabi ni Tita Ai.

"Oo nga, Ma'am. Tama kayo dyan. Sa totoo nga, bata pa lamang siya ay ako na ang naging pangalawang Ama niya. Mas gusto pa kong kasama ni Piper kaysa sa totoo niyang Ama", pagmamalaking sabi ni Mang Ben.

Sabay-sabay kaming tumayo dahil tapos na kaming kumain. Tumulong si Mang Ben kay Tita Ai mag imis ng pinggan.

"Mang Ben, alam niyo naman na si Papa mas mahal niya pa yata ang trabaho kaysa sa amin", nagpakawala ng malalim na paghinga si Piper. Pero nang nakita ko naman sila sa ospital. Sa tingin ko ay mas malapit siya sa kanyang Ama.

"Kahit na ganon. Eh hindi maipagkakaila na Papa's girl ka", humalakhak si Mang Ben na ngayon ay inaayos ang mga upuan. Hinampas siya ng mahina ng aking pinsan.

Pinanood ko lamang silang magkulitan hanggang sa nagkanya-kanya na kaming gumiyak. Walang sinayang na oras at halos lahat kami ay nagmamadali. Inintay namin ang mga maglilinis ng bahay bago umalis. Binilin na isarado iyon pag natapos na sila.

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa bahay-kubo dahil malapit lang namin iyon. Nag atubili pa si Piper dahil ayaw niyang maglakad. Pero wala din siyang nagawa kaya pumayag na rin siya.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang titigan ang direksyon kung saan ako pumunta kagabi.

Si Dela na kasabay kong maglakad sa hulihan ay napansin ako. Ang tatlong kasama namin sa unahan ay abala din sa pagkwe-kwentuhan.

"Gusto mo bang pumasyal sa gubat, Kuya?", tinitigan ko siya ng ilang minuto saka gumuhit ang ngiti sa aking labi.

"Sige. Pero bukas na lang bago mag tanghali at magpapaalam pa ko kay Inay", masayang sabi ng batang si Dela habang patalon-talon sa paglalakad.

"Meron bang nakatira dyan sa gubat o naliligaw?", bahagya siyang bumagal sa paglalakad.

"Meron pero malayo sila sa atin. Yung iba kasi dating kapitbahay namin pero lumilipat sa may gitna ng gubat. Malimit sila yung mga nag uuling o hindi kaya mangangaso. May naliligaw din naman. Pero nakakabalik din sila dahil sa tulong ng mga mangangahoy", pero nabagabag pa rin ako. Dahil imposibleng may mangangahoy sa ganong oras at baka may makakitang mangangaso sa kanya. Baka mapag akalaan na isa siyang hayop na pagala-gala sa gubat.

"May naglalakbay pa ba sa kagubatan kahit sa kalagitnaan ng gabi?", si Piper na nasa unahan ko ay biglang tumakbo ng makarating kami sa bahay-kubo. Kita ko kung paanong maghabol ng hininga ang aking pinsan. Umupo siya sa upuang iniabot ni Tita Alice.

"Tara, Kuya. Dalian natin", hinigit ako ni Dela ng makitang malayo ang agwat namin kila Piper na nakaupo na. Masyado yatang naging mabagal ang paglalakad naming dalawa.

"Yung sa tanong mo, Kuya. Walang naglalakbay ng ganong oras sa gubat. Maliban na lang kung turista sila. May mga turista na nadayo upang mag camping dito. Maganda kasi mag star gazing sa ibang parte ng gubat", paliwanag niya.

Ibig sabihin baka mataas ang tsansa na camper ang babaeng nakausap ko kagabi at naligaw siya?

Ang babaeng nakasuot ng itim na blusa ay lutang ang kaputian dahil sa kanyang suot. Sinalubong niya ko ng yakap at hinalikan sa pisngi.

"Wala ang mga magulang mo. Busy na naman. Ang Kuya mo susunod", alam niya agad ang gusto kong itanong dahil nakakapagtakang wala dito ang mga magulang ko.

Dahil halos lahat ng kamag-anak namin ay nandito. Sila lang ang wala. Kahit na hindi ko alam kung anong pinag kakaabalahan nila ay iniintindi ko pa rin. Saka mahaba pa ang oras baka humabol sila.

Sa likod ni Tita Alice kita ko kung paanong sinalubong si Piper ng mga magulang niya ng halik at yakap. Tumatango siya sa mga sinasabi sa kanya ng kanyang mga magulang.

Maliban kay Dela ay iwas ang iba kong pinsan sa kanya pero hindi naman iyon pansin ni Piper. Noon pa man ay sanay na siya sa ganitong pakikitungo ng mga ito. Ang tanging pumapansin lamang sa kanya ng madalas ay ako at si Kuya.

Madalas niyang mabanggit iyon sa akin ng inalagaan niya ko. Saka sabi niya rin ay malaki ang utang na loob niya sa amin ni Kuya hindi lang dahil sa kabaitang ginawad namin sa kanya kundi dahil sa pagtanggap namin kung sino siya.

Hindi ko man tanda ang buong kwento kung anong ibig niyang sabihin. Alam kong malaki ang epekto nito sa kanyang pagkatao.