Chereads / (With You) / Chapter 10 - 4.2

Chapter 10 - 4.2

Kusina

Nagmasid ako sandali sa ikalawang palapag kung nasaan ako. Marahil nasa ibaba ang comfort room nila.

Ilang hakbang at pumunta ako sa kwarto ni Piper. Nakabukas ng bahagya ang kwarto niya. Pumasok ako at inayos ang kanyang kumot bago ako umalis. Mukhang napagod siya sa maghapon. Sa pagkakaalam ko ay umattend siya ng acting working shop kaninang umaga hanggang tanghali saka niya ko pinuntahan sa may lawa.

Tuluyan na kong bumaba mula sa ikalawang palapag. Ang ilaw lamang ay purong mga lampara.

May mga kaluskos akong narinig. Tumigil ako sa paglalakad at tumigil din ang kaluskos. Nagpatuloy muli ako at ganoon na naman.

Hinaplos ko ang aking sentido. Ano kayang nangyari sa akin bago ako nagkaganito?

May tawanan akong narinig mula sa kusina. Baka may iba pa naming pinsan iyon pero sa pagkakaalam ko kami lang ni Paige ang nakarating ngayong araw. Dahil bukas pa hahabol ang iba.

Tumago ako sa pader papasok ng kusina dahil isang babaeng ang nandun habang natawa. Ang tawa niya ay palakas ng palakas hanggang sa maging iyak iyon. Iyak na nakakabingi sa tenga.

Pumikit ako sandali at nawala siya.

"Wyn", nagulat ako kay Mang Ben na nasa likod ko dahil sa pagtapik niya sa aking balikat.

"Bakit gising ka pa?", tanong nito habang kinukusot ang mata.

"Magbabanyo lang sana", sabi ko. Tinuro niya naman ang banyo. Katabi iyon ng kusina sa may bandang kanan.

Ilang minuto nang natapos ako.

May natambak na plato doon. Baka nalimutan ng kung sinong kumain na maghugas ng pinggan kaya't ako nalamang ang gumawa. Matapos hugasan ay tinuyo ko na iyon. Habang tinutuyo ang kutsara gamit ang isang maliit na pampunas ay nalaglag iyon sa kamay ko.

Pinulot iyon ng isang babae. Ang kamay niya ay kinakain na ng insekto. Amoy ko ang pag aagnas nito.

Kumurap ako ng ilang ulit ngunit ganon pa rin ang kamay niya. Unti-unting sumisilay ang mukha niya sa akin hanggang sa...

Nangingig ang kamay ko...

Bakit walang siyang mukha?

Sa pagtitigin ko sa kanya ay unti-unti itong nagkaroon ng kilay, mata, ilong at bibig.

Naramdaman ko na lamang ang pagsakit ng ulo ko at ang huli kong naalala ay ang ngiti niya na halos ikapunit ng kanyang mukha bago ako tuluyang nawalan ng malay.