Chereads / (With You) / Chapter 11 - 5.1

Chapter 11 - 5.1

Gubat

Tumayo ako kung saan nawalan ako ng malay. Napahawak ako sa aking sentido dahil sa kaunting pagsakit nito. Luminga-linga ako sa paligid.

Wala na yung babae na nakangiti sa akin bago ako nawalan ng malay.

Nakarinig ako ng lagabag ng paa Si Piper ay humahangos kasama si Dela. Kita ang pag aalala sa kanyang mga mata. Ang batang si Dela ay kumuha ng mainit na tubig galing sa thermos at nilagay iyon sa maliit na palanggana. Habang si Piper naman ay pabalik-balik sa paglalakad habang kagat-kagat ang kanyang mga kuko.

"Anong nangyayari?", tanong ko sa kanila pero imbis na sagutin nila ko ay patakbo silang naglakad. Sinundan ko sila hanggang sa dulo ng hagdanan.

"Piper! Dela!", tawag ko sa kanilang dalawa ngunit para bang wala ako sa paningin nila.

O talagang urgent ang ginagawa nila sa itaas?

Kita ko si Mang Ben mula sa kinatatayuan ko na humahangos din galing sa kanyang kwarto.

"Mang Ben! Ang pinsan ko!", ungut ni Piper sa matandang lalaki na nagkukusot ng mapungay niyang mga mata.

Hahakbang na sana ako paitaas upang tignan kung anong nangyari ngunit napukaw ng atensyon ko ang marahang pagbukas ng pintuan. Lumapit ako upang maisara iyon ngunit ang babaeng nakita ko kanina, sa may bahay kung saan nakaburol ang aking pinsan ay napansin ko.

Nakasuot siya ng bestidang kulay dilaw na punit-punit. Tumakbo siya paloob ng gubat ng makita niyang nakatingin ako sa kanya.

Ang mga paa ko ay nagkusang sinundan siya. Dis oras na ng gabi bakit nasa labas pa rin siya?

Dahan-dahan akong naglakad sa may kagubatan. Ang tanging nagbibigay ilaw sa madilim kong dinadaanan ay ang buwan. Kinilabutan ako sa huni ng mga uwak mula sa punong nilampasan ko.

Ang simoy ng hangin ay mas lalong lumalamig. Yakap ko ang parehas kong braso. Naramdaman ko ang bahagyang pagtusok ng mga nagkalat na bato at sanga ng kahoy sa aking dinadaanan. Nakalimutan ko palang magtsinelas.

Nakarinig ako ng iyak at pagtawa ng isang babae. Unti-unti akong lumapit. Siya iyon. Nakaupo sa malaking bato malapit sa sapa.

"Miss", tawag ko sa kanya na may halong pag iingat. Baka tumakbo na naman siya at matakot.

Tumingin siya sa akin. Tinitigan ko siya ng sandali. Mahaba ang kanyang itim na buhok na sumasabay sa bawat pag ihip ng hangin. Ang itim niyang mga mata ay may takot na makikita. Ang balat niya ay porselana ngunit namumutla iyon.

Bahagya pa kong lumapit sa kanya kaya't tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Doon ko nakita ang mga paa niyang wala din sapin na kahit na ano.

"Huwag kang matakot sa akin. Tutulungan kita", hindi siya umimik ngunit bahagya siyang umatras.

"Huwag kang aalis. Bumalik ka ulit sa kinauupuan mo", ang mga mata niyang nakatitig sa akin ay sadyang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Hindi iyon kaba kundi parang kinikiliti ang tiyan ko.

Isa rin yata ito sa epekto ng nangyari sa akin na aksidente.

"Subukan mong lumapit!", kumuha siya ng maliliit na bato at akmang babatuhin ako.

"Teka. Gusto kitang tulungan. Wala kong intensyon na masama", unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga bato hanggang sa kusang nalaglag iyon.

Ngumiti ako sa kanya ng nakaramdam akong sa wakas ay kahit papaano nakuha ko na ang kaunting tiwala niya.

Bumalik siya sa batong inuupuan niya kanina at inayos ang kanyang bestida.

"Pwedeng umupo sa tabi mo?", hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa pero may kung anong bahagi sa puso ko na nag uutos nito.

Kung tutuusin ay dapat pinabayaan ko na siya. Ni hindi kami magkakilala. Pero marahil babae siya at dis oras na ng gabi kaya siguro nakaramdam ako ng awa sa kanya. Masyadong mapanganib ng gantong oras.

Hindi ko na inintay ang sagot niya. Umupo ako sa tabi niya ngunit pinanatili ko ang espasyo upang hindi siya mabigla.