Nasa labas ako ng bahay at hinihintay magsalita ang nasa harapan ko. Malamig ang tingin ko sa kanya.Â
"Aanhin ko yung katotohanan kung ang kalalabasan ay kapamahakan?" Tanong ko sa kanya.
Minsan napaisip akong mas maganda atang maglaho na lang para wala nang may madamay sa mga away na ako ang dahilan. Hindi ko rin naman alam kung ano ang mga pagkakamali ko na lagi na lang ako ang hinahanap at gustong patayin?
Ilang beses na rin kami naglipat lugar para lang maiwasan ang mga peligro para sa pamilya namin pero sadyang malas ata ng tadhana. Dahil sa lahat ng lugar na pinuntahan namin, nakasunod pa rin ang kamalasan.
"Jana, wala kang alam pero alam ko!" Sigaw niya sa akin.
Ang sakit pa lang magmahal ng mortal kasi nasa kanya ang lahat nanggaling ang mga kamalasan sa buhay! At ang mas masakit ay gusto niya akong patayin patalikod!
"Alam mo pero bakit hindi mo sinabi sa akin? At ngayong wala na tayo, nagsinungaling ka pa!" Tumulo na ang luha ko sa mga kasinungalingang tinago niya sa akin.
"Jana please... I'm sorry! Kasalanan ko ang lahat!"
"Bakit mo 'to nagawa sa akin ha?! Minahal kita pero ano?! Pinaglaruan mo lang ang nararamdaman ko! At ngayon nasa peligro ang buhay ng kapatid ko!" Sigaw ko. Napaluhod na siya. "Ang sakit... hindi ko na kaya! Kaya pala kung saan kami magpunta minamalas kami. Ikaw ang may pakana ng lahat!" Sigaw ko pa sa kanya.
"Umalis ka na! At huwag na huwag ka nang magpakita pa!"
Pumasok na ako sa loob ng bahay at padabog sinarado ang pinto. Ang sakit ng dibdib ko! Gusto kong ipasabog!
'Punta ka dito sa bahay... please...' text ko kay Miggy. Siya na lang ang gusto kong makita.
"Hindi na kailangan pa, nandito na ako." May sumabat sa harap ko... at nandito nga siya.
Tumakbo ako sa kanya at yumakap... umakyat kami sa kwarto ko at pinatahan ako... hanggang sa makatulog akong yakap siya...