Miguel's POV
Matapos kong kausapin ang doktor na tumingin kay Jana ay bumalik na ako sa tabi niya. Sinugod ko siya dito sa ospital kahapon dahil ang taas ng lagnat niya. Mahimbing ang pagtulog niya at hindi pa siya nagigising. Sabi ng doktor stress lang siya o kaya naman ay pagod.
Hindi ko naman gustong abalahin sila Jason at Margarette dahil umuwi na sila kahapon.
"Ugh..." biglang ungol niya.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Jana," tawag ko. "Wake up."
Biglang may pumasok sa isipan ko. Napabitaw ako sa kanya at aalis na sana...
"Huwag mo 'kong iwan." Sabi niya sabay hila sa damit ko.
Kung hindi dahil sa sinabi ng lalaking 'yon hindi ako aalis dito. Pero takot akong masaktan siya! Binilin siya sa akin ni Jason. Mahal ko siya pero mas gusto kong ligtas siya.
"I'm sorry Jana," kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa damit ko. "Mas gugustuhin kong ligtas ka kesa sa mapahamak ka pa dahil sa akin." Lumabas na ako. Narinig ko pa ang pagsigaw niya. Biglang uminit ang mga sulok ng mata ko. Nakapag-desisyon na ako, lumayo muna ako habang dito pa siya.
Tinawagan ko si Hannah at sinabing siya na muna ang magbantay kay Jana. Buti nalang at pumayag. Siya lang naman kasi ang mapagkakatiwalaan at lagi silang magkasama.
Naalala ko naman ang sinabi ng lalaking 'yon kahapon. Kinuyom ko ang kamao ko. Gusto kong manuntok!
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng kwarto.
"Princess is here and I'm also here. Is that sounds good?" Ngumisi siya.
"Anong kailangan mo sa kanya?" Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.
"Well, gusto ko lang naman siyang angkinin para maging akin, at ikaw, papatayin ko para makuha ko siya sa'yo."
"What if I don't let you?"
"Easy, she'll die... with both of our hands." Sabi niya at umalis.
"Tignan lang natin kung makukuha mo siya sa akin."
"You'll see." Sabi niya at umalis.
Kilala ko siya. Ang ama niya lang naman ang may koneksyon sa ibang council na pumapatay sa mga bampira. Pero batid kong wala siyang balak sabihin kay Jana iyon kung mapalapit ang loob nila sa isa't isa. Kailangan ko siyang mapigilan bago mahuli ang lahat!
Alam kong nahihirapan na rin si Jana sa sitwasyon niya ngayon. Kailangan ko siyang tulangan at protektahan!
--
Jana's POV
Ang sakit ng mga mata ko! Ilang oras na rin akong gising at ilang oras na rin akong umiiyak! Kanina pa ako pinapatahan ni Hannah!
"Hay naku. Pag-ibig nga naman..." buntong hininga niya.
"Kasi naman eh! Kaka-gising ko lang kanina tapos biglang nagbago ang mood niya! Name-menopouse ba siya?!" Daing ko at humangos.
Ngayon lang ako umiyak sa lalaki.
"Tama na nga 'yan! O kumain kana muna ng prutas. Kahapon kapa ata natutulog." Sabi niya at inabutan ako. Kumuha naman ako ng mansanas.
"Grabe ka," sabi ko nalang. "Ahh, bakit ka napunta dito?" Tanong ko at kumain. Pinahid ko ang luha sa mata ko.
Ngumiti siya. "Tinawagan ako ni Miggy." Sagot niya.
Miggy. Pambihira ka! Ikaw lang ang nagpaiyak sa akin ng ganito!
Humikab ako. Parang napagod ulit ako sa kakaiyak. Humiga ako at tinignan siya.
"Thank you sa pagpunta. Pasesnsya na inabala ka pa niya." Sabi ko.
Ngumiti siya. "Ayos lang 'yon. Wala ka kasing kasama dito kaya ako nalang."
"Sigurado ka? Wala ka bang gagawin sa dorm?" Tanong ko.
"Wala naman, saktong tumawag si Miggy tapos na akong gumawa ng assignments."
Speaking of assignments...
"Hindi ba ako hinanap sa klase?" Tanong ko. Stupid.
"Syempre tinanong... ako. Puro sila nanghihingi ng update about you."
"Sorry talaga Hannah, babawi ako."
"Naku, huwag mo nang isipin 'yon. We're friends, right?"
"Thank you ah."
Nahiya naman ako bigla kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa tumalikod ako kay Hannah at tuluyan na akong hinila ng antok.
"Oh andito ka na pala."
"Kamusta siya?" Boses ni Miggy. Gusto ko sanang tumagilid pero nagpigil ako.
"Ayos naman," sagot ni Hannah. "Umiiyak pagdating ko."
"Hannah, ikaw na muna ang bahala sa kanya. Uuwi lang muna ako sa amin."
"Sure. No problem."
Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Pumikit nalang ulit ako.
Tumulo na naman ang luha ko. Hay. Bakit ako nagkaka-ganito sa kanya?
--
The alarm on my phone beeped and I shut it off and get up.
"Crap, kailangan ko pala pumunta sa office ngayon!" Nasabi ko at pumasok sa banyo.
3 week na rin akong absent at nagpapahinga lang sa kwarto ko. Alam naman ng lahat na nagkasakit ako. Pero bihira lang talaga sa mga bampira na magka-tigdas. Oo, nagka-tigdas pa ko noong gabing bumalik si Miggy sa hospital ward ko. Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng pangangati.
Ngayon, maayos na ako at parang walang nangyaring tigdas sa balat ko. Papunta na rin ako sa school para kunin ang grade ko. Sabay pa kami ni Hannah pumasok.
"How are you feeling?" Tanong niya.
"I'm alright. Parang walang sakit na dumaan sa akin." Sagot ko. Natawa naman siya.
"Congrats, Princess. Mataas ang grades mo ngayon." Ani Sir.
"Thank you, Sir." Sabi ko at tumingin kay Hannah. "Woy, okay ka lang?"
"Ah... oo naman. Tara na."
"Patingin nga ng grades mo?" Pero iniwas niya iyon.
"Huwag na, nakakahiya."
Okay, hindi siya mapilit kaya hinayaan ko nalang.
--
Kinabukasan, nasa harap ulit kami ng practice field. Balik practice na rin ako kahit sinabihan nila akong huwag daw muna baka mabinat ako.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nagpapakita si Miggy. Ewan ko ba kung bakit naging ganun nalang siya nang magising ako sa ospital. Ang sabi naman ni Jarvin, madalas nakakausap naman silang dalawa. Pero sa akin, bakit iniiwasan niya ako?
Tinatawagn ko siya pero hindi niya sinasagot. May tinatago ba siyang sekreto na hindi niya gusto kong malaman?
"Here," Hannah said. "Let me help." Napatingin ako sa kanya.
"Got it, thanks."
"May problema ba?"
Bumuntong hininga ako. "Wala ka bang balita kay Miggy?"
Umiling siya. "Wala eh, bakit? Hindi ba siya nagtetext o tumawag?"
Umiling ako bilang sagot.
"Wala ba siyang sinabi nang pumunta siya ulit at tulog ako sa ospital?" Tanong ko.
"Wala, ni hindi nga siya naglagi at wala naman siyang importanteng sinabi." Sagot niya at hinagis ang stake sa harap.
Napalalim ng hinga nalang ulit ako. Wala na akong magagawa, parang iniiwasan nga niya ako. Pero bakit?
Nag-focus na rin lang ako sa stake na hawak ko at hinagis rin sa target na kahoy. Iba't ibang moves pa ang itinuro niya sa akin at sa wakas ay natapos na rin ang araw sa mainit na gym.
Uminom ako ng tubig at niligpit ang mga gamit ko sa locker. Nagpalit na rin ako ng damit dahil sa pawis.
"Tara na sa mall." Biglang aya ni Hannah.
"Okay, tara na." Sabi ko naman at naunang naglakad palabas sa gym.
It's already 4:45 in the afternoon.
"Grabe, ang init pa rin!" Sabi ni Hannah.
"Oo nga. Buti na lang hindi tayo nasusunog sa araw. Hahaha!" Biro ko.
"Haha hala siya, 'wag ka ngang mag-isip ng ganyan."
Nag peace sign nalang ako at tumawa hanggang sa makarating kami sa mall. Dito na rin ang ibang estudyante. Mapa bampira man o normal na tao.
"Doon muna tayo, Jana." Hinila niya ako papuntang fountain. Nilabas niya ang phone niya at nag-type ng text.
"May hinihintay ka ba?" Tanong ko.
"Ah, oo eh. 'Yong pinsan ko papunta na raw dito." Sagot niya.
Napatango nalang ako. "Ganun ba?"
"Oh, andyan na pala siya eh." Sabi niya, napatingin naman ako sa tinuturo niya.
Wait, parang kilala ko siya. Siya ang humarang sa akin noon! "Ken?" Biglang sabi ko.
Napakunot noo namang tumingin si Hannah sa akin. "Kilala mo ang pinsan ko, Princess?" Sabi niya at saktong nasa harap ko na siya.
"We meet again, Princess." Sabi niya at inakbayan si Hannah. "Buti naman sinabi mong nandito kayo at kasama mo siya?" Turo niya sa akin. Hinampas ko naman ang kamay niya. "Don't worry, Princess. I just want you to be my friend."
All of people, bakit siya pa?
"Well," panimula ko at lumunok. "Mapili ako sa mga nagiging kaibigan ko, at feel kong wala ka do'n sa listahan ko." Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.
"Oh, really?" Ngisi niya.
"Opps, tama na 'yan." Sabi ni Hannah at pumagitna. Naramdaman niya ata ang tensyon sa aming dalawa. Lakas ng hangin sa katawan naman kasi ng lalaking 'to. "Tara na, baka magkasabunutan pa kayo."
Ako na ang nanghila kay Hannah palayo pero sumunod siya.
"Hannah, all of people, bakit siya pa ang naging pinsan mo? Ang lakas ng hangin sa katawan!" Bulong ko sa kanya, natawa naman siya.
"Ano ka ba, mabait 'yan si Ken," bulong niya baka marinig kami. "Teka, ba't mo siya kilala?"
"Siya lang naman ang nangharang sa akin sa labas noong unang araw ko palang dito." Naiinis kong sabi.
"Hahaha! Ano ka ba, okay lang 'yan. Baka pagsanay ka na sa pagmumukha niyan, hanap-hanapin mo na."
Bumitaw ako. "Hindi mangyayari 'yon 'no!" Mas natawa pa siya nang may brasong kumapit sa akin.
"Weh? Sigurado ka? Baka mamimiss mo na ako sa susunod." Kinagat ko nga. "Aray!"
"Ikaw naman, tigilan mo nga ako. Umasa kang maging kaibigan ko pero hindi mangyayari 'yon!" Sigaw ko sa kanya at tinakpan ko naman ang bibig ko, nakakahiya! Lahat ng dumadaan sa amin nakatingin.
Napakapit ulit ako kay Hannah. "Shocks, nakakahiya!"
"Haha. 'Yan kasi eh. Bakit 'di mo nalang tanggapin ang alok ni Ken? Mapoprotektahan ka pa niya." Sabi niya. Naglakad na ulit kami, nakatungo lang ako at tinago ko ang mukha ko ng buhok ko dahil sa kahihiyang nangyari.
"Bakit mo naman nasabi 'yan?" Tanong ko.
"Tumayo ka ngang maayos! Ang bigat mo eh."
"Sorry."
"Well, ang sagot sa tanong mo'y siya. Siya ang kausapin mo."
"Hannah naman. Sinabi ko na ngang ayaw ko siyang maging kaibigan."
"Haha. Bahala ka," nilingon niya si Ken. "Wala na siya." Mabuti naman.
"Jana..." may ma-otoridad na boses ang tumawag sa pangalan ko. Napahinto kami sa paglalakad.
"Omg! Si Lennard!" Bulong ni Hannah. Ngayon ko lang siya nakita kaya hindi ko alam na siya pala itong nasa harap namin!
Kinabahan na ako. "Takbo!" Sabi ko kay Hannah pero huli na... may mga lalaking nakapalibot na sa amin!
"Anong kailangan niyo?" Tanong ni Hannah. Shocks! Nawala sa isip ko na ako pala ang hinahanap niya. Pinalikod ko si Hannah sa akin. Nakatingin ang lahat ng mga taong nasa paligid na para bang may pelikula na nagsho-shooting sa lagay namin!
"Anong kailangan niyo?" Tanong ko.
"Hindi namin kayo sasaktan kapag sumama ka, Princess."
Napalunok ako. Waaaaah! Nakakatakot palang makausap 'tong si Lennard! Parang sasabog na ang puso ko sa kaba!
"At hinding hindi mangyayaring sasama ako sa inyo!" Sagot ko sa kanya. Napangisi naman ang iba niyang kasamahan.
"Are you sure? Bakit? May magliligtas ba sayo dito ngayon?"
Bumulong si Hannah. "Gawin kaya natin 'yong invisibility trick sa klase ni Sir?" Mahina niyang sabi. Napangiwi akong tumingin sa kanya at umiling. Imposible. Hindi ko pa alam 'yon! "Eh ano ang gagawin natin?"
Napaisip ako... pero bago pa ako makamulat ng mata ay rinig kong nagkakagulo na!
Nasa gitna lang kaming dalawa sa mga nakaitim at nag-aaway!
Napaiwas kami nang may kasamahan si Lennard na napatumba sa harap namin.
"OMG! HINDI NA TALAGA AKO PUPUNTA DITO!" Sigaw ni Hannah.
Kinuha ko ang stake sa bag ko at hinagis 'yon sa mga masasama! Pero napatakip ako ng bibig at ilong nang may usok kaming nalanghap. At bago pa man kami mawalan ng malay, nakita ko na kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
"Miguel..."
--
Nagising akong nasa ospital... na naman.
Nasa kabilang kama si Hannah, katulad ko, may dextrose na nakakabit sa kanya at inhaler.
Napatingin naman ako sa kabila, may nakatungong lalaki at hinahawakan ang kamay ko kaya ginalaw ko 'yon. Nagising naman siya.
"Jana, are you okay?"
Tumango ako pero sumakit ang ulo ko kaya napapikit ako.
"Ang sabi ng doktor nakakalasong usok ang nalanghap niyo."
"Miggy, anong nangyari? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Tanong ko at naramdaman kong tumulo na naman ang luha ko. Pinahid niya iyon.
"I'm sorry for leaving you," kitang kita ko sa mata niya ang pag-aalala. "Nang magpunta ako sa school kahapon, ang sabi ng guard umalis ka. Kaya hinanap kita sa kung saan. Narinig ko nalang na may kagulu--" I cut him.
"No, hindi iyon ang gusto kong marinig." Hikbi ko.
"Eh ano?"
Dahan-dahan akong umupo at tinignan siya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at inabot ang labi niya. Dinampi ko lang at hindi ko ginalaw ang labi ko.
Napa-atras siya. "Para saan 'yon?"
"Hindi mo pa ba naiintindihan? Mahal kita!" Sigaw ko.
Lumaki naman ang mata niya sa sinabi ko at ngumisi. Naramdaman kong namumula na ang mukha ko. Napaiwas ako nang tingin at nahiga at nagtalukbong ng kumot.
"Come on, Princess." Pilit niyang kinukuha ang kumot sa ulo ko.
"Ahemm!" Ubo sa kabila. "Kayo ha, may namamagitan na pala sa inyo pero hindi niyo sinabi sa akin. Hay life." Rinig kong sabi ni Hannah.
"Hahaha! Sorry," tawa ni Miggy. "Pag hindi mo 'to binaba... gagamit ako ng dahas." Sabi niya.
Napaupo ako ng wala sa oras kaya nauntog ang ulo ko sa baba niya!
"Aray!"
"Sabi na eh." Hinimas niya ang ulo ko at napatingin siya sa akin...not totally in my eyes but in my lips.
Slowly, he gently kissed my lips. Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko sa ginawa niya. I was feeling good sa ginagawa niyang paghalik sa akin. Umungol siya na para bang sinasabing sundan ko ang paghalik niya.
"What the?!"
Napahinto kami at tinignan kung sino man ang dumating. Napalunok ako ng makita kong sina Mama at Papa sa may pinto.
Uh-oh. "I can explain." Sabi naman ni Miggy.
Napakapit ako sa damit niya. Ang lalim ng tingin sa akin ni Papa. Si Mama naman ay kalmado lang.
Napaiwas ako ng tingin sa mga magulang ko... at nagulat nalang akong may nahulog na bagay sa kabila.
"Hehe, sorry po. Naabala ko ang pagseseryoso niyo." Sabi niya.
Just in time, Hannah. You just saved my life again.
--
© xiarls