Miggy's POV
Hindi na kami bumalik sa dorm. Dinala ko na siya agad sa lugar kung saan ako lang din ang nakakaalam. Hindi man tama itong ginawa namin pero dahil sa ngalan ng pag-ibig, hindi namin mapigilan ang magpakalayo.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya. Hinawakan ko ang kamay niya habang nagmamaneho ng sasakyan.
"Basta," hinalikan ko ang kamay niya. "Matulog ka muna. Malayo pa tayo."
"Hmm," pumikit siya. "Miggy, bakit feeling ko parang mali 'tong ginagawa natin?"
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at sa manibela. "Siguro, tama ka. Pero uuwi naman tayo agad." Sagot ko.
"Sure ka?"
Tumango na lang ako. Malapit na mag-umaga pero nasa byahe pa rin kami.
"Sleep now, Jana."
--
Exactly 7:30 AM na nang makarating kami sa bahay. Pitong lungsod mula sa vampire village.
Yes, dating bahay namin 300 years ago. Walang nakatira dito kaya puro ma-alikabok ang mga gamit.
"Mukha yatang kailangan muna nating maglinis." Sabi ni Jana sa likod ko at yumakap.
"Ako ang nagplanong pumunta dito kaya ako na ang maglinis. Baka sipunin kapa." Sabi ko pero umiling siya.
"Hindi naman ata pwede 'yon. Syempre tutulungan kita para ikaw sisipunin din at pareho tayong mapagod." Maloko 'tong babaeng 'to. Kung hindi ko lang mahal...
"Anong sabi mo?"
"Ha?"
"Naririnig kita sa isip mo." Napangisi siya habang ako ito lumaki ang mata sa sinabi niya.
"Paanong... akala ko hindi mo kayang magbasa ng isip?" sabi ko.
"Duh, I know. Just now I think?"
"Sabi mo 'yan. Oh, tara na maglinis."
"Pwede ba munang mag-almusal muna? Nagugutom na ko."
"Okay," hinawakan ko ang kamay niya at lumabas kami ng bahay papuntang bayan.
"Wala man lang may nagbantay sa bahay niyo?" tanong niya. Naglalakad lang kami para masulit ang oras.
"Meron pero matagal na rin patay." Sagot ko.
Napahinto siya sa paglalakad kaya nilingon ko siya. Nakatingin lang siya sa akin.
"May problema ba?"
Tinanguan niya ang daan. Tinignan ko naman 'yon. Right on time. May mga masamang bampira sa unahan namin. Bakit naman sila nandito?
"Huwag kang magpahalata." Sabi ko sa kanya at hinila siya papunta sa kabilang daan.
Nakalagpas kami sa kanila pero ramdam kong may sumusunod sa amin. Napatigil ako sa paglalakad kaya tumingin si Jana sa akin.
"Pagbilang ko ng tatlo, tumakbo ka." Napakunot noo naman siya.
"Isa."
"Bakit?"
"Dalawa."
"Teka, pa'no ka?"
"Huwag mo akong isipin. Tumakbo ka na. Tatlo!"
Binitawan ko siya kaya tumakbo siya sa kung saan man kaya hinarap ko ang tatlong sumusunod sa amin kanina pa.
"Anong kailangan niyo?"
Ngumisi lang sila. Hindi ko inaasahan ang araw na 'to. Naghahanap lang kami ng makakainan pero parang mapapasabak pa ako sa away.
Akmang susuntukin na sana ako ng isa kaya lang nakaiwas ako. Sinubukan rin ng isa pero wala din nangyari. Tumingin ako sa isa pero ngumisi lang din at dumura ng laway.
Sige, kung gusto nila ng gulo, edi ibibigay ko. Huwag lang nilang makuha at saktan si Jana.
Pinatunog ko ang leeg ko. Nakaramdam naman ata ang mga tao na may mangyayaring gulo kaya lang hindi ko na lang sila pinansin. Niyaya ko na lang ang tatlo na sa kakahuyan kami maglaban.
Jana, kung saan ka man napunta sa kakatakbo mo kanina, sana maayos ka. Babalikan kita.
Sinimulan na nila akong sugurin. Ang panlaban ko? Wala! Dumampot na lang ako ng kahoy para maiwasan sila. Iwas dito, sugod doon. Tatlo sila, isa lang ako.
Pero napatigil kami nang may dumating. Hindi ko kilala pero parang namumukhaan ko.
Tinulungan niya ako para mapatay ang tatlo. Hindi ako nakagalaw nang siya ang sumugod at binutas ang puso ng mga ito.
"Sino ka?" Tanong ko.
"Ace, isa sa mga vampire hunter sa lugar na 'to." Pakilala niya, tumango na lang ako. "Alam kong bampira ka, pero hindi namin ginagalaw ang mga katulad niyo."
Inintindi kong maigi ang sinabi niya. At pumasok na nga sa isip ko ang sagot. Napatingin ulit ako sa kaniya at tumaas ang kilay ko dahil masyadong seryoso ang pagtingin niya.
"Sina Lennard ang gusto namin patayin." Ngumisi siya. "At hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang Prinsesa."
Jana.
Umalis na lang ako sa lugar na 'yon at hinanap siya. Bumalik ako sa bayan at nakita ko nga siya sa hagdan paakyat ng simbahan.
Nilapitan ko siya at niyakap. Dinig ko ang malakas na pagtibok ng puso niya. Nanginginig at humihikbi.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko. Humigpit ang kapit niya sa akin. Umiling siya bilang sagot sa tanong ko. Nakatayo lang kami at hinayaan siyang umiyak.
Nang mahimasmasan siya, tinanong ko siya ulit. Pinunasan ko ang pisngi niya gamit ang thumb ko.
"I'm okay. Salamat sa mga tumulong sa akin. 'Di ko man sila kilala. I'm thankful that they help me." Ngumiti siya pero gano'n
"So, you're saying that marami silang humabol sa 'yo?"
Tumango siya, "I think it's the end. Pero sobrang nagpapasalamat ako sa kanila dahil tinulungan nila ako."
"Sino sila?"
Tinanguan niya ang kabilang kalsada. Nando'n ang mga tumulong sa kaniya, pati na rin si Ace.
Hinawakan ko ang kamay niya at pumunta sa kanila.
"Salamat sa tulong niyo." Sabi ko.
"Wala 'yon. Ginagawa lang namin ang misyon namin." Sabat ng isa. Higit sampu silang nasa harapan namin. Tinignan ko si Ace na nakatingin kay Jana.
"Siya na ba ang Prinsesa?" Tanong niya.
Hinigpitan ni Jana ang paghawak sa kamay ko. Tumango na lang ako.
"Sumama kami sa amin." Sabi ng isa. "Ako nga pala si Raven." Pakilala niya at inabot ang kamay para makipag-shake hands. Tinanggap ko naman 'yon at may mga imaheng pumasok sa ulo ko nang hawakan ko ang kamay niya. Napabitaw ako agad. Hindi ko maintindihan ang nakita ko. Parang may mangyayaring panganib.
Sumunod kami sa kanila at hindi ko na inisip ang nakita ko. Pinasakay nila kami sa sasakyan. Kasama namin sina Ace at Raven.
"Saan niyo kami dadalhin?" Tanong ni Jana.
"Makikita niyo kapag nakarating na tayo." Sagot ni Ace.
Teka, parang may mali. Pero hindi ko alam kung ano 'yon.
Kinausap nila kami. Nagtanong ng kung ano. Syempre sinagot naman namin sila.
"Nandito na tayo." Nahinto ang sasakyan sa isang malaking mansyon.
Pinapasok kami at sa hindi malamang dahilan, parang nahilo kami pareho ni Jana ng maamoy namin ang mabahong herbal na hindi matanggap langhapin ng mga bampira. Dagdagan pa na hindi pa kami nakakain ng almusal.
"Sorry but we have to do this." Sabi ni Raven at parang may sinaksak siya sa leeg ko. Nakaramdam ako ng paghilo.
"Jana..." huli kong nasabi at nawalan na ako ng malay.
--
Nakaramdam pa rin ako ng pagkahilo. Nagmulat ako ng mata at nilibot ko ang paningin ko sa madilim na kwarto. Puro mga sirang gamit ang nakikita ko.
Tumayo ako pero napaupo din ng maramdaman kong nakagapos ang kamay at paa ko.
Nasaan ba talaga kami? Sino ba talaga ang mga nakausap namin? Ano ang balak nila sa akin at kay Jana?
☆
Jana's POV
Nagising ako sa sakit ng ulo at pangangalay ng batok ko. Nilibot ko ang paningin ko kahit hindi ko masyadong maaninag ang lugar. At nang makita ko na ang lahat, nasa isang bodega ako.
"Gising ka na pala," nagulat ako sa nagsalita.
"Sino 'yan?" Sigaw ko. Kinakabahan ako dahil nga sa nangyari kanina. Parang hindi pa rin nawawala ang trauma ko sa kahit na anong bagay na kinapapahamak ko.
"Nandito ako Jana," boses ni Ken? Lumingon pa ko sa kung saang sulok ng kwarto. Lumapit siya sa akin at ngumisi.
Tinignan ko siya ng masama. Ramdam ko rin ang pag-iba ng mata at paglabas ng pangil ko. Nagugutom na ako at gusto ko siyang saktan pero nakagapos ang paa't kamay ko. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil na rin sa usok na bumabalot sa kwartong 'to. Nakakahilo!
"Anong kailangan mo?" Sigaw ko. "Nasaan si Miggy? Anong gagawin mo sa akin?"
Napatawa siya sa tanong ko. Fck. Kung kailan gusto naming lumayo para makapagpahinga, lumapit naman ang malas.
"Tsk, tsk, tsk." Umupo siya para makapantay ako. "Kung ginawa mo lang sanang makipagkaibigan sa akin, hindi ganito ang aabutin niyo. Pero masyado palang matigas ang ulo ng prinsesa ng mga bampira." Napatawa na naman siya.
Prinsesa. Kahit ayaw kong pakinggan at hindi ko pa rin alam kung bakit ako naging prinsesa, parang kamalasan nga ang aabutin ko.
"Come on, Jana. Okay lang naman makipagkaibigan 'di ba?"
Hindi. Hindi okay!
Napapikit ako ng hawakan niya ang pisngi ko. Nandidiri ako sa mga ginagawa niya. Gusto kong pumalag pero hindi ko magawa. Kaya ginawa ko ang hindi kanais-nais gawin para sa mga babae. Inuntog ko ang ulo ko sa noo niya!
Napalayo siya't ngumisi ulit. Lumapit at sinabunot ako. Fck.
"Ito ang tandaan mo. Hindi kayo makakaalis dito hangga't walang dumarating na tutulungan kayo! O kahit man lang pumayag ka lang na makipagkaibigan sa akin papakawalan kita!" Sigaw niya at binitawan ang buhok ko!
Umiyak na ko hindi dahil sa sakit kundi sa alam kong walang tutulong sa amin! Ang lugar na 'to ay ang tahanan ng mga mamamatay bampira! Akala ko lugar 'to ni Miggy na tahimik. Tahimik nga. Pero kapag may mga bampirang bibisita dito, ganito na ang mangyayari? Ikukulong at papahirapan?
Pero bakit? Nagsinungaling ba siya sa akin para pati ako makulong dito? Para makuha niya rin ang gusto niya sa akin? Bakit naman niya gagawin iyon? Mahal niya ako, 'di ba? Baka hindi naman. O sadyang matagal na rin siyang wala dito kaya pati siya walang kaalam-alam na may mga hunter na dito.
Paksyet naman! Ang sakit ng ulo ko sa kakaisip, kakaiyak at isama na rin na gutom na ako!
Hinayaan ko na lang na tumulo ang luha ko hanggang sa tumigil at mamaga ang ilalim ng mata ko. Ano pa bang aasahan ko? Ni walang din mangyayari kahit magsisigaw ako dito. Sana kahit ngayon lang... sana nandito sa tabi ko si Miggy.
Bumukas ang pinto. Nagliwanag ang mukha ko nang makalanghap ako ng pagkain. Si Raven ang pumasok.
"Kumain ka muna," sabi niya at nilapag ang tray sa sahig. Tinignan ko lang siya pati ang paa kong nakagapos. "Oh." Kinuha niya naman ang posas sa kamay ko. Napalunok ako nang tinignan ko kung ano ang nakahandang pagkain.
No, Jana. Tiisin mo muna.
"Saan si Miggy?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napangisi siya.
"Sa kabilang kwarto. Bakit? Namimiss mo na ba?" Maloko niyang tanong. "Kumain ka na't may pupuntahan tayo." Sabi niya at lumabas.
Nagawa ko na ring galawin ang pagkain. At sa sobrang nagutom na nga ako, naubos ko.
Nagmadali ko namang kinuha ang tinidor at sinaksak sa susian ng posas sa paa ko at bumukas iyon.
Kung walang tutulong sa amin para tumakas, pwes ako ang gagawa ng paraan kahit delikado!
Binuksan ko ang pinto at sumilip sa magkabilang bahagi ng lugar. Saktong walang nakabantay sa pinto kaya dahan-dahan akong pumasok sa kabilang kwarto na sinabi ni Raven na nandito daw si Miggy.
"Miggy?" Tawag ko pero walang sumasagot. Nilibot ko ang kwarto pero parang hindi bodega ang itsura nito. May mga libro sa book shelf na halos magiging haligi na ito ng kwarto, couch, maliit na table at parang pang office style na table.
"Aba't... paano ka nakatakas ha?!" May sumigaw sa likod ko at alam kong isa 'to sa mga tumulong sa akin kaninang umaga.
Sht. Wrong move ang umasa sa iba. Mali ang sinasabi.
Tinignan ko ng nakakaloko ang lalaking sumigaw. "Ahh... hinahanap ko lang si Miggy. Bakit? Papatayin mo na ako ngayon? Huwag muna ha, please. Kaya naman ang may sala kung bakit sinamahan niyo ng tinidor ang pagkaing dinala ni Raven. Salamat kaya nakalabas ako."
At dahil sa gulat at galit ko na din sa mga ginawa nila, nilapitan ko siya at sinaktan! Kahit ayokong uminom ng dugo ng mga tao, ginawa ko. Hindi ako ganito pero alam kong galit na ako. Hindi niyo ako masisisi kung bakit ako pinanganak na bampira. Gusto kong maging normal na lang para hindi na ako hahabulin ng malas, pero imposible nang mangyari 'yon kahit alam kong may lunas. Hindi ko nga lang alam kung saan ko hahanapin.
Binitawan ko na siya. Tirik na ang mata niya sa ginawa kong pagsipsip sa dugo niya.
Hindi ako 'to ngayon. Alam ko. At hindi ko rin naman mapigilan ang sarili ko kapag sumusobra na sila kung makapanakit sa akin!
"Justin!" Sigaw ng babaeng nasa pinto at lumapit dito sa lalaki.
Hinayaan ko na lang siyang umiyak at lumabas na ako.
"Magbabayad ka!" Sigaw ng babae pero hindi ko na pinansin.
At bago pa man niya ako barilin ng kung ano man, tinapat ko na ang pinto sa gilid ko at pabagsak kong sinara iyon.
Lamalabas ang pagka-maldita ko. Iba rin talaga ang pakiramdam kapag nakainom ng dugo ng tao.
Nasa gitna ako ng paghahanap kay Miggy nang may kumapit sa braso ko.
Nilingon ko siya... at sana na lang hindi ko ginawa.
"Saan ka pupunta?" Ngumisi ako kay Ace. Binitawan niya ako at naglakad. "Follow me."
Sinundan ko na rin siya at pumasok kami sa isang kwarto na parang bodega at nakita kong nakatungo sa Miggy doon.
Lumakad ako papunta sa kaniya, "Miggy, wake up."
Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin. Nanghihina na siya. Ramdam kong hindi pa siya pinapakain dahil sa pagputla ng kaniyang bibig.
"Jana," tawag ni Ace. "Pakawalan mo na at umalis na kayo."
Napatingin ako sa kaniya, "Akala ko -- "
Umiling siya, "Nagawa ko lang 'yon dahil sa pera. Pumapatay at nananakit ako ng mga bampira pero hindi ko magagawa iyon sa isang prinsesa." Tinapon niya sa akin ang susi ng posas.
"Hihintayin ko kayo sa labas." Sabi niya at umalis.
"Miggy, kaya mo bang tumayo?" Umiling siya kaya tinulungan ko siya. "Aalis na tayo dito." Bulong ko.
Ginawa ko na ang dapat kong gawin. Bahala na basta makaalis kami dito.
Pumikit ako at inisip ang trick kung paano mag-invisible. Nagawa ko. Kaya naglakad na kami papunta sa labas ng mansyon nila at hinanap si Ace.
Pumasok kami sa loob ng sasakyan na hindi niya nalalaman. Sadyang binuksan lang namin ang pinto at isinarado. Nagulat siya sa ginawa namin at napatingin sa amin at kumunot ang noo. Hindi pa rin kami nakakabalik sa dati kaya hindi niya kami nakikita.
"Go now, Ace. Help us to get out of here." Sabi ko kaya pumasok na rin siya at pinatakbo ang sasakyan.
Nang makalayo na kami binalik ko na kami sa dati. Tulog sa Miggy at nanghihina. Hinawakan ko ang kamay niya at nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya.
Napatingin ako kay Ace sa unahan habang nagda-drive. Wala naman sigurong masama kung magtanong. Kaya kahit ayoko siyang makausap, bumuka pa rin ang bibig ko.
"Ace, bakit mo ginagawa sa amin 'to?"
Tumingin siya saglit at binalik sa daan. "Katulad nga ng sinabi ko kanina, hindi ko magawang pumatay ng prinsesa."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Paano mo nalaman na ako ang prinsesa? Ni ako nga hindi pa rin alam ang rason kung bakit ako naging espesyal."
Napangisi siya, "Malalaman mo rin sa susunod."
Hindi na lang ako nagtanong pa. Sumasakit ang ulo ko kaya pumikit ako.
--
Nagising ako nang may humawak sa balikat ko.
"Nandito na tayo."
Gabi na, at nilibot ko ang paningin ko. Fck, balik university?
"Bakit mo kami binalik dito?" Sigaw ko sa kaniya. "Sana naman sa dating bahay na lang ni Miggy."
Napakamot siya ng ulo. "Delikado pa rin sa inyo kung doon kayo maglagi. Mabuti nang dito para ligtas kayo."
Ligtas? Hindi rin.
"Jana, ayos lang. Pasensya na kung dinala kita sa gulo." Sabi ng kakagising lang na Miggy.
"Tsk, ano pa bang magagawa ko? Nandito na tayo." Lumabas na ako ng sasakyan. "Salamat Ace at pasensya na sa abala." Tinanguan niya lang ako. Tinulungan ko si Miggy makababa at umalis na sa harap ni Ace. Dumiretso kami sa dorm ko.
"Jana, kahapon pa ako walang nakain. Pwede bang kumain muna tayo sa labas?"
Sinamahan ko naman siya sa mall para doon kumain. At nang matapos, bumalik na rin ang dating kulay ng bibig niya. Iba na rin talaga ang koneksyon ng mall, ospital at convenience store para magkaroon ng libreng drinks na dugo. Parang tubig na lang din para sa iba.
Pauwi na kami at nagkukwentuhan kung anong nangyari sa amin kaninang umaga nang may humarang sa amin. Si Ken. Ang bilis niya naman atang bumalik?
"So, you're here already."
Lalapit na sana ako nang pigilan ako ni Miggy.
"Deal is deal, Miguel." Ngising sabi ng isa.
Tumingin sa akin si Miggy at parang naluluha. Teka, bakit siya ganito?
"Noon hindi ko inakalang mamahalin kita. Pero maski ako nahihirapan na. I love you, Jana. But I'm letting you go."
"A-ano?"
"I'm letting you go. Para hindi ka mapahamak, masaktan at mamatay kasama ako. Ginawa ko 'to hindi sa hindi kita mahal pero mahal na mahal kita, Jana. I'm sorry." Hinalikan niya ako sa labi at umalis.
Umalis siya. Iniwan niya ako. Matapos ang lahat gano'n na lang? 'Di ba nangako siya kay Papa at Mama na protektahan niya ako? Pero hindi! Iniwan niya ako!
Napaluhod na ako at inisip ang mga nangyari sa amin. Hindi ko magawang umiyak. Bakit ganito?
"Jana, let's go inside." Sabi ni Ken.
Tinulungan niya akong tumayo dahil nanghihina ako. Hinayaan ko na munang gawin niya 'to kahit ngayon lang. Hindi ko magawang tumayo kapag ako lang mag-isa. Hindi ko rin magawang umiyak. Masakit ang puso ko.
Ngumisi siya, "Aalagaan kita. Para hindi ka mamatay sa kamay ng iba."
Demonyo. Kasalanan mo 'to. Iniwan ako ng taong mahal ko.
Nang makapasok na ako sa kwarto ko, doon ko na naipalabas ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak hanggang sa makatulog na ako sa pagod.
--
© xiarls
5.23.2020 ~ Happy birthday to me!