Chapter 6 - 5

Jana's POV

Tahimik kaming lahat. Pati si Hannah parang na-awkward-an na sa amin. Hindi naman ako makatingin ng diretso kina Mama, nahihiya pa rin ako.

"Miggy," panimula ni Papa. "Sabihin mo nga sa amin kung anong ibig sabihin ng nakita namin?" Kalmado si Papa, pero alam kong galit na siya.

"Bro, aaminin ko," tumingin si Miggy sa akin. "Mahal ko ang anak niyo at handa akong protektahan siya." Sabi niya. "Pero, isang pagkakamali ko lang, maaari siyang mamatay."

Napatingin siya kay Hannah.

"Hannah, 'di ba pinsan mo si Ken?" tumango naman ang isa. "Alam mo ba kung ano ang totoong pag-uugali niya?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Napatingin siya sa akin at napailing.

"Wala naman," sabi niya. "Pero handa akong magsakripisyo para kay Jana." At tumingin siya sa mga magulang ko.

I understand what he would like to say at it's meaning. Kahit ako, namimiss ko rin ang presensya niya kapag wala siya sa tabi ko... simula noong tinulungan ako sa kabilang school.

Mahina ako kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan.

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?" tanong ni Papa.

Tumango si Miggy. "All my life, ngayon lang ako umibig... at si Jana ang una."

Say, "What?"

"Totoo 'yan Jana."

Hindi pa talaga nag sink in ang sinabi niya kaya tahimik pa rin ako. Baka mapagalitan pa ko pag nagsalita ako.

"If that's what you want." Sabi naman ni Papa. Napatingin ako sa kay Papa. "Age doesn't matter when love is the only thing that you two can be together. Aasahan kong aalagaan mo ang anak ko Miggy. Hindi ako tutol. Basta mangako kang huwag mo siyang isama sa ikakapahamak niya."

"I will. Don't worry." Sagot naman niya at tumingin sa akin at ngumiti.

"Pero dapat manligaw ka. Hindi 'yong hahalikan mo lang basta-basta na hindi pa naman kayo."

Napangisi ako sa sinabi ni Papa at siniko si Miggy. Masaya pala ang ganitong feeling kapag suportado ang pamilya mo sa relasyon. Sabi nga ni Papa, age doesn't matter if we love each other.

Napangiti na lang ako nang inulit ko sa isip ko ang sinabi ni Papa.

--

Kinaumagahan, balik eskwelahan na naman kami ni Hannah. Sabay kaming pumasok sa room at hindi nakatakas sa mata ko kung sino ang nakaupo sa unahan, exactly 2 chairs away from where I'm sitting.

"Oh Ken. Ba't nandito ka?" Tanong sa kanya ni Hannah.

Napangisi naman ang isa, "Well, classmates ko na kayo. Ngayong araw lang din." Tumingin siya sa akin. "How are you, Princess?"

Hindi ko siya sinagot. Tumuloy na lang ako at naupo sa likod. Hindi na rin sumunod si Hannah. Alam niyang hindi ko lang makakayang makatabi si Ken. Tsk! Ang daming classrooms dito ba't dito niya pa naisipang pumasok? Badtrip lang.

Pumasok na ang prof at kasunod niya si Miggy. Napalaki ang mata ko sa gulat. Kinawayan naman niya ako.

I mouthed, "What are you doing here?" Ngumiti lang siya at nagpakilala. Napatingin naman siya sa gawi ni Ken at umirap hanggang sa naglakad siya papunta sa akin at naupo sa tabi ko.

"Pinayagan ako ng head na pumasok, mabantayan ka lang. Delikado na baka anong mangyari sa 'yo."

Ngumiti naman ako.

"Di mo na kailangan gawin 'yon, kaya ko naman sarili ko."

"Kahit na. Remember, pinabantayan ka ni Papa mo sa 'kin."

Hindi na lang ako sumagot ng mag-umpisa nang mag-klase.

"Saan na punta mo ngayon?" Tanong ni Miggy. Kakatapos lang ng klase at palabas na 'yong iba. Lumapit naman si Hannah at Ken sa amin.

"Guys, gala tayo?" Patanong ni Hannah.

Umiling ako, "I can't. Parang na trauma na ko sa mall."

"Well, hindi naman sa mall ang pupuntahan natin." Sabat naman ni Ken.

"Kinakausap ka ba?" at umirap.

Napangisi naman siya. Magsasalita pa sana ako nang hawakan ni Miggy ang kamay ko at nauna na kaming lumabas.

"Saan tayo pupunta?" bulong ko.

Nakasunod kasi ang dalawa. Hindi sa ayoko silang sumama. Okay lang kung si Hannah lang pero nakabuntot naman si Ken kaya hindi ako komportable.

Napahinto ako sa pag-iisip nang malaman ko kung saan kami papunta.

"Miggy..." pero parang wala siyang narinig. Hinahatak pa rin niya ako. "Hoy. Ano bang meron dito?" Nakakatakot kasi ang atmosphere. Madilim na kakahuyan at mahangin. Tunog lang ng mga ibon at kuliglig ang naririnig.

Napahinto siya at tumingin sa akin.

"Alam mo bang nagseselos ako kaya ko nagawang pumilit sa head na payagan akong makapasok?" umiling ako. Malay ko ba sa nararamdaman niya.

"No. Hindi ko alam."

"Sorry if nagiging possessive ako masyado. Mahal kita kaya ako ganito. Ayoko lang may lumalapit na iba sa 'yo."

Natawa ako sa sinabi niya... pero kinilig din at the same time. Mahal niya ako kaya nagiging gano'n siya.

Pinanliitan niya ko ng mata. "What's so funny?"

"W..wala. kasi naman..."

"Aminin mo, kinilig ka rin ano?"

Napairap ako.

"Dito lang pala kayo." Sabi ni Ken sa likod namin.

"Tsk. Niligaw na nga nakasunod pa rin." Bulong ni Miggy at inakbayan ako. "Paano na kita masosolo?"

Napa-nganga ako. Kaya pala parang ang bilis naming maglakad na hindi namin naramdaman hanggang sa mapahinto kami dito sa kakahuyan.

Bahagya kong siyang niyakap para maramdaman ng dalawa na kailangan naming mapag-isa. Kaya lang hindi pa rin natinag.

"Aalis ba kayo o hindi?" tanong ni Miggy. Ngumisi naman si Ken.

"Ahh... akala kasi namin gagala kaya sumunod kami." Sabat ni Hannah. Akala ko matalino siya pero may pagka-slow naman pala.

I let a deep sigh. "Hannah, let's talk later. Hayaan mo muna kaming dalawa. Babawi ako sa 'yo mamaya para gumala."

Tumango naman siya at aalis na sana kaya lang ayaw umalis ni Ken.

"Ken, please hayaan mo muna kami. Hindi naman kita kilala at mas wala akong pakialam sa 'yo." Sabi ko kaya natauhan naman ata at tumalikod na.

"Let's go there." Sabi niya at hinila na naman ako papunta sa kung saan.

--

Miguel's POV

Dinala ko siya kung saan ako lagi nakatambay 'pag hindi kami nagkasama. One special place just for us two.

Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko habang pinapanood ang palubog na araw. Kanina pa kami nasa ganitong posisyon. Hindi ko na namalayan ang oras.

Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya. Masyado mang maaga, hindi naman maiiwasan na mahal ko siya at gano'n din siya.

Nakaka-bakla mang isipin pero tanga nga lang din ako kapag sinabi kong hindi ako kinikilig. Lalaki man ako at matanda na sa kanya, ang puso't isip ko, nasa kanya pa rin... kahit alam kong may kapalit ito.

"Anong iniisip mo?" tanong niya at naupo ng maayos.

"Wala naman." Sagot ko at hinalikan siya sa pisngi. Nagulat naman siya at saka mahina niya akong sinampal. Amazona talaga.

Tumayo siya at dinamdam ang malamig na hangin. Itinaas niya ang braso na na para bang gusto niyang lumipad.

"I want to own this place."

"Ano ka? Ako ang nauna dito."

Napairap naman siya sa sinabi ko kaya tumayo na lang ako at yumakap ako sa kanya. Nilagay ko ang baba ko sa balikat niya.

"Sana ganito tayo lagi." Sabi niya.

Hinalikan ko siya sa pisngi. "Sana nga," malungkot kong sagot. Tumingin naman siya sa akin at kumunot ang noo. "I mean, I agree. Sana walang problemang darating sa atin para lagi tayong ganito."

"I wanna fly..."

Bago pa man siya tumil sa ginawa ko, binuhat ko na siya at lumipad kami sa taas ng mga puno. Napahigpit ang kapit niya sa akin at seryosong tinignan. Fck, simpleng tingin lang niya, alam kong pareho kami ng nararamdaman.

I kissed her at tinugon naman niya iyon. Bahagya siyang napangiti sa halik namin.

Hindi na ako makapag-concentrate sa paglipad ko kaya hinayaan ko nang bumaba kami sa lupa at pinatayo siya. Niyakap ko siyang mahigpit. God,nI love this girl.

"I don't want to lose you." Sabi niya at napa-hikbi siya.

I kissed her again. And I think, I'm dead serious. I want to take her somewhere that no one knows. Just the two of us.

--

© xiarls