Jana's POV
Nagising akong walang nararamdaman. Ni hindi ko magawang tumayo at kumain. Epekto siguro 'to nang pang-iiwan sa akin ni Miggy kagabi. Walang rason kung bakit niya ginawa 'yon.
Hindi ko rin magawang gumalaw. Parang namamanhid ang buong katawan ko. Wala rin akong ganang pumasok kaya natulog na lang ako ulit. Pero ilang minuto pa lang ay nagising ako at inalala na naman ang nangyari last night.
Why I am being like this? Hindi naman ako ganito noong wala pa siya. Iba naman ngayon. Mahal ko na siya eh.
Tumulo na naman ang luha ko. "Ugh, Jana. Calm yourself."
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mama. Sinabi kong uuwi na muna ako ngayon. Parang gusto ko na lang munang silang makasama. Hindi ako sanay mapalayo sa kanila. Ilang weeks pa lang naman ang nakalipas.
"No, diyan ka lang. Kami na lang ang pupunta." Sagot ni Mama. Narinig ko pa ang boses ni Papa sa kabilang linya.
"But -- "
"Huwag nang matigas ang ulo, anak. Baka ano pang mangyari sa 'yo on the way dito. Kami na lang ang pupunta diyan. May pag-uusapan na rin kami sa council." Sabi ni Papa at pinatay ang tawag.
Nanlumo ako kaya napahiga na lang ulit ako. Masakit ang ulo ko kaya hindi na rin ako tumayo pa. Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Ate," si Jarvin pala. "Ayos ka lang? Parang hindi ka nakatulog ng ilang gabi." Pang-aasar pa niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Ang init mo, ate. May lagnat ka!" Sigaw niya.
"Hah?"
"Hala inaapoy ka nang lagnat." Hindi na siya mapakali kaya pinaupo ko siya sa tabi ko.
"Ayos lang ako. Papunta na rin naman sina Papa dito." Sabi ko sa kaniya kaya napahinga siyang malalim.
"Saan ba si Kuya Miggy?" Tanong pa niya. "Hindi ba kapag may nangyayari sa 'yo dito na siya agad? Bakit ngayon nag-iisa ka? Kung hindi pa ako pumunta dito baka hindi ka na humihinga."
Napatigil ako at ngumiti ng mapakla. Hindi ko siya masagot. Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ang mga nangyari kahapon.
"Teka lang, ate." Sabi pa niya at nangalumbaba habang nakapatong ang braso niya sa tuhod niya. "Nag-away ba kayo?"
Bumuntong hininga ako at tumungo. At katulad minutes ago, hindi ko siya sinagot at humiga na lang ulit.
"Yeah, ate. Halata sa mukha mo. Tsk. Kung makita ko siya..." umiwas siya ng tingin. "Alam ko na ang nangyari Ate. May nagsabi sa akin."
Napaupo ako at kinutungan siya. "Huwag ka ngang tsismoso ha, Jarvin. Grade 3 ka pa lang!" Sigaw ko at binato ang unan sa kaniya.
"Woah. I'm just telling the truth." Simangot niya sa akin at tumayo at nag crossed arms.
"Get out."
"Alam mo ate, hindi ka naman dapat ganiyan na lang eh. Kapag iniwan ka, dapat isipin mong hindi ka kawalan, dahil siya naman dapat ang gano'n. Magpakasaya ka, lumabas ka kung ayaw mong pumasok. Hindi 'yong whole day dito ka na lang sa kwarto mo, iniisip siya na kung pwede lang eh bumalik siya agad pero imposible namang mangyari. Magpakasaya ka, marami namang lalaki diyan na handang pasayahin ka." Sabi niya at lumabas na.
Kapatid ko ba talaga 'yon? Parang matanda na kung magsabi.
Ginulo ko ang buhok ko at saka nagtalukbong ng unan. Tama naman si Jarvin. Dapat hindi ko iniisip ang mga nangyari. Nakaka-depress lang.
"Papasok na lang ako." Sabi ko at pumasok ng cr at naligo.
Pagdating ko sa room, tahimik. Ang iba sa kanila ay nakatingin lang sa akin habang papunta ako sa inuupuan ko. Nang tumingin ako sa kanila, sabay-sabay namang umiwas. Problema nila?
Hanggang sa pumasok si prof, tahimik pa rin ang buong klase.
"What's your problem?" Biglang singit ni Sir habang nagdidiscuss ng tungkol sa pag-iba ng anyo. "Ang tahimik niyo naman ata ngayon?"
Silence.
"Okay, 3 minutes na lang rin naman para matatapos na ang oras natin, may importante lang akong sasabihin. Ipasa niyo next week ang project about sa kung paano niyo maiiwasan ang pag-iwas sa mga bad vampires, werewolves, and witches. Thesis ito at individual kaya wala na kayong magagawa kung ito ang desisyon ko. Class dismissed." Sabi niya at lumabas na ng classroom.
Woah. Mas nakaka-stress pa ata ang gumawa ng thesis at walang kasama. Bahala na. Uuwi na lang ako agad mamaya para maumpisahan ko nang magsulat at mag-research.
"Jana," pigil sa akin ni Hannah nang palabas na ako sa room. "Sabay na tayong gumawa ng thesis."
Napakunot noo ako. "'Di ba sabi ni Sir individual?" Naglakad na ako papunta sa gym.
"Oo, individual nga. Pero nakaka-stress naman kung mag-isa. Parang mababaliw na ako no'n." Sagot niya.
Ngumisi ako, "Sinabi mo pa." Sabi ko at napahawak ako sa ulo ko na bigla na lang kumirot. Napapikit ako sa sakit.
"Ayos ka lang?" napahawak siya sa braso ko.
Naramdaman ko na lang na ayaw kong makipag-usap sa iba. "Hannah, layuan mo muna ako. Baka masaktan kita." Sabi ko kaya inalis niya ang kamay niya sa braso ko at umalis na ako sa harap niya.
Hindi ko na nagawang pumunta sa gym. Lumabas ako sa campus at dumiretsyo sa mall. Gusto kong mag-unwind ng sakit ng ulo pati ng puso ko. At sigurado akong baka ngayon, mawawala na 'to.
Pumasok ako sa isang boutique at nagtingin-tingin ng mga damit. May nakita akong dress na color blue at maraming glitters na style. Cocktail at masasabi kong maganda ang pagkakagawa kahit simple lang ang style. Why would I like it? Dahil siguro sa ambiance ng color. I like blue, actually. At dahil alam ko namang ang pamilya namin ang may-ari ng lahat dito, tinawag ko ang sales lady para sukatin ko ang dress.
"You look beautiful on that dress, Princess Jana." Sabi ng sales lady. Ngumiti na lang ako at tinignan ang itsura ko sa salamin. Maganda nga at bagay sa akin.
"Kukunin ko na po. Pero 'yong bagong stock po ang ipalit niyo. Same size, thanks." Sabi ko at pumasok sa loob ng dressing room para magpalit ng damit.
Paglabas ko, nakahanda na ang paper bag para ibigay sa akin ng sales lady sa counter.
"Feel free to come back here, Ma'am." Sabi niya at binigay sa akin ang paper bag.
"Thanks." Sabi ko at lumabas na.
Naglibot pa ko sa kung saan man para bumili ng kung ano nang may nakabangga sa akin. Napaupo ako sa sahig kaya kumalat ang mga dala ko.
"Watch your steps, girl." Sabi ko. Tinulungan niya naman akong tumayo at pinulot ang mga paper bag.
"Sorry, nagmamadali kasi ako." Sabi niya at tatakbo na sana ulit ng hinawakan ko ang braso niya.
"You look familiar," tinitigan ko pa siya at nanlaki naman ang mata niya.
"Jana?" "Jasmine?" Sabay naming sigaw at nagyakapan!
"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakarating dito?" Tanong ko nang kumalas kami sa yakap.
"Namamasyal lang." Sagot niya at ngumiti. "Ang dami mo naman atang binili?" Patukoy niya sa mga paper bag.
"Ah, mabuti naman kung gano'n. Ah, oo eh. Marami kasing paparating na mga events kaya bumili na ko ng mga kakailangin." Naglakad na kami papunta sa kung saan. "Musta na pala kayo?"
"Ayon, medyo maayos na rin. Medyo tumahimik." Sagot niya. "Pero totoo, namiss ka namin nang umalis ka."
"Bibisita ako sa inyo next time. Tara kain tayo, libre ko." Aya ko sa kaniya pero umiling siya.
"Sorry Jana ah. Kahit gusto ko man pero may pupuntahan pa kasi ako eh. Siguro next time na lang para lahat kami malibre mo." At tumawa pa.
"Haha sige ingat ka." Nagbeso na kami. "Bye."
Umalis na siya at sinundan siya ng tingin. Pumasok siya sa cinema. Hmm. Hayaan na. Ako na lang ang kakain mag-isa. Masarap makaranas ng libre kung saan man. Sana naman hindi sila magbago.
Pumasok ako sa cafe at bumili ng inumin. Dito, kapag bampira, may halong dugo ang mga drinks. Mapa-frappe or tea man. Pero sa mga normal, alam kong may halo din ang sa kanila na hindi ko alam kung ano man ang tawag do'n.
Lumabas na rin ako nang makuha ko ang frappe ko. Pero bago pa man ako makalabas ng mall ay may nakita ako. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko na sila ngayon. Nagtatawanan kung may sinasabi ang isa habang naglalakad.
--
It's been 2 weeks the last time I'm with him. Hindi pa rin nagpakita ulit si Miggy. Galit ako sa ginawa niya at hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya.
I even rushed to blood banks every Saturdays and Sundays after what happened. Parang gusto ko lang uminom ng dugo kahit hindi ko naman masisikmura. At alam kong kahit ang pamilya ko ay iba na ang tingin nila sa akin. I'm not in myself.
Tahimik lang akong pumapasok sa school na hindi kinakausap ang iba. Maski si Hannah na nagsilbing 'bestfriend' ko ay hindi ko pinapansin. Bakit pa?
Iniba ko na rin ang kulay ng buhok ko. From black to red. Pakialam nila? Ako naman ang prinsesa kaya gagawin ko ang gusto ko.
Parang bumaliktad ang lahat. Dati, wala akong pakialam kung mabait o galit ang iba sa akin. Ngayon, binabalik ko ang galit ko sa kanila.
"Thanks for this night, Princess." Sabi ng lalaking nakasama ko dito sa loob ng kwarto ko.
"Yeah, thanks to you, too." Sabi ko at hinalikan niya ako sa labi.
Wala akong pakialam kung sino man ang makakapasok dito sa loob ng kwarto ko. Estudyante, bampira o hindi. All I want to do is to dump guys in just a night. I don't care if they'll not forgive me. But I'm just enjoying it.
--
"That's all for today. See you tomorrow and please pass your requirements on Friday." Our prof dismissed the class.
Niligpit ko na ang gamit ko para makauwi na ako dahil gusto ko nang makita ang pamilya ko. Sila na lang ang maasahan ko ngayon. Kailangan ko nang tulong dahil tambak ang problema ko ngayon at school works na kailangang ipasa. Wala akong kasamang gumawa kaya iuuwi ko na lang 'to. Baka matulungan pa ako nila Mama.
Palabas na ako ng room nang humarang sa pinto si Ken.
"Going somewhere?" tanong niya.
"Yes, home. Why? Get lost!" sagot ko at tinulak siya palabas para makadaan ako.
"Not so fast, lady."
"Problema mo?" Aksaya ng oras makipag-usap sa isang 'to. Wala ako sa mood makipag-make out ngayon. All I want is to go home!
"Pwede ba? Tigilan mo na ako?! Wala ako sa mood ngayon! Gusto ko nang umuwi dahil pagod na ang utak ko sa kakaisip kung paano ko masisimulan ang mga tambak na projects!" Sigaw ko sa kaniya kaya pati 'yong ibang dumadaan ay nakatingin sa amin.
Rinig ko rin 'yong iba. Kesa daw gumawa ng projects, nakuha ko pang makipag-make out sa mga lalaki kada gabi. Hindi niyo ako masisisi. Kahit ako hindi ko alam kung paano ko ginawa 'yon. O dahil sa naging bitter na ako nang iniwan ako ni Miggy?
"Okay, go ahead. Sorry sa abala."
Hindi ko na siya sinagot at umalis na sa kinatatayuan ko. Mabilis akong nakarating sa kwarto ko at nagligpit ng gamit pauwi sa bahay. Susunduin ako ni Papa dahil alam na rin nila ang ginagawa kong kagagahan dito sa loob ng university.
Nang bumukas ang pinto, si Papa na ang pumasok. Nagulat pa siya sa itsura ko. Pati ako hindi ko na makilala ang sarili ko.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. At dun ko na nailabas ang mga luha kong ilang araw ko hindi pinalabas.
"Pa, bakit ganun? Bakit bigla niya lang akong iniwan?" Panimula ko.
Hinagod ni Papa ang likod ko. "Sshhh. Tahan na. Babalik din kayo sa dati. Baka may mga bagay lang siyang inaasikaso."
"No. Dapat sinabi niya ang totoo... na ayaw na niya talaga sa aki--"
"Anak, if you don't want to lose the person you love, be with him most of the time. Ibigay mo ang lahat na gusto niya... na nakakapagpasaya sa kanya."
"Ginawa ko naman ang lahat Pa. Pero hindi ko lang talaga matatanggap na pati ang relasyon namin, tinalikuran niya. Paano na ako ngayong umaasa na babalik pa siya? Paano na ako kung pagbalik niya, may mahal na siyang iba? Hindi ko ata kakayanin 'yun." Hagulhol ko.
Hindi nakasagot si Papa. Kusang hinayaan niya lang akong umiyak sa dibdib niya. Masakit. Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa pag-iyak. Nagising na lang akong nasa sasakyan na ako pauwi sa amin.
Inabutan ako ni Papa ng Mcdo fries at burger. Kahit ayoko ng ganung klaseng pagkain, kinain ko na dahil sa gutom na nararamdaman ko.
Gabi na nang makarating kami sa bahay. At ng salubungin ako ni Mama, umiyak na naman ako sa balikat niya.
"Gusto mo bang maglagi muna dito?" Tanong niya. Tumango na lang ako.
"I need a month, Ma."
"Sige, kung iyan ang gusto mo."
"Thanks Ma. I need to rest now." Sabi ko at tumuloy na sa kwarto ko sa taas.
Ano kayang mangyayari sa akin ngayong hindi ko alam kung ano ang sitwasyon ni Miggy? God. I missed him so much.
--
© xiarls