Chapter 2 - 1

It's been years... ni walang masamang nangyari sa pamilya namin. Sa katunayan, ngayon talaga ang simula ng buhay ko kasama ang mga normal na tao. Kinakabahan ako sa kung ano man ang mangyayari. At sana hindi nila malaman ang tunay na katauhan ko. Delikado na lalo't sa matagal na rin ng panahon na hindi kami ginalaw ng mga kalaban naming.

Ako nga pala si Jana Lim. 20 years old na ako ngayon. Sabi ni Mama at Papa, ang bata ko daw tignan sa edad ko. Syempre may dugong immortal ako at hindi naman maiiwasan ang magkaroon ng maputing balat at natural na blonde ng buhok ko. Napagkakamalan nga akong foreigner noong namasyal ako sa mall mag-isa at gusto pa akong kunin bilang model kaya lang tumanggi ako sa alok nila. Mahirap na.

"Anak, ready ka na?" sabi ni Mama habang hinahanda ang almusal sa mesa at pababa naman ako sa hagdan.

"Yes, Ma. Pero kinakabahan ako," sagot ko at naupo. 

"Ayos lang 'yan, anak. Masasanay ka rin. Mabuti na lang at pumayag ang Principal na pumasok ka dun. Syempre hindi naming sinabing bampira ka at classmate ko rin naman 'yon." Sabi niya. Tama ang nabasa niyo. Isa lang akong exception sa school na papasukan ko.

"Good morning," si Papa habang pababa siya sa hagdan at palapit sa amin.

"Good morning, Pa." bati ko sa kanya at humalik sa pisngi niya.

"Ready ka na ba?"

"Opo."

"Ito ang tandaan mo anak, walang mahirap kapag sinubukan. At ang mahalaga ay makatapos ka na walang problema. Nandito lang kami ni Mama mo para sa 'yo.

"Thank you po, Ma, Pa. blessed po ako kasi kayo ang naging magulang ko. Thank you po sa lahat."

"Osya, kain na baka ma-traffic tayo." Sabi ni papa dahil ihahatid niya ako.

--

Sa school...

3 months na nagsimula ang klase kaya naka adjust na rin ako. Kaya lang, may limang burara na classmate ko na araw-araw akong ginugulo simula nung pumasok ako. Hindi nila ako tanggap sa klase nila. Problema nila? Ni hindi ko na nga sila pinapansin pero sige pa rin ang paninira ng araw ko.

"Hey, bitch!" tawag ng isa sa akin. Wow! Ako pa ang bitch?

Since pumasok ako dito sila nang lima ang sumisira ng araw ko. Konti na lang talaga...

"Ano na naman?" mahinahong tanong ko. Napahinto ako sa pagsusulat ng assignment at hinarap sila. Tanghaling tapat nagpapainit ng ulo.

"Wanna join with us tonight?" Maarteng sabat naman ni Vanessa.

"No thanks. Mas gusto ko pang mag-aral kesa gumala." Sagot ko sabay irap sa kanila at bumalik sa pagsusulat.

"Tsk!" Sabi ng isa at inagaw ang ballpen pati papel ko.

And now my eyes turns black. Hindi ko na kaya ang pambubully nila. Araw-araw na lang at sawang sawa na ako sa pinang gagawa nila sa akin. They already cross the line, just now!

"Namali kayo ng kinalaban." Sabi ko sa kanila. Gusto ko na silang atakihin at bawasan ng dugo.

Nagkagulo sa classroom, alam ko yun. Wala ako sa sarili ko.

Naramdaman kong may yumakap sa akin kaya kumalma ako. Habol ko ang hininga ko at tumingala ako sa kanya.

"Miggy?"

"Hey, are you okay?"

"Oo."

Pinaupo niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Ngumisi siya. "Tss."

Si Miggy ay ang dating kaibigan ni Papa. Isa rin siya sa mga tagabantay daw ni Mama at Papa noong nasa peligro ang buhay nila.

"Siya! Siya ang malas sa school na 'to!" Nagulat ako nang may sumigaw mula sa pinto ng classroom. Here we go again!

Tumayo si Miggy para harangan ang mga lalaking papalapit sa akin. May kutob akong dadakpin o sasaktan nila ako.

"Tabi! Kung ayaw mong masaktan!" Sigaw ng isa kay Miggy.

Tumayo na rin ako at sinuot ang bag ko. Ayaw ko ng gulo. Isa lang ang naiisip kong paraan dito, tumakbo.

Susuntukin n asana ng isa si Miggy pero hinawakan ko siya sa balikat at hinatak at bumulong ako.

"Umuwi na lang tayo. Tara takbo."

"Wag kang duwag Jana. Pag tumakbo tayo, wala ka nang babalikan dito at mas lalong hindi ka na makakapasok mula sa gate hanggang dito sa classroom." Sabi niya, natahimik na lang ako.

Ilang minute na ang nakalipas, tahimik ang buong paigid at mga nandito sa loob ng classroom... hanggang sa pumasok ang prof namin.

"Good afternoon, class!" Sabi niya at lumabas naman yung ibang hindi namin kaklase dito. Naupo naman si Miggy sa tabi ko.

"Oh? Ano pang inuupo mo dyan? Labas na!"

Inirapan lang ako at may inilabas siyang papel mula sa bulsa ng bag niya. Dun ko lang napansin na may dala siyang bag.

"RF? Oh? Ilang taon ka na ba para mag-aral ng History? Woah!"

Inirapan niya ulit ako. Parang bakla eh.

"Grabe ka, Jana, ah. Ni wala na nga akong natanggap na 'thank you' sa pagligtas ko sayo kanina tapos—"

"Mr. De Vera and Ms. Lim, any problem out there?" our prof heard us. "Oh, by the way Mr. De Vera, please introduce yourself to the class."

Napa-'tss' siya sa tabi ko at tumayo.

"Good afternoon. I'm Miguel De Vera. 23 years old (plus 300 years). Please be nice to me and to Jana. Thanks." At naupo siya.

Natawa ako nang sinabi niya ang 'plus 300 years' and edad niya. Syempre ako lang ang nakarinig kasi sinadya niyang 'wag iparinig sa klase.

"What are you laughing at?" inis niyang tanongs nang Makita niyang nagpipigil ako ng tawa.

"Nothing," I said and ignore him. Pero hindi ko mapigilang tumawa. "Pfft."

"Tsk! Stop it!"

Sabi na eh. Konting tawa lang magagalit na agd. Pikon talaga 'to.

"Tumigil ka na, Jana. Naririnig ko ang iniisip mo."

"Okay, I'll stop." Bulong ko. Nagsisimula na kasing magturo si Sir. At naalala ko ang assignment kong kinuha ng bruha kanina. Tatayo n asana ako pero napa upo ako ni Miggy.

"San ka pupunta?"

"Yung assignment ko kay Ella na kinuha niya kanina."

"Ito ba 'yon? Pwedeng pa kopya?" WTH? "Sige na! ngayon lang ako pumasok." Pilit niya.

"Akin na 'yan!" inabot niya naman. Baka pagalitan pa kami ni Sir sa ingay naming sa likod.

"Mamaya ha!" sabi niya at nakinig.

--

Tapos na ang klase at pauwi na rin kami. Naglalakad kami palabras ng campus at ang mga mata nila ay nakatitig sa amin... na parang gusto nila kaming saktan. Siguro kumalat sa buong campus ang nangyari sa akin kanina. Hindi ko kasi makontrol ang emosyon ko minsan. Kaya kanina, nasobrahan na sila sa pagsira ng araw ko.

Sige, subukan nila. Tao laban sa bampira? Woah! Maganda ata 'yon.

Binatukan naman ako ng isa.

"Aray naman!" sigaw ko sa kanya.

"Ano bang pinag-iisip mo dyan?!" tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Ikaw ha, tigilan mo na ngang making sa pinag-iisip mo. Pasensya magulo akong kausap!"

Naglakad na lang ulit ako. Nakakatusok kasi ang mga tingin ng iba.

"Hatid na kita?"

"Huwag na. Susunduin ako ni Papa." Sagot ko at naupo sa waiting shed sa labas ng campus.

"Okay, samahan muna kita dito. Baka ano pa ang mangyari sa 'yo." Sabi niya.

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Nag kwentuhan na lang muna kami ng kahit ano hanggang sa dumating si Papa. Hinatid na rin namin si Miggy sa mansion ng mga bampira.

"See you tomorrow, Jana." Paalam niya. Napa-ahem naman si Papa.

"Yeah, salamat kanina."

"Wala 'yon. Sige, bro. Salamat sa paghatid. Ingat kayo."

"Bakit anong nangyari kanina?" Biglang tanong ni Papa.

"Ah, i-explain ko po mamaya, Pa. Uwi na po tayo."

Tahimik lang muna kami nang bigla niya akong tinanong.

"Ano bang nangyari sa 'yo kanina, anak?"

"Kasi po, 'yong mga classmates ko kinuha ang assignment ko habang nagsusulat ako. Tinanong nila ako kung gusto ko daw sumama sa kanila mag club mamayang gabi. Eh hindi ako pumayag. Bigla na lang nilang kinuha yun. Tapos hindi ko na napigilan ang init ng ulo ko. They didn't even realize na bampira nap ala ang kaharap nila. Nakita ata nilang umiba ang kulay ng mata ko. Hindi ko inaasahang dumating si Miggy at niyakap ako para kumalma." Hingang malalim. Ang haba na ng sinabi ko pero parang naghihintay pa rin si Papa sa susunod kong sasabihin.

"Wala naman pong ibang meaning 'yong pagyakap niya sa akin. It's all about how to save myself. He did it just to remember to myself that I'm a vampire at para hindi na dumanak ng dugo sa classroom." Patuloy ko.

Napa buntong hininga si Papa sa narinig niya at tinignan ako.

"Alam mo anak, hindi naman masamang ipagtanggol ang sarili mo. Basta 'wag mong ipakita sa kanila na mahina ka o iba ang pananaw ng ibang tao sa 'yo. Sa huli, doon nila ma-realize na mahalaga ka sa kanila. Make friends."

"Yun naman po ang ginagawa ko eh pero hindi nila ako tanggap. Katulad kanina, parang kumalat na ata sa buong campus ang nangyari kanina. Naiintindihan ko po ang sinabi niyo. Pero sumusobra na sila kanina kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Siguro naman po lagi silang nakakarinig about vampires dito sa lugar natin, totoo man o hindi. Kaya po gusto ko po sanang lumipat..."

"No. hindi kami papayag sa gusto mo. Sabi nga namin ng Mama mo, kahit anong mangyari, dito lang kami para sa'yo."

"Alam ko po." Sagot ko na lang. mahirap makipagtalo kay Papa. Mahirap na baka bumalik siya sa dati niyang anyo... 'yong time na ginulo niya ang buhay ni Mama.

"Anong iniisip mo?" tanong niya.

Hihi, narinig ata. "Wala po."

Nasa bahay na kami. Nagbihis muna ao at bumaba para kumain ng meryenda. May nag doorbell at...

"Ma! Naparito ka?" Huh? Si Lola?

"Syempre naman, na mimiss ko ang apo ko."

Dali-dali akong bumaba at nagpunta sa sala para magmano kay Lola.

"Lola! I missed you!" habay halik at yakap sa kanya.

"Imiss you, too, apo. So, musta naman ang pag-aaral mo?" Tanong niya sa akin at naupo sa sala. 

"Okay naman po. Medyo may konting problema lang dahil sa mga sumisira ng araw ko." Sagot ko. Kapag dito si Lola 'di ko talaga maitago sa kanya ang mga problema ko.

"Bakit naman?"

"Eh kasi po..." hay. "Lola, huwag niyo na pong alamin. Mahihirapan akong mag-explain eh."

"Then, make it short."

Wala na akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya ang lahat ng mga pangyayari simula nung pumasok ako sa school. Hindi naman talaga maiiwasan ang pagiging insecure ng mga tao lalo na kung mabait, maganda at matalino ang mga kaharap nila.

Pati 'love life' ko tinanong niya. "Walanaman po akong boyfriend." Sabi ko na lang.   

Gabi na umuwi si Lola. Nagkuwentuhan lang sila ni Mama at Papa. Ako naman, nasa kwarto lang at nag-aaral nang may kumatok at bumukas ang pinto.

"Ate, may lapis kaba?" tanong ng kapatid ko. Yes, may kapatid ako. Si Jarvyn, 8 years old na siya.

"Heto oh." Iniabot ko sa kanya. "Bakit? Saan ang lapis mo?"

"Kinuha po kasi ng classmate ko kanina." Sagot niya. Grade 3 na siya ngayon.

"Hayaan mo na sila. Ang importante ay makapag-aral ka ng maayos."

"Opo, salamat ate." Sabi niya at lumabas ng kwarto ko pero bumalik, dala ang mga libro at notebook niya. "Ate, pwedeng paturo ako sa assignments ko?"

And the night ends tutoring my brother. Nahawa ako sa English.

Naghilamos na rin ako at oras na para matulog. 11pm na rin. Maaga pa ang pasok ko bukas. Pahiga na ako nang mag ring ang cell phone ko. Unknown number. Sinagot ko yun.

"Hello? Sino 'to?"

["Maghanda ka na sa nalalapit na burol ng pamilya mo."] sagot niya at pinatay ang tawag.

Napabangon ako sa higaan at tinignan ang number. Pinagpawisan ako ng malamig.

Anong ibig sabihi ng taong tumawag na 'yon? Parang ayaw ko nang pumasok bukas dahil may kutob akong may mangyayaring masama...

--

© xiarls