Chapter 4 - 3

Maaga akong nagising para maghanda sa pag-alis namin. Hanggang ngayon iniisip ko pa ang dapat kong matutunan sa pagiging Vampire Princess ko. Para rin naman ito sa akin at sa pamilya ko.

Vampire University... at last! 

I want to start new fresh memories here, with my family and soon-to-be-friends.

Una kong napansin ang mga tattoo ng guards na nasa gate. I think they used it as a protection for bad vampires and for the students who can't control their blood lust.

"Hey, how are you?" tanong niya at sabay yakap. Nasa harap ko na pala si Miggy. Hindi ko man lang siya napansin.

Napatikhim ang pamilya ko sa kanya. Napatungo na lang ako sa hiya. Wait. Ba't ako mahihiya? Wala naman akong ginawang mali.

"Sorry guys. Namiss ko lang siya." Sabi niya. Sinuntok ko ang balikat niya.

"OA mo." Natawa na lang siya at ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Alam mo bro, hindi naman ako tutol eh." Sabi ni Papa. Napataas ako ng kilay. "Pero ang tanda mo na para sa anak ko. So back off."

"Hahahahaha! Oo nga Tito. Matanda kana para kay Ate. Kaya Tito nalang nga itatawag ko sayo kahit gusto kong tawagin kang Lolo." Sabi naman ni Jarvin. Insert sarcasm here.

"Ano ba kayo. Age is just a dream." Sagot naman niya at tumingin sa akin. Napaiwas ako, awkward eh. Feel ko kasing namumula na naman ako.

Aaminin ko... ah huwag na lang muna pala. Baka mabasa niya naman ang iniisip ko.

Sumagot na ako sa kanila.

"Hayaan niyo na lang po siya. Gusto niya 'yan eh. At ikaw, friends lang tayo, okay? Hindi kita gusto. Tulad ng sinabi ni Jarv, parang Lolo na rin kita. Hindi nga lang halata sa itsura mo."

Lumapit siya sa akin at bumulong...

"Remember, you're mine." At kinindatan ako.

Woah! May gana pa siyang gawin 'yon? Tss.

"Tama na nga 'yang bangayan niyo. Let's go inside. May makarinig pa eh." Sabat ni Mama. Kasama namin si Lola dahil isa rin siyang may connection sa school na 'to.

Nagpupulong na ngayon ang mga ministro, kasama ako at ang pamilya ko. Nang dahil ditto na ako mag-aaral, gusto nilang mas higpitan ang seguridad ng school para sa akin.

Like they've been saying, I'm the vampire Princess, and there's no turning back on this position. Pinanganak akong prinsesa ng mga bampira, na hindi pure blood ang dugo ko dahil normal na tao lang si Mama at bampira naman si Papa.

Hindi ko alam kung ano bang consequenses sa pangyayaring ito. Dahil alam na ng lahat na bumalik si Lennard at mas dumami pa ang mga kasapi niya.

'I know what you're thinking.' Sabi ng boses sa paligid. Napatingin ako sa lahat na hindi mapalagay kung kanino baa ng boses na 'yon. Wala namang nakatingin sa akin dahil nagsasalita sa harap si Minister Nick.

'You can't see me, babe.'

Parang pamilyar ang boses niya sa akin na para bang narinig ko na noon... Guni-guni ko lang ba 'to? Tsk. Parang timang na ako sa kay dami nang pumapasok sa isip ko.

Ilang oras pa ang hinintay namin at natapos na rin ang pulong na hindi ko maintindihan ang pag-uusap nila. Ginulo ng boses na 'yon ang pakikinig ko. At hindi naman nila ako ginulo sa pagkakaupo ko.

Ngayon, nasa kwarto ako mag-isa at nililigpit ang mga gamit ko. Nang matapos ako ay naisipan kong matulog muna dahil mamaya pa naman ang pasok ko.

--

3rd Person's POV

"She's here." His Dad said to him.

"Yeah, I saw her earlier." He replied.

"All I want you to do is kill her and her family. We don't want them to be the greatest leader of the pack. We kill them all!"

"I will Dad. Don't worry about that."

"And remember this one thing son. Don't let anyone found out about us. We are here to protect them. But for the royal families, we kill."

"Yes, Dad." He said and leave the room.

Yes. I need to kill them so that you'd be proud of me.'

­­--

Jana's POV

Napabalikwas akong may kumakatok sa pinto.

"Jana, nandyan kaba?" Boses ni Miggy. Bumangon ako at pinagbuksan siya.

"Bakit? Natutulog ako eh." Sabi ko at humikab.

"Tsk, tsk, tsk. Wala nang oras matulog ang ibang bampira tapos ikaw nakaya mo pang matulog."

Napasimangot naman ako. "Bakit ba? Eh sa pagod ako."

"Ano kaba? Nandito kana nga nakalimutan mo na. First period mo na ngayon!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Shocks. Hindi ko namalayan ang oras!

"WTH bakit ngayon mo lang ako ginising?!" Sigaw ko sa kanya at tumalikod para pumuntang banyo.

"Hala, magbihis kana!" sigaw niya sa labas.

Natapos na kong lahat. Hinintay niya ako sa labas ng kwarto ko sa dorm.

"Tara na," sabi ko at hinawakan ko ang pulso niya.

"Alam mo ba kung saan ang room mo? Kung makakapit ka sa akin..." sabi niya sa likod ko. Binitawan ko nga. "Sus, nahiya pa. Tara na, malapit na rin tayo." At siya na ang humawak sa kamay mo. He enter-twined our hands like no one cares.

Pero ba't may iba akong nararamdaman?

"Nakakahiya naman. Prinsesa, late." Rinig kong bulungan ng dalawang babaeng dinaanan namin sa hallway. Or I must say na sinadya niya iyon sabihin.

"Hayaan mo sila," sabi naman ni Miggy. Natahimik nalang ako.

Nasa labas na kami sa room. Nagbulungan naman ulit silang lahat.

"I'll see you later." Bulong ni Miggy sa binitawan ang kamay ko at umalis. Naka-tungo akong pumasok.

"Good afternoon, Princess. Please introduce yourself." Ani Sir kaya nagpakilala ako at saka umupo sa unahan. Rinig ko pa rin ang mga bulungan nila sa likod.

Fine, kung 'yan ang gusto nila... sige lang. Mawawala din 'to. Mga insecure lang kasi ako ang Prinsesa?

Ang klase dito ay magic.

"So, what is life being a Vampire Princess?" biglang singit na tanong ni Sir sa akin habang busy ako sa pagsusulat ng notes. Pati ba naman ang personal kong buhay gusto nilang alamin?

"Sir, all of our personal life style is private. Hindi niyo na po dapat malaman ang lahat. It's a sign of respect to each other kaya wala po akong isasagot sa tanong niyo." Napa-ngisi siya sa sinagot ko. "But being a Vampire Princess is not for me. Hindi ko pa alam ang sagot sa mga katanungan ko kung bakit ako naging prinsesa niyo nang wala sa oras at napunta ako dito."

Natahimik naman ang apat na sulok ng kwarto namin.

Totoo, hindi ko pa talaga alam kung anong rason na naging prinsesa ako. Imposible sa imposible. Hindi naman masabi sa akin ng mga magulang ko. Kusa ko daw hahanapin ang sagot para do'n.

"I'm sorry, Princess," ani Sir. "Pero hindi naman sa lahat ng oras ay protektado ka sa school na 'to. Kusang lumalapit ang malas. Mag-ingat ka." Patuloy niya. Napataas ako ng kilay at umiwas nalng ng tingin sa kanya.

Lumabas kami sa room at nagpunta sa school grounds. Nagpractice kami kung ano ba talaga ang meaning ng magic sa mga bampira. Tinuro ni sir kung paano namin makokontrol ang sarili sa paggamit nito. Akong first time palang dito ay nagpaturo muna kay Hannah, siya ang katabi ko kanina.

"Okay Princess, ang first move ang hawakan mo itong kahoy at saka gusto mo itong ipa-invisible sa mata mo." Sabi niya.

"Parang ang hirap naman," sabi ko. "And just please call me Jana. I'm not comfortable to 'Princess'."

"Okay," sagot niya. "Now, try to relax and follow your heart and mind."

Ginawa ko na ang gusto kong gawin. Unang trick palang nahihirapan na ako. Paano pa kaya kung hangin, tubig, at apoy na ang ipagawa sa amin at magpa-practical alangin si Sir? Mapapahiya ako sigurado.

"Practice more Jana. Magagawa mo rin 'yan." Sabi ni Hannah. Umupo muna ko sa bench. Ang init naman kasi.

Kung sa ibang vampire schools sa buong mundo ay gabi ang klase nila, dito ay puro pang umaga. Delikado kasi kapag gabi dahil 'yong ibang estudyante lumalabas at baka isang talikod mo lang mabubutas na ang puso mo.

"Imposibleng Prinsesa ako pero hindi ko magawa 'yong mga ganitong bagay," Sabi ko. "Totoo simula no'ng maliit pa ko, sinubukan kong gawin pero hindi ko talaga magawa." Kwento ko.

"Magagawa mo rin 'yan. Tulad mo, noong una hindi ko nagawa. Kaya sabi ko sa sarili kong 'Kaya ko 'to.' Sa ilang araw na sinubukan ko, nagawa ko rin." Sabi niya at tumayo. "Tara na, subukan mo ulit. Kapag hindi pa, baka next days or next week lalabas na rin ang tunay mong lakas." Nauna na siyang maglakad papunta sa mga classmates namin.

Napaisip ako sa sinabi niya. Oo ngang hindi imposibleng magawa ko 'to... pero parang may humaharang na magawa ko.

Tumabi na lang ako kay Hannah ng may mga sinabi pa si Sir at saka nag dismiss ng klase.

Naglakad na ang iba papunta saan man.

"I'll see you tomorrow, Jana. May gagawin pa kasi ako sa dorm." Sabi niya at umalis.

"Okay." Sagot ko. Nagtungo na nga rin ako sa dorm pero nabagot ako kaya lumabas ulit.

Gusto ko munang makapag-gala dito sa loob ng compound ng school. Maaga pa naman ang 5:30 at 7:30PM ang curfew. Papalubog na rin ang araw.

Paglabas ko sa gate, unang napako ang tingin ko sa mga building. Vampire Academy, hospital, blood banks, mall, convenient and grocery stores. Seriously? May ganito pala dito.

Naglakad na ako hanggang sa pumasok ako sa convenience store. Pumili na ko nang mabibili at nagpunta sa cashier para magbayad. Nagulat nalang ako nang hindi niya tinanggap ang pera ko.

"Ma'am hindi niyo na po kailangang magbayad. Kayo naman po ang may ari nitong convenience store." Sabi ni ateng cashier.

"Ha? Paanong nangyari 'yon ate?" Tanong ko. "Imposible. Hindi po mayaman ang pamilya ko para magpatayo nito."

"Kayo po ang Prinsesa at sa inyo po nakapangalan ang store na 'to." Sabi niya at pinakita ang titulong nakasabit sa gilid. Nakita ko ngang may pangalan ko pero... "Ate, sige na po. Tanggapin niyo nalang po ang bayad ko." Sabi ko naman at inabot ang bayad ko. Buti naman at tinanggap niya. "Keep the change ate."

"Okay po. Pero ma'am next time po kumuha nalang po kayo kung anong gusto niyong kainin. Just let me know nalang din po." Sabi niya at ngumiti. Nahiya naman ako.

"Anong pangalan mo, Ate?" Tanong ko.

"I'm Ivy," at nag-bow. "Nice to meet you, Princess."

Prinsesa. May mga bagay pa ba akong dapat malaman na hindi ko alam? Siguro mayroon pang iba. Nakaka-stress naman 'tong buhay ko. Nag-ala manager ako dito.

Naupo nalang ako sa gilid at kumain.

Marami pa ngang talagang mga bagay na hindi ko alam. Hindi naman kasi ako kinukwentuhan nila Mama. Ang iniisip nila ay kung paano ako makakapagtapos ng pag-aaral. Kaya pala nila ako pina-transfer dito dahil sa magic? O iba pa?

At dahil sa kakaisip ko ng kung ano, dumilim na kaya lumabas na ko.

"Ate, balik ako dito." Sabi niya.

"Sure, Princess."

Naglakad na ko pabalik sa school dorm. Kailangan ko pang mag-practice sa invisible trick na 'yon. Kung mga Math, English at Filipino subject lang ay makakaya ko pa. Pero iba eh... magic ang karaniwang subject dito!

Napahinto ako nang may humarang sa daan.

"Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nasa harapan.

"I'm Ken," inilahad niya naman ang kamay niya para makipag-shake hands pero hindi ko nagawang tanggapin ang kamay niya. "How are you, Princess?"

Teka... parang nakita ko na siya?

"Sinusundan mo ba ako?"

Umiling siya. "No. But I'm the one you will never be forget."

"What?" Pinagsasabi nito? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Tch. Wala akong pakialam sa mga tao na kung makaharang sa dinadaan ko parang kilala ko sila. "Don't follow me again."

Umalis nalang ako sa harapang niya.

"Miss Lim, huwag kang assuming!" Sigaw niya at tumakbo nalang ako papuntang kwarto ko. Pagdating ko prenteng nakaupo si Miggy sa sofa at masama ang tingin sa akin.

"Ba't ka nandito?"

"Hinihintay ka," sagot niya. "Saan ka galing?"

"Tch."

Napatingin siya sa plastic na hawak ko.

"Ano 'yan?" Aabutin na niya sana pero iniwas ko.

"Akin 'to eh! Wala namang agawan ng pagkain!" Sabi ko sa kanya at tumayo. Nilagay ko sa ref ang mga binili ko.

"Pahingi nga niyan," sabi niya at biglang kinuha ang cloud9 at binuksan saka kinain ang laman!

"Ano ba!" Sigaw ko!

"Sino 'yong kausap mong lalaki kanina?" Tanong niya.

"Ha? Pinagsasabi mo diyan? At bakit ka ba sumisigaw?"

"Hindi ka kasi sumasagot!"

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang kapatid ko.

"Ate, may naghahanap sa'yo sa labas." Sabi niya.

"Sino daw?" Tanong ko.

"Ken daw," pumasok siya at umupo sa sofa.

"Stay here," sabi ni Miggy at saka lalabas sana pero pinigilan ko.

"Teka, ba't ikaw ang lalabas?" Tanong ko sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya.

"Just stay here." Sabi niya at lumabas.

"Dito muna ako, Ate. Nagugutom na ko." Biglang sabi ng kapatid ko.

"May pagkain sa ref, kumuha ka nalang. Maliligo muna ko." Sabi ko sa kanya at pumasok ng banyo.

"Ate, pwede bang akin nalang 'tong tinapay at palaman?" Sigaw niya.

"Okay!"

Paglabas ko, wala na si Jarvin. Pambihirang batang 'yon hindi nagpaalam.

Dumiretso ako sa veranda at nagpahangin. Umupo ako sa sahig at sumandal. Ang init ng pakiramdam ko. Parang lalagnatin ata ako. Kakaligo ko lang tapos ganito na?

"Jana?" Tawag ni Miggy. Napapikit ako.

"Hmm?"

"Okay ka lang ba?" Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.

"Hmm..." sinubukan kong magmulat... and all went black.

--

© xiarls