Chapter 3 - 2

Dahil sa nangyaring tawag kagabi, na late ako ng gising. Medyo napaaga rin ako nakatulog sa kakaisip kung sino ang tumawag. Sa pagkakaalam ko, wala namang nababalitaang panganib sa pamilya namin. O sadyang nagkakamali lang ako ng iniisip? Ano ba talaga? Sumasakit ako ulo ko!

May kumatok sa pinto ng kwarto ko at binuksan iyon, si Mama pala. 

"Anak, 'di kaba papasok?" tanong niya, napako ang tingin ko sa wall clock sa ibabaw ng study table ko. 8:30 na, at late na ako.

Hindi naman talaga maiiwasan ang mapaisip sa mga tumatawag lalo na kapag hindi mo alam ang number at kung sino ang nagsasalita.

"Mamaya na lang siguro, Ma. Medyo napuyat po ako kagabi," sabi ko at humikab.

"Bakit anong ginawa mo?"

"Ah, eh, wala naman po. Hindi lang ako nakatulog sa kaka-aral para sa quiz mamaya." Oh shoot! Namilog ang mata kong tumingin kay Mama! Ngayong 9:00 ang quiz namin!

"Ma, papasok na lang ako ngayon!" Nagmadali naman akong pumasok sa banyo at naligo! Shet! Kailangan kong maka-abot sa quiz! Terror pa naman ni ma'am pagdating sa mga late.

Nagmadali naman akong bumihis ng uniform at saka bumaba para kumuha ng tinapay at lalabas n asana nang bahay ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Miggy ang tumatawag!

Napahinto ako sa pinto at sinagot siya. "Oh?"

'Jana, 'wag kang pumasok! Nagkakagulo dito sa school!' Sigaw niya! Rinig ko ngang may mga sumisigaw.

"Bakit ba? Anong nangyayari?" inis na tanong ko.

'Bumalik si Lennard at hinahanap ka!'

Parang nanghina ang tuhod ko sa narinig ko. Alam ko na kasi ang lahat kung bakit nagkahiwalay sina Mama at Papa noon, at dahil 'yon kay Lennard. Masama siyang bampira sa pagkakaalam ko.

"Anak?" rinig kong tawag ni Mama sa likod ko.

Tinignan ko si Mama, parang sumisikip ang dibdib ko.

Kung kaninang excited ako pumasok para maka-abot sa quiz, ngayon ay parang nawalan ako ng lakas para maglakad. Napaupo na lang ako sa sahig.

'Jana?' rinig kong tawag ni Miggy sa kabilang linya pero hindi ko siya sinagot.

Lumapit si Mama sa akin at kinuha ang cellphone sa kamay ko.

Hindi ako makatingin kay Mama... nanghihina talaga ako tuhod ko. Posibleng si Lennard ang tumawag kagabi. Hindi ko pa narinig ang boses niya pero sa narinig kong sinabi ni Miggy na nandon siya sa school at hinahanap ako ay alam ko na kung sino.

Sinagot ni Mama ang tawag.

"Miggy, tell me the truth. Ano bang nangyayari dyan at bigla nalang nanghina ang anak ko dito?" May halong pagtataka at pag-aalala ang boses ni Mama.

Kahit hindi ko marinig ang sinagot ni Miggy kay Mama, pati siya ay nanghina.

"Ma, okay ka lang po ba?" tanong ko at nilapitan siya.

"Hindi anak. Hindi maaaring bumalik siya..."

Alam ko kung ano ang ibig sabihin ni Mama. Sa pagkakaalam ko, patay na si Lennard pero nagkakamali kami. Katulad nga ng sinabi ni Miggy.

"What happened here?" Si Papa.

Tinulungan niya kaming tumayo. Naiwan sa sahig ang cellphone ko kaya pinulot niya iyon at tinignan ang caller.. Ngayon, si Papa na ang sumagot kay Miggy.

"Miggy..."

'Bro, pasensya na kung nabahala ko kayo. Pero huwag na huwag niyo palalabasin ng bahay si Jana.' rinig na namin ni Mama ang sinasabi niya dahil naka speaker mode na iyon.

"Why? Any problem there?" Tanong ni Papa. Nasa akin ang tingin niya.

'Bro, bumalik si Lennard. Buhay siya!'

Pati si Papa nagulat sa sinabi niya.

"At ano naman ang kinalaman ng anak ko sa kanya?"

'Jason, bro, sa maniwala kayo o hindi, siya na rin nagsabi na papatayin niya kayo oras na makita niya si Jana!' hinihingal na sigaw niya.

"Miggy, mag-usap tayo sa personal." sabi ni Papa at pinatay ang tawag pero hindi niya binalik sa akin ang phone ko.

"Pa? Akin na po..." sabi ko.

"No." simpleng sagot niya.

Okay, wala na akong magagawa na kinuha ni Papa ang cellphone ko at lumabas agad siya ng bahay. Pupuntahan na ata si Miggy.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko... 9:13 na. Crap! Dahil pa ata sa nangyaring gulo, at tulad ng sinabi ni Miggy ay parang walang quiz na mangyayari.

Pumunta na lang ako sa kitchen counter at kumuha ng tubig na maiinom. Pati si Mama nakatayo pa rin sa may pintuan.

"Ma!" tawag ko pero hindi siya kumibo. Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat.

"Ma, you alright?" Tanong ko.

"Oh...ah..." nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Mama na para bang hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig niya.

"Okay lang ako anak," sagot niya. Pero pakiramdam ko pinapalakas lang ni Mama ang sarili niya para hindi na ako mag-alala.

"Ma, iakyat ko na lang po kayo sa kwarto niyo at magpahinga." Sabi ko sa kanya. Tumango naman si Mama at umakyat kami.

"Ipahinga mo na lang Ma ang mga narinig mo." Sabi ko sa kanya at tinulungan siyang mag-ayos ng kumot.

"Thank you, anak."

Lumabas na rin ako ng kwarto nila ni Papa at pumasok sa kwarto ko. Nagbihis na rin ulit ng pambahay.

Hindi na rin naman ako makakalabas ng bahay dahil delikado lalo na't may banta nang nakaabang sa akin anumang oras. Baka 'pag lumabas ko mag-isa, makasalubong ko na ang kasapi ni Lennard at hindi tamang ideya ang naiisip ko ngayon...

--

Nahiga na lang ako buong maghapon sa kama ko at nagbasa ng libro. Tinawagan ako ng mga classmates ko kanina sa cellphone ni Mama at sinabing pumasok daw ako bukas para kumuha ng special quiz. Pero sinabi ko nalang sa kanila na grounded ako dito sa bahay at hindi pwedeng lumabas.

Ganun naman diba? Manatili lang sa loob ng bahay kesa sa lumabas na delikado pa ang sitwasyon.

Ewan ko ba, kinakabahan ako sa anumang kinahinatnan nito. At ano naman kaya ang balak ni Lennard sa akin at sa pamilya ko? Ang akala naming tahimik na buhay na kami ngayon ay napalitan ng pangamba...

"Anak, baba na. Kakain na tayo," sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko. Sinarado ko ang librong binabasa ko.

"Opo andyan na." Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba.

I think someone's here. I hear different voices... at bigla na lang sumulpot sa harap ko sina Miko, Maika at Mika. Ang triplets kong mga pinsan kay Tita Marie na kakambal ni Mama. Sabay-sabay nila akong dinamba ng yakap na para bang gusto nila akong patayin sa sikip ng dibdib dahil sa hindi na ako makahinga ng maayos!

"Ano ba, bitaw na! Hindi ako makahinga!" Sabi ko sa kanila at agad naman silang umalis.

"Na-miss ka namin!" Si Miko, panganay sa kanila. Kinurot niya ang pisngi ko.

"Oo nga, kaya niyaya namin si Mommy na pumunta ditto." Si Mika, ang bunso.

"Oh, ano pa ba ang ginagawa niyo dyan? Tara na ditto." Tawag sa amin ni Tita. Humalik ako sa pisngi niya.

"Musta kayo Tita?" tanong ko at umupo.

"Ayos lang naman ako. Ikaw, iha?"

"Medyo maayos din po."

"Bakit medyo lang?"

"Mahabang usapan po Tita. Kain na po tayo." Sagot ko nalang. Ayaw ko na munang pag-usapan ang mga nangyayari sa amin. Baka magalit si Mama.

"Ate Maika, 'bat ang tahimik mo?" tanong ni Jarvin sa kay Maika. Tulala siya ngayon sa harap ko. Siya kasi ang bihirang magsalita sa kanila at sobrang tahimik rin niya. Hindi siya pala kwento sa iba pero kung ako ang kaharap niya, sinasabi niya ang lahat sa akin.

"Don't mind me." Sagot niya ang ngumiti ng mapakla.

I sense something's wrong on her. Tumingin siya akin. Alam ko na ang ibig sabihin ng tingin niya. Tumango na lang ako at nagsimulang kumain.

Kakatapos lang kami maghapunan nang pumasok si Papa sa bahay kasama si Miggy. Puro putik ang damit niya. Yeah, sa nangyaring gulo kanina baka sinubukan niyang pigilan sila Lennard dahil sa marami ang madadamay na mga estudyante.

"Oh, kumain na kayo." Sabi ni Mama sa kanila.

"Hi Tito." Sabay na sabi ng tatlo kay Papa.

"Oh, nandito pala kayo. Kamusta?"

Napatingin ako kay Miggy. Ang lalim ng titig niya sa akin. Lumapit siya at hinalikan ako sa pisngi. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya napatulala naman ako sa kanya. Ngumisi siya na para bang iba ang meaning ng halik na 'yon sa kanya.

"Ahem!" Sabi ng lahat.

Napakurap ako ng mata at naramdaman kong namumula naman ata ang pisngi ko kaya napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Simpleng halik lang naman ang ginawa niya pero bakit feel kong may kakaiba para sa kanya na hindi ko maiintindihan?

"Baka crush mo na ako." Bulong niya naman. Aba! Narinig niya naman ang isip ko!

"Kanina pa." sabi niya ulit.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tumalikod na lang ako sa kanya at hinarap ko si Maika.

"Tara na Maika." Sabi ko at tumango naman siya.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Miggy.

"Pakialam mo ba?" sabat ko. Naiinis ako sa ginawa niyang paghalik sa akin!

Dumiretso kami ni Maila sa terrace sa kwarto ko. Sina Miko at Mika naman ay nagpaiwan sa baba kasama si Jarvin.

Umupo kami sa sofa na nandito at hinarap siya.

"Tell me, anong problema? Bakit ang tahimik mo kanina ang parang wala kang ganang kumain?"

"Ate... kasi naman..." bumuntong-hininga siya. Inabot ko ang kamay niya, nanlalamig siya at masasabi kong kinakabahan siya.

"You can trust me, Maika. Come on, sabihin mo na para hindi na bumigat ang dibdib mo." Sabi ko.

Bigla nalang siyang humagulhol ng iyak. Tinapik ko ang likod niya.

"Ate, I'm pregnant..." sabi niya.

Nagulat ako kaya natulak ko siya ng marahan.

"What?"

"Ate, h-hindi ko alam kung ano ang sasa...sasabihin ko kay Mommy. Kinakabahan ako at baka palayasin siya ako. Ate, iniwan niya ako nang malaman niyang buntis ako. Tu..tulungan mo ako Ate... please!"

Pati ako napaiyak sa sinabi niya.

"Maika, you're still young! 19 years old ka palang! Bakit mo inuna ang kapusukan kesa sa pag-aaral mo?!" pinahid ko ang luha ko. Kaya nga laging sinasabi sa akin ni Papa na huwag muna akong mag boyfriend baka kung saan lang mapupunta ang future ko.

Hindi siya sumagot. Niyakap ko nalang siya. Naaawa ako sa kanya. Kahit sino man hindi hinangad na mabuntis sa batang edad. Pero siya? Imposible! Ang tahimik kasi niya.

"Ate, pinilit niya ako. Alam ko namang mahal niya rin ako pero natapos ang lahat nang ginawa niya, pinagduduro niya ako sa harap ng iba at pinahiya! Wala na akong mukhang ipapakita sa school namin dahil sa nahihiya ako sa nangyari."

"Isipin mo nalang kung sino ang may mali, Maik. Hindi naman niya siguro gagawin 'yon kung mahal ka niya. Pero sa narinig ko, dapat lang kayong mag-usap ng masinsinan. Iyon lang ang paraan para

"Pero Ate hindi na 'yon mangyayari pa. nagpunta na siya sa ibang bansa kasama ang pamilya niya."

Hindi na lang ako umimik pa. patuloy pa rin siya sa pag-iyak niya nang marinig namin si Tita Marie na tinatawag si Maika.

Mas nanginig ang kamay niya. Naririnig ko rin ang lakas ng tibok ng puso niya. Wala nang ibang paraan pa para sa problema niya.

"Sundan mo siya kung saan siya pumunta. Tutulungan kita. Ako na ang bahala kay Tita." Sabi ko, tumango naman siya.

Ito lang ang naiisip kong paraan. Sana maging maayos na ang lahat sa kanila.

--

Two weeks na rin ang nakalipas at masasabi kong solve na ang problema ni Maika. Tumawag siya last night na sinabi na niya kay Tita ang tungkol sa pagbubuntis niya. Tanggap naman ni Tita ang nangyari pero gusto niyang ipakasal silang dalawa.

At dahil sa nangyaring gulo, two weeks akong tambay sa bahay. Pinahupa muna namin ang mga balita tungkol dun at ngayon ang pagbabalik ko sa school. Hindi para magpatuloy pa ng pag-aaral doon. Magpapaalam na ako sa kanila at hihingi ng pasensya sa nangyaring gulo. Kung dito pa ako hanggang sa makatapos ako ay hindi rin pwede. Maraming makakaalam ng sekreto ko. Alam ko namang mahilig maghalukay ng mga balita o mga tsismis ang mga normal na tao at sisiraan ka lang sa harap ng maraming tao. Matagal ko nang alam 'yon dahil sa kakabasa ko ng mga libro at kaka-nood ko ng tv.

Pinagsabihan ako ni Lola na lumipat sa isang university kung saan ang mga uri lang namin ang nakakaalam kung saan. Vampire University ika nga, at doon naman ako maghahanap ng panibagong buhay. Doon na rin mag-aaral ang kapatid ko.

Now is the time to bid goodbye.

Pumunta ako sa gitna habang nagsusulat si ma'am sa white board.

"Ma'am, excuse me, can I borrow a minute?" hiling ko, tumango naman siya.

Humarap ako sa lahat. Napako ang tingin nila sa akin. Parang walang gulong nangyari sa kanila dito, dahil masasabi kong ang tahimik nila.

Wala si Miggy kaya sinubukan kong magpalakas ng loob.

"Sorry for the troubles that happened last two weeks. I know you didn't want to get harm. I don't know what exactly they wanted but I'm sure that they're looking for me." I said. My tears started to run down on my cheeks.

"I know that they've been looking for me but I don't know that they'll come here on that day that I've been absent and attacked you. I'm so sorry for what they've done."

"What are you talking about?" tanong ni Johnny.

"Oo nga, Jana. Ano bang pinagsasabi mo?" si Edmond.

"Stop the crap, Ms. Lim. Alam na namin ang lahat." Sagot ni Anna, isa sa limang galit sa kagandahan ko.

"Alam na ano?" Tanong ko.

"Na may tinatago ka sa katauhan mo. Na isa kang ba--" Bago niya matapos ang sasabihin niya ay tinakpan na ni Sander ang bibig niya.

"Shut up already Anna. Let her explain her side."

"Ohh..." sigaw ng lahat. Madalas lang kasi magsalita si Sander. May pagka-misteryoso din. At alam ko 'yon sa isang tingin lang.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Ginawa nila 'yon kasi nalaman nilang dito ako nag-aaral. Gabi pa lang may tumawag na sa akin na maghanda at ingatan ko ang pamilya ko. Kaya ako absent noon sa kakaisip kung sino ang tumawag. Si Miggy na ang nagbalita sa akin na nagkakagulo dito kaya hindi na ako nagpunta pa dahil alam ko kung sino ang nandito."

Ito na talaga.

"Kaya ako bumalik ngayon ay para magpaalam sa inyo. Siguro naman ang iba sa inyo ay alam na kung ako ang ibig kong sabihin. Ayoko na ulit kayong madamay sa mga darating na gulo. Lilipat na ako ng ibang school bukas. Thank you sa mga tumanggap sa akin at kaibigan ko. Sana hindi niyo ako malilimutan." Tumulo na talaga ang luha ko.

"Ang totoo niyan, bampira ako. Please don't let others know about my identity." Kasama ang paghikbi ko ang mainit na yakap nilang lahat.

Masaya ako dahil tanggap nilang iba ako sa kanila.

"Ma'am, thank you for everything... na tinanggap niyo ko ulit ngayon." Sabi ko kay Mrs. Reyes.

"Anytime, Ms. Lim. Basta ang mahalaga ay pinakita mong hindi ka takot na malaman nila ang katotohanan. Just be safe." Sabi ni ma'am at niyakap ako.

Humarap ulit ako sa kanilang lahat at binigyan sila ng isang matamis na ngiti.

"Well, now is the time." I said. "Thank you and good bye."

Nagpalakpakan naman silang lahat dahil sa speech ko. Finally, my heart feels good after I reveal my identity.

Pero natahimik ang lahat nang may tumugtog ng gitara sa may pintuan ng room at napanganga ako sa ginagawa niya ngayon.

"It's for your last day here in this school, our Vampire Princess."

Naramdaman kong tumaas lahat ng balahibo ko sa braso dahil sa sinabi niya.

"Vampire Princess?" tanong ko sa kanya.

"Yes, baby. You're the Vampire Princess and I'm willing to guard you till I die."

Napahiyaw ang lahat at nagsimula na rin siyang kumanta at sinabayan naman siya ng lahat.

--

Pinagsusuntok ko si Miggy nang makalabas kami ng campus. Yes, si Miggy itong kasama ko. Bugbog sarado na siya sa akin!

"Anong ibig mong sabihin sa 'Vampire Princess' ha? Bwesit ka! Akala ko hindi ka na babalik dito!" sigaw ko sa kanya.

After kasi noong nagpunta siya sa bahay, hindi na siya pumupunta pa.

"Why? Miss me?"

"Asa ka naman! Hindi 'no!"

"Weeeh? Sa pagpula ng mukha mong niyang, hindi mo ako namimiss?" ngisi niya.

"Lakas ng hangin mo ah!"

"Hahaha! Hindi naman. Tara na nga! Uwi na tayo, hatid na kita. Binilin ka sa akin ng Papa mo. Hindi siya makakasundo sayo kasi may pinuntahan siya."

Naglakad na lang kami papuntang bus stop. Bigla niya akong inakbayan.

"Ang kamay mo please." Sabi ko.

"What? Parang hindi ka naman iba para sa akin."

Natameme na lang ako. Yeah, hindi nga siya iba sa akin.

Napaisip ako kung bakit hindi siya nagpakita last two weeks.

"Saan kaba nagpunta last two weeks? Hindi ka nagpakita sa bahay ah."

Bumuntong hininga siya.

"Sinulit kasi namin ang oras para mahanap ang kuta nina Lennard. Kahapon lang namin nahanap dahil sa pag-atake ng isa niyang kasamahan sa downtown." Paliwanag niya.

"Ahh. So, anong nangyari?"

"Wala naman. Wala sila doon nang magpunta kami."

"Sino ang kasama mo?" tanong ko ulit.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Mapapahamak ka nang wala sa oras eh."

Napatingin ako sa kanya. Nakangisi siya.

'Curious lang naman ako.'

'Malalaman mo rin ang lahat sa susunod. Delikado pa ngayon.'

'Okay.'

Sumakay na kami ng bus hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Nagpahinga na ako dahil alam kong maaga pa kami aalis bukas.

New world with new life. Ano kaya ang mangyayari sa akin doon?

--

© xiarls