Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Because of You By Crystal Rogue

🇵🇭CrystalRogue
11
Completed
--
NOT RATINGS
13.6k
Views
Synopsis
Naisipan ni Isha na magpakalayo layo muna ng mga ilang araw matapos hindi matuloy ang kasal nila ng kanyang nobyong si Aljon. Ang suggestion ng kanyang pamilya ay magbakasyon siya sa kanyang pinsan sa Quezon Province pero naiba iyon ng makita niya ang isang advertisement ng isang Lake sa Mindanao. Naisip niyang bakit hindi na naman siya lumayo layo para naman maranasan niyang maging independent kahit minsan. Naisipan niyang puntahan ang lugar na iyon dahil may pakiramdam siyang madali siyang makakalimot sa mga nangyari sa kanya dito sa Maynila kung sa isang Nature Resort siya magpapahilom ng sugat. Maayos na sana ang kanyang pagbabakasyon kung hindi lang niya nakilala si Jason. Ang Manager ng naturang Resort. Unang beses niyang narinig ang boses nito ay nabighani na siya rito. Mas lalong nahulog ang loob niya sa binata ng makipag - lapit ito sa kanya sa kadahilanang napagsungitan siya nito noong unang araw niya sa Resort. Hindi naman mahirap mahalin ang binata dahil sobrang bait nito pero hindi niya sigurado kung kaya pa niyang magmahal muli pagkatapos ni Aljon. Will she let him bring back the broken pieces of her heart and let her be happy again with him or will she just let him go and stay single for the rest of her life? This time, puso na niya ang kusang nagdesisyon pra sa kanya.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter One

NGAYON ang araw ng kanyang kasal kaya naman hindi maiwasang kabahan ni Isha. Excited siya. Sino ba namang babae ang ayaw maikasal sa lalaking pinangarap nilang makasama habang buhay?

Habang lumalapit ang kanyang bridal car sa simbahan kung saan gaganapin ang pag-iisang dibdib nila ng kasintahang si Aljon ay mas tumitindi ang kanyang kaba. Magkahalong excitement at takot ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Paano kung pumalpak siya? Paano kung madapa siya habang naglalakad sa gitna ng simbahan? Ipinilig niya ang ulo para iwaksi ang mga negatibong naiisip niya. Kailangan niyang maging positibo dahil araw niya ngayon. Hindi niya gustong masira iyon.

Nakarating na siya sa simbahan at nakita niyang nasa labas ng pinto ang kanyang magulang at ang magulang ni Aljon. Bigla siyang kinabahan pero hindi siya nagpahalata. Nang makababa ng tuluyan mula sa loob ng sasakyan, agad siyang nagbigay galang sa mga magulang at magulang ni Aljon.

"Good morning po. Bakit po kayo narito pa sa labas? Magsisimula na po ang kasal any minute, 'di ba?" nakangiting tanong niya sa mga ito. Napansin niyang hindi mapakali ang mga magulang ni Aljon. Hindi na rin maganda ang kabang nararamdaman niya. Huwag naman sanang mangyari ang iniisip niya. Hindi siya iiwanan ni Aljon sa ere. Alam niya iyon dahil mahal na mahal siya ng binata.

"Anak…" mahinahong simula ng kanyang ama. Napatingin siya rito at hinintay itong magsalita. "Hindi na matutuloy ang kasal." Matapos sabihin iyon ay may iniabot itong isang sulat. Alam niyang galing iyon kay Aljon dahil kilalang-kilala na niya ang sulat kamay ng binata. Nanginginig ang mga kamay na tinanggap niya iyon at binasa.

"Sorry, Isha. Hindi ko alam kung paano ka haharapin matapos akong umurong sa kasal natin. Pero sana maintindihan mo na hindi pa pala ako handang lumagay sa tahimik. Marami pa pala akong gustong gawin sa buhay ko na ako lang mag-isa.

Minahal naman kita pero hindi pala sapat iyon para magpatali ako sa'yo. Patawarin mo sana ako. Hanggang sa muli. - Aljon"

Iyon ang nakalagay sa sulat. Hindi alam ni Isha kung anong iisipin at anong gagawin ng mga sandaling iyon. Gusto niyang magwala sa galit pero hindi niya magawa. Masyado niyang mahal ang binata para magalit siya. Matapos basahin ang sulat ay pumasok siya sa loob ng simbahan at lakas loob sinabi sa mga bisita na hindi na matutuloy ang kasal.

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari sa simbahan. Isang linggo na ring hindi lumalabas ng kanyang kwarto si Isha at maging ang kanyang trabaho ay apektado na rin. Wala siyang ganang magtrabaho at ang gusto lang niya ay magkulong sa kwarto. Hindi naman siya umiiyak dahil wala na siyang mailuluha. Nailuha na niya noong mga unang araw. Ngayon ay wala lang talaga siyang gana pang makihalubilo sa mga tao sa labas maging sa mga tao sa paligid niya.

Kasalukuyan siyang nakatalukbong ng kumot nang biglang may kumatok sa kanyang kwarto.

"Ish?" mahinang boses ng kanyang ina ang narinig niya. Wala sana siyang balak buksan ang pinto pero alam niyang hindi rin naman niya mapipigilan ang kanyang ina. Tumayo na siya para pagbuksan ito.

"Yes, 'Ma?" tanong niya matapos bumalik sa pagkakahiga. Naupo naman ang kanyang ina sa gilid ng kanyang kama at marahang hinaplos ang kanyang buhok. "Anak, huwag mo namang pahirapan ang sarili mo. Gusto mo bang magbakasyon muna? Gusto mo bang pumunta muna sa Kuya Frank mo sa France?" tanong ng kanyang ina. Napabangon siya nang wala sa oras pagkarinig sa France. Hindi niya kayang magbakasyon sa isang lugar na may alaala ng dating nobyo. Doon kasi ito nag-propose ng kasal sa kanya kaya naman hindi pa niya kayang pumunta doon.

"Ma, alam mong hindi ko kayang pumunta ng France dahil maaalala ko lang si Al." Al ang tawag niya sa dating nobyo. Akala niya talaga ay magiging masaya na ang kanyang taon dahil ikakasal na siya sa lalaking pinangarap niyang makasamang bumuo ng kanyang mga pangarap. Pero at the last minute, iniwan rin siya nito. "Anak, hindi mo matatakasan ang mga nangyari kung ikaw mismo, hindi mo tinutulungan ang sarili mo. Go and have a vacation for a while. You need to breathe fresh air. Kung ayaw mo sa France, doon ka na lang sa pinsan mo sa

Quezon. Nature will help you, dear. Trust me." Masuyong hinalikan pa nito ang kanyang noo bago lumabas ng kwarto niya.

Quezon Province? Not a bad idea. Naisipan niyang bigla na buksan ang kanyang laptop at mag-research ng mga pwedeng mapuntahan sa Quezon habang nagbabakasyon siya pero curiosity strikes her nang makita niya ang advertisement tungkol sa Lake Sebu sa Mindanao. She spends hours of researching about the reviews of those people who already went to that place and all of those reviews are great. Napagisipan niya tuloy na doon na lang magpunta. Safe naman ang lugar base sa mga reviews ng mga taong nagbackpacking na doon. She found her self booking her flight from Manila to Davao. Mag side trip siya sa Davao bago siya mag puntang Lake Sebu.

Base sa research niya, isang maliit na barangay lang ang Lake Sebu pero maraming dumadayong turista doon dahil narin sa kilalang Seven Falls and The Longest ZipLine in Asia.

She booked her flights one way lang dahil hindi pa niya alam kung kailan niya balak umuwi ng Manila. Susulitin niya ang bakasyon niyang ito para naman makapag relax siya. May maiiwanan naman siya ng kanyang shop kaya alam niyang kahit magbakasyon siya ay hindi mapapabayaan ang kanyang negosyo.

After paying for her flight, she decided to look for hostel in Davao to stay for two days. Nakakita rin siya ng tour Agency na nagbobook ng two days trip sa Davao.

Sa Davao na siya maghahanap ng pwede niya matuluyan sa Lake Sebu. May mga mapagtatanungan naman siguro siya doon at may mga advertisements naman siguro.

Alam niyang hindi siya papayagan ng kanyang mga magulang magpunta ng malayo sa Luzon kaya naman planado na ang lahat bago siya magpaalam. Matapos niyang makausap ang agency na susundo sa kanya sa airport pagdating niya ng Davao bukas, nag empake na siya ng kanyang dadalhing mga gamit. She's never been excited all of her life. Matapos niyang makapag ayos ng mga dadalhin, agad na siyang bumaba sa sala para ipaalam sa kanyang pamilya ang kanyang desisyon.

"May sasabihin ako sa inyo." Sabi niya pagkaupo sa tapat ng mga magulang na kasalukuyang nanonood ng palabas sa

telebisyon. Nagkatinginan naman ang kanyang mga magulang bago magtanong ang kanyang ama.

"Ano iyon, hija?" sabi ng kanyang ama at tumingin sa kanya. Napabuntong-hininga muna siya bago sumagot sa tanong nito. "Napag-isipan kong magbakasyon. Bukas na ang alis ko at sa Davao ang destinasyon ko. Alam ko namang hindi niyo ako papayagan kaya naman nag-book na ako ng tickets. May flights na ako at didiretso ako ng Lake Sebu," marahang paliwanag niya at nagsalita muli. "I can take care of myself and isa pa, may nakausap na akong agency na mag-a-asikaso ng pagpunta ko doon," mahabang paliwanag niya. Wala ng nagawa ang kanyang pamilya dahil ayos na ang lahat.

"Mag iingat ka na lang doon anak at babalitaan mo kami palagi." Iyon lang at alam niyang ibinibigay na ng kanyang magulang ang blessings ng mga ito sa kanyang mahabang bakasyon.

Nakangiti siyang umakyat pabalik sa kanyang kwarto at excited siyang natulog. Maaga ang flight niya papuntang Davao dahil ayaw niya magsayang ng oras. This is once in a lifetime opportunity for her.

Napamangha si Isha ng makita ang Davao International Airport. Hindi ito ganoon kalaki ng katulad ng Maynila pero malinis ito at makikitang disiplinado ang mga tao. Nang makuha na niya ang kanyang maleta ay lumabas na siya ng airport at hinintay sa labas ang kanyang sundo. Hindi siya makapaniwalang nandito na siya sa Davao. Hindi siya natatakot kahit mag isa siya dahil sa mga balitang naririnig niya, safe sa Davao dahil magaling mamalakad ang mayor doon. She can't wait to have her tour later.

Nakita na niya ang sundo niya dahil may pangalan niya ang slogan na dala nito. Nakangiti siyang lumapit rito.

"Kayo po si Mang Dolfo?" masayang tanong niya rito.

Agad naman itong tumango at binitbit ang dala niyang maleta.

Nang makapasok siya sa sasakyan, saka lamang ito nagsalita.

"Welcome po dito sa Davao, Ma'am. Sana po ay mag enjoy kayo." At pinatakbo na nito ang sasakyan. Ilang oras pa ang tinakbo nila bago nila narating ang hotel kung saan siya tutuloy. Ang Marco Polo Hotel Davao. Matapos magpasalamat sa matanda ay nagdiretso na si Isha sa reception area para kunin ang susi ng kanyang magiging silid sa loob ng dalawang araw.

Matapos niyang makapag- ayos ng kanyang gamit ay nagpasya siyang mag-punta sa lobby ng hotel para hintayin ang kanyang sundo para sa first day tour niya. Excited siyang makita ang magagandang lugar na pwede niya mapuntahan dito sa Davao. Ilang minuto pa siyang naghintay sa lobby ng dumating na ang kangyang agent.

"Miss Isha Romano?" nakangiting tanong nito sa kanya. Tumango naman siya at inabot ang kamay nitong nakikipagshake hands.

"Ako nga po. Ano po ang una nating pupuntahan?" Excited na tanong niya habang palabas sila ng hotel. Sinabi naman nito kung ano-ano ang kasama sa first day tour nila at hindi na siya makapag hintay.

Isha is really having the best time of her life so far. Ang dami niyang napuntahan sa Davao sa unang araw pa lang niya. She made a mental note to check back Samal Island again after her trip from Lake Sebu. This is her second day and her tour is just exciting as the first one. Hindi magkamayaw ang kanyang mga mata sa paglilibot sa Crocodile park at sa Butterfly Garden. She feels like she was in Paradise seeing those colorful Butterflies flying inside the house of butterflies.

"Ang ganda naman dito! Pwede ba magpapicture sa loob ng House of Butterflies?" tanong niya kay Katherine na kanyang agent. Kinuha muna nito ang brochure ng lugar sa kanyang mga kamay bago siya sinagot.

"Naku Miss, pwede naman pero dito lang sa labas eh. Ipinagbabawal kasi ang pumasok sa loob ng house of Butterflies kapag ganitong mating season nila." Mating Season pala ng mga paru-paro kaya pala ang daming paru-paru na nandoon. Halos konti lang kasi ang makikita sa may butterfly garden. Iba pa rin kasi ang lugar ng butterfly garden sa lugar kung nasaan ang House of Butterflies. Nagkasya na lang siya mag-papicture sa labas ng HOB and nagtuloy na sila sa kanilang pangalawang destinasyon. Ang Japanese Tunnel. Nakakatuwang pagmasdan ang Japanese Tunnel dahil kapag dumaan ka doon, ang makikita mo sa kabilang dulo ay isang malawak na garden na punong puno ng mga iba't ibang uri ng bulaklak na galing pa ng Japan.

Kaya siya tinawag na Japanese Tunnel dahil Japanese Garden ang makikita mo sa dulo. May mga ilan ding shops sa gilid na hindi naman nakakasira ng lugar bagkus ay nakakadagdag pa nga ng attractions dahil gawa mismo sa Japanese Interior ang design ng mga iyon.

Matapos ang maghapong paglilibot, pagod na pagod si Isha at agad siyang nakatulog pagkapasok na pagkapasok niya sa hotel room niya. 12noon pa naman ang check out time niya kaya may oras pa siya magayos ng gamit niya papuntang Lake Sebu. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya ng mahimbing.

Maaga siyang nagising dahil na rin sa liwanag na sumisilip sa kanyang bintana. Hindi pala niya naisara ang bintana kahapon dahil nagmamadali na siyang umalis. Pagtingin niya sa kanyang relo, alas otso na ng umaga. Nagpasya siyang mag ayos muna ng sarili at magalmusal sa Restaurant ng hotel bago siya tuluyang mag ayos ng mga gamit niya para sa pag alis niya. Matapos niyang mag ayos ng sarili ay nakita niyang ang dami ng miss calls ng kanyang pamilya ng kunin niya ang kanyang cellphone. Malamang ay nag aalala na ang mga ito dahil mula ng dumating siya dito sa Davao ay hindi pa niya nagagawang tumawag sa mga ito. Nawili kasi siya sa pamamasyal.

Tatawagan na sana niya ang magulang ng biglang magring ang kanyang cellphone. "Hello?" masiglang sabi niya ng sagutin ang tawag. "Anak! Ano bang nangyari na sa iyo? Kamusta ka na dyan? Wala ka bang balak bumalik na dito?" Boses iyon ng kanyang ina. Natatawa siya dahil alam niyang nagpa-panic na ito sa kabilang linya. "Ma, relax. Okay na okay ako rito. In fact, I am having the best day of my life so far. Babalik din naman ako pero baka matagalan pa. Kumusta na pala ang Flavours?" Ang flavours ang negosyo niyang naipundar niya matapos niyang magtrabaho sa isang Hotel sa Singapore after she graduated College. Iba't ibang flavours ng ice cream ang tinda sa shop niya.

Ang namamahala doon ngayon ay ang bestfriend niyang si Lanie.

"Okay lang ang takbo ng Flavours. Magaling naman mamahala si Lanie kaya huwag mong alalahanin iyon. Ikaw ang mag ingat dyan dahil ang layo-layo mo sa amin. Promise us, you will be going back home in one piece." Nag-aalalang sabi ng kanyang ina. Para matapos na lang ang kanilang usapan ay sinabi niyang palagi siyang mag iingat.