TANGHALI na nakarating si Isha sa Gensan Terminal. From Davao, she took a bus ride going to Gensan dahil doon lamang siya makakasakay ng van papuntang Marbel para marating ang Surallah. From Surallah, she needs to take another Van or Jeep going to Lake Sebu.
Matapos ang mahabang biyahe, narating ni Isha ang Lake Sebu ng matiwasay. Mag aalas sais na ng gabi siya nakarating at agad siyang naghanap ng trycycle para magpahatid sa resort na tutuluyan niya. Dahil wala siyang mahanap na trycycle, nagpasya siyang magrent na lang ng habal-habal para makarating agad sa resort. Nang makakita ng habal-habal, agad nagpahatid si Isha sa Mountain Eco Lake Resort. Doon niya napiling magstay habang nililibot ang Lake Sebu at ang mga pwede pa niyang gawin.
Halos tatlumpong minuto rin siyang nagbiyahe mula Surallah papuntang Resort pero worth it naman. Nang makarating siya sa Entrance ng resort ay agad bumungad sa kanya ang ganda ng Lake Sebu. Open glass kasi ang entrance ng resort kaya naman kitang kita ang Lake mula doon.
"Good evening. I have a reservation here. Isha Romano is my name." sabi niya bago binigyan ng isang magandang ngiti ang babae sa front desk. Ngumiti naman ito at pinaghintay siya sandali sa lobby.
"Miss Romano, here is your room key. Enjoy your stay with us." Nakangiting sabi ng babae sa reception area bago ibigay
sa kanya ang susi. Matapos kunin ang susi ay agad na siyang nagpunta sa kanyang suite.
"This is wonderful!" nabigkas niya matapos tignan ang Lake View sa may tapat ng kanyang mini sala. Pagdating niya sa Bedroom, nakita naman niya ang Golf Course na malamang ay isa sa pwedeng maging activities ng resort. At sa may dining area naman ay matatanaw ang Seven Waterfalls na tinatawag. This resort is worth visiting for dahil nakakarelax. Mukhang mag eenjoy talaga siya sa kanyang bakasyon.
Matapos ayusin ang kanyang gamit ay nagpasya siyang bumaba sa may lobby para alamin sa reception area yung mga activities na pwede niya gawin habang nandoon siya at para na rin hanapin ang restaurant dahil nagugutom na siya.
Pababa na siya ng hagdanan ng marinig niya ang ingay na nagmumula sa may Lobby ng Resort.
"I am going to take charge from now on." Sabi ng boses lalaki na tinig. Napakasarap pakinggan ng boses nito habang nagsasalita. He has an authorotative voice. Yung tipong lahat ng empleyado doon sa resort ay mapapasunod na lang dito.
"Sir Jason, baka po pagalitan kami ng Mommy mo." Natatakot na sabi naman ng boses ng isang babae. May narinig pa siyang ibang boses na malamang ay ang ibang empleyado.
"Sino bang Amo rito? Bakit niyo ba ako pinagbabawalan? Kaya ko pamahalaan ang resort." Sabi ulit ng boses na iyon. Dahil curious siya, nagpasya siyang bumaba pa hanggang sa makalapit na siya sa lobby. Nakatalikod ang lalaki sa kanya kaya hindi niya ito matignan. Base sa pagkakatayo nito, mukhang matangkad ito at mukhang gwapo rin.
Erase Isha! What are you thinking? Nandito ka para magbakasyon at hindi para lumandi. Alalahanin mo na hindi ka pa okay mula ng iwan ka ni Aljon tapos magsisimula ka na naman? Pahingahin mo naman muna ang puso mo." Ipinilig niya ang ulo at bigla na lang napapitlag ng may marinig na nagsalita.
"And who the hell are you, Lady?" matigas na tanong ng lalaki sa kanya. Ngayong nakaharap na ito sa kanya, napagmasdan na niya ito ng mabuti at hindi nga siya nagkamali.
Hindi ito ganun kagwapo pero malakas ang dating nito dahil na rin sa mala-almond nitong mata at cute na dimples. Hindi siya nakapagsalita agad dahil sa gulat. Pero knowing her self-confidence is high enough, she compose her self and started answering his question.
"I'm a guest here. I just checked in today. Ganito ba kayo magtrato ng mga guests na dumarating dito sa resort niyo?" balik tanong niya rito. Napansin niya ang biglang pagsasalita nung babaeng nagbigay sa kanya ng susi para sa room niya.
"Ma'am, siya po si Sir Jason. Bago lang po siya dito kaya po hindi pa siya sanay sa ganitong trabaho. Pasensya na po kayo sa kanya." Hinging paumanhin ng babae. Ito ang babaeng nag assist sa kanya kanina sa may reception desk. Ngumiti naman siya bago nagsalita.
"Manager ba siya? Dapat he is trained enough to handle such a resort like this." Sabi niya sabay baling sa lalaking hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa harap ng mga empleyado nito. "Mr. Jason, hindi ka pwedeng maging Manager ng isang resort na kagaya nito kung hindi mo alam paano pahalagahan ang mga empleyado mo." Sabi niya at muling hinarap ang babae para magtanong kung nasaan ang Restaurant dahil lalo siyang ginutom. Itinuro naman nito ang daan papunta doon kaya naman agad na siyang nagpaalam sa mga ito.
Masaya niyang tinitignan ang mga pagkaing nakasulat sa Menu ng bigla na lang may naglapag ng isang hindi niya kilalang dessert sa lamesang inookupa niya. Nang tignan niya kung sino ang sira ulong naglapag noon ay nagulat siya ng makitang si Jayson iyon.
"Peace offering ko. Pasensya na pala kanina kung napagtaasan kita ng boses. Hindi lang kasi talaga maganda ang mood ko kanina." Nakangiti na ito ngayon sa kanya. Gwapo ang hinayupak kapag nakangiti.Tumango naman siya at ngumiti na rin.
"Walang anuman. Sa susunod, huwag mo ibubunton sa mga empleyado mo ang init ng ulo mo. Kasi pag umalis yan sila at iniwanan ka, ikaw din ang mahihirapan." Sabi niya at tinikman ang dessert. Masarap infairness. Nabasa yata nito ang kanyang isip dahil nagsalita ulit ito.
"Ako mismo ang gumawa ng dessert na iyan kaya wala iyan sa Menu. What's your name?" agad na tanong nito. Muntik
na siyang mapaubo dahil hindi niya inaasahang itatanong nito iyon sa kanya.
"Isha Romano. Call me Isha na lang. Jason, can I call you Jason?" tumango naman ito bago siya nagsalita ulit. "Okay, alam mo, kung masama ang loob mo kasi dito ka nakadestino sa resort na ito, bakit hindi ka na lang magpalipat ng ibang resort? Hindi naman siguro ipagkakait iyon ng amo mo diba?" sabi niya habang nilalantakan ang dessert. Hindi niya kasi alam ang tawag doon. Basta lang ang alam niya ay masarap iyon.
"Hindi naman dahil sa dito ako nakadestino, iyon na ang dahilan ng pag init ng ulo ko kanina. To be honest, ako mismo ang pumili ng resort na ito dahil peaceful dito. Natatahimik ako kapag nandito ako." Sabi nito at kumuha ng tissue para punasan ang tsokolateng kumalat pala sa gilid ng kanyang mga labi. The touch of his hands on her lips, kahit na nga may tissue na nakaharang, ay nagbigay pa rin ng kakaibang damdamin sa kanya. She felt her heart beats faster than usual.
Napabalik lang siya sa realidad ng magsalita muli si Jason. "Sorry, kumalat kasi yun toppings kaya pinunasan ko na. Ang kalat mo pala kumain." Nakangiting sabi nito. He looked cute when he smiled like that. Nakakabighani talaga ang mga ngiti ng lalaki. Lumalabas ang dimples nito at ang mapuputi nitong mga ngipin na alaga siguro sa linis ng dentista.
"Sorry. Medyo makalat kasi talaga ako kumain. Gusto mo?" alok niya rito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa sarili dahil matapos niyang tanungin iyon ay saka niya lang narealize na ang binata nga pala ang gumawa niyon kaya naman malamang natikman na ng binata ang cake kung cake bang matatawag iyon.
"Sige lang. Hindi ako mahilig sa matamis. At para sa iyo talaga ang gawa ko na iyan. Peace offering ko kaya naman one of a kind." Ngumiti na naman ito. Shemaaay! Nakakainlove talaga ang binata. Behave Isha! Nandito ka para magpahilom ng sugat.
Alalahanin mo na nagpapahilom ka pa ng sugat na gawa ni Aljon. Behave girl, behave. Umiling iling naman si Isha bago muling inubos ang pagkain. Nang matapos ay uminom siya ng juice na bigay rin nito.
"Salamat sa peace offering na cake. Hindi ko alam kung cake ba talaga ang tawag dito." Nakangiting sabi ni Isha.
"Hindi cake iyan. Chocolate frozen Ice Cream with Banana and Cream Cheese yan. Naisip ko kasi na magandang
gawing peace offering ang Chocolate. And then I found some Cream Cheese, I decided to experiment a little." Nakangiting sabi nito sa kanya at inaya siyang lumabas sa may likod ng resort.
Habang nag-lalakad palabas sa Restaurant papuntang likod ng Resort, hindi niya maalis- alis ang tingin niya sa katabing binata. Para mawala ang kakaibang damdaming nararamdaman, binasag na ni Isha ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Anong name ng Dessert na ginawa mo?" tanong niya habang naglalakad pa rin sila. Namangha si Isha sa nakita. Isang infinity pool ang nasa gitna ng garden at nagdudugtong sa lake. Napakagandang pagmasadan ng paligid dahil na rin sa mga nag gagandahang bulaklak na nakapaligid sa resort at idagdag pa ang mga dim lights sa paligid niyon dahil papalubog na ang araw. Maging ang Lake ay nagmistulang lover's lane dahil sa dami ng mga bangka na nagpapa ikot-ikot sa Lake.
"That Dessert's name is Twosaucysist." Sabi naman nito at huminto sa tapat ng isang man made lagoon na may mga naglalarong Koi fishes and mga maliliit na Water Lilies. Maya-maya pa ay umupo ito sa gilid ng lagoon at isinenyas na umupo siya sa tabi nito. Umupo naman siya at pinagmasdan ang magandang tanawing nakapalibot sa kanila. Napansin niyang may mga ibang turistang namamangka sa lake at umiikot ikot doon.
"Magkano mag boating dito?" tanong niya habang panay ang tingin sa mga turista. Napatingin naman si Jason sa kanya at maya-maya pa ay tumingin din sa direksyong kanyang tinitignan.
"Gusto mo ba mag-boating? Magandang mag-boating ng madaling araw. Around 4:30am kasi doon namumukadkad ang iba't ibang kulay ng Lilies pati na ang pag-iiba ng kulay ng Lake kapag nasisikatan ng araw.
"Talaga? Kaya lang baka hindi na kaya ng budget ko. Ang ipinunta ko lang talaga rito ay ang Zip Line. At makapag unwind na rin kahit papaano. Kung may matitira akong budget, why not?" sabi niya habang tiningnan naman ang mga naglalarong Koi fishes. Nakita niyang tumayo si Jason at agad siyang hinila patayo.
"Teka, saan tayo pupunta?" takang tanong ni Isha ng hilahin na lang siya bigla ni Jason palayo sa lagoon. Ngumiti lang ito sa kanya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Walang kaalam-alam si Isha sa kung saan man siya dadalhin ni Jason. Ang alam
niya lang ay ayaw niya pang matapos ang araw na kasama niya ang binata. He made her forgot the real reason why she's here. He made her feel special with the way he treated her. He made her feel secured whenever she's with him. Sana lang ay hindi na matapos ang araw na iyon. Pero alam niyang hindi naman siya magtatagal rito. Kailangan niyang bumalik sa totoo niyang mundo sa Maynila at ayusin ang mga gulong naiwanan niya roon. Isa na roon ang pagsasara niya ng kabanata ng buhay niya kung saan kasama niya si Aljon. Hindi siya aware sa kung anong damdamin ang ipinaparamdam ng binata sa kanya pero isa lang ang sigurado siya. She felt that Jason is now special to her.
"We're here." Nakabalik lamang si Isha sa realidad ng magsalita si Jason. Nang tingnan niya kung nasaan sila, napansin na lang niya na nasa booth na sila for Mountain Eco Lake Cruising. Agad naman silang tinanguan ng cashier at pinapasok na sa loob.
"Jason! Anong ginagawa natin rito? Wala na akong budget. Mag Zip Line pa ako bukas ng umaga." Nahihiyang sabi niya at ayaw niya sana tumuloy pero napilit na siya ng binata.
"It's on me. Sabihin na nating another peace offering dahil sa hindi ko pagtrato ng maganda sa iyo kanina." Sabi nito at niyaya na siyang sumakay sa isa sa mga bangka na nandoon.
"Sobra sobra na yung dessert na ginawa mo for me, Jay. Kung tutuusin, hindi mo naman na dapat ito ginagawa. I am just a guest here." Nahihiyang sabi pa rin ni Isha. Ngumiti lang si Jason sa kanya at ipinagpatuloy ang pagmaniobra ng bangka. Isha was mesmerized with the view on the lake. Kaya naman pala maraming nabibighani magpunta sa lugar na ito dahil sa Lake Cruising. Kitang kita kasi sa buong lake ang view ng resort. Isa pa, tatlong maliliit na Lake pa ang pwede malibot at makikita mo doon ang kabuuan ng city at idagdag pa ang mga nag gagandahang water lilies na bumubuo sa kagandahan ng buong Lake.
"Kaya nga Isha. Guest ka ng resort namin kaya we, rather I, should treat you like a guest. Sorry talaga kung napagtaasan kita ng boses." Nakatungong sabi ni Jason sa kanya. Hindi niya mapigilang ngumiti dahil sa iginawing iyon ng binata. Para itong batang inagawan ng laruan at pinipigilang umiyak. "Ang cute mo." Nasabi na lang ni Isha. Cute is the word she can describe him because he looked like high schooler sa suot nitong tshirt at shorts.
"Is that a compliment?" nangingiting tanong naman ni Jason sa kanya. Hindi niya mapigilang mamula ng tignan siya nito ng diretso sa mga mata. Pakiramdam niya ay ang pula-pula ng mukha niya. "Hindi. Wala akong sinabi. Ituloy mo na lang nga ang pagsagwan para makabalik na tayo sa resort." Sabi ni Isha at inilayo ang tingin sa binata.
Makalipas ang isang oras na paglilibot sa bangka, nakabalik na sila Isha sa resort. Nang makapasok sa lobby, nagpaalam na si Isha na aakyat na ng kanyang kwarto dahill napagod siya ng husto.
"Thank you for this wonderful evening, Jason. Goodnight." Sabi ni Isha at nagtuloy tuloy na papuntang hagdanan.