MABILIS na lumipas ang mga araw at namalayan na
lang niIsha na babalik na siya ng Davao ngayon pauwing Manila.
Sobrang lungkot ang nararamdaman niya dahil malalayo na siya
kay Jason. Pero gaya nga ng palaging sinasabi ng ibang tao, kung
sila talaga, paglayuin man sila ng tadhana, magkikita at
magkikita pa rin sila at magkakasama sa tamang panahon.
Nag-aayos na siya ng mga gamit niya ng may marinig
siyang katok sa kanyang kwarto. Nang pagbuksan niya ang
kumakatok, nakita niya ang nakangiting mukha ni Jason. Ang
lalaking walang kahirap hirap na nakuha ang puso niya.
"Good morning, Isha." Bati nito sa kanya. Pinilit niya
ngumiti para hindi nito mahalata na sobrang lungkot niya dahil
uuwi na siya.
"Morning too Jason." Nakangiting sabi niya rin sa binata
pagkabukas niya rito ng pinto.
"Already done packing your things?" tanong nito ng
makita ang mga nakakalat na gamit niya sa kama. Bumuntong
hininga muna siya bago nagsalita. "Oo. Uuwi na ako sa Manila
mamaya. Thank you for making my stay here super enjoyable."
Sabi niya at hinalikan ito sa pisngi. Tumango naman ito at
niyakap siya. "Mag-iingat ka palagi sa Manila. I'll see you soon."
Sabi nito at iniwan na siya. Hindi niya maintindihan ang ibig
nitong sabihin. Binaliwala na lang niya iyon at nagpatuloy sa pag
aayos ng mga gamit.
Nang makatapos siya ay tinawagan niya ang kanyang
mga magulang para sabihing uuwi na siya. Nakakailang ring pa
lang ay sinagot na iyon ng kanyang mama.
"Ma! Uuwi na ako bukas." Nakangiting sabi niya rito.
Narinig niya itong tumawa. "Mabuti naman at uuwi ka na.
Kamusta naman ang naging bakasyon mo?" tanong nito na may
halong pag aalala. "I'm good. Sobrang nag enjoy ako." Sabi niya
at naramdaman niyang biglang tumahimik ang kanyang ina.
"May problema ba, Ma?" tanong niya rito. Ang tagal bago
sumagot ng magulang niya kaya inulit niya ang tanong. Maya-
maya pa ay sumagot na ito. "Nag-punta rito si Aljon at humingi
ng tawad dahil sa ginawa niya noong araw ng kasal niyo."
Mahinahong sabi ng mama niya. Napangiti naman siya kasi wala
na siyang nararamdamang kahit anong galit at hinanakit para sa
binata. Sa pagkakaalam nga niya, napatawad na niya ito.
Kailangan na lang niya itong makausap ng harapan para matapos
na ang yugto ng buhay niya kasama ito. Para makapagsimula na
siyang muli sa bagong buhay niya na ang kasama ay si Jason.
She's really inlove with Jason. She wanted to be with
him always. Kung hindi lang niya kailangang umuwi para
tapusin ang sa kanila ni Aljon, mag stay pa siya ng matagal rito.
Pero alam niyang may mga bagay na hindi niya talaga
matatakasan kaya naman ipinasya na niyang tapusin na iyon
hanggang maaga. She made a promise to herself to come back
here as soon as possible.
"Ma, I am fine. Kinalimutan ko na ang mga nangyari.In
fact, I decided to go back there in Manila so me and Aljon can
talk." Nakangiting sabi niya sa ina. Mukhang nakahinga ito ng
maluwag dahil sa narinig na pag hinga nito. "Are you really sure
about that anak?" tanong pa rin nito na parang hindi
makapaniwalang okay na okay na siya. "Yes Ma. I am perfectly
fine. See you tomorrow Mom." Iyon lang at nagpaalam na siya sa
ina. Matapos makipag usap, inilibot niya ang mata sa kabuuan ng
kwarto. Ito ang naging sandigan niya noong mga panahong
kailangan niya makapag isip. Sumilip siya sa bintana ng kanyang
kwarto at pinagmasdan ang buong kapaligiran ng resort sa
huling sandali. Ang resort na ito ang naging tahanan niya ng
mahigit isang buwan. Ang tahanan kung saan niya napaghilom
ang kanyang sugatang puso at kung saan siya nakaranas ng
panibagong pagibig sa katauhan ni Jason.
Mamimiss niya ang lugar na iyon. Mamimiss niya ang
mga araw at oras na palagi silang magkasama ni Jason pero
panghahawakan niya ang pagmamahal ni Jason sa kanya.
Panghahawakan niya ang mga salitang binitiwan nito kanina.
That's the only hope she has for now.
Nagpaalam na siya sa mga staff ng resort maging kina
Gio at Jenie. Gusto sana niyang magpaalam kay Jason pero hindi
na niya nakita pa ang binata.
"Are you looking for him?" tanong ni Gio ng mapansin
siyang hindi mapakali sa lobby ng resort.
"Yes. Have you seen him?" tanong niyang puno ng
pagasa. Gusto niyang makita ito sa huling sandali bago man lang
siya tumulak pabalik ng Manila. Hindi siya sinagot ni Gio at may
ibinigay lang sa kanyang isang envelope. Nang tingnan niya ang
laman ng envelope, nakita niya ang pictures nila ni Jason sa yate
maging sa pamamasyal nila sa buong resort. May nakita rin
siyang dedication letter sa likod ng picture.
Dearest Isha,
I'm so sorry for not being able to be with you on your last
day here at the resort. God knows how much I really wanted to be
with you but I need to attend to some important matters in Manila.
So I guess I will just see you there. Please do take care of yourself
since I can't do it now.
Love,
Jason Fedrick Arrellano
Napaluha siya ng makita ang nakasulat doon. Hindi
naman pala talaga siya tuluyang iniwan ni Jason. Naalala pa din
siya nito kahit na nga iyon na ang huling araw niya sa Resort.
Matapos punasan ang luha ay nakangiting nagpaalam na siya sa
mga staff ng resort.
"Ingat ka Isha. Ihahatid ka na ng shuttle service
hanggang sa Davao." Sabi ni Gio sa kanya at nakita niyang may
Van na sa tapat ng entrance ng resort.
"Naku, huwag na Gio. Nakakahiya naman. Mag
cocommute na lang ako. May bus naman pabalik ng Davao diba?"
nahihiyang sabi niya. Nakilala niya si Gio nung ipaghanda siya
nito ng lunch dahil bilin ni Jason. Mula noon, naging close na sila
ng binata maging si Jennie na muntikan na niyang pagselosan.
"Magagalit si Jason kapag nalaman niyang hindi ka
namin ipinahatid hanggang sa Davao. Kami naman ang
malilintakin sa kanya." Sabi naman ni Jennie. Wala na siyang
nagawa kaya sumunod na lang siya. Pagkasakay niya sa Van na
maghahatid sa kanya sa Davao, nakaramdam siya ng lungkot.
Hindi man lang niya nakita si Jason bago siya umalis. Dala ang
envelope na naglalaman ng mga pictures nilang dalawa ng
binata, tuluyan nang napawi ang kalungkutang nararamdaman
niya. Alam niya sa puso niya na magkakasama rin sila ni Jason.
Kailangan lang nilang mag-hintay ng tamang panahon.
Pasado alas sais ng gabi ng makarating siya sa Davao
Airport. Sakto lang para sa flight niya ng alas nuebe ng gabi
pabalik ng Manila. Nagpasalamat siya sa driver na naghatid sa
kanya mula sa Resort hanggang sa Davao Airport. Ngumiti
naman ito sa kanya bago umalis na.
Tumuloy na siya sa loob ng Airport para mag check in
bago kumain dahil mag hahapunan na rin naman. Matapos ang
check in, nagtungo siya sa isa sa mga café na nasa loob ng
Airport. Hindi siya ganoon ka excited umuwi dahil hindi niya
makikita ang binata. Namimiss na niya si Jason hindi pa man siya
nakakatuntong ng Manila. She wanted to see him. She wanted to
hug him so tight.
Nagpasya siyang tapusin na ang pagkain dahil balak
niyang makapagpahinga pa ng husto sa may boarding area ng
may mapansin siyang pamilyar na bulto ng katawan na papasok
ng boarding area. Hindi siya pwedeng magkamali. She saw Jason.
Her Jason. Akmang hahabulin na sana niya ito pero nakita
niyang may lumapit ritong babae at niyakap ang baywang ng
binata. Hindi niya gustong mag isip ng kung ano pa man tungkol
sa binata dahil nagtitiwala siya rito. Pero hindi niya maiwasang
hindi makaramdam ng inggit at selos sa babaeng nakayakap kay
Jason.
Pinilit niyang kalmahin ang sarili at nagpatuloy sa
paglalakad papasok ng boarding area. Alam niyang may oras at
araw para makapag usap sila ni Jason at para makapagpaliwanag
ang binata sa kanya. Sa ngayon, ang kailangan niya munang
isipin ay kung paano niya haharapin ang mga taong basta na lang
niya iniwanan nung hindi matuloy ang kasal niya. Mahaba
habang paliwanagan ang mangyayari malamang pagbalik niya
ng Manila mamaya.
Nang makapasok na siya ng boarding area, agad siyang
nagtungo sa isang bakanteng upuan na malapit sa pintuan kung
saan siya magboboard mamaya. Ilang minuto pa ang hihintayin
niya bago tawagin ang kanyang flight kaya naman nagpatugtog
na lang siya ng kanta sa kanyang cellphone. Pero bago iyon,
nagawa pa muna niyang tawagan ang kanyang mga magulang
para sabihing uuwi na siya mamaya. Ilang minuto pa ang
hinintay ni Isha at tinawag na ang kanyang flight number.
Napabuntong hininga muna siya bago tumayo at pumila para
sumakay ng eroplano.
This is it. Tapos na ang bakasyon ko at kailangan ko na
bumalik sa realidad. Kailangan ko na tapusin ang mga naiwanan
kong gulo ng basta na lang ako umalis ng Maynila. Sabi ni Isha
habang naglalakad papasok sa loob ng eroplano.
Tinulugan lang ni Isha ang buong biyahe niya at
nagising na lang siya masagi siya ng katabi niya sa eroplano.
Nang tingnan niya ang bintana, malapit na siya sa Manila. Ilang
minuto pa at lumapag na rin ang eroplanong sinasakyan niya sa
runway ng Manila Airport.
She's really back in reality. Nandito na talaga siya sa
Manila at tapos na ang kanyang mahabang bakasyon. Nang
makalabas na ng airport, nakita niya ang kanyang ina na
naghihintay sa may departure area. Agad siyang niyakap nito
pagkakita sa kanya.
"Isha! God! Hindi mo alam kung gaano na kami nag
aalala sa iyo. Buti naman at natapos na rin ang pagbabakasyon
mo. How are you? Hindi ka ba napahamak anak?" tinitigan siya
ng kanyang ina na para bang inaalam kung wala bang
nangyaring masama sa kanya habang nasa bakasyon siya.
Natatawa naman siyang niyakap ang ina. "I miss you, Mom. Okay
lang ako. Super nag enjoy ako sa bakasyon ko." Sabi niya habang
niyaya na ang ina na lumabas ng airport. Nang makarating sa
parking lot, she was surprised to see her brother with his wife
and kids.
"Kuya Frank! What brings you here? And you're with
the kids!" agad niyang pinupog ng halik ang mga pamangkin.
"Tita! We're not kids anymore!" maktol na sabi ni Cleo. Hindi na
nga naman mga bata ang mga pamangkin niya. Cleo is 9 years old
and Tricia is turning 7 next month. Natatawa naman siyang
sinagot si Cleo. "Sorry baby. But for me, you're still kids. Are you
still giving your mom and dad a headache?" tanong niya matapos
umupo sa tabi ng mga ito sa likod ng Van.
"Hay naku Isha, hindi lang headache ang ibinibigay ng
dalawang iyan sa amin ng kuya mo. Migraine na nga minsan.
Lalo na si Cleo. Ang daming manliligaw.Halos walang tigil ang
pag ring ng telepono sa bahay." Naiiling na sabi naman ni Jana.
Ang asawa ng kuya Frank niya. They met in France when her
brother decided to study and work there. Tinitigan niya si Cleo at
nakasimangot naman ang dalagita. "Is that true?" sabi naman
niya at bumaling ang tingin sa kanyang kuya Frank. Umiling lang
ang kuya Frank niya at ipinagpatuloy na ang pagtulog.
"Kailan kayo dumating? Bakit hindi ko manlang
nabalitaan? Eh di sana umuwi na ako agad." Sabi niya na
nakatingin sa ate Jana niya. Hindi niya alam pero bigla siyang
kinabahan ng ibahin ng kanyang Ina ang usapan. Nangamusta ito
tungkol sa school ng mga apo at kung saan-saan na napunta ang
usapan pero hindi na nasagot ang tanong niya. Hinayaan na lang
niya at nagpasya siyang matulog muna. Malayo layo pa naman
ang biyahe nila dahil medyo traffic na.
Naalimpungatan si Isha nang gisingin siya ni Tricia.
"Tita, we're here. Get up and get your things." Sabi nito at
bumaba na ng sasakyan. Hindi na niya namalayang nakatulog na
pala siya ng mahaba haba. Sobrang pagod kasi talaga siya sa
biyahe kaya naman hindi na niya napigilan ang antok.
Agad niyang kinuha ang gamit at nagtungo sa kanyang
silid. Gustong gusto pa niya matulog pero nagulat siya ng
pagdating sa sala ay nandoon si Lanie.
"Bessie!" tawag nito sa kanya at niyakap siya ng
mahigpit. Nawala ang antok niya pagkakita niya sa kaibigan.
"Lanieeee!" sigaw din niya habang mahigpit na niyakap ang
kaibigan. Namiss niya ang babae lalo na at ang tagal nilang hindi
nagkita.
"Marami kang kailangang ikwento sa akin. Bigla ka na
lang kasi nawala eh. Nakakatampo ka." Sabi ni Lanie sa kanya.
Tumawa naman siya at niyakag ang kaibigan umakyat sa
kanyang kwarto.
"Tara bessie sa kwarto. Doon na tayo magkwentuhan."
Agad niyang hinila ang kanyang kaibigan paakyat ng kanyang
silid. Nang makarating sila doon, agad siyang nahiga sa kanyang
kama. She miss her room. She miss her teddy and most
especially, she miss her pillow.
"Bes, kamusta ka na?" tanong agad niya kay Lanie.
Umiling muna si Lanie bago sagutin ang tanong niya. "Hindi ba
dapat, ako ang nagtatanong niyan sa iyo?" balik tanong naman ni
Lanie sa kanya. "I am good.I still be able to manage and got back
home in one piece." Sabi naman niya habang inaayos ang
kanyang mga dalang gamit.
"Yun totoo? Saang lupalop ka ng bansa nagtago ng
mahigit isang buwan?" tanong ni Lanie sa kanya. Bumuntong
hininga muna siya dahil ayaw na sana niyang magkwento muna
ng mga nangyari sa kanya sa loob ng mahigit isang buwan pero
dahil kilala na niya si Lanie, hindi siya titigilan nito.
"Sa Mindanao." Maikling sagot niya habang kinukuha sa
maleta ang pasalubong para dito. Matapos ilabas ang isang native
bag and isang statement shirt, agad nitong kinuha iyon. "Thank
you sa pasalubong. Sige, I will let you pass this time. Pagbalik mo
ng trabaho, saka na lang kita uusisain. Sa ngayon, take a rest and
I know you badly needed it." Sabi nito at lumabas na ng kwarto
niya.
"Thank you Bes." Matapos sabihin iyon ay isinarado na
ni Lanie ang pinto ng kanyang kwarto. Now, she felt alone. She
felt miserable since she left. Hindi niya alam kung hanggang
kailan niya kakayaning magpanggap na okay lang siya sa harap
ng pamilya at mga kaibigan gayong hindi naman talaga siya
okay. She needed to see Jason. She missed him so much.
Pagka-alala sa binata, tumulo ang mga luhang kanina pa
niya pinipigilan sa Airport nang makita niya si Jason na may
kasamang ibang babae. Hindi nga siguro talaga sila ang
nakatadhana para sa isa't isa. Pinagtagpo lang sila ng tadhana
para may makuha siyang leksyon mula sa mga hindi magandang
pangyayari sa buhay niya. Ginawa lang siguro talagang
instrumento si Jason para marealize niyang marami pa siyang
magagandang bagay na kailangang iappreciate sa mundo. Na
hindi dahil sa iniwan siya ni Aljon nang araw mismo ng kasal
nila, ay magpapakamiserable na siya habang buhay.
Ipinasya niyang matulog na lang ulit dahil pagod na
pagod na ang isip at katawan niya ng mga oras na iyon. Naihanda
na niya ang sarili sa pagtulog ng biglang bumukas ang pinto ng
kanyang kwarto. Pumasok doon si Chloe at humiga sa tabi niya.
"Tita, I miss your room. I wanted to sleep here." Sabi
nito at kinuha ang tweety na unan niya at ang kanyang hello kitty
na blanket. Maya-maya pa ay napansin niyang tulog na ang
kanyang pamangkin. Hindi na rin naman siya nakatulog dahil
inukopa na ni Chloe ang kanyang kama kaya naman nagpasya na
lang siyang bumaba sa sala.
Pagkababa niya, nakita niya ang kanyang mga
magulang na masayang nakikipagkwentuhan sa kanyang kuya at
sa asawa nito. Nang mapansin siya ng mga ito sa may hagdanan,
sinenyasan siya ng kanyang ate Jana na sumali sa kanila.
"Kamusta naman ang pagbabakasyon mo ng mahigit
isang buwan?" tanong ng kuya niya ng makaupo siya sa may
katapat na upuan nito. Ngumiti naman siya bago sumagot. "Okay
naman. Sobrang saya. Nag enjoy ako sa mga napuntahan kong
lugar." Sabi ni Isha na pinapakiramdaman ang magiging
reaksyon ng mga kasama. Nakita niyang nagkatinginan ang
kanyang ama at ina maging ang mag asawa.
"Mukha ngang masaya ka anak. Kasi noong umalis ka
dito last month, halos hindi ka namin nakikitang ngumingiti. But
now, look at you, you look different." Sabi ng kanyang ina na
pinagmasdan siya maigi. "Ma, walang nagbago sa akin. Ako pa
rin ang dating Isha kaya huwag mo akong titigan ng ganyan."
Sabi niyang iiling-iling. Hindi na niya maintindihan kung bakit
parang kakaiba ang ikinikilos ng kanyang mga kamag anak.
Unang una na ang biglaang paguwi ng mag asawa at kasama pa
ang kanyang mga pamangkin. Pangalawa, ang pagiging
observant ng kanyang mga magulang at pangatlo, ang panay na
pagtatanong ng mga kakilala niya at kaibigan kung kamusta ang
bakasyon niya.
May hindi ba siya alam? May nangyari ba habang wala
siya? Gustong gusto niyang magtanong pero natatakot naman
siyang malaman ang sagot.
"Okay ka na ba talaga Isha?" tanong naman ng kanyang
kuya sa kanya. Napabuntong hininga siya bago sagutin ang
tanong nito. "Yes Kuya. Okay na okay ako. Hindi niyo kailangang
mag alala para sa akin dahilI'm better now." Sabi niya at ngumit
ng pagkatamis tamis. Matapos sabihin sa pamilya na okay lang
siya, nagtungo siya sa kusina para kumuha ng makakain. Nang
lingunin niya ang kanyang pamilya, nakita niyang parang may
pinag uusapan ang mga itong mahalaga. Hindi na niya pinansin
ang mga ito dahil gutom na talaga siya.
Kinabukasan, maagang pumasok sa Flavours si Isha
dahil alam niyang tambak na ang trabahong iniwanan niya kay
Lanie. Nang makarating siya sa Main ng Flavours, binati agad
siya ng kanyang mga empleyado.
"Good morning Ma'am." Sabi ng mga ito na nakangiti pa
sa kanya. Iba ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon. Parang
may nagbago sa Flavours. O dahil matagal lang talaga siyang
nawala? Hindi na niya pinansin iyon at nagtungo na sa opisina.
Nakita niya si Lanie na abala sa pag checheck ng
inventory ng agawin niya ang pansin nito.
"Good morning!" masayang bati niya rito. Tinitigan lang
siya nito at bumalik na sa ginagawa. "Anong problema?" tanong
niya at tinignan kung anong ginagawa nito. Agad naman nitong
itinago ang ginagawa nito. "Wala namang problema. Okay
naman ang takbo ng Flavours." Sabi nito at hinarap siya.
"Eh anong ginagawa mo?" tanong niya at pilit kinukuha
kay Lanie ang papel na hawak. "It's not important, Bes.
Magtrabaho na tayo at marami ka pang pipirmahang papeles." At
sabay abot sa kanya ng mga papeles na iniwanan niya noong
bigla na lang siyang nagbakasyon.
"Okay. Sabi mo eh." Sabi niya at nagsimula nang
magtrabaho. Abala na siya sa pagtratrabaho ng bigla na lang
siyang katukin ng isa sa mga empleyado niya.
"Anong problema?" tanong niya matapos itong pumasok
sa loob ng opisina niya. Hindi ito mapakali kaya naman tinanong
niya ulit ito. Maya-maya pa ay nagsalita na si Corrine.
"Ma'am may naghahanap kasi sa inyo sa labas. Gusto
raw niya magreklamo sa inorder niyang Smoothie." Naiiyak na
sabi ni Corrine sa kanya. Napabuntong hininga siya bago inayos
ang sarili at lumabas ng opisina.Ito ang isa sa mga araw na ayaw
niya kapag nasa Flavours siya. Ang mga customers na
nagrereklamo pero nakakatuwa din malaman ang opinyon ng
mga ito para sa ikauunlad ng kanyang negosyo.
Tinanong niya si Corrine kung sino sa mga customers na
nandoon ngayon ang may kailangan sa kanya. Itinuro naman ni
Corrine ang babaeng nakatalikod sa kanila. Hinanda na niya ang
kanyang magandang ngiti para magulat lang sa nakita. Ito ang
babaeng yumakap kay Jason sa Airport. She wondered what she
was doing here. Wala na sana siyang balak harapin pa ang dalaga
pero alam niyang customer ito.
"Hi! May problema po ba?" nakangiting sabi niya ng
makaharap ito. Nakita niyang tinignan muna siya nito mula ulo
hanggang paa pabalik bago nagsalita.
"Are you Isha Romano?" tanong nito ng direkta.
Tumango naman siya bilang pagsagot dito. "Well, I have
something to tell you. In private." At hinila nito ang kamay niya
para sumabay rito palabas ng Flavours. Nang makarating sila sa
parking lot, hindi na siya nakatiis kaya naman nagsalita na siya.
"Miss, ano ba ang gusto mong sabihin? Kasi masyado akong busy
ngayong araw na ito. Kung wala ka namang reklamo sa smoothie
na inorder mo, bakit kailangan mo pang ipatawag ang manager?"
mataray na tanong niya rito. Magsasalita sana ang babae pero
may biglang nagsalita sa likod nito.
"Ako ang talagang nagpatawag sa iyo." Nakangiting sabi
ni Jason sa kanya. He's here infront of her. Kung nananaginip
lang siya, ayaw na niyang magising pa. "Jason.." iyon lang ang
tanging nasambit niya at tinakbo niya ito ng yakap.